Share

Chapter 3

Penulis: Luffytaro
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-25 08:23:04

NATIGILAN SIYA ng ilang segundo dahil sa binitawang salita nito at hindi niya maiwasang isipin na baka alam nito ang tungkol sa itinatago niyang damdamin para rito. Tumitig siya sa mga mata nito. “Alam ko na hindi ako karapat-dapat para sayo at katulad ng sabi ko ay alam ko ang lugar ko kaya wala kang dapat ipag-alala.” sabi niya at pilit na pinigilan ang sakit na unti-unting bumabalot sa pagkatao niya. 

Tumaas ang sulok ng labi nito. “Mabuti naman kung ganun. Huwag kang tumulad sa nanay mong malandi.” sabi nito na bakas sa tono ng boses ang pagkamuhi.

Palagi na lamang niyang naririnig ang pang-aalipusta sa kanyang ina at ang pagtapak sa katauhan nito ngunit sa puntong iyon ay hindi na niya nagawa pang magtimpi. “Ano bang problema sa nanay ko? Pumanaw na siya’t lahat lahat pero ganyan pa rin ang tingin mo sa kaniya? Bakit mo ba siya pinagbibintangan sa bagay na hindi niya naman ginawa?” tanong niya rito bigla. Sobrang nasasaktan siya kapag naririnig niya ang masasakit na salita patungkol sa kanyang ina. Alam niyang mali ang mga sinasabi ng mga ito dahil kilala niya ang kanyang ina.

Nakita niya ang paggalaw ng mga mata nito. Ilang sandali pa ay umalis ito sa harap niya at bumalik ito sa kinauupuan nito kanina na walang binitawang salita. Nang mga oras na iyon hindi niya alam ngunit nangingilid na pala ang kanyang mga luha at pabagsak na ang mga ito sa kanyang pisngi. Hindi niya tuloy maiwasang hindi magalit sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay napakahina niya. Napakababaw ng luha niya.

“Pwede ba, huwag kang umiyak sa harap ko dahil nakakairita ka.” biglang sabi ni Lawrence pagkalipas ng ilang sandali.

Hindi niya napigilang mapalingon dito. “Ganyan ba talaga katindi ang pagkamuhi mo sa akin para kahit pag-iyak ko ay ayaw mong makita?” puno ng hinanakit na tanong niya.

“Oo.” diretsa namang sagot nito na halos ikasikip ng dibdib niya. Ano pa ba naman sana ang aasahan niya rito? Alam niyang ganun nga ang magiging sagot nito ngunit nagtanong pa rin siya. Habang nakatitig siya sa mukha nito ay pauulit-ulit niyang sinasabi sa isip niya na dapat ay itigil na niya ang kahibangan niya pero hindi niya magawa.

Biglang may kumatok sa pinto, kasunod nito ay bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang isang seksing babae na may matamis na ngiti. Naglakad ito patungo kay Lawrence at kumandong ng walang habas dito. Ilang sandali pa ay bigla na lamang itong yumuko at ginawaran ng halik si Lawrence sa labi at sa leeg nito kasabay ng paghaplos nito sa likod at ang sadyang pagkiskis nito sa halos hubad ng dibdib nito sa katawan ni Lawrence. “Na-miss kita ng sobra…” malambing na usal nito pagkalipas ng ilang sandali.

Nakita niya ang pagsulyap sa kaniya ni Lawrence sa hindi magandang paraan bago nito tuluyang binuhat ang babae at inilapag sa ibabaw ng kama. Habang nakatingin sa eksenang iyon sa kanyang harapan ay agad na napakuyom ang kamay niya. Parang libo-libong kutsilyo ang tumurok sa dibdib niya. 

Parang hindi siya nakikita ng mga ito habang naghaharutan sa harapan niya. “Lalabas na muna ako.” sabi niya dahil hindi niya masikmura ang ginagawa ng mga ito sa harap niya. Pagkatayo niya ay narinig niya ang tinig ni Lawrence.

“Diyan ka lang.” mariing utos nito sa matigas na tinig. Nang lingunin niya ito ay matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.

“May kasama ka pala.” sabi ng babae at umakto na para bang ngayon lang siya nito napansin samantalang nilampasan siya nito kanina. Alam niyang nagkukunwari lang ito.

“Kung ano man ang gusto niyong gawin ay gawin niyo lang, pero ayokong makita o panoorin kayo.” sabi niya at muling tumalikod na. Handa na sana siyang umalis.

“Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ay diyan ka lang.” sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman niyang narinig ang tinig nito dahilan para muli siyang mapatingin dito at saydang naguguluhan. Ayaw nitong umalis siya, e anong gusto nito? Panoorin niya ang mga ito sa gagawin ng mga ito?

Ang tingin nito sa kaniya ay nakakatakot na para bang sinasabi nito na subukan lang niyang suwayin ito ay tiyak na may kalalagyan siya. Dahil sa kawalan niya ng magawa, sa halip na lumabas ay naglakad na lang siya patungo sa banyo para doon magkulong kesa ang panoorin niya ang mga ito sa ginagawa nila.

Pagkapasok niya sa loob ay kaagad na siyang umupo sa may bowl at pinunasan ang luhang bumagsak sa kanyang mga pisngi. “Bakit ka ba umiiyak?” pagalit na tanong niya sa kanyang sarili. Napakagat-labi siya pagkatapos dahil pilit na sinusupil ang kanyang hikbi. Durog na durog ang puso niya ng mga oras na iyon. Mukhang sinasadya ni Lawrence na makita niya ang ganoong tagpo para makita niya at…

Hindi pa man siya nagtatagal sa loob ng banyo ay nakarinig na siya ng sunod-sunod na katok sa pinto ng banyo na ikinagulat niya. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang mga luha para hindi nito makita na umiyak siya. Ilang sandali pa nga ay binuksan niya ang pinto na para bang walang nangyari. 

Pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya si Lawrence na nakatayo sa kanyang harapan. “Umuwi na tayo.” malamig na sabi nito.

Nang igala niyang muli ang kanyang paningin sa loob ng silid ay nakita niyang wala na ang babae doon kanina. “Nasaan na ang babaeng kasama—” hindi pa man niya natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla na lamang siya nitong pinutol.

“Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan na pakialaman ang mga affair ko?” tanong nito sa kaniya at sa tanong nito ay para siyang sinampal ng paulit-ulit.

Agad niyang iniyuko ang kanyang ulo at napakagat-labi na lamang. “Sorry…” sabi na lamang niya dahil wala naman talaga siyang karapatan, bakit kasi siya nakikialam.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Prologue

    “Wala ka ba talagang balak sabihin sa pamilya mo Miri na nakauwi ka na?” tanong ng kaibigan sa kaniya.Agad naman na nagsalubong ang kilay niya nang marinig niya ang sinabi nito. “Bakit sana? Sila nga gumagawa ng desisyon na hindi man lang ako tinatanong kung gusto ko ba.” inis na sagot niya sa kaibigan niya.“Pero kahit na. Kailangan mong sabihin sa kanila dahil panigurado kapag nalaman nila, lalong-lalo na ng Kuya mo ay baka kung ano ang gawin niya sayo.” concern naman na sabi pa nito sa kaniya.Bumuntong hininga na lang siya at pagkatapos ay dali-daling tumayo mula sa kanyang kinauupuan. “Aalis ako, lalabas. Gusto mo bang sumama na lang sa akin kaysa magngangawa ka diyan?”Napailing na lang ito. “Napakatigas talaga ng ulo mo Miri.” sabi pa nito.Hindi na lang siya nagsalita. Siya nga pala si Mirabella, Miri for short o sa mga taong malapit sa kaniya ay iyon ang tawag sa kaniya. Well, kakauwi niya lang galing sa Canada pagkatapos niyang grumaduate. Pagkatapos niyang grumaduate ay ag

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK 2

    BLURBADAMSON EZEKIEL “ADAM” GRAYANPaano kung ang planong pakikipaglaro sa kapatid ng taong kaaway nila ay maging makatotohanan? Paano kung mahulog siya rito ng hindi niya nalalaman? Maipagpatuloy niya kaya ang una niyang plano na gamitin ito para saktan ang kapatid nito?Hanggang saan siya dadalhin ng plano niya? Magtagumpay kaya siya o uunahin niyang paganahin ang puso niya at isasantabi ang unang plano niya? O mababaliktad ang lahat at siya ang paiikutin sa palad nito?

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 178 (WAKAS)

    HINDI na nagdalawang isip pa na buksan ni Asha ang pinto, iyon na pala ang rooftop ng hotel. Halos hindi siya makagalaw ng makita niya ang nasa kanyang harapan at pakiramdam niya ay para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Napakaraming bulaklak na napapalamutian ng naggagandahang ilaw. Mula sa kanyang kinatatayuan ay isang red carpet ang nakalatag.Sa isang banda ay may violin na nang eksaktong buksan niya ang pinto ay nag-umpisang tumugtog ng napakalamyos na musika. Angkop na angkop sa napaka romantikong kapaligiran. Sa gitna ay may mesang nakahanda.Agad na nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay nakita niya si Lawrence sa harapan niya at marahil sa matinding pagkagulat ay hindi na niya alam pa kung saan ito nanggaling. May dala itong napakalaking bouquet ng bulaklak. Ilang sandali pa ay tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig. Ang sabi nito ay hindi pa tapos ang inaasikaso nito sa opisina. Sumama pa naman ang loob niya pagkat

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 177

    MAKALIPAS ang isang oras ay naroon pa rin siya sa sofa at nakaupo. Hindi pa rin siya gumagalaw. Kinakain siya ng napakaraming what ifs at parang tanga na nag-iimagine ng kung ano-ano. Ilang sandali pa ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya dahilan para mahila siya mula sa mga kung anong iniisip niya. Nang pulutin niya ito ay nakita niya na si Lawrence pala ang tumatawag kaya mabilis niyang sinagot ang tawag. “Anong problema? Tapos na ba ang kailangan mong gawin?” tanong niya kaagad dito.“Gusto mo bang puntahan ako? Baka kasi gabihin ako e.” sabi nito sa kaniya.Bigla siyang nalungkot. “Kung gagabihin ka rin naman pala ay uuwi na lang ako. Okay lang ba sayo?” tanong niya rito.“Tinatanong kita kung gusto mo ba akong puntahan ngayon.” muling sabi nito sa kaniya dahilan para mapapikit siya ng mariin.“Hindi na. Inaantok na rin naman ako.” sabi niya rito. Nagsinungaling na lang siya dahil ang totoo ay nadismaya na siya. Siguro ay talagang sa ibang pagkakataon na lang sila magkakasam

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 176

    DAHIL nga may mga damit pa naman siyang naiwan sa condo ni Lawrence ay hindi na kinailangan pa ni Asha na umuwi para lang magbihis. Isa pa, alam din naman ng Daddy ni Lawrence na doon siya natutulog paminsan-minsan at hindi naman ito nagagalit. Idagdag pa na mas natutuwa pa nga ito at palaging sinasabi na gusto na nitong magkaapo.Naglinis lang siya ng katawan niya sandali at pagkatapos ay nagbihis na at habang nasa harap ng salamin ay bigla na lang lumapit si Lawrence sa kaniya at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Ipinatong nito ang baba sa kanyang balikat at pagkatapos ay hinalikan siya nito doon. “Asha…” mahinang tawag nito sa pangalan niya.“Hmm?” kaswal na sagot niya naman haban nakatingin dito sa salamin.“Sobrang namiss talaga kita, alam mo ba yun?” mahinang tanong nito sa kaniya.Natawa na lang siya. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Isa pa, bitawan mo nga ako. Akala ko ba ay aalis tayo?” tanong niya rito at pilit itong itinutulak ngunit hindi siya nito binitawan.“Miss na miss

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 175

    APAT na buwan ang mabilis na lumipas. Dahil na nga rin naging busy si Asha sa kanyang pag-aaral ay hindi na nila napag-usapan pa ni Lawrence ang tungkol sa kanilang relasyon lalo pa at naging busy din naman si Lawrence sa mga trabaho nito. Ang totoo nga ay halos isa o dalawang beses na lang sila magkita sa isang linggo at kung minsan ay hindi pa sila nagkikita. Nag-uusap naman sila sa cellphone kahit papano.Hindi na rin siya napilit nito na sa mansyon o sa condo nito siya tumira dahil mas pinili niyang sa sarili niya na lang condo pumirmi dahi mas malapit din naman talaga iyon sa university. Malapit na rin naman ang kanilang graduation, sigurado siya na kapag naka-graduate na siya ng tuluyan ay pipilitin na siya ni Lawrence na tumira sa condo nito.Sa nakalipas na mga linggo ay naging hectic pareho ang schedule nila at napag-usapan nila na susunduin siya nito sa university paglabas niya. Isa pa, palagi rin itong umaalis ng bansa para asikasuhin ang ilang mga bagay.Paglabas niya pa l

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status