LOGINSA BUONG BYAHE nila pauwi ay wala silang imikang dalawa. Nang pumarada ang sasakyan sa harap ng mansyon ay wala pa rin itong sinabi. Hindi rin siya nagsalita at dali-dali lang na bumaba. Pagkasara niya ng pinto ay bigla na lamang itong humarurot palayo. Hindi niya alam kung saan ito pupunta dahil hindi naman ito nagsalita at bigla na lang umalis.
Pagpasok niya sa loob ng mansyon ay agad siyang sinalubong ni Don Lucio at tinanong. “Saan na naman pupunta ang magaling kong anak at ni hindi man lang siya bumaba ng kotse niya?” tanong nito sa kaniya. Yumuko lang siya. “Hindi ko po alam, hindi po siya nagsabi kung saan siya pupunta.” magalang na sabi niya rito. Napatampal naman ito bigla sa noo nito marahil sa matinding stress. “Napakatigas talaga ng ulo ng batang iyon. Kailan niya ba balak tumino?” tanong nito at pailing-iling pa. “O siya hija, alam kong pagod ka sa pag-aaral. Magpahinga ka na muna.” sabi nito sa kaniya na ikinatango niya naman. “Maraming salamat po.” sabi niya at pagkatapos ay nagmamadaling nagtungo sa likod ng mansyon kung saan ay may maliit na silid na isang storage room noon. Sa katunayan ay ilang beses na siyang pinilit ni Don Lucio na lumipat na sa mansyon para mas maging maganda ang silid niya ngunit paulit-ulit lang siyang tumanggi. Yung hindi pa nga siya doon nakatira ay galit na galit na sa kaniya si Lawrence paano pa kapag pumayag siya sa gusto ng ama nito? Baka isipin nito ay tinetake advantage niya ang kabaitan nito. Nagbihis lang siya at nagpahinga sandali bago bumalik sa mansyon upang tulungan ang mga kasambahay sa mga gawain ng mga ito. MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw at isang linggo na ang nakalipas noong ihatid siya ni Lawrence sa mansyon at simula noon ay hindi ito umuwi na labis na ikinainit ng ulo ng ama nito. Sabado noon ng umaga at wala siyang pasok, inutusan siya ni Don Lucio na puntahan ang condo nito. Madalas na ganito ang ginawa ni Lawrence, marahil ay dahil na rin sa ayaw siya nitong makita dahil surang-sura ito sa kanyang pagmukha. Kahit na ayaw niya sana na puntahan ito dahil alam niya na allergic ito sa kanyang mukha ay wala na lang din siyang nagawa kundi ang sundin ang utos ng ama nito. Nagpahatid lang siya sa driver kung at hindi naman nagtagal ay nakarating na rin siya sa wakas sa condo nito. Pagdating niya sa pinto ay agad niyang inilabas mula sa kanyang bag ang dala niyang key card na ibinigay sa kaniya ni Don Lucio para in-case na wala ito doon ay makapasok pa rin siya. Pagpasok pa lang niya ay tumambad na sa kaniya ang magulong sala, may mga damit na nakakalat at mga bote ng alak. Umaalingasaw din ang amoy ng alak sa buong condo dahilan para mapatakip siya bigla ng kanyang ilong. Napabuntong-hininga na lang siya pagkatapos ay inilibot ang paningin sa loob ng condo bago siya nagsimulang maglinis. Habang abala sa paglilinis ay hindi niya maiwasang isipin na bakit hindi na lang kumuha ng tagalinis si Lawrence lalo pa at medyo malaki naman ito. Halos isang oras din siyang naglinis bago siya natapos sa sala. Tiyak na kung magulo sa sala ay mas magulo namana sa kwarto. Ilang sandali pa ay tinungo niya ang pinto ng silid at binuksan ito. Nakita niya ang tulog na tulog na si Lawrence sa kama kaya agad siyang lumapit dito. “Law—” nabitin ang kanyang sasabihin nang mapatitig siya sa mukha nito. Kapag tulog pala ito ay mukha itong mabait, idagdag pa na nakalitaw ang macho nitong katawan kaya hindi niya maiwasang hindi mapalunok ng wala sa oras. Naging mabilis din ang kanyang paghinga ng mga mga oras na iyon na para bang sasabog ito. Hindi niya namalayan na bigla na lamang pala siyang lumapit sa kama at umupo sa tabi nito. Hinaplos niya ang mukha nito at natigilan siya nang bigla na lamang itong gumalaw kaya dali-dali niyang binawi ang kamay niya. “Lawrence, gumising ka…” sabi niya rito. Kinusot nito ang mga mata at namumungay ang mga mata nitong napatingin sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito sa mababang tinig. “Inutusan ako ng DAddy mo na puntahan ka rito.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na. “Teka, sino ka ba?” mahina pa ring tanong nito at mukhang hindi pa ito lubusang hindi nagigising dahil hindi siya nito nakilala kaagad. “Ako to si ASha.” sabi niya. Inaasahan na niya nang sa pagmulat ng mga mata nito ay maririnig niya ang masasakit na salita na sasabihin nito ngunit nang mga oras na iyon ay hindi ito nagsalita at tumitig lang sa kaniya. Ilang segundo pa ang lumipas at nagulat siya nang bigla na lamang siyang abutin nito at biglang idiniin siya nito sa kama na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng puso niya, sa ginawa nito ay mas bumilis pa ito lalo. Ang tanging nagawa niya ay ang lumunok ng sunod-sunod habang kinakabahan. “La-Lawrence…” nanginginig ang tinig na sabi niya. “Tumahimik ka nga, sinabi ko ba na magsalita?!” aburidong tanong nito sa kaniya. Wala na lamang siyang nagawa kundi ang tumitig sa mukha nito ng wala sa oras. Kung gwapo ito kapag tulog ay mas gwapo na naman ito kapag gising pero mas mabait ito kapag tulog ito dahil hindi ito nagagalit sa kaniya. Habang nakatitig siya rito, hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla na lamang niyang hinaplos bigla ang pisngi nito. Kitang-kita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito. “Talagang kapag nakikita mo ako ay nagagalit ka, ganun ba talaga ako kamuhi-muhi sa paningin mo?” malungkot na tanong niya bigla rito. Sobrang sakit lang kasi para sa kaniya na wala naman siyang ginagawang masama rito ay galit na galit ito sa kaniya. “Mali pala. Kahit na anong gawin ko ay hindi na magbabago ang tingin mo sa akin hindi ba?” tanong niyang muli. Sa puntong iyon ay mas puno ng hinanakit at sama ng loob ang tinig niya. Hindi ito nagsalita sa halip ay mas lalo lang nagdilim ang mga mata. Mabilis itong umalis sa ibabaw niya. Para pagtakpan ang kanyang pagkapahiya ay mabilis siyang bumangon at nagsalita. “Pumunta ako rito sa utos ng Daddy mo.” sabi niya kaagad. “Hindi ba at sinabi ko na sayo noon na huwag na huwag ka ng pumunta dito? Pero pumunta ka pa rin talaga?” hindi makapaniwalang tanong nito na puno ng panunuya. “Inutusan nga ako ng DAddy mo at—” “Inutusan o dahil talagang gusto mo lang na pumunta dito?” putol nito sa kaniya. “Pumunta ka rito para akitin ako hindi ba?” dagdag pa nito na dahilan para manlaki ang mga mata niya. Harap-harapan na naman siya nitong inaalipusta at pinararatangan. Umiling siya. “Nagkakamali ka. Hindi ako pupunta rito kung hindi dahil sa utos ng DAddy mo—” “Talaga? E bakit ka pumasok sa kwarto ko ng tulog ako at higit sa lahat ay bakit ka nasa tabi ko?” walang habas na tanong nito sa kaniya.AGAD na nanlaki ang mga mata ni Luke nang marinig niya ang sagot ni Adam. “What the hell is your answer?!” hindi makapaniwala itong napatingin sa kaniya at pagkatapos ay dinampot din ang kanyang baso at uminom. “Huwag na huwag mong susubukan Adam, hindi ko gusto ang pamilyang iyon.” malamig ang mga mata niyang sabi rito.Natawa lang muli si Adam dahil sa reaksyon ni Luke. “oo, don’t worry. Natutuwa lang talaga ako sa kapatid niya.” sagot niya rito.Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. “Pwede mo bang alamin kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ng mga shares sa kumpanya nila? Gusto ko kasing bumili ng shares sa kumpanyang iyon idagdag pa na balita ko ay medyo nagigipit sila ngayon.”Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit? Bakit ka bibili ng shares sa pabagsak nilang kumpanya?”Ngumiti siya. “Simple lang. Dahil interesado ako sa anak ng may ari.”“Adam! Naririnig mo ba ang sinasabi mo huh? Talaga bang matino pa ba yang utak mo o ano?” hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya
“So umuwi ka ng bansa ng hindi man lang sinasabi sa akin?” isang tinig ang nagmula sa kanyang likuran kaya awtomatiko siyang napalingon. Nakita niya ang kanyang kapatid na may malamig na mukha at papalapit sa kaniya.Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Kuya!” masayang bati niya rito at tatakbo na sana siya patungo rito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili nang makita niya ang mukha nito lalong lalo na ang mga mata nitong madilim na nakatingin sa kaniya.Sa bahay na iyon, tanging ito lang ang masasabi niyang ka-close niya pero nitong mga nakaraan ay medyo umilap na rin ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Pero noong mga bata naman sila ay sobra silang close, palibhasa ay sila lang ang palaging magkasama simula nang mamatay ang kanilang ina.Nakita niya ang pagtatagis nito ng bagang. “Makinig ka sa utos ni Daddy dahil para rin iyon sayo.” sabi nito sa kaniya.Biglang nanlamig ang kanyang buong katawan. Ang buong akala pa naman niya ay kakampihan siya nito para matakasan ni
KINABUKASAN, magkaharap kaming dalawa ni Vanessa sa sala nang makaalala na naman siyang magtanong. “Siya nga pala, hindi mo yata sinabi sa akin kung ano ang pinag-usapan nito kahapon ng lalaking iyon ah. Ano pa lang sabi niya? Papanagutan niya ba ang nangyari sa inyong dalawa?”Bigla siyang natawa dahil sa tanong nito ng wala sa oras. “Sa tingin mo ba talaga ay pananagutan niya ang ginawa niya?” puno ng panunuya niyang tanong. Kahit na hindi niya ito kilala personally ay alam niyang hindi ito ganung klaseng tao. “Hindi ko na iyon inaasahan pa na gagawin niya.” dagdag ko pa. Tyaka ang pag-usapan lang ang lalaking iyon ay naiinis na siya, ano pa kaya kung makita na naman niya ang pagmumukha nito.“Pero…” “Hayaan mo na.” mabilis kong putol sa anumang sasabihin niya pa. “Kung ano man ang nawala ay tatanggapin ko na lang dahil hindi ko naman na iyon maibabalik pa. Tyaka mas mainam na kalimutan na lang natin ang tungkol sa bagay na ito na para bang walang nangyari.” deklara niya. Ayaw na n
PAGKAALIS na pagkaalis niya sa hotel kung saan siya nagising ay agad siyang dumiretso sa condo ng kanyang kaibigan. Halatang-halata sa kanyang mukha na hindi siya okay at higit sa lahat ay medyo paika-ika rin ang kanyang paglalakad dahil sa sobrang kirot sa totoo lang. Pakiramdam pa nga niya ay lalagnatin siya.Puno ng pag-aalala ang mukha nito nang makita siya. “What the hell Miri where have you been last night? Tyaka bakit ganyan ang lakad mo?” magkasunod na tanong nito sa kaniya.Napabuntong hininga siya. “Pwede bang humingi ako sayo ng pabor?” tanong niya rito sa halip na sagutin ang mga tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Anong pabor?”“Gusto kong alamin mo ang mga bagay tungkol sa lalaking kasama ko kagabi.” sagot niya rito.Agad naman itong natigilan at pagkatapos ay hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. “Don’t tell me…” hindi na nito naituloy pa ang susunod na sasabihin dahil halos napaupo na ito sa sofa at napasapo sa noo. “Anong gin
HABANG nasa loob ng silid at nakatayo sa harapan ng kama ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa babaeng nasa harapan niya. Nakahiga sa kama na halos hubarin na ang suot na damit. Sa puntong iyon ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang kanyang cellphone. Iyon na ang tamang pagkakataon niya para kuhanan ito ng video. Nang mai-setup na niya ang cellphone niya at nag-umpisa na ang video ay dali-dali siyang lumapit sa may kama.“Naiinitan ka ba?” mahina at mababa ang tinig na tanong niya rito.Pikit na pikit ang mga mata nito habang naghahabol ng paghinga. “Oo…” sagot naman nito sa nahihirapang tinig.“Anong gusto mong gawin ko para mabawasan ang init na nararamdaman mo?” mapanuksong tanong niya at hinaplos ang paa nito pataas sa tuhod nito hanggang sa hita. Mahina itong napaung*l dahil sa kamay niya na kung saan ay mas lalo pa siyang napangiti. Umepekto na ang gamot na inilagay niya sa inumin nito kanina.Ang kamay nito ay nasa dibdib
Pasensya na po sa matagal na paghihintay ng update. Bukas po ang start ng update ng story ni Adam at Miri, salamat po ng marami







