Share

Chapter 2

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-02-25 08:22:23

HABANG NASA klase siya, biglang nagbigay ng task ang kanilang professor na kailangan daw nilang maghanap ng magiging partner nila para sa task na iyon. Hindi niya maiwasang ilibot ang kanyang paningin sa loob ng silid. Sa katunayan ay wala siyang malapit na kaibigan sa paaralan, saktong kakilala lang niya ang kanyang mga kaklase dahil hindi naman siya nangahas na makipag-kaibigan at wala din namang nanghas na kaibiganin siya.

Kaya ngayon na kailangan niya ng partner ay hindi niya maiwasang hindi isipin kung may gugustuhin bang maka-partner siya. Idagdag pa na mukhang siya na lang naman na ang natirang walang partner at kung mag-isa siyang gagawa ng task ay okay lang din naman sa kaniya. “Asha, gusto mo bang maka-partner ako?” tanong bigla sa kaniya ni Alice na katabi niya.

“Wala ka pa bang partner?”

“Meron na pero kung wala kang partner…” tumigil ito at pagkatapos ay nilingon ang nasa likod namin. “May partner ka na Nick?” tanong nito dahilan para lumingon din siya.

Umiling ito kaya ang ending ay silang dalawa ni Nick ang naging mag-partner para sa task na iyon. Pagkatapos nilang magkasundo ay nag-usap sila tungkol sa task at hindi niya namamalayan ang pagdaan ng oras at nang masulyapan niya ang kanyang relo ay agad-agad niyang inipon ang kanyang gamit sa kanyang mesa at nagmamadaling tumakbo palabas ng building nila.

Kahit na humihingal na siya ay hindi siya tumigil sa kanyang pagtakbo lalo pa at alam niyang susunduin siya ni Lawrence ngayon dahil wala pa rin ang driver. Tiyak na kapag na-late siya kahit na isang segundo lang ay katakot-takot na naman na mga salita ang maririnig niya mula sa bibig nito.

Eksaktong kalalabas niya lang ng gate nang marinig niya na may tumatawag sa pangalan niya kaya bigla siyang napahinto at tiningnan ito. Nakita niya si Nick na humahangos din papunta sa kaniya habang naghahabol ng hininga. “May problema ba?” kaagad niyang tanong dito.

Agad naman nitong inilahad ang kamay nito. “Naiwan mo ang cellphone mo.” sabi nito.

Bahagya siyang nagulat ng wala sa oras at pagkatapos ay dinampot ito. Eksakto naman na nakita niya sa screen ng kanyang cellphone ang number ni Lawrence at tumatawag na ito sa kaniya. “Salamat.” sabi niya rito na may bahagyang ngiti sa kanyang mga labi.

Tumango naman ito. “Kanina pa tumutunog yan nang maiwanan mo. mukhang nag-aalala na sayo ang boyfriend mo.” sabi nito sa kaniya.

“Ah, hindi nagkakamali ka. Wala akong boyfriend.” sabi niya rito at bahagyang umiling.

Napuno ng kaginhawaan ang mukha nito nang marinig ang sinabi niya at bakas sa mga mata nito ang saya. “Talaga? Totoo ba ang sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.

Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang sumagot nang bigla na lamang may bumusinang sasakyan sa likod niya dahilan para mapahawak siya sa kanyang dibdib sa labis na pagkagulat. Nang lingunin niya ito ay ang hindi maipinta na mukha ni Lawrence ang nakita niya kaya muli niyang binalingan si Nick ng wala sa oras. “Mauna na ako Nick. salamat.” sabi niya na lamang dito at pagkatapos ay nagmamadali na siyang naglakad patungo sa kotse.

Nang pumasok siya sa loob ay hindi na siya nangahas pa na tingnan ang mukha ng lalaking nakaupo sa driver seat ngg mga oras na iyon. “Napakatagal mo!” reklamo nito pagkasara niya ng pinto ng kotse dahilan para mapayuko na lamang siya.

“Pasensya na…” sabi na lamang niya at napakagat labi. Ilang sandali pa ay mabilis nahumarurot paalis doon ang mamahaling kotse at hindi na siya nagsalita pa. Tahimik na lamang siyang nagmasid sa mga daraanan nila.

Habang papalayo ng papalayo ang tinatakbo ng sasakyan ay doon na siya nagtaka dahil hindi naman iyon ang daan pauwi sa mansyon. “Saan tayo pupunta?” hindi niya maiwasang itanong dito pagkalipas ng ilang sandali.

“Pwede ba na itikom mo na lang yang bibig mo?! Nakakairitang marinig yang boses mo!” yamot na sabi nito sa kaniya kaagad.

Napalunok naman siya at nag-iwas ng tingin. “Kung may pupuntahan ka pa ay pwede mo na lang akong ibaba rito at mag-aabang na lang ako ng taxi pauwi.” suhestiyon niya rito at pagkatapos ay nilingon ito.

Ang matatalim naman na mga mata nito ay sumulyap sa kaniya na para bang isang matinding kasalanan ang sinabi niya. “Alam mo, kung hindi lang dahil sa utos ni Daddy na sunduin ka ay kanina pa kita pinalabas ng kotse ko! Kaya pwede ba, tumahimik ka na lang!” muling singhal nito sa kaniya.

“Pero—”

“Ano ba! Hindi ka ba marunong makaintindi talaga?!” galit na galit na sigaw nito na halos suntukin na ang manibela ng sasakyan.

Medyo mataas na rin ang boses nito at halatang yamot na yamot na ito sa kaniya. Ang tanging nagawa na lamang niya ay ang mapakagat-labi at mag-iwas ng tingin. Naramdaman niya ang matinding kirot na nagmumula sa kanyang puso dahil sa pagsigaw-sigaw nito sa kaniya na kahit na medyo sanay na siya ay hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan. Simula noong bata siya ay ni hindi pa siya nito kinausap ng maayos dahil palagi na lamang itong nakasigaw. Dahil sa nangyari ay hindi na siya nagsalita pa hanggang sa tumigil ang kotse sa isang luxury hotel.

Ang hotel na iyon ay pamilyar na sa kaniya dahil lang beses na rin siya nitong isinama doon. Casino talaga ang nasa loob nito at front lang ang hotel para hindi mahuli ang mga nagpapatakbo ng mga ito. Hate na hate niya ang mga lugar na tulad nito sa totoo lang.

Agad na bumaba ng sasakyan si Lawrence at hindi nagsalita. Dahil dito ay dali-dali rin naman siyang sumunod dito at halos tumakbo para lang makasabay sa mga hakbang nito. Pumasok ito sa loob at pagkatapos ay kumuha ng isang silid kung saan uminom ito. Samantalang siya ay tahimik lang na nakaupo sa isang gilid at nagmamasid dito. Hindi niya ibinuka ang kanyang bibig dahil baka mamaya ay magalit na naman ito bigla sa kaniya.

Ilang oras na ang nakalipas nang dumating sila doon ngunit wala pa rin itong balak na tumayo doon. Hindi sinasadyang mapatitig siya sa mukha nito at mapaisip kung darating kaya ang araw na magiging mabait ito sa kaniya o kaya ay magbago man lang ang pakikitungo nito sa kaniya.

“Anong tinitingin-tingin mo?” aburidong tanong nito sa kaniya bigla. Hindi  niya kasi namamalayan na napatagal na paa ang pagtitig niya sa mukha nito.

Nag-iwas siya ng tingin. “Wala.” kaswal na sagot niya.

“Wala?” may halong panunuyang tanong nito at sa isang iglap ay bigla na lamang tong tumayo mula sa kinauupuan nito at naglakad papunta sa kaniya. Dahil dito ay hindi niya maiwasang mapalunok at maging ang kanyang puso ay naging abnormal na ang pagtibok. Bigla na ring nataranta ang buong pagkatao niya. “Alam ko kung ano ang iniisip mo.” dagdag pa nitong sabi nang makatapat na ito ng tuluyan sa kaniya.

Mas lalo pa niyang iniiwas ang kanyang tingin ngunit sadyang malupit ito dahil mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na inilapit nito ang mukha nito sa kaniya dahilan para mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng sunod-sunod na paglunok.

“A-anong binabalak mong gawin?” nauutal na tanong niya rito.

Nagulat na lamang siya nang hawakan nito ang kanyang baba at bahagyang pinisil. Gumapang mula doon ang libo-libong kuryente mula sa kamay nito patungo sa kanyang balat. Pilit nitong hinihila ang kanyang baba upang magkasalubong ang kanilang mga mata at dahil ayaw niya ay mas humigpit pa ang pagkakadiin nito roon. “Aray… nasasaktan ako…” mahina niyang daing.

“Ano sa tingin mo ang gagawin ko?” muling tanong nito at mas hinigpitan pa ang hawak nito sa kanyang baba na ikinapikit na niya ng wala sa oras. Napilitan na siyang igalaw ang kanyang kamay upang tanggalin ang kamay nito ngunit sadyang mariin ang hawak nito kaya hindi ito umubra. Napangiwi na lamang siya sa sakit.

Wala na siyang nagawa pa kundi ang magmulat ng kanyang mga mata at salubingin na lamang ang mga mata nito. “Tandaan mo na hinding-hindi ko gugustuhing makipagtalik sa babaeng katulad mo kahit na ikaw na ang pinakahuling babae rito sa mundo.” mariing sabi nito habang nag-aapoy ang mga mata.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 5

    AGAD na nanlaki ang mga mata ni Luke nang marinig niya ang sagot ni Adam. “What the hell is your answer?!” hindi makapaniwala itong napatingin sa kaniya at pagkatapos ay dinampot din ang kanyang baso at uminom. “Huwag na huwag mong susubukan Adam, hindi ko gusto ang pamilyang iyon.” malamig ang mga mata niyang sabi rito.Natawa lang muli si Adam dahil sa reaksyon ni Luke. “oo, don’t worry. Natutuwa lang talaga ako sa kapatid niya.” sagot niya rito.Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. “Pwede mo bang alamin kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ng mga shares sa kumpanya nila? Gusto ko kasing bumili ng shares sa kumpanyang iyon idagdag pa na balita ko ay medyo nagigipit sila ngayon.”Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit? Bakit ka bibili ng shares sa pabagsak nilang kumpanya?”Ngumiti siya. “Simple lang. Dahil interesado ako sa anak ng may ari.”“Adam! Naririnig mo ba ang sinasabi mo huh? Talaga bang matino pa ba yang utak mo o ano?” hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 4

    “So umuwi ka ng bansa ng hindi man lang sinasabi sa akin?” isang tinig ang nagmula sa kanyang likuran kaya awtomatiko siyang napalingon. Nakita niya ang kanyang kapatid na may malamig na mukha at papalapit sa kaniya.Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Kuya!” masayang bati niya rito at tatakbo na sana siya patungo rito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili nang makita niya ang mukha nito lalong lalo na ang mga mata nitong madilim na nakatingin sa kaniya.Sa bahay na iyon, tanging ito lang ang masasabi niyang ka-close niya pero nitong mga nakaraan ay medyo umilap na rin ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Pero noong mga bata naman sila ay sobra silang close, palibhasa ay sila lang ang palaging magkasama simula nang mamatay ang kanilang ina.Nakita niya ang pagtatagis nito ng bagang. “Makinig ka sa utos ni Daddy dahil para rin iyon sayo.” sabi nito sa kaniya.Biglang nanlamig ang kanyang buong katawan. Ang buong akala pa naman niya ay kakampihan siya nito para matakasan ni

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 3

    KINABUKASAN, magkaharap kaming dalawa ni Vanessa sa sala nang makaalala na naman siyang magtanong. “Siya nga pala, hindi mo yata sinabi sa akin kung ano ang pinag-usapan nito kahapon ng lalaking iyon ah. Ano pa lang sabi niya? Papanagutan niya ba ang nangyari sa inyong dalawa?”Bigla siyang natawa dahil sa tanong nito ng wala sa oras. “Sa tingin mo ba talaga ay pananagutan niya ang ginawa niya?” puno ng panunuya niyang tanong. Kahit na hindi niya ito kilala personally ay alam niyang hindi ito ganung klaseng tao. “Hindi ko na iyon inaasahan pa na gagawin niya.” dagdag ko pa. Tyaka ang pag-usapan lang ang lalaking iyon ay naiinis na siya, ano pa kaya kung makita na naman niya ang pagmumukha nito.“Pero…” “Hayaan mo na.” mabilis kong putol sa anumang sasabihin niya pa. “Kung ano man ang nawala ay tatanggapin ko na lang dahil hindi ko naman na iyon maibabalik pa. Tyaka mas mainam na kalimutan na lang natin ang tungkol sa bagay na ito na para bang walang nangyari.” deklara niya. Ayaw na n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK 2: Chapter 2

    PAGKAALIS na pagkaalis niya sa hotel kung saan siya nagising ay agad siyang dumiretso sa condo ng kanyang kaibigan. Halatang-halata sa kanyang mukha na hindi siya okay at higit sa lahat ay medyo paika-ika rin ang kanyang paglalakad dahil sa sobrang kirot sa totoo lang. Pakiramdam pa nga niya ay lalagnatin siya.Puno ng pag-aalala ang mukha nito nang makita siya. “What the hell Miri where have you been last night? Tyaka bakit ganyan ang lakad mo?” magkasunod na tanong nito sa kaniya.Napabuntong hininga siya. “Pwede bang humingi ako sayo ng pabor?” tanong niya rito sa halip na sagutin ang mga tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Anong pabor?”“Gusto kong alamin mo ang mga bagay tungkol sa lalaking kasama ko kagabi.” sagot niya rito.Agad naman itong natigilan at pagkatapos ay hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. “Don’t tell me…” hindi na nito naituloy pa ang susunod na sasabihin dahil halos napaupo na ito sa sofa at napasapo sa noo. “Anong gin

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK 2: Chapter 1

    HABANG nasa loob ng silid at nakatayo sa harapan ng kama ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa babaeng nasa harapan niya. Nakahiga sa kama na halos hubarin na ang suot na damit. Sa puntong iyon ay isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Mula sa kanyang bulsa ay dinukot niya ang kanyang cellphone. Iyon na ang tamang pagkakataon niya para kuhanan ito ng video. Nang mai-setup na niya ang cellphone niya at nag-umpisa na ang video ay dali-dali siyang lumapit sa may kama.“Naiinitan ka ba?” mahina at mababa ang tinig na tanong niya rito.Pikit na pikit ang mga mata nito habang naghahabol ng paghinga. “Oo…” sagot naman nito sa nahihirapang tinig.“Anong gusto mong gawin ko para mabawasan ang init na nararamdaman mo?” mapanuksong tanong niya at hinaplos ang paa nito pataas sa tuhod nito hanggang sa hita. Mahina itong napaung*l dahil sa kamay niya na kung saan ay mas lalo pa siyang napangiti. Umepekto na ang gamot na inilagay niya sa inumin nito kanina.Ang kamay nito ay nasa dibdib

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Authors Note

    Pasensya na po sa matagal na paghihintay ng update. Bukas po ang start ng update ng story ni Adam at Miri, salamat po ng marami

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status