NABALING NA ANG mga mata ni Rohi sa pisngi ng dalaga dahil kapansin-pansin dito ang bakas ng mga daliri doon. Mapula pa ang mga iyon, halatang bagong gawa pa lang. Dumilim ang mga mata niya sa nakitang bakas sa maganda nitong mukha. Nahuhulaan na niya ang nangyari at hindi niya mapigilan na makaramdam ng galit sa kung sinuman ang gumawa nito.
“Nabugbog ka ba pag-uwi mo sa bahay?”
Mabilis na tinakpan ng dalaga ang mukha nang maalala na may ebidensya nga pala ito. Malamang itatanggi niya iyon. Sino ang hangal na magkakalat ng kasamaan ng sariling ama?
“Hindi. Ako lang ang may gawa. Tanga kasi. Nabunggo ako kaya ayan namamaga.”
Hindi niya alam kung bakit nagsinungaling pa siya kay Rohi eh, alam naman niyang hindi siya nito papaniwalaan. Saka, dala na lang marahil ng pagkapahiya niya ngayon. Naging malikot ang kanyang mga mata, hindi na makatingin pa nang diretso sa binata. Nahihiya na naman.
“Ang galing naman ng pagkakabunggo mo. Kaninong palad iyan? Nag-iwan ng bakas.”
Tinakpan pa ni Da