HUMIKAB AT NAG-INAT ng kanyang dalawang kamay si Daviana matapos niyang iinot-inot na bumangon. Sa malabo niyang paningin ay nakita niya ang bulto ng katawan na nakaupo sa kahoy na upuan malapit sa may bintana ng silid. Kinusot niya ang mga mata. Nagtataka pa siya kung kaninong bulto iyon. Hindi niya matandaan na nasa suite na naman nga pala siya ni Rohi. Ang buong akala niya ay nasa bahay nila siya. Kumain pa ng kalahating minuto bago niya napagtanto kung sino ang bultong iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata at inilawit na ang dalawang binti upang bumaba ng kama. Napasinghap siya nang bahagyang gumalaw ang katawan ng binata. Maya-maya pa ay dumilat ito.
“Masakit pa ba ang ulo mo?”
Umayos ng upo si Rohi at pinagmasdang mabuti ang hitsura ng bisita niyang dalaga. Naupo siya doon upang bantayan sana si Daviana. Ayaw niyang matulog. Nag-aalala siya na baka mamaya ay bumalik ang lagnat nito kahit bumaba na.
“Hindi na.”
Napahawak sa kanyang noo ang dalaga nang bigla siyang tumayo nang dahil