IPINILIG NI DAVIANA ang ulo. Pakiramdam niya ay nasusunog na ang kanyang tainga sa narinig. Nang muli niyang titigan si Rohi ay nakita niyang seryoso ang mukha nito. Hindi ito nagbibiro. Nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya. Mukhang hinihintay ang magiging desisyon niya. Kiss sa lips? Seryoso ba talaga ang binatang ito? Nakakaloka!
“Ayos ka rin ah? Sinasamantala mo ang sitwasyon. Porket wala akong cellphone—”
“Hmm, bahala ka kung ayaw mo talaga. Nakakaawa ka naman dahil wala kang cellphone. Ayaw mo ba? Sige…hindi naman ako ang mag-aalala kay Lolo Madeo kung ano na ba talaga ang lagay niya ngayon. Na-mild stroke pa naman…”
Bigong tinalikuran siya ni Daviana. Hindi. Hindi niya ibibigay ang gusto nito. Namimihasa na ito. Palaging nanghahalik. Minsan pa walang paalam. Kung di lang siya nabahing sa sasakyan, malamang na-kiss na naman siya. Inihakbang na niya ang kanyang mga paa papalayo. Nakaka-tatlong hakbang na siya nang muling lumingon sa binata. Naroon pa rin ito. Nakatayo. Pin