Home / Romance / Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy / Chapter 3: The Billionaire’s Deception

Share

Chapter 3: The Billionaire’s Deception

Author: Ember
last update Last Updated: 2025-02-09 20:42:24

Hindi alam ni Cali kung paano siya napasama sa sitwasyong ito. Mula sa impyernong tinakasan niya kay Devin, ngayon ay nasa isang mundo siya na ni minsan ay hindi niya inakalang mararating—ang mundo ni Lewis Alcaraz.

Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang daan. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng makina at ang bahagyang ingay ng ulan na bumabagsak sa windshield. Nakatitig lang siya sa labas, pinagmamasdan ang lumulutang na mga ilaw sa kalsada, pero kahit anong gawin niya, hindi niya magawang itaboy ang matinding kaba sa dibdib.

Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin kay Lewis, na kasalukuyang nakatutok sa pagmamaneho. Tahimik ito, walang emosyon ang mukha, pero may kung anong kakaiba sa presensya niya—isang uri ng awtoridad na hindi niya kailangang ipagsigawan para lang madama ng sinuman.

Makalipas ang ilang minuto, unti-unting bumungad sa kanya ang isang engrandeng mansion na tila eksaktong kinuha mula sa isang kwento ng mga hari at reyna. Napasinghap siya, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang malawak na lupaing kinatatayuan nito, ang napakagarang disenyo ng arkitektura, at ang hanay ng mamahaling sasakyan na nakaparada sa harapan—lahat ng ito ay patunay na hindi lang basta mayaman si Lewis. Isa siyang bilyonaryo.

Nilingon siya ni Lewis at bahagyang napangisi nang makita ang hindi maipintang ekspresyon sa kanyang mukha.

“You didn’t know, did you?” may bahid ng amusement sa tinig nito.

Hindi siya agad nakasagot. Oo, alam niyang mayaman si Lewis, pero hindi niya kailanman inasahan na ganito ito kayaman.

Pagpasok nila sa mansion, sinalubong sila ng ilang mga kasambahay, bawat isa ay nakaayos at mukhang sanay sa pagiging bahagi ng isang mararangyang sambahayan. Sa unahan ay isang may edad nang babae na mukhang house manager.

“Prepare a room for Miss Montenegro,” utos ni Lewis habang dire-diretsong naglakad papasok, hindi man lang siya nilingon.

Napatingin siya rito, nag-aalangan. “I... I’m staying here?”

Saglit itong natigilan sa paglalakad bago humarap sa kanya, ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kanya. “Where else would you go?”

Napabuntong-hininga siya. Alam niyang wala siyang ibang matutuluyan, pero hindi niya inasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Lahat ay parang panaginip—o bangungot na hindi niya alam kung kailan magigising.

Pagkarating sa kwarto, agad siyang inabutan ng isang kasambahay ng isang mamahaling designer dress. Hinawakan niya iyon, hindi pa rin makapaniwala.

“Master wants you to change into this,” mahinahong sabi ng kasambahay.

Napakunot ang noo niya. “Why?”

“He’s taking you to a family gathering.”

Nanlaki ang mata niya. “What? Now?”

Ngumiti lang ang kasambahay bago umalis, iniwan siyang tulala at hindi alam kung ano ang gagawin. Bakit siya isasama ni Lewis sa isang family gathering? Ano bang iniisip ng lalaking ito?

Ilang minuto lang ang lumipas, at bumukas ang pinto ng kwarto. Tumambad sa kanya si Lewis, nakapamulsa, matamang nakatitig sa kanya. Napaatras siya nang bahagya, hindi niya alam kung bakit parang lumiliit ang mundo niya sa presensya nito.

“You’re not dressed yet.” Malamig ang tono ng boses nito.

Napalunok siya at mahigpit na hinawakan ang tela ng damit sa kanyang mga kamay. “Ikaw ang may sabi na safe ako rito, pero bakit kailangan mo akong isama sa—”

“Do you trust me or not?” matalim na putol nito.

Napatigil siya. Hindi niya alam ang isasagot.

Dapat ba niyang pagkatiwalaan ito?

Napabuntong-hininga si Lewis at lumapit sa kanya, ang mga mata nitong seryosong nakatutok sa kanya na para bang wala siyang ibang pagpipilian kundi makinig.

“You need a new identity, Cali. You need protection,” malamig ngunit matigas nitong sabi. “The best way to do that? Make everyone believe you’re mine.”

Nanlamig siya sa sinabi nito.

Hindi niya alam kung dahil ba sa takot o sa bigat ng kahulugan ng mga salitang binitiwan ni Lewis, pero pakiramdam niya ay parang may pumisil sa kanyang dibdib.

“You said yes to my deal,” patuloy nito, ang tinig nito ay hindi nagbabago and diin, walang espasyo para sa pagtutol. “That means you belong to me now.”

Muli siyang napalunok, ngunit sa pagkakataong ito, hindi niya alam kung dahil sa kaba o sa kung anong kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanya. Ang paraan ng pagkakabigkas ni Lewis sa mga salitang iyon—may bahid ng pag-angkin, ng isang bagay na hindi niya matukoy kung galit ba o determinasyon—ay nagpatibok ng puso niya nang mas mabilis kaysa sa nararapat.

Sa huli, wala siyang nagawa kundi isuot ang ibinigay nitong damit at maglagay ng sapat na make-up para tahuban ang kaniyang mga pasa sa mukha.

---

Pagkarating nila sa isang pribadong villa, agad niyang naramdaman ang tensyon sa hangin.

Ang villa ay mas elegante pa kaysa sa mansion ni Lewis—ang bawat sulok ay sumisigaw ng kayamanan at kapangyarihan. Sa loob, isang engrandeng hapag-kainan ang nakahanda, pinalilibutan ng mga taong halatang nabibilang sa mataas na lipunan. Ang bawat kilos nila ay puno ng kontrol at kumpiyansa, para bang hindi sila sanay na may bumabagabag sa kanilang mundo.

At ngayon, siya ang hindi inaasahang hadlang sa perpektong imahe ng pamilyang ito.

Lahat ng mata ay agad na bumaling sa kanila nang pumasok sila sa loob.

“Who is she?” bulong ng ilan, ang mga tinig ay mababa ngunit sapat na para marinig niya.

“She’s beautiful.”

“Is she his new woman?”

Napakuyom siya ng kamao, pakiramdam niya ay para siyang isang estrangherong inilagay sa gitna ng isang kwentong hindi niya naman ginustong mapasama.

Ngunit walang sinuman ang nakapaghanda sa sumunod na mga salita ni Lewis.

Matapos niyang ipakita si Cali sa lahat, walang pag-aalinlangan niyang sinabi, “She’s my fiancée.”

Nanlaki ang mga mata ni Cali.

Nagbulungan ang lahat sa paligid, tila isang nakakagulat na balita ang ibinagsak ni Lewis sa kanila.

Ngunit hindi pa natatapos ang lahat. Dahil kasunod ng pahayag na iyon, lumabas pa ang isang mas nakakagulat na rebelasyon mula sa bibig ni Lewis—isang bagay na hindi man lang niya naisip o pinangarap marinig.

“And she’s carrying my child.”

Napatigil si Cali sa kinatatayuan, hindi makagalaw, hindi makapagsalita sa gulat.

Halos sabay-sabay na bumaling ang lahat sa kanya, ang tingin ng iba ay may pagtataka, ang ilan ay halatang nag-aalinlangan, at ang iba naman ay mukhang hindi alam kung magagalit o matutuwa.

Isang matandang babae na naka-dark green na dress ang lumapit, ang hawak nitong mamahaling champagne glass ay bahagyang umalog sa kamay nito. “Lewis, what is the meaning of this?”

“Mom. My fiancée, Cali,” walang alinlangan nitong sagot. “And, as I said, she’s carrying my child.”

Hindi alam ni Cali kung paano nagawang sabihin iyon ni Lewis nang walang pag-aalinlangan, na akala mo'y totoo nga ang sinasabi nito.

Narinig niya ang isang mahihinang hagikgik mula sa likuran. “Mukhang may bago na namang laruan si Lewis,” anang isang babae na nasa late twenties, suot ang isang red satin dress na may mataas na slit.

“Or maybe this time, he actually fell,” sagot ng isa pang babae, na may hawak pang wine glass.

Napayuko si Cali, pilit nilalabanan ang init na pumapaso sa kanyang mukha.

Ngunit bago pa siya makahanap ng lakas ng loob na magsalita, isang matandang lalaki ang lumapit sa kanila. Malamig ang titig nito kay Lewis, bago bumaling ang tingin nito kay Cali.

“Interesting, son,” sambit ng ama ni Lewis. “Hindi mo pa siya ipinapakilala sa amin noon, Lewis. Kailan ito nagsimula?”

Lewis smirked, tila hindi man lang natitinag sa interrogasyon. “We wanted to keep it private.”

“How convenient,” sarkastikong sagot ni Cesar sa anak. “And now she’s suddenly pregnant? You expect us to believe that?”

Bahagyang lumapit si Lewis kay Cali, marahang inilagay ang kamay sa kanyang likod bilang suporta. Sa kabila ng tensyon sa pagitan ng pamilya nito, hindi siya nagdalawang-isip na ipakita ang pag-aangkin sa kanya.

“She’s mine,” madiing sagot ni Lewis. “And whether you believe it or not, she’s not going anywhere.”

Naramdaman ni Cali ang bahagyang panginginig ng kanyang kamay, pero hindi siya makapagsalita. Lahat ng ito ay masyadong mabilis. Masadong nakakagulat.

“Let’s see about that,” malamig na sagot ng matanda bago tumalikod.

Habang palayo ang lalaki, hinarap naman sila ng ina ni Lewis. Gaya ni Cesar, si Rowena ay may kaparehong awtoridad sa presensya niya, ngunit hindi tulad ng matatalim na tingin ng ama ni Lewis, ang kanyang ina ay puno ng pag-aalala.

“You should’ve told me sooner, Lewis.”

Malamig ang tugon ng binata. “Would it have changed anything, Mom?”

Saglit na tinitigan ni Rowena ang anak, huminga ng malalim bago siya bumaling kay Cali. Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa, bago ngumiti nang bahagya.

“Well, welcome to the family, hija.”

Napalunok si Cali, hindi alam kung paano tutugon—lalo na nang mismong ginang ang lumapit at niyakap siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 50: Moments He Hides

    Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 49: A Day Like Sunlight

    Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 48: Where Silence Begins to Speak

    Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 47: A Drive Through the Fear

    Tahimik na nakatingin si Cali sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-iisip. Malamig ang simoy ng hangin mula sa aircon, pero parang may ibang lamig na bumabalot sa kanya—isang uri ng panlalamig na nanggagaling sa loob, sa puso niyang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari.Mula sa kabilang bahagi ng penthouse, marahang bumukas ang pinto ng guest room. Napalingon siya at nakita niyang lumabas si Lewis, nakasuot lang ng itim na pajama pants at isang maluwag na puting shirt. Magulo ang buhok nito, halatang kagigising lang o hindi rin talaga nakatulog.Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.Walang nagsalita.Si Lewis ang unang bumasag ng katahimikan. “Bakit gising ka pa?”Bumuntong-hininga si Cali at ibinalik ang tingin sa labas. “Hindi ako makatulog.”Hindi siya tinanong kung bakit. Sa halip, lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya, nakasandal ang isang kamay sa gilid ng bintana. “Gusto mong lumabas?” tanong nito, ang boses ay mababa at bahagy

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 46: A Line Almost Crossed

    Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, parehong hindi gumagalaw. Ang oras ay tila bumagal, at ang pagitan nila ay halos mabura. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Lewis mula sa baba ni Cali, dumaan sa kanyang leeg, at huminto sa kanyang balikat—hindi mabigat, hindi rin magaan, pero sapat para maramdaman niya ang init ng palad nito. "Tell me to stop," bulong ni Lewis, bahagyang yumuko palapit. Napalunok si Cali. Alam niyang dapat siyang magsalita. Dapat niyang sabihin dito na hindi ito tama. Dapat niyang itulak ito palayo bago tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Pero hindi niya magawa. Dahil sa halip na lumayo, naramdaman niyang tumitibok ang puso niya nang mas mabilis. Parang may kung anong humahatak sa kanya palapit kay Lewis, isang pwersang hindi niya maintindihan pero hindi rin niya kayang pigilan. Hinintay ni Lewis ang sagot niya. Nang walang narinig mula sa kanya, unti-unti itong lumapit, ang hininga nito ay dumampi sa pisngi niya. "Cali…" May bahagyang pag-aalin

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 45: A Step Closer

    Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status