Share

Chapter 2: Saved by His Enemy

Penulis: Ember
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-09 20:40:41

Pagkalabas ni Cali sa ospital, dama pa rin niya ang panghihina ng kanyang katawan, bagama’t hindi na masyadong bakas ang mga sugat at pasa. Mabagal ang kanyang mga hakbang, animo’y binubuhat ng malamlam niyang kalamnan ang bigat ng bawat pasakit na iniwan ng gabing hindi niya gustong balikan. Pero higit sa lahat, hindi sakit ang pinakamabigat niyang dinadala—takot. Takot na anumang oras, babalik si Devin upang hilahin siya pabalik sa impyernong kanyang nilayasan.

Alam niyang hindi basta-basta hahayaan ni Devin na mawala siya. Sa loob ng tatlong taong pagsasama nila bilang mag-asawa, natutunan niyang wala siyang kontrol sa buhay niya. Siya ang babae. Siya ang asawa. Siya ang dapat sumunod. Siya ang dapat manatili.

Pero hindi na siya ang babaeng iyon.

Mahigpit niyang niyakap ang coat na ibinigay ng ospital, pinipilit itago ang sugat sa kanyang braso. Kahit paano, nakapagbibigay iyon ng kaunting proteksyon, hindi lang laban sa lamig kundi laban sa paningin ng mundo—isang mundo na hindi kailanman nakaintindi sa sakit ng isang babaeng nakakulong sa isang relasyong walang pag-ibig.

Mabilis niyang tinungo ang kanyang apartment, nagdarasal na makarating doon nang hindi siya napapansin. Pero bago pa siya makapasok sa loob ng gusali—

"Sa’n ka galing?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Nanigas siya sa kinatatayuan. Bumigat ang paghinga niya, tila binibigyan siya ng babala ng kanyang katawan na tumakbo. Ngunit kahit gustuhin niya, hindi siya makagalaw.

Dahan-dahan niyang nilingon ang pinagmulan ng boses, at doon niya nakita si Devin.

Nakasandal ito sa pader ng kanyang apartment, naka-pamulsa, pero halata ang tensyon sa postura nito. Hawak ng isang kamay ang isang papel at hindi na niya kailangang hulaan kung ano iyon.

Huminga siya nang malalim, pilit pinipigilan ang panlalambot ng kanyang tuhod.

"Lumayo ka sa akin, Devin," mahina ngunit matatag niyang sabi.

Pero imbes na lumayo, mas lumapit pa ito. Ang pwersa ng galit sa kanyang mga mata ay parang apoy na handang lamunin siya ng buo.

"Akala mo ba basta-basta mo akong matatakasan?" madiin nitong tanong, itinaas ang hawak na papeles. "Ano 'to, ha?! Ano ’tong kalokohan mo, Cali?"

Narinig niya ang sariling paglunok. Pilit niyang nilalamon ang takot na parang mabigat na tanikala sa kanyang dibdib. Hindi siya dapat matakot. Hindi siya dapat magpatalo. Pero paano kung mismong presensya nito ay naglalagay sa kanya sa bingit ng pangamba?

"Sa tingin mo, makakalaya ka sa akin nang ganito kadali?"

Mabigat ang bawat hakbang ni Devin, bawat paglapit nito ay unti-unting nagpapaliit sa espasyo sa pagitan nila. Para siyang isang hayop na na-corner ng mabangis na mandaragit. Masyadong malapit. Masyadong nakakakulong.

"I already signed it," mahina niyang sagot, halos hindi lumabas ang boses sa kanyang lalamunan.

Saglit na nagbago ang ekspresyon ni Devin. Ang galit sa kanyang mukha ay napalitan ng matinding pagdududa, at kahit hindi pa ito nagsasalita, ramdam na niya ang pangingilabot sa susunod nitong sasabihin.

"Paano?" Bumaba ang tono ng boses nito, nagiging mas mabigat, mas mapanganib. "Wala kang pera. Wala kang kakilala. Wala kang koneksyon."

Pinanood nito ang reaksyon niya, hinahanap ang butas, o kahit anong kahinaan. Alam ni Devin na hindi siya basta-basta makakakuha ng abogado para sa diborsyo, kahit sapat na lakas para lumaban ay wala rin ito.

Nang manatilinang pananahimik ni Cali, isang mapait na tawa ang lumabas sa mga labi ni Devin. May halong panunuya, isang babalang hindi pa tapos ang laban.

"Tell me, Cali," anito, mas bumaba ang boses, puno ng panunumbat. "Sinong tumulong sa’yo?"

Mariin niyang nilunok ang bumibigat na kaba at pinilit manatiling kalmado. Mahigpit niyang nilikom ang mga daliri, sinusubukang ikubli ang panginginig ng kanyang mga kamay.

Pero hindi sapat iyon para pagtakpan ang takot sa kanyang mata.

Mabilis naman ang naging kilos ni Devin. Bago pa siya makalayo, sinunggaban nito ang kanyang braso at mahigpit na hinawakan.

Napapikit si Cali sa sakit na lumaganap sa kaniyang katawan. Kabisado niya ang ganitong hawak. Alam na niya kung ano ang kasunod.

"Tingin mo pipirmahan ko ito?" bulong pa ni Devin sa kanya, malamig, puno ng pananakot. Nadama niya ang init ng hininga nito sa kanyang pisngi, ngunit mas nanunuot sa kanyang balat ang lamig ng mga salita. "Hindi mo ako basta-basta maiiwan, Cali. Tandaan mo 'yan."

Napahinga siya nang malalim, pinilit linawin ang kanyang isipan. Alam niyang wala siyang laban kay Devin. Alam niyang hindi nito basta tatanggapin ang nangyari.

Pero bago pa lumala ang sitwasyon—

Isang boses ang pumuno sa paligid.

Malamig. Mabigat. Puno ng awtoridad.

"Bitawan mo siya."

Napatigil si Cali.

Parang tumigil din ang mundo sa isang iglap. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso sa matinding kaba na agad nagdulot ng panlalamig sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin, at doon niya nakita ang matangkad na pigura ni Lewis.

Nakatayo ito ilang metro lamang ang layo sa kanila, suot ang isang mamahaling itim na suit na perpektong bumagay sa matikas nitong postura. Walang bahid ng kaba sa kanyang mukha. Ngunit ang presensya nito ay parang bagyong nagbabadyang sumalanta.

Kasama niya ang ilang lalaking nakasuot ng itim—mga trained bodyguards, halatang sanay sa mga sitwasyong tulad nito. Tahimik silang nakaposisyon sa paligid, nag-aabang ng utos.

Napatingin si Devin kay Lewis. Halos hindi gumalaw. Maging si Cali ay hindi makahinga nang maayos sa tensyong bumalot sa paligid.

Matamang nagtitigan ang dalawang lalaki.

Matapos ang ilang segundo, isang mabagal ngunit puno ng panunuya na ngiti ang gumuhit sa labi ni Devin.

"Look who’s here," sarkastikong wika nito, puno ng pang-uuyam. "The great Lewis Alcaraz." Bumaling ito kay Cali at pinasadahan siya ng nanunuyang tingin bago muling bumalik kay Lewis. "Ikaw ba ang pinagsakdalan ng asawa ko?"

Hindi nagmadali si Lewis sa pagsagot. Sa halip, marahang nagkibit-balikat ito, waring hindi apektado sa anumang akusasyon ni Devin.

"I don’t need to be," walang emosyon nitong tugon. "Pero kung ako ang pipiliin niya kaysa sa’yo, ibig sabihin lang nun, wala ka nang silbi sa buhay niya."

Halos sumabog sa galit si Devin.

"Tangina mo, Alcaraz!"

Agad na sumugod si Devin, handang wasakin ang sinumang humarang sa kanya. Ngunit bago pa siya makalapit kay Lewis, walang alinlangan siyang hinawakan ng dalawang bodyguard.

Napaatras si Cali, napapanood ang pagpupumiglas ni Devin. Pilit nitong binabaklas ang mahigpit na pagkakahawak sa kanya, ngunit walang silbi ang lakas niya sa dalawang matitikas na bantay ni Lewis.

At sa gitna ng kaguluhan, naramdaman na lang ni Cali ang mainit at matibay na bisig na lumapat sa kanyang baywang.

Nagulat siya, ngunit hindi na siya nakapalag nang hilahin siya ni Lewis palapit sa kanya. Isang kilos na hindi lang para protektahan siya—pero para ipakita kay Devin kung sino na ang mas may kontrol.

Pinanlakihan siya ng mata ni Devin at lalo itong nag-alab sa galit.

"You’re safe now," bulong ni Lewis sa kanya. Mahina, ngunit sapat para marinig ni Devin.

Parang langis na ibinuhos sa naglalagablab na apoy at lalaki at muling nagpumiglas.

"Hayop ka, Lewis!" Sigaw ni Devin, halos pumutok ang ugat sa leeg.

Ngunit hindi natinag si Lewis. Walang bakas ng emosyon sa mukha nito. Sa halip, tinapunan nito si Devin ng malamig at matalim na tingin—isang babalang hindi dapat balewalain.

"Alam mo, Devin," kalmado ngunit mabigat ang tono ng kanyang boses, "business is war."

Nagngangalit ang panga ni Devin, ngunit nanatili itong tahimik.

Napangiti si Lewis, ngunit wala roon ang kahit anong saya. “And people like you?” May bahid ng panganib ang kanyang tinig. “They get destroyed.”

Napatingin siya kay Lewis. Alam niyang may mas malalim pang dahilan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

At hindi lang ito simpleng away dahil sa kanya.

"Either sign those papers," patuloy ni Lewis, itinuro ang divorce papers na hawak ng isa niyang tauhan, "or I’ll make sure your business crumbles before you even have the chance to fight back."

Napakuyom ang kamao ni Devin, nanginginig sa galit ngunit hindi makapalag. Alam niyang hindi ito isang walang lamang banta—kapag sinabi ni Lewis na sisirain niya ang negosyo ng isang tao, ginagawa niya ito nang walang alinlangan.

Hindi ito ang unang beses na nagkrus ang landas nila sa mundo ng negosyo. At sa bawat sagupaan nila, laging lumalamang si Lewis. Kilala ito sa pagiging walang-awa pagdating sa kompetisyon, ginagamit ang talino, impluwensya, at kapangyarihan para durugin ang sinumang haharang sa kanyang landas.

Pero si Devin? Hindi rin siya basta sumusuko. Alam niyang hindi siya kasing-yaman o kasing-lakas ni Lewis, pero may sarili siyang paraan upang manatili sa laro. Kung kinakailangang kumapit sa makapangyarihang tao, gagawin niya. Kung kailangan ng maduming laro, hindi siya magdadalawang-isip.

At ngayon, si Lewis mismo ang naglalagay sa kanya sa isang sulok, pinipilit siyang pumirma gamit ang parehong taktika na ilang beses niyang ginamit laban sa iba.

Sa pagkakataong ito, alam niyang wala siyang laban.

Hindi nagtagal, mariing sinunggaban ni Devin ang papel mula sa kamay ng tauhan ni Lewis.

Hindi ito nag-aksaya ng oras—sa isang iglap, pinirmahan niya ang divorce papers.

Pagkatapos, inihagis niya ito pabalik kay Lewis, habang ang tingin niya kay Cali ay puno ng matinding hinanakit.

"Akala mo ba makakalaya ka sa akin nang ganito kadali?" bulong nito, puno ng panggigigil. "Babalik ka rin sa akin, Cali. At pagsisisihan mong iniwan mo ako."

Pero piniling hindi na sumagot ni Cali.

Hawak ang papeles, tumalikod si Lewis at hinila si Cali papasok sa sasakyan.

At sa unang pagkakataon, habang papalayo sila kay Devin, naramdaman ni Cali ang kalayaang matagal niyang hindi nadama.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 54: The Morning After

    Mataas na ang araw nang magising si Cali. Unang pumasok sa isip niya ay ang nakakahalinang katahimikan. Sunod niyang naramdaman ay sama ng tiyan. Napakabilis ng pagsunod ng mga susunod na pangyayari—parang may humila sa bituka niya, at sa isang iglap ay napabangon siya mula sa kama, hawak ang tiyan, at halos madapa habang nagmamadaling bumangon ng kama.“Cali?” tawag ni Lewis, garalgal pa ang boses—halatang kagigising lang.Pero hindi na siya nakasagot.Diretso siya sa banyo, binuksan ang pinto, at yumuko sa bowl. At sa gitna ng mga masusuka-sukang tunog, naramdaman niyang may malamig na pawis na tumulo sa batok niya. Humawak siya sa tiles habang paulit-ulit na sinusuka ang laman ng sikmura niyang halos wala nang laman.Hindi niya alam kung dahil sa gutom, stress, o kung pareho—pero alam niyang ito na ‘yon.Morning sickness.Hindi lang ito idea. Hindi lang ito test result.May nabubuhay sa loob niya.Ilang saglit pa, narinig niyang bumukas ang pinto sa likod niya.“Cali?” mahina, pero

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 53: Steady. Solid. Real.

    Tahimik lang si Cali sa loob ng sasakyan habang bumabaybay sila pauwi mula sa condo. Hawak-hawak niya ang maliit na paper bag na pinaglagyan ng pregnancy test. Wala siyang masabi. Hindi niya rin alam kung may dapat pa bang sabihin.Pero ang kamay ni Lewis, naroon—nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita habang nagmamaneho siya gamit ang isang kamay.Hindi ito nangungulit. Hindi nagtatanong.Pero ang presensya niya, sapat para hindi tuluyang malunod si Cali sa sariling pagkalito.“Gusto mo bang sabihin kay Devin?” tanong ni Lewis, mahinahon ang tono, parang sinusukat ang lalim ng tubig bago ito lubusang talunin.Umiling si Cali. “Hindi ko pa alam Devin. Hnid ko rin maiisip kong anong dahilan bakit pa niya dapat malaman.”Tumango lang si Lewis. “Okay.”Lumunok si Cally ng makapag pasya ng sabihin kung ano ba talaga ang pinag-aalala niya ngayon. “Ahm– ang iniisip ko ay pamilya mo, Lewis. Anong gagawin natin? Kung kelang sinabi mo na sa pamilya mo na nawala na ang pinagbubuntis ko saka naman

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 52: Before The Truth Sinks In

    Dumilat si Cali sa loob ng isang kwartong hindi kanya. Mahinang liwanag mula sa bintanang may sheer curtains ang dahan-dahang bumalot sa paligid, at sa gilid ng kama ay naroon ang isang lalaking mahimbing pa ring natutulog.Si Lewis.Nasa guest room sila ng mansion—yung kwarto malapit sa sala. Doon siya inilipat ni Lewis matapos siyang makatulog sa couch kagabi, at sa halip na iwan siya, nanatili rin ito sa sofa bed sa tabi. Pero tila lumipat ito sa kama noong madaling-araw… o baka siya ang nilapitan nito habang mahimbing siyang natutulog.Hindi na mahalaga.Ramdam niya ang init ng katawan nitong malapit sa kanya, at ang tahimik na paghinga ng taong halos hindi nagsasalita pero damang-dama mo ang presensya.Bahagya siyang gumalaw para bumangon, pero bigla siyang napatigil.May kumirot sa sikmura niya—hindi ordinaryong kirot. Sumunod ang matinding hilo. Napasinghap siya at agad tinakpan ang bibig. Dali-dali siyang tumayo at halos napasadsad sa sahig sa pagmamadaling lumabas ng kwarto.

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 51: Somewhere Safe

    Pagkarating nila sa mansion, tahimik pa rin si Cali habang binabaybay ang hallway papasok. Si Rea ay nauuna sa kanya, pero pagkabukas pa lang ng pinto ay agad silang sinalubong ng tanim na katahimikan—maliban sa mahinang classical music na nanggagaling sa loob.Nasa living area si Lewis, nakatayo sa harap ng isang malaking shelf na may koleksyon ng alak. May hawak siyang baso ng whisky, pero hindi pa niya ito iniinom. Nang marinig ang mga yabag nila, agad siyang napalingon.Agad tumama ang tingin niya kay Cali.“Hey,” bati niya, may bahagyang pag-aalalang nakapinta sa mukha. “Kakauwi n’yo lang?”Tumango si Cali. “Oo. Nilibang lang ako ni Rea.”Lumapit si Lewis, iniwan ang baso sa marble counter ng bar.“Kamusta ka na?” tanong niya, diretsong tinitigan si Cali. Wala sa tono ang pagiging pormal—mas parang gusto niyang tukuyin kung kumain ba siya, kung okay ba ang pakiramdam niya, kung umiiyak ba siya habang wala ito.“Okay naman,” sagot ni Cali, tipid ang ngiti. “Thanks sa planner ni Re

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 50: Moments He Hides

    Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 49: A Day Like Sunlight

    Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status