Share

Chapter 1

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2023-11-14 15:21:51

“Kua, huwag kang umalis ah, sandali lang si mama,” sabi ko sa anak ko nang iwan ko siya sandali para kunin ang mga pinamili namin.

“Okay mama,” he said habang kumakain ng ice cream.

Tumalikod ako para ibigay ang number sa nagbabantay ng mga baggage sa labas ng super market.

“Salamat,” ngumiti ako matapos kong makuha ang mga iniwan kong mga groceries na binili namin sa labas ng supermarket.

“Kua, let’s go,” tumingin ako sa likuran ko to find Kua but wala na siya.

Agad akong kinabahan at hinanap siya.

“KUA!” Sigaw ko but no sign of him.

Binitawan ko ang mga grocery bags para mapabilis ang lakad ko para mahanap siya nang tawagin niya ako mula sa likuran.

“MAMA!” Napahito ako at lumingon.

Nakita ko siya at hawak siya ni Henry.

Malakas akong napabuntong hininga at agad na lumapit sa kaniya.

“KUA! HINDI BA SABI NI MAMA HUWAG KANG UMALIS?” nawala ang ngiti sa labi niya at parang maiiyak na.

Lumuhod ako para mayakap siya.

“Mama told you na huwag kang umalis. Paano kung nawala ka?”

“I’m sorry mama,” aniya at yumakap sa akin pabalik.

“Ako na magbubuhat nito,” napatingin ako kay Henry. Ilang taon na siya dito sa Pinas. Wala na yata siyang plano na bumalik ng Spain.

Tumango ako at binuhat si Kua.

“Paano mo kami nahanap?”

“Hindi ko kayo hinanap. Lando is here,” sabi niya at sa unahan, naroon nga si kuya Lando.

“Mag go-grocery kami but nakita ko si Kua,” dagdag niya. Tumango ako.

“Sister,” natawa ako sa sinabi ni kuya. I didn’t expect this warm treatment from him. Alam ko kung gaano kalaki ang idinulot ni dad sa pamilya nila lalo na kay Rachelle yet nagawa pa rin nila akong tanggapin.

In fact, tinutulungan pa nga nila ako.

“Hi kuya/hello tito,” sabay na sabi namin ng anak ko. HinaIikan ako ni kuya sa noo ko saka kinuha si Kua sa akin.

“I brought my car with us. Hatid na namin kayo,” sabi niya at naunang maglakad kasama ng anak ko habang ako nasa hulihan kasama ni Henry.

“Zeym is looking for Kua,” sabi ng katabi ko.

Nagbaba ako nang tingin.

“Kailan ba niya titigilan ang anak ko?”

“It will never happen, Eli. You’re a mother and you should know that.” Kumuyom ang kamao ko.

“Akin si Kua, Henry. Bakit ayaw niya maniwala kay Sico na patay na ang anak nila?”

“Zeym believed na hindi pa at hindi pa naman talaga. Kua is pretty healthy.”

Tumulo ang luha sa mata ko. “Bakit ba ayaw niyang makontento? Bakit ba ayaw niyang maging masaya kay Sico? Kasal na sila hindi ba?”

Tumingin ako kay Henry at namataan siyang nakakunot ang noo sa akin.

“Why are you crying?”

“Dahil naiinis ako. Halos hindi kami mapirmi ni Kua sa iisang lugar dahil sa kaniya. Gusto ko ng mapayapang buhay kasama ng anak ko.”

“Dahil ba talaga doon Eli? O dahil sa kasal na si Sico sa kaniya? And besides, hindi ba anak naman talaga ni Zeym si Kua? Surrogate mother ka Elizabeth. Iyon ang kabayaran mo sa pagtulong ni Sico sa ‘yo.” Natahimik ako.

“Nagtataka ako, ano bang tulong ang nagawa ni Sico sa ‘yo? Iyong tinulungan ka niyang itakas mula sa dad mo? Iyon ba iyon?” tanong ni Henry na hindi ko magawang sagutin.

Narinig kong natawa siya.

“For the past years Elizabeth, ngayon ko lang napansin. May mga sikreto ka palang tanging kayo lang ni Sico ang nakakaalam. Kawawa si Zeym, alam mo ba iyon? Sinuyod niya ang buong mundo mahanap ka lang niya at ang anak niya. Sobrang kawawa siya, dahil sa loob ng bahay ng mga Shein, lahat ng tao doon ay itinatago sa kaniya ang katotohanan,”

Tumingin ako sa kaniya at naabutan ko ang mga mata niya sa akin.

“Kumpara sa inyong dalawa, mas malalim ang koneksyon niya kay Lorelay Shein at Harold Shein pero bakit itinikom ng dalawa ang bibig nila? Bakit hindi nila sinasabi kay Zeym na ang anak na hinahanap niya ay narito lang pala sa Pinas?”

Hinawakan ni Henry ang kamay ko.

“Bitawan mo ‘ko,”

“Hindi Elizabeth. Bakit? Ano bang meron sa inyo ni Sico? Alam natin ang dahilan kung bakit hindi ka pa nahahanap ni Zeym. Dahil iyon kay Sico. Siya ang pumipigil sa pamilya niya hindi ba na huwag sabihin ang lokasyon niyo ni Kua? Bakit? Bakit ginagawa ni Sico iyon?”

Malakas kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

“Bakit prino-protektahan ka ni Sico mula sa asawa niya? Hindi ba mas magiging masaya silang dalawa ni Zeym kung makuha nila ang anak nila mula sa ‘yo? Bakit ayaw kunin ni Sico ang anak nila ni Zeym sa ‘yo?”

“H-Hindi ko alam. Huwag ka ng makialam, Henry,”

Nauna akong maglakad sa kaniya ngunit napatigil ng magsalita ulit siya.

“Ako, alam ko. Alam ko kung bakit itinikom ko ang bibig ko kay Zeym. Alam mo kung bakit Elizabeth? Dahil may nararamdaman ako sa ‘yo. Dahil gusto kita kaya kahit gusto kong sabihin kay Zeym na ang anak na hinahanap niya ay narito lang sa Pinas, hindi ko magawa dahil ayaw kitang masaktan.”

Mariin akong napapikit bago nagpatuloy maglakad.

Sumakay ako sa sasakyan ni kuya Lando.

Tumingin si kuya sa akin mula sa salamin at napabuntong hininga.

“Let’s go, ihahatid ni Henry ang pinamili mo sa bahay niyo.”

Tumango lang ako.

“Mama,” napatingin ako sa anak ko.

“Uuwi kaya si papa mamaya? Hindi ba Saturday ngayon?”

“Baka busy pa si papa sa work, anak,”

“Pero mama, papa promised me uuwi siya,”

“Let’s wait nalang anak but don’t assume okay? Baka kasi may work pa si papa at hindi siya makakauwi.” Humaba ang nguso niya at tumango.

“Okay mama. Can I sleep in your lap?”

“Sure, halika, higa ka sa lap ni mama,”

Agad siyang humiga at nakapatong ang ulo sa kandungan ko. Mabilis na nakatulog si Kua na ikinangiti ko lang.

Magkakamatayan man pero hindi ko ibibigay ang anak ko kay Zeym. Akin ang anak ko.

“Nag-away kayo ni Henry?” napatigin ako kay kuya Lando at umiling.

“Nagkasagutan lang po kuya,”

“I see. My sister is helping you simply because you’re her cousin. Mas matimbang ka kesa kay Zeym. Galit siya kay Sico but ayaw niyang makigulo sa inyong tatlo and as her kuya, bilang kuya mo, the best thing I can do is to not involve myself sa gulo niyo ni Sico.”

“Naiintindihan ko po. Sana maintindihan niyo ako. Hindi naman ako manggugulo kay Sico at Zeym. They can have their happy ending, basta huwag lang nila kunin sa akin ang anak ko.”

Nagsimula na namang tumulo ang luha sa mata ko.

“Pero may karapatan si Zeym sa bata,” ani ni kuya Lando. Umiling ako. Ipagdadamot ko ang anak ko.

“Hindi kuya. Galing sa matres ko si Kua. Ako ang nagluwal sa kaniya.”

“Nasa kasunduan niyo bilang surrogate mother na matapos mong ipanganak ang bata, ibibigay mo sa kaniya ang anak niya.”

“Kuya, hindi.. Anak ko si Kua. Wala akong pakialam sa kasunduan, ako ang ina ng anak ko.” Anak ko nalang ang meron ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Binihag Ako ng CEO   END

    HULI(THIRD PERSON)“Are you not bothered na laging kuya mo ang napupuri?” Rit smiled at the ladies at umiling.“Why would I?”“He’s the eldest so hindi ba parang sa kaniya una mapupunta ang yaman ng pamilya niyo?”Dalawa lang sila ni Kuarter yet they were always be compared to each other by the lads.“I can get rich if I want,” Rit answered as he si pped his wine from the glass.“Your parents allowed you to drink?” manghang tanong ng mga kaedaran niya na kasama sa social gatherings ng elites.“Yeah. I have an amazing parents,”Kanina pa gustong umuwi ni Rit. Wala lang siyang choice kun’di makipagplastikan sa mga taong kailangan niyang makasalamuha.He’s a college student but already reigning an empire at the young age. Even the Shein didn’t know that. Rit pretended to be dumb and a weakling baby where in face he’s dangerous like his ancestors.Bored niyang tinitignan ang ilang mga numero na pumapasok sa bank account niya. Profits from the investments he made since he was in high schoo

  • Binihag Ako ng CEO   Chapter 113

    ZEYM “Coffee?” nag-angat ako ng tingin at nakita si Eli na inaabutan ako ng kape. Si Sico ay kausap si Rachelle kasama ni Lando. “Ang lalim ng iniisip. Tungkol ba ito kay Hanny?” “Kua said that he saw her. Naaawa ako sa anak natin. Kung saan maayos na siya, bumalik na naman ang trauma niya.” “Baka kamukha lang ni Hanny ang nakita niya. We’re there at nakita naming nilibing ang abo niya,” Alam ko. Lahat din nang nakakita ay sinabing patay na si Hanny. Ang amin lang ay sana makalimutan na ni Kua ang batang iyon dahil ayaw naming makita siyang pawisan na gumigising sa gitna ng gabi. Hinawakan ni Eli ang kamay ko at ngumiti. “Everything will be fine. Dalawa tayong ina niya ang magtutulungan para malampasan niya ulit ang mga bangungot ng nakaraan niya.” Eli is right. Dapat kong alisin ang mga negatibong ideya sa isipan ko. Enjoyin ko nalang ang outing namin ngayon. Narito kami lahat sa bahay ni Eli at Sico. Nandito rin si daddy Zee kasama ni Doc Mia at ibang mga kaibigan ni papa gay

  • Binihag Ako ng CEO   Chapter 112

    ZEYM Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong basahin ang libro na binili ni Lando sa akin. Kanina pa ako nakangiti na parang baliw pero ang totoo ay umuusok na itong ulo ko sa inis sa kaniya. “Sweetie, you want te—err what happened?” nabitin sa ere ang sasabihin niya nang makita ang itsura ko. “You wanna die?” He looked confuse. “What’s this?” sabi ko at pinakita sa kaniya ang librong binili niya. “A book?” hindi niya sure na sagot. Bigla siyang napalunok nang makita na mas lalong lumabas ang kunot sa noo ko. “Mukha ba akong s3x addict?” nanlaki ang mata niya at tinignan ang libro na hawak ko. Mukhang na-realize niya anong libro ang binili niya sa akin. “Ah—actually, I forgot something—" “Come here,” Magpapalusot pa siya para makaalis. “What?” “I said, come here,” Napalunok siya at kinakabahan na humahakbang papunta sa akin. Do I look like a monster at ganiyan siya katakot? Umupo siya sa kama, sa tabi ko. Lumapit ako sa kaniya na agad niyang ikin

  • Binihag Ako ng CEO   Chapter 111

    Nasa likuran ako ni Kua at tinitignan namin ang mga tao na hinahatid ang abo ni Hanny sa paglalagyan niyo. Akala ko nga ay ilalagay ng pamilya ni Hanny ang abo niya sa bahay but it turned out na ilalagay din pala pa rin nila ito sa sementeryo. I’m wondering bakit kailangan e-cremate kung ililibing din pala nila? Kung sabagay, mula sa nalaman ko ay minamaltrato ang bata kaya siguro ayaw ng pamilya niya panatilihin ang abo nito sa bahay nila. Nasa malayo kami ni Kua, umiiyak ang anak ko habang nakatingin sa malaking picture portrait ni Hanny. Hindi ko siya kilala personally, pero kung sino man siya, alam kong mabuting bata siya dahil gustong gusto siya ng anak ko. Matapos ang libing, umuwi na kami agad. Sinalubong kami ni Rit na nag-aalala sa kuya niya. Kua on the other hand went to his room. Ayaw niya sigurong makita na nag-aalala kami sa kaniya. “Is he gonna be okay, mama?” tanong ng anak ko. Tumango ako. “Yes cause your brother is strong anak,” “I’m afraid he’s not, mama,”

  • Binihag Ako ng CEO   Chapter 110

    ELIZABETH My boys were so OA to the point na hindi ko alam kung miinis o matatawa ako sa pinaggagawa nila. It’s been almost 2 weeks nang makalabas ako, at naghihilom na ang sugat ko. Nakauwi na nga rin kami ni Sico sa bahay namin, and as for Kua, he asked Zeym to stay with us. Zeym agreed dahil aalis rin naman sila ni Lando for 1 month. Alam na kung saan ang pakay nila. Anyway, masaya kaming lahat para kay Zeym. Kung ano ang trato sa kaniya ng lahat no’ng sila pa ni Sico, ay ganoon pa rin naman ngayon. It’s just that, everyday na siyang nakangiti at blooming. Halatang masaya siya sa piling ni kuya Lando. Kakabalik lang ni Sico sa trabaho, dahil halos ayaw niya akong iwan mag-isa sa bahay lalo’t kapag may pasok ang mga bata kaya natagalan talaga ang pagbalik niya. Tambak na ang trabaho niya sa opisina. Si Rit, sa public school pa rin siya pumapasok. I asked him kung gusto ba niyang lumipat ng school noon kung nasaan ang school ng kuya niya, he firmly said NO kahit na lagi niyang g

  • Binihag Ako ng CEO   Chapter 109

    RICO Pinitik ako ni papa sa noo. Ang sakit! “Tuwang tuwa ka pa na pinakaisahan niyo ni Lando ang kapatid mo?” tumingin si papa kay Lando, na agad na yumuko. “Sorry ulit tito,” sabi ni Lando sa tabi ni Zeym. “Oh ayan… Sige papa, pagalitan niyo ang dalawang iyan.” Sabi ni Zeym na ginagatungan si papa. Sinamaan ko siya nang tingin pero pinitik lang ni papa ang noo ko ulit. “Oh nasaan na ang tapang niyo kanina?” sabi ni Zeym. Tumingin ako kay Sico na walang malay. Nasa couch siya. Matapos sabihin ng nurse kanina na na-cremate si Elizabeth ay bigla siyang nahimatay. Maayos naman ang vitals ng gago. Ayaw lang niyang gumising. “Papa masakit na,” reklamo ko. Nakita ko si Moni na kumakain ng ice cream at tinatawanan ako. Bakit parang magkakampi sila dito sa bahay? Si Elizabeth ay nasa tabi lang ni Sico, hawak ang kamay at pinupunasan ang pawis ni Sico gamit ang panyo. “Linisin niyo ni Lando mamaya ang mga sasakyanan ko,” sabi ni papa sa akin na ikinalaki ng mata ko. “Pa/tito?” saba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status