Next:Hindi pa rin makapaniwala si Pete sa narinig kaya matagal itong tumitig kay Everest. “Totoo ba ang sinabi niya, Everest?”Habang nakatingin sa reaksyon ni Pete, pakiramdam ni Everest ay basag na basag ang kanyang puso. Matagal niyang inalagaan sa kanyang puso si Pete pero ngayong nagkita na sila nito… hindi pa man namumunga ang pagmamahal niya para sa lalaki ay hinugot na agad ito ni Fredrick.“Yes. Totoo ang sinabi ng pinsan mo. Mag-asawa na kami,” nakayukong sagot niya. Ayaw niyang makita ng lalaki kung ano ang tunay niyang reaksyon.“Ohh…” Tumango-tango si Pete at mapait na ngumiti. “Kung ganoon ay pinsan na rin pala ang itatawag ko sa ‘yo ngayon.”Biglang nag-angat ng tingin si Everest nang marinig ang sinabi ni Pete na parang isang punyal na sumaksak sa kanyang puso. Para sa kanya, ang hindi niya makakalimutang pangyayari sa buhay ay si Pete. ito ang nag-iisang ilaw sa madilim niyang buhay. “Done talking?” Fredrick sneered as he looked down at her, still talking to Pete.
Next:“Everest, I'm glad to see you here.”Matipid na ngumiti si Everest at tumingin kay Pete. Sino ba ang mag-aakala na magkikita sila dito ngayon? Hindi niya tuloy alam kung ano ang gustong sasabihin dito. Si Pete ang isa sa mga taong laging tumutulong sa kanya noon lalo na sa problemang pinansyal. Kaya nahulog ang loob niya dito ay dahil sa sobrang kabaitang ipinapakita nito. Iyon nga lang, pagkatapos ng kolehiyo ay pumunta na ito sa ibang bansa upang doon kumuha ng masteral at hanggang ngayon ay hindi na sila nagkita. Nawalan din sila ng kontak dahil sinira ni Stella ang cellphone niya at itinapon ang kanyang sim card. Kaya malaki ang pasasalamat niya na makita niya ito ngayon. “Halos hindi kita makilala noong una kitang makita kaya hindi ako agad lumapit. Nasorpresa lang ako nang tuluyan kitang mamukhaan sa malapitan. Damn, you look gorgeous, Everest. Lalo ka pang gumanda…”The awkward atmosphere settled between them and Everest could only laugh a little before finally answerin
Next:Bago dumiretso sa event na sinasabi ni Nolan ay dinala muna siya nito sa isang manor na napag-alaman niyang pagmamay-ari ng pamilya ni Fredrick. Ang Chantrea Aureole ay ipinangalan sa kapatid nitong si Georgina na ngayon ay abala sa pag-ikot sa mundo upang mag-honeymoon. Maghapon na nagpahinga si Everest matapos niyang mananghalian at bago sumapit ang alas-kuwatro ay nagsimula na siyang ayusan ng mga staff na ipinadala ni Fredrick. They even gave her a full body massage at nahiya pa si Everest na ibalandra ang katawan dahil mayroon pa iyong bakas ng pagniniig nila ni Fredrick noong nakaraang gabi. From hair to toe ay si Fredrick ang nagbigay sa kanya kung ano ang susuotin niya. The stylist curled her long hair into wavy ends, but because of her elegant black strapless dress she didn't put heavy makeup on. Ang suot niyang itim na damit ay may hiwa mula sa taas ng kanyang hita pababa at kapag naglalakad siya ay nakikita ang makinis at maputi niyang balat. Mayroon din siyang suo
Next:“Ma, sinagot ko ang tawag mo at sinunod ang utos mo na makipagkita sa Mr. Tang na iyon, pero ano ang ginawa niyo? Niloko niyo ako!” Kahit puno ng galit at pagtatampo ang boses ni Everest ay hindi niya hinayaan ang sarili na lumuha. “Ako pa talaga ang hihingi ng tawad kahit wala naman akong ginawang kasalanan? Sinadya niyong pumunta akong mag-isa roon at kahit gawan ako ng Mr. Tang na iyon nang masama ay wala kayong pakialam! Anak pa rin ba ang turing niyo sa akin?”Matalim na tingin ang iginawad sa kanya ng ina imbes na maawa ito sa kanya. “Everest! Ano ang pinagsasabi mo? Sinabihan kita na tulungan mo ang kapatid mo na kausapin si mr. Tang para sa bago niyang proyekto, pero ano ang ginawa mo? Bakit ngayon ay hindi na siya kino-contact ng direktor na ‘yon? At bakit mo siya sinampal? Paano kung masira ang mukha niya na alam mo namang siyang kailangan niya sa trabaho?”Mapait na napangiti si Everest. Tuluyan nang nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. “Ma, hindi ko na problema kun
Next:Nang magising si Everest at halos hindi niya maigalaw ang katawan sa sobrang bigat niyon. Nanunuyo rin ang kanyang lalamunan at mabigat ang talukap ng kanyang mata pero kahit ganoon ay pinilit niya ang sarili na magmulat. Ganoon na lang ang takot na bumadha sa kanyang mukha nang sa pagmulat ng kanyang mata ay isang malawak at magarang kuwarto ang nabungaran niya. Sa ayos pa lang ay nahihinuha niyang nasa isang hotel siya. Lalong sumakit ang ulo ni Everest nang maalala kung ano ang nangyari at agad na pinakiramdaman ang sarili. “Lord, ano’ng nangyari sa akin? Pinagsamantalahan ba talaga ako ni Mr. Tang?” Lumamlam ang kanyang mukha at agad na nanubig ang mata. Nandiri siya sa sarili dahil sa katangahan niya. Kasama na rin doon ang pagtraidor sa kanya ng pamilya niya. They abandoned her. Siguradong nagsinungaling ang mga ito sa kanya at totoong hindi naman talaga na-trap sa traffic. They purposely set her up. Ano’ng klaseng pamilya sila?Wala siyang suot ni isang damit kaya bina
Next:“Hindi ka lang maganda, iha. Maganda rin ang figure ng katawan mo. Bakit hindi ka na lang mag-artista? Ako ang bahala sa ‘yo, sigurado akong mabilis kang sisikat.”Habang patagal nang patagal ay hindi na nagiging komportable si Everest sa klase ng titig ni Mr. Tang lalo na at nagtagal iyon sa malulusog niyang dibdib. Maluwang ang suot niyang t-shirt at pinaresan niya iyon ng maong na pantalon kaya hindi niya mawari kung paano nasabi ni Mr. Tang na maganda ang hubog ng katawan niya. “Mr. Tang, paparating na sina Stella. Doon ko na lang sila hihintayin sa labas,” mahina ang boses na paalam niya at mabilis na tumayo. Ang akala niya ay hahayaan siya nito pero nagkakamali siya dahil bago pa man niya mahawakan ang seradura ng pinto ay agad rin itong tumayo at idinikit ang katawan sa katawan niya. Everest was startled as her body was plastered against the wall by Mr. Tang pressing her from behind. “Ano’ng problema, iha? Bakit hindi mo na lang muna ako samahan dito at uminom habang na