Kinabahan si Aella dahil kanina pa hindi nakikita ang anak. Isang oras na yata ang lumipas. Tumayo siya para nagtanong. Saka ang taong hinihintay niya ay di pa rin dumadating. Paano na? Tinamaan ng malaking disappointment ang puso n'ya at ang tanging magagawa ay kumalma. Naalala niyang sinabi rin ni Mr. Vandervilt na may posibilidad na hindi ito darating. Bumaling siya sa bintana at timing na nahagip ng mata n'ya ang magarang Rolls-Royce na papaalis. Siniklop niya ang mga kamay. Malakas ang kabog ng puso niya at tinanong ang nakaupong officer. "Sir, siya ba yong psychologist?" "Oo siya nga!" Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa. Tumakbo siya palabas. Kaso hindi mapapantayan ng mga paa niya ang apat na gulong. Hinabol niya iyon hanggang sa kumapos ang kanyang hininga. Desperada siyang huminto, tinukod ang mga kamay sa tuhod habang minamasdan ang unti-unting paglalaho ng sasakyan sa distansya. Bumuhos s'ya ng efforts para mahanap ang taong ito, ngayon na abot kamay na niya ay saka
"Go and bring her here," biglaang utos ng lalaki, " according to what I heard, her name seems to be... Angelica." Napamulagat si Prescott, " paano n'yo ho nalaman?" "Noong binigay ko ang sketch sa bata, narinig kong tinawag siya ng mama niya na Angelica. As simple as that, right?" Tinaasan siya ng kilay. Tumalima si Prescot at agad na tinalikuran ang amo. Nanaog s'ya at tuloy-tuloy na lumabas. Noong muli siyang bumalik ay kasama na ang bata pati ang clerk. Nagtataka s'ya kung saan ang Mama nito. Namilog ang mata ng clerk at magalang itong binati ang boss niya. "Good morning po, Doc. Matthias!" Tamad na tumango si Matthias Sullivan, pero nasa bata ang direksyon ng mga mata niya. Nahiya sa umpisa ang bata pero nang makita si Matthias ay bumakas ang kaligayahan sa mukha nito. Iyon pala ang gwapong senyor na nagbigay ng sketch sa kanya. "We meet again," pakli nito. Nilapag nito ang tasa sa table at sinenyasan na lumapit ito. "Come over here." Lumabi ito at maang na nakam
Walang ideya si Aella kung anong klaseng reaksyon ang pinakita ng asawa habang minamasdan ang drawings. Tsaka wala rin s'yang pakialam kung magbago man ang opinyon nito para sa anak. Plano n'ya na kukunin ang anak kapag naipasa na ang annulment nila. Hindi na mahalaga kung umi-exist man ito sa mundo, basta ang importante malayo at masaya silang mag-ina. Paggising n'ya kinabukasan ay maagang umalis si Theodore para sa isang business trip. She didn't mind it, it's his work and it's none of her business. Ang sistema niya'y napuno ng pagkasabik na makita kaagad ang dalubhasang doktor para sa kanyang anak. Siya na mismo ang gagawa ng hakbang upang tuluyang gumaling ang anak maski na mahirap at nakakasira ng mental ang paghihintay niya. Lumipas ang dalawang araw, Lunes—ang araw na dadalo s'ya sa summit at ang tutuldok ng mahabang paghihintay niya. Maagang dumating ang sundo n'ya gaya ng pinangako ni Mr. Vandervilt. Pinasya niya ring isama si Angelica—mabuti na nandoon ang anak para
Kumibit balikat si Raffaelo matapos umalis sa pagkakasandal. Alam niya na autistic ang anak ni Aella at ilang taon ng naghahanap ng tamang doktor. Hindi mahalaga sa kanya ang bagay na iyon dahil outsider sya sa buhay nito. Pero noong muli silang nagkita sa coffee shop, doon n'ya nalaman na hindi masaya si Aella sa kasal nito. May ibang babae ang asawa nito at mag-isa itong inaalagan ang anak. Buhat noon ay lihim niyang tinutulungan ito na makahanap ng psychologist. Tyempong nakilala n'ya si Mr. Vandervilt na dating may PTSD. "Ang totoo ako ang may pakana na ipakilala si Mr. Vandervilt sa'yo para makapagpokus ka sa career mo. Nakiusap ako sa kanya na alamin ang psychologist. It just happens that I have more connections than you, so I just made a connection." Unuwang ni Aella ang bibig sa sorpresa. Sinabi nito na ayaw niyang mahirapan siya sa trabaho pero sekreto pala itong tumutulong sa kanya. Tumaba ang kanyang puso, nakakailang pero pati pala ito ay nagmamahal sa anak niya. Ito
This is ridiculous, sa isip-isip ni Aella. Hindi ganoon ka taranta ang asawa noong nagkasakit ang anak nila. Pinaubaya lang nito ang anak sa kung sino-sino psychologist para gamutin ito at ni hindi tinatanong kong ano ang kondisyon ng anak. Ngunit, kapag may lagnat o anuman sakit ang ibang tao ay tila mamatay na ito sa pagiging alala. Tumatakbo ito para alagaan ang anak ng iba. Kung importante ang mga ito... bakit hindi pa rin pinipirmahan ang anulment? Nagpapaaliw lang ba ito para palipasin ang mga araw o sadyang ini-enjoy muna ang thrill na magkaroon ng extramarital affair? Sumisikip ang dibdib niya tuwing maiisip iyon. Kulang na lang talaga ay malulunod sa kumunoy ng kabaliwan ng asawa niya. ... Sa sandaling iyon, sa kabilang subdivision na sampung minuto ang layo mula sa mansyon ng mga Larson kung mag-da-drive lang. Kalong-kalong ni Scarlet ang anak habang iniili, " mamaya, kapag dumating si Theo, wag mong kalimutan na magpanggap na may sakit ka, okay? Sasabihin masakiy ang
Lumingon si Aella nang magsalita ang mga bata sa likod n'ya. May hawak na sketch pad ang mga ito. Ngiti naman ang binati niya sa mga ito. "Wow! Ang ganda naman ng pagkakulay n'ya! Paano n'yo po na match iyon?" Namamanghang bulalas ng babaeng bata. "Ang liit pa n'ya pero mas magaling siya mag-paint kaysa sa akin!" Sabi pa ng isa. Halata na nagseselos "Ano ba pini-paint n'ya? Puno ba iyan o bundok? Ang amazing po!" Turan nong isa na pinagmasdan ng mabuti ang painting. "Malamang bulaklak iyan? Bulaklak lang ang alam ko na maraming kulay eh!" Sabi ng isa na pinakamatangkad sa lahat. Malapad na ngiti lamang ang tinugon ni Aella. May isang pigura na nakatayo sa tabi ng mga ito. Bumakas ang pagkamangha sa mukha ng teacher ng mga ito. "Kailan ba siya nagsimula mag-paint? Ang liit pa niya pero ang galing ha," usisa ng lalaking guro. Bumuka ang bibig n'ya. "Ngayong araw lang. Unang beses niyang mag-paint ngayon," tipid niyang sagot. Napamulagat ito sa pagkamangha. "Wow, talaga? Ang t