NAPAKATAGAL nagsimula ang kasalang bayan dahil hinintay pang dumating ang Mayor ng bayan at ang maraming ikakasal kagaya nila. Mainit dahil tirik ang araw pero hindi nakarinig ng reklamo si Jane sa lalaking mapapangasawa niya.
Nang matapos ang kasal ay pumirma na sila sa Marriage Certificate nila. Makukuha nila ang certificate sa City hall pagkatapos ng isang buwan. "Err, Sir... baka pwedeng ngumiti ka sa camera. Araw ng kasal niyong mag asawa, dapat magpakita ka ng ngiti sa kuha niyong dalawa." Tumingin si Jane sa lalaking asawa na niya ngayon. Narito sila ngayon sa harap ng photograper na inupahan ng Mayor na kuhaan ng litrato ang bawat mag asawa na kinasal sa kasalang bayan na 'to. Mahinang siniko niya ito. "Ngumiti ka naman kasi, hindi 'yong parang nalugi ka di'yan." bulong niya rito. Wala man lang 'tong kangiti-ngiti. "Aba mamaya isipin nila ay pinikot ko siya." Isip-isip ni Jane. Tumagal ang pagkuha sa kanila ng litrato dahil hindi talaga ngumiti ang lalaki kahit isang beses. Nangangawit na ang panga niya sa pagngiti. "Hmp! Ngiti lang pinagdadamot pa!" Maktol niya sa isip sabay sulyap sa lalaki. Hindi pa ba ito ngumiti sa buong buhay nito? Mukhang hindi kasi ito marunong ngumiti, kahit peke lang sana at sa araw na 'to lang. Nang matapos ang pagkuha sa kanila ng larawan ay lumabas na sila. Pagdating sa labas, nakita niyang wala na ang tirik kanina na araw, madilim na ang langit at puno ng makapal na ulap. Naalala niya ang balita kaninang umaga. May paparating daw na bagyo sa loob ng isa o dalawang araw. "Nako ang sinampay ko!" Naalala niya na may mga sinampay siya sa bahay. Kung hindi siya makakauwi agad ay sigurado na mababasa ang mga uniporme niya sa trabaho. Sira pa naman ang dryer niya ngayon. Kinalabit niya ang asawa niya. "Akina ang number mo! dali!" Tarantang wika niya sabay kuha ng cellphone sa bag. "Uuwi na ako, may kailangan akong gawin. Kung may gusto kang malaman, text-text nalang tayo!" Nilabas ng lalaki ang cellphone, bago pa nito masabi ang numero, kinuha ni Jane ang cellphone sa kamay nito at siya mismo ang naglagay ng numero niya sa contact list nito. Pagkatapos ilagay ang numero at pangalan rito ay cellphone naman niya ang binigay niya sa lalaki. "Ano nga pala ulit ang pangalan ng lalaking 'to?" isip-isip ni Jane. Hindi niya kasi tiningnan ang pinirmahan nila kaninang Marriage certificate. Nakakatawa. Kasal na sila at mag asawa na ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nila kilala ang isa't isa. Hindi niya sigurado kung tinandaan ba ng lalaking 'to ang pangalan niya matapos magpakilala dito kanina. Mukhang wala naman kasi itong pakialam sa kanya. "Ano nga pala ang pangalan mo?" Malamig na tumingin si Clegane sa babae na asawa na niya ngayon. Sa pagkakatanda niya ay Jane ang pangalan nito. "Clegane." Napalunok ng laway si Jane. Biglang nag init ang pisngi niya sa ilalim ng titig nito. "Nakaka panlambot talaga ang titig ng mga gwapo." Isip-isip niya bago tumango. "Sige-sige, simula ngayon ay tatawagin nalang kitang, Mister." Double meaning iyon para sa kanya. Mister dahil asawa na niya ito, at Mister bilang hindi pa niya lubusang kilala. Gano'n naman minsan ang tawag sa isang estranghero diba? Samantala, kumunot naman ang noo ni Clegane. Mister pa rin? Anong palabas ito ng babaeng 'to? Nagpapakipot ba ito para itago ang totoong motibo? Tumingin siya sa relo at malamig na sumagot. "May gagawin pa ako kaya kailangan ko na rin bumalik sa trabaho. Hindi na kita maihahatid." "Nako okay lang. Nagpapasalamat pa nga ako dahil pumunta ka at pinakasalan pa ako." Binuhay ni Jane ang makina ng scooter at kumaway bago pinaandar ito. "Bye, Mister! Mauuna na ako sa'yo!" Sinundan ni Clegane ng tingin ang lumalayong pigura ng babae. Akala niya magpapakita ito ng tunay na intensyon pagkatapos nilang magpakasal. Na hihingi ito ng pera o kung anong material na bagay. Imposibleng simpleng kasal lang ang habol ng babaeng 'yon, diba? Ngunit sa kanyang pagtataka, umalis ito nang hindi man lang lumilingon sa kanya. Nang mawala ng tuluyan sa kanyang paningin si Jane ay nag-isang linya ang kilay niya. Bakit pakiramdam niya siya ang nagamit sa sitwasyong 'to? Ito ba ang taktika ng babaeng 'yon para makuha ang atensyon ng isang lalaki? Naputol ang iniisip niya ng mag ring ang cellphone niya. Tumawag ang secretary niya. "Sir, gusto ko lang ipaalala sa'yo na may important meeting ka mamaya." Bumalik sa pagiging blanko ang kanyang ekspresyon at tumango. Pagkatapos ng tawag ay binulsa niya ang cellphone, sumakay na sa kotse at nagmaneho pabalik sa opisina. Bilang Presidente ng Montenegro Group of Companies, sanay si Clegane na siya ang may kontrol sa lahat. Pero ngayon ay parang nawalan siya ng kontrol. Sa isang iglap lang ay nakasal siya sa babaeng hindi naman niya lubusang kilala. Siguraduhin lang ng babaeng 'yon na wala itong masamang motibo, dahil kung hindi ay siya mismo ang magiging bangungot nito. ******** "Nako ang sinampay ko!" Pagkauwi ni Jane sa likuran ng bahay agad siya pumunta para tingnan ng mga sinampay niya. Malakas na ang hangin at halos liparin na ang mga mga sinampay niya. Mabuti nalang at nakauwi agad siya, kundi ay baka nabasa na ang mga 'to sa paparating na ulan. Dahil hindi pa naman malakas ang ambon, bumalik siya sa likod ng bahay nila para dalhin ang mga kalakal na binibenta niya kapag naipon. Simula kasi ng mag aral siya ay hindi siya binibigyan ng mama niya ng baong pera. Isa sa natutunan niya at nakasanayang gawin ay magbenta ng mga kalakal katulad ng plastik, bote at mga diyaryo. Nakaka-awang pakinggan pero iyon ang totoo. Sa murang edad ay natuto siyang dumeskarte. Malaki na ang kinikita niya ngayon subalit ang gawain na 'to ay hindi na niya naalis. Basta nagdadala ng pera sa kanya ay pinapahalagahan niya. Pagkatapos niyang magligpit, napansin niyang may mahigit twenty missed calls ang Kuya Randy niya sa kanya. Nilapag niya muna ang mga sinampay sa sofa at sumilip sa labas. Mukhang uulan ng malakas anumang sandali. Kaya niyang suwayin ang kanyang ina, pero ayaw niyang mag-alala ang Kuya niya. Gusto niyang sabihin dito na kinasal na siya. Hinubad niya ang suot na simpleng puting bestida at nagpalit ng jeans at tshirt bago nagsuot ng kapote bago pumunta sa bahay ng kuya niya. Pagkarating dito ay agad niyang sinabi rito ang tungkol sa kasal niya. Alam niyang mabibigla ito, pero alam niyang makakabawi din ito. "Kuya, nagpakasal na ako." "T-Teka sandali, sinasabi mong kasal ka na?" Nang tumango ang kapatid ay halos malaglag ang panga ni Randy. Kahapon lang ay sinabi ni Jane na buntis siya. Tapos ngayon ay kasal na? Gusto niyang isipin na isa lang 'tong prank pero kilala niya si Jane. Tahimik 'tong tao at hindi palabiro. Ang magbiro ng ganitong bagay ang huling gagawin nito. Pero bukas sila sa isa't isa mga bata palang sila kaya kilala niya 'to. Kahit may mga manliligaw ay hindi ito nagpakita ng interes sa mga 'yon, at lalong walang interes ito sa pakikipagrelasyon. Kaya paano ito nabuntis ng walang nobyo at nakapag asawa pa ng hindi man lang dumaan sa panliligaw ng hindi niya nalalaman? Hindi ito kapani-paniwala. Ngunit ng makita niya ang litrato ng kapatid na may katabing lalaki, nakumbinse siya. Ito daw ang asawa nito. Sa litrato ay kitang-kita ang deperensya ng taas nito kumpara kay Jane. Matangkad ang lalaki, mukhang seryoso ang dating dahil wala man lang kangiti-ngiti ito sa camera. Kinuha ni Jane ang litrato sa Kuya niya. "Wag kang mag alala, Kuya. Mabuting tao ang pinakasalan ko, nasa mabuting kamay kami ng anak ko." "Mabuting tao?" Dinuro ni Randy ang mukha ni Clegane sa litrato. "Mukhang pinagbasakan ng langit at lupa ang mukha ng asawa mo. Paano kita maipagkakatiwala sa ganyang klase ng lalaki, eh kahit ngiti ay pinagdadamot niyang ibigay!” Pinagalitan ni Randy ang kapatid. "Bakit kasi nagpakasal ka ng hindi man lang ako kinakausap? Bakit nagmamadali ka? Saka sigurado ka ba na mabuting lalaki 'yan? Sa litrato niyo palang ay mukhang hindi na madaling pakisamahan. Saka ilang taon na 'yan? Taga sa'an 'yan?" Ilang taon? Lihim na lumunok si Jane. "T-Taga kabilang bayan lang siya, trenta na siya." Panghuhula niya sa edad ni Clegane. "May trabaho ba 'yan? Kaya ka bang buhayin niyan? Saan ka ititira niyan? May bahay ba 'yan? Bayad ba o hulugan pa?" Napangiwi siya sa magkakasunod na tanong ng kapatid. "Kuya naman, parang masyado namang marami at personal ang mga tanong mo...!""Halika na." Malamig ang tinig na utos ni Clegane kay Jarren. Pagkatapos tumawag ulit ni Jane sa kanyang kaibigan sa Porsche dealership ay sinabi niya kay Arnold ang magagastos. "Bagamat ang materyales ay maaring ibaba sa cost price, hindi naman maibaba ang labor cost at repair cost. Tinatayang aabot ng hindi bababa sa 30,000. Okay na ba sa'yo ito?" "Oo, siyempre!" sagot ni Arnold. Ang 80,000 ay naging 30,000 na lang bigla. Nagsimulang huminga ng maluwag si Arnold, habang ang kanyang mga mara ay nakatingin ng puno ng paghanga kay Jane. "Salamat, ha. Kung hindi dahil sa iyo, baka nagbayad ako ng malaking halaga sa kanila." Pasalamat ni Arnold na hindi inaalis ang titig kay Jane. "Libre ka ba mamaya? Gusto ko sana kitang anyayahang kumain sa labas bilang pasasalamat,"Inilingan ito ni Jane. "Wag ka na mag abala, Arnold. Magsilbing aral nalang itong nangyari. Dapat mong pagtuunan ng pansin ang pagmamaneho sa susunod, lalo na't nandiyan pa si Maya sa kotse mo. Na-kwento niya sa ak
Nagmumura si Clegane sa backseat na upuan ng Porsche. Nag-drive siya ng mini car kaninang umaga. Pagkatapos ng ilang beses na pag-stall ng kotse sa daan, nawalan siya ng pasensya at kinailangan tumawag kay Jarren para sunduin siya, kaya’t nauubos ang oras sa kalsada. Nang malapit na siyang makarating sa kumpanya, muling nabangga ang kotse. Malas na malas ang araw niya ngayon! Nang tumingin siya sa rearview mirror, nakita niyang bumaba ang isang binatang lalaki mula sa BMW. Tinatayang nasa 20 o 22 na taon ang lalaki, naka-trendy na damit. Sa simula, tila hindi ito apektado sa banggaan, at hindi akalaing malaki ang problema ng rear-end collision. Ngunit nang makita nito ng malinaw ang Porsche logo, bigla itong namutla. Sumenyas si Clegane sa kanyang secretary, agad na bumaba naman si Jarren mula sa kotse para asikasuhin ang insidente. Maliwanag na magiging problema ang pagbabayad ng kompensasyon dahil sa illegal na pagmamaneho at pagkakasagasa. Ayon sa sekretarya, aabot ng hi
Tumingin si Jane sa plato ni Clegane na wala ng laman. Akala niya ay hindi nito mauubos ang pansit. Ang ekspresyon kasi nito kanina ay nagpapakita na parang napipilitan lang na kumain ng pansit. Napangiti siya. Naubos nito ibig sabihin ay nasarapan ito. Akala niya talaga ay may matitira rito. Habang naghuhugas ng pinagkainan, narinig niyang nag-ring ang cellphone niya. Tumatawag si Maya. Kilala si Jane bilang masipag, palagi itong naka-on duty, sa sobrang sipag ay ayaw ng mag-leave. Ito ang unang pagkakataon na mag-leave ito kaya nag alala si Maya na baka tinamaan ito ng sakit dahil sa ulan kagabi. Kaya tinawagan niya si Jane para kamustahin. “Maya, okay lang ako. Nag-leave ako dahil maglilipat ako ngayon..." "Maglilipat! Bakit hindi mo sinabi agad, Ate Jane? Nakakapagod mag-isa maglipat. Tamang-tama naka-off din ako ngayon, ibigay mo na lang ang address at pupunta ako agad!" Kinulit siya ni Maya kaya hindi na nakatanggi si Jane at ibinigay na lang niya ang address. Na
Hindi kumibo si Clegane at hinayaan na ipagtimpal siya ni Jane ng kape. Hindi talaga niya gusto ang lasa kaya hinayaan niya na ipagtimpla siya nito. Nagmamadali na nag init ng tubig si Jane. Wala na kasing laman ang thermos. Habang hinihintay na kumulo ang tubig, inalok niya ito ng ibang pagkain. "Mister, bakit hindi mo subukan ang egg burger? Masarap po ‘to.” Tumanggi si Clegane ng buo at tiyak. Pansit lang ang kaya niyang kainin sa mga binili nito. Ayaw niya sa mamamtika na pagkain, pero wala siyang choice kundi kainin itong pansit. Tsk! Hindi pa siya nakakain ng ganito kamantikang pagkain. Ngayon lang dahil sa babaeng ito! Kung hahayaan niya ang sarili na kainin ang anumang ibigay nito, baka dumating ang panahon na malagay sa alanganin ang kalusugan niya. Tsk! Hamon para sa kanya simula ngayon ang bawat alok nito ng pagkain. Pagkatapos ipagtimpla ni Jane ng kape si Clegane ay nagpatuloy siya sa pagkain. “Hmp! Bahala ka kung ayaw mo… sayang masarap pa naman ‘to.” Ewa
Maaaring ngayon ay hindi pa duda ang babaeng ‘yon sa pagkakakilanlan niya. Pero hindi siya dapat maging kampante lalo na’t titira na sila sa iisang bubong. Kailangan niya mag ingat. Para makasiguro ay inutusan niya si Jarren na kumuha ng tao na magdadagdag ng kandado sa kanyang kwarto. Dala ang mga dukomento na naglalaman ng reports tungkol sa asawa at tahimik niyang tinahak ang daan pabalik. Napahinto siya sa paghakbang ng makita si Jane. Nakatayo ito sa harap ng pinto at nakatingin sa kanya. Hindi ba’t umalis na ‘to kanina lang? Kailan pa ito nakabalik? Napalunok si Clegane. Kanina lang ay kausap niya si Jarren sa ibaba. Nasaksihan at narinig ba nito ang usapan nila ng secretary niya? Nabahala siya. “Mister!” Kumaway si Jane na may tabinging ngiti sa labi. “Lumabas lang ako para bumili ng almusal, pagbalik ko hindi na ako makapasok, hindi ko kasi mabuksan ang pinto. Nagdoorbell ako walang nagbubukas. Kaya naman pala eh nasa labas ka pala.” Nakahinga ng maluwag si C
Bagaman nakakaintimida ang awra ni Clegane at mukhang hindi madaling pakisamahan, matagal na siya sa sales at sanay sa lahat ng klase ng customer. Marami na siyang naka-salamuha na katulad nito. Saka ito ang pinaka gwapo, nakakawala ng takot kapag napatitig sa mukha nito. Sayang nga lang at matigas ang personalidad nito. Hindi dapat nito malaman ang tungkol sa bata, kundi maghihirap siya kapag dumating ang divorce. Basta’t makatawid siya ng ligtas sa susunod na anim na buwan, wala na silang magiging ugnayan! Hinawakan ni Jane ang kanyang flat na tiyan at muling nagdesisyon. "Huwag kang mag-alala, baby, hindi ko hahayaan na may kumuha sa'yo..." Sa sala... Pinagmamasdan ni Clegane ang pintuan ng kwarto ni Jane ng matagal, at medyo magulo ang kanyang ekspresyon. Bago pumasok ang babae sa kwarto, nagpasalamat pa siya sa kanya. Inisip niyang matatakot ito at baka umiyak, ngunit hindi niya inaasahan na ngingiti pa ito! Tinawagan ni Clegane ang numero ng secretary na si Jarren