Share

Chapter 25

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-02-11 20:25:41

SA mga araw na lumilipas, nasanay na si Aedam na maagang gumigising. Siya ang naghahanda ng uniform na susuotin ng anak, at tsini-check din niya ang pagkaing aalmusalin nito. Maging ang assignment na ginagawa nila sa office ay pinapasadahan niyang muli. Sinisiguradong nasa maayos ang lahat, tulad nang umagang 'yon, paulit-ulit na tinitingnan ang gamit ng anak at nang masiguradong nasa tama ay saka pa lang siya napanatag ang isipan.

Sumunod ang unifom, kinuha nito 'yon sa walk-in-closet, inilapag sa pahabang sofa, ingat na ingat na huwag magusot, saka'y maingat na lumabas ng silid. Bago niya isinara ang pinto ay sinulyapan muna niya ang nahihimbing pang anak. Nagtuloy siya sa kitchen. Naabutan niyang nagluluto si Eliza. Ham and hotdog ang kaniyang nakita, nakaayos na rin ang baunan nito. Lihim siyang napangiti dahil sa ugali ng nag-aalaga sa anak niya. Mabuti itong kasambahay. Lahat ay nasa maayos lalo na pagdating sa kaniyang anak.

Tinungo niya ang fridge, kinuha ang fresh milk at
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cris Magsino
more update po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 101

    "ARE you ready?" Hindi napigilan ni Meadow ang matawa sa kinikilos ng asawa. Kagabi pa ito hindi mapakali. Mas excited pa sa kaniya na malaman ang gender ng anak nilang nasa sinapupunan niya. Pero kung excited ito, hindi rin pahuhuli ang kanilang anak na si Avi. Panay ang ungot nito sa kaniya, gustong sumama sa check up, ngunit mariing tumanggi ang ama nito. May pasok pa kasi ang bata. Ayaw nilang mag-asawa na nang dahil lang doon ay aabsent ito, lalo na't may activity pa ito sa school. Nangako naman sila na susunduin ito sa school. Ngayon ay kamumulat pa lang niya ng mata, pero heto't nagtatanong na agad ang asawa niya. Alas dyes ang schedule niya para sa ultrasound, kaya hindi kailangang magmadali. "Mag-breakfast muna tayo," aniya sa asawang nakatitig sa kaniya. Bumangon siya at nagtungo sa banyo para maglinis ng mukha. Nang lumabas ay nag-aabang na sa gilid ng pinto ang asawa. Wala itong suot na pang-itaas, kaya nama'y humantad sa paningin niya ang katawan nitong matagal na nah

  • INSTANT DADDY    Chapter 100

    "MAY good news ako, Aedam."Nag-angat ng paningin si Aedam sa sinabi ni Jack. Excited siyang malaman ang maganda nitong ibabalita. "Alam ko na kung saan pumupunta si Rex." "Saan?""Sa hospital.""Hospital?" Tumango ito. "Nasa hospital ang tatay ni Brenda. Ayon sa napagtanungan kong nurse ay atake sa puso, naagapan lang kaya naka-survive.""Nasaan ang good news doon?" tanong niyang nakakunot ang noo. "Masusubaybayan ko na ang bawat kilos ni Rex, Aedam. Pumupunta rin siya kay Brenda--""Then, bakit hindi mo pa siya hulihin at ikulong?" Bahagyang tumaas ang timbre niya. Naiinip na siya sa kilos ng kaibigan. Parang balewala lang ang natatanggap niyang death threats mula kay Rex. "Hindi natin siya puwedeng hulihin, dahil wala naman itong ginagawang maling hakbang--""Wala?" awat niya sa kaibigan. "Yong mga natanggap kong pagbabanta, hindi ba 'yon allowed sa kaso na isasampa ko sa kaniya?" Ngayon ay sumisigaw na siya. Nakatayo sa harap ng kaibigan, at nasa mukha ang labis na pagkadisma

  • INSTANT DADDY    Chapter 99

    HINDI mawala-wala ang kulot ng kilay ni Aedam. Ilang minuto na ang lumipas nang tumawag ang bodyguard ni Avi, nawawala raw ito. Nagsilabasan na ang mga kaklase, wala nang bata sa school, pero wala ang anak niya. Nagbalak na siyang tawagan si Jack, mabuti na lang at tumawag muli ang bodyguard. Sinabing kasama na nila ang bata. Pero, hindi siya mapalagay. Bakit nawala nang ilang minuto ang kaniyang anak? Hindi nito gawain ang pumunta sa kung saan, kaya't imposibleng mawala ito. Paulit-ulit niyang sinasabi rito na kapag oras na ng labasan ay deritso na sa sasakyan. "Anong nangyari, sweetheart?" Napansin yata ng asawa niyang hindi soya mapakali. Wala ito sa room nila nang tumawag si Nico, bodyguard ng anak niya, kaya wala itong alam sa nangyari. Dapat ba niyang sabihin dito? "Sweetheart..." "Ha? Ah, uhm, wala. May k-kaunting problema lang sa office." Tinitigan siya nito. Sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. "Are you sure?" Binitiwan niya ang cellphone, tumayo'y lumapit dito. "

  • INSTANT DADDY    Chapter 98

    "BULLSHIT!" Hindi napigilan ni Rex ang magmura ng paulit-ulit. Pang-ilang beses na siyang bumabalik sa CromX, pero sadyang hindi niya matagpuan ang pakay. Mailap ito. O baka'y natatakot sa gagawin niya. Napangisi siya. "Takot ka pala sa akin, Aedam." Pinukol niya nang matalim ang matayog na building at pagkatapos ay tumalikod na. Tinungo ang naka-park na sasakyan. Pasakay na sana niya nang matanaw ang lalaki sa 'di kalayuan. Mukhang sa kaniya nakatutok ang paningin nito. Ngunit, sa halip na mabahala ay nginisihan pa niya ito. Tiyak na mata iyon ni Aedam. At kung totoo man, ipararating nito ang pagpunta sa CromX. Nang makasakay na ay matulin niyang pinatakbo ang sasakyan. Wala pa siyang balak na umuwi. Naisipan niyang pumunta sa presinto. Dadalawin niya si Brenda. Bago pumunta sa presinto ay dumaan muna siya sa isang bakery, bumili ng pagkain para sa dalaga. Alam niyang nagsasawa na ito sa pagkain doon. Ilang sandali pa ay nasa loob na siya ng presinto, naghihintay sa paglabas n

  • INSTANT DADDY    Chapter 97

    MAHIGIT isang linggo na ang lumipas nang malaman ni Meadow na nanganganib ang buhay nila lalo na ang asawa, mahigit isang linggo na rin itong nananatili sa mansion. Dumadalaw naman ang kaibigan nito, kung minsan ay may dalang food at mag-iinuman, tulad ng hapon na 'yon. Unang sumulpot si Zeus, may dala itong mangga at pakwan. Mainam daw 'yon para sa buntis. Nang makita ang pakwan ay agad niyang nilantakan. Noong kasagsagan niya ng paglilihi kay Avi, ang tanging gusto niyang kainin ay hilaw na bayabas, pero ayaw niya ng buto. Ngayon sa pangalawa niya'y hindi siya mapili. Kung ano ang nakahain ay kinakain niya, tulad na lang ng pizza na dala naman ni Kent. Nalaman nitong kumakain na siya ng pagkaing 'yon, at pangalawang beses na itong nagdala ng pizza. Si Tyron at Drake ay magkasabay na dumating. Jollibee ang dala ng huli at ang sa una ay pancit palabok. "Naks! Hindi na natin kailangang magluto, Avi. Ang dami na nilang dalang pagkain e," natutuwang saad ni Eliza, ang mata ay tila kumu

  • INSTANT DADDY    Chapter 96

    HINDI mapakali si Aedam. Kasalukuyan siyang nasa sariling office sa mansyon. Kanina pa dinadaluhong ng kaba nag dibdib niya. Hindi niya mawari. Ang asawa niya'y pabalik na galing sa check up, si Avi ay nasa school. Pang-ilang beses na niyang tinawagan si Meadow at paulit-ulit nitong sinasabing okay lang ito. Ang kanilang anak ay tiyak niyang may klase pa, tinatawagan din niya ang nagbabantay dito. "Pero, bakit hindi mawala ang kaba sa 'king dibdib?" tanong niyang nakatitig sa kawalan. "Paranoid lang siguro ako." Ipinilig niya ang at pilit na tinanggal sa sitema ang namumukol na kaba. Inabala na lang sa mga tambak na gawain ang isipan. Hindi na nga siya pinapasok ni Jack, kapag may report ay agad na ipinadala sa kaniya. Nasa kalaghatian n siya ng binabasa nang bumukas ang pinto. Nag-angat siya ng paningin. "I'm back, sweetheart!" Tuluyan nang naglaho ang kaba nang makita ang asawa. May bitbit itong pagkain. "Pizza!" Agad nagsalubong ang kilay niya. "Baby, kailan ka pa nahilig s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status