Home / Romance / INSTANT DADDY / Chapter 100

Share

Chapter 100

Author: Writer Zai
last update Last Updated: 2025-07-01 16:43:08

"MAY good news ako, Aedam."

Nag-angat ng paningin si Aedam sa sinabi ni Jack. Excited siyang malaman ang maganda nitong ibabalita.

"Alam ko na kung saan pumupunta si Rex."

"Saan?"

"Sa hospital."

"Hospital?"

Tumango ito. "Nasa hospital ang tatay ni Brenda. Ayon sa napagtanungan kong nurse ay atake sa puso, naagapan lang kaya naka-survive."

"Nasaan ang good news doon?" tanong niyang nakakunot ang noo.

"Masusubaybayan ko na ang bawat kilos ni Rex, Aedam. Pumupunta rin siya kay Brenda--"

"Then, bakit hindi mo pa siya hulihin at ikulong?" Bahagyang tumaas ang timbre niya. Naiinip na siya sa kilos ng kaibigan. Parang balewala lang ang natatanggap niyang death threats mula kay Rex.

"Hindi natin siya puwedeng hulihin, dahil wala naman itong ginagawang maling hakbang--"

"Wala?" awat niya sa kaibigan. "Yong mga natanggap kong pagbabanta, hindi ba 'yon allowed sa kaso na isasampa ko sa kaniya?" Ngayon ay sumisigaw na siya. Nakatayo sa harap ng kaibigan, at nasa mukha ang labis na pagkadisma
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
hillary
baka may sakit tatay nya
goodnovel comment avatar
Writer Zai
pasensiya na po kung madalang akong mag-update. paisa-isang chapter lang
goodnovel comment avatar
Ruby Bautista
more more chapter please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • INSTANT DADDY    Chapter 113

    Sinamahan si Meadow ni Cindy hanggang pool. Habang tinatahak ang daan ay nagtatanong siya rito, na agad naman nitong sinasagot. Mahiyain ang dalaga. Simple lang sumagot, at maganda nga ito. "Anong year mo na pagpasok?" "Fourth year na po." Bagama't tumatango ay nakakunot ang kaniyang noo. "Nag-stop ka ng pag-aaral?""Opo e. Kulang po sa pinansiyal."Tumango siyang muli. Twenty-five na ito kaya naitanong niya ang bagay na 'yon. May ilan pa siyang katanungan at walang pasubaling sinasagot ito ng dalaga. Hanggang sa marating nila ang tapat ng pool. "Mommy..." Kumaway sa kaniya si Avi, naliligiran ito ni Paula at Eliza.Gumanti siya ng ngiti rito at muling ibinaling ang tingin kay Cindy. "Gusto mong mag-swim?" "Po?" Napangiti siya. "Huwag mo na ngang samahan ng po. Nagmumukha akong matandang buntis e." Natawa siya sa sinabi niya. "Ilang taon lang naman ang agwat ko sa iyo.""Eh, kasi po..." Napakamot ito sa ulo, saka'y ngumiti. "Go na, samahan mo sila," pagtataboy niya rito. "Mag-c

  • INSTANT DADDY    Chapter 112

    Masayang-masaya nang umuwi si Meadow. Nakausap at nayakap na niya si Aedam, bagama't hindi pa ito masyadong nagsasalita, masaya na rin siya. Pero bakit may iba siyang nararamdaman? Parang may mali. May ibang pitik ng puso siyang nararamdaman. Habang nasa ospital ay tumawag si Damian, gusto raw siyang makausap ng anak. Kukumustahin lang pala si Brix Railey. Kinukumusta rin nito si Aedam, kung tumawag na at kung kailan uuwi. Nang dahil doon ay pilit niyang inignora ang nararamdaman. Nakausap na rin niya ang doktor, sinabi nitong as soon as possible ay isasaayos na nito ang operation. Iyon din kasi ang gusto ng mga kaibigan ng asawa niya, ang maisaayos ang nasirang katawan nito.Matapos mai-park ng driver ang sinasakyan ay agad na siyang umibis. Sapo ang may kalakihang tiyan habang pumapasok sa mansyon. Nasa bukana pa lang ng pinto ay naririnig na niya ang matinis na boses ng kaniyang anak. Masayang-masaya ito. Hindi pa man siya tuluyang nakalalapit ay napansin na siya ni Damian, nagla

  • INSTANT DADDY    Chapter 111

    "Lolo, kailan po ang balik ni daddy?" Nagkatinginan si Meadow at Damian, kasalukuyang nasa harap sila ng hapag-kainan, pinagsasaluhan ang nakahaing pagkain. Nakaramdam siya ng kaba at awa na rin para sa anak. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Pinili niyang huwag ipaalam sa bata ang nangyari kay Aedam. Pinalabas niyang nasa ibang bansa ito dahil may aayusin doong trabaho. "Hindi ko alam, apo." Masuyong hinaplos ni Damian ang pisngi ng anak niya, saka'y ngumiti. "Don't worry, babalik din ang daddy mo, kapag natapos na siya roon. For the meantime, kumain ka muna dahil lalabas tayo. Na-miss ko na ang bonding nating dalawa."Saan po tayo pupunta?" tanong nito. Tila curious na curious. Napaka-inosente ng anak niya."Saan mo gusto?""Kahit saan po." Sumubo ito ng pagkain. Ang pisngi ay namumutok na."What if mag-mall na lang tayo? Mag-play tayo sa time zone, tapos tatalunin natin si Ate Eliza sa bowling." Humagikgik ang anak niya. At nang dahil sa nakikita ay nawala ang agam-agam sa i

  • INSTANT DADDY    Chapter 110

    Huminto si Meadow sa tapat ng nakapinid na pinto. Kanina pa nanginginig ang katawan niya. Nakiusap siya kay Jack na kung puwede niyang bisitahin ang asawa, pumayag naman ito. Pero ngayong nasa harap na siya ng ICU, parang ayaw na niyang ituloy. Dinadaga ang dibdib niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba o hindi na. "Pero gusto kong makita ang aking asawa," bulong ng isipan niya."Are you okay?"Nasa likuran niya si Jack, nakaagapay sa kaniya. Sinabi nitong dumalaw rin si Tyron. Sayang lang at hindi sila nagpang-abot. Umalis din ito agad dahil busy sa kompanya. Ang kaniyang biyenan ay kagabi dumalaw, nakausap niya ito bago siya matulog. Nangako itong pagkatapos ng work ay muling bibisita sa anak."O-oo." Sinamahan niya ng tango ang sagot niya.Huminga siya ng malalim. Saka'y pinihit ang door knob. Nang nasa labas ng ICU ay hindi na halos siya makahinga, lalo na ngayong nakita ang kalagayan ng asawa. Tila sinasakal siya. Parang gusto niyang sumigaw pero hindi niya maga

  • INSTANT DADDY    Chapter 109

    "Mommy, where's daddy?" Napahinto si Meadow sa paglalagay ng kanin sa pinggan ng anak. Nahugot din niya ang kaniyang hininga. Nag-apuhap siya ng idadahilan. Sinulyapan niya si Manang Fe na katabi ng bata. Kasama nilang kumain ang mga kasambahay, pinasabay na niya para marami sila sa hapag-kainan. "M-may t-tinatapos pa anak sa office si daddy," dahilan niya. Nabubulol pa siya. "Ang tagal namang dumating. Ipapakita ko ang mga nagawa ko sa kaniya, 'tsaka, hihingi ako ng reward.""Anak, ano ang sabi ko sa iyo?""E, mommy, hindi naman po para sa akin ang hihingin ko kay daddy, 'di ba Ate Eliza?" Bumaling ito sa dalaga na nasa tapat nito. Nangingiting tumango si Eliza. "Para sa mga street children."Umingos siya, kunwaring naggalit-galitan. "Huwag ko lang mabalitaan na nanghihingi ka na naman, Avi, ha! Mapapalo na talaga kita!" sermon niya rito. "Relax, mommy. Ang puso mo. Sige ka, papangit si baby niyan," tugon ng anak niya na may kasama pang kumpas ng kamay.Lihim siya natawa sa ina

  • INSTANT DADDY    Chapter 108

    "May nahanap ka bang kahit anong bakas?" Umiling ang rescuer na patuloy na hinahalughog ang pinangyarihan ng insidente. "Still, negative, Sir Jack." "E 'yong taong sinasabi niyong nakakita sa nangyari, where is he?" "Nandoon po sa gilid." Itinuro nito ang bahaging kaliwa ng kanilang kinaroroonan. Mabilis silang sumugod doon. Kasama pa rin ni Jack si Drake at Zeus. Si Greg ay dinala na sa hospital para magamot ang natamong sugat. Medyo bata pa ang lalaking sinasabing nakakita sa nangyari. May mga ilang katanungan siya rito, at maayos namang masagot. "Hindi ko lang po matiyak kung ang sakay ng sasakyan ang narinig kong sumisigaw." Halos sabay silang tatlong magkakaibigan na napasinghap sa sinabi ng ginoo. Nagkaroon sila ng pag-asang buhay pa ang kanilang kaibigan. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Aedam, kundi kapatid na rin. Tinulungan siya nito noon nang magkaroon ng mabigat na suliranin. Halos lahat sila, natulungan nito. Kaya kahit sira-ulo sila, tinitingala nila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status