Share

Kabanata 50 Sundo

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-04-26 10:20:19

Michelle's Point of View

"Michelle, okay ka na ba? Musta ang chicken pox mo, hindi na ba nakakahawa?" tanong ni Lorraine sa akin.

Hindi ko alam kung sino ang gumagawa ng dahilan kapag umaabsent ako pero hindi na siya kapani-paniwala. Dalawang araw lamang akong hindi pumasok. Chicken pox talaga? Ano ako, si Super Woman? Gumagaling agad?

"Allergy lang iyon, Lorraine. Napagkamalang chicken pox," sabi ko na lang. Hirap ipagtanggol ng kung sinong gumagawa ng kuwento kapag absent ako.

Sinipat akong mabuti ni Lorraine. Maging ang kutis ko sa kamay. Maging sa leeg ko ay sinilip niya. Pero natigilan siya bigla at humarap sa akin na nagdududa.

"Ano iyan?" ika niyang may itinuro sa may leeg ko.

Bigla akong nag-alala. Hindi kaya nagkaroon na talaga ako ng chicken pox? Huwag naman sana.

"It looks like a chikinini!" aniyang agad kong ikinapula ng mukha. What did she say?

"Nagkakamali ka," ika kong pinabulaan ang sinasabi niya pero hindi siya tumigil. Kinuha niya ang cellphone niya at ni-pictu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (14)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Capinig
update please
goodnovel comment avatar
Rachel Japson
san na update neto author....knock knock author please update..
goodnovel comment avatar
Honaka Yahagi
wala po bang update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 122

    Michelle's Point of View"Michelle buti napadalaw ka," masayang bati sa akin ni Nanay Susan. Yumakap ako sa kanya. Halos isang buwan din na hindi ako nakadalaw sa kanila. Mula noong insidente sa picture na na-upload tungkol kay Lucas ay hindi muna ako pinayagan ni Lucas lumabas. Maging noong umalis sila Sonia at Ethan ay hindi ko sila nagawang maihatid at makapagpaalam man lamang."Mag-isa po yata kayo?" tanong ko nang makitang wala si Lea. "Nasaan po si Lea?""Naku, umuwi muna sa kanila at nagkaproblema daw sa kapatid niyang pakialamera at masyadong nagmamarunong sa buhay. Ayon at pinoperwisyo daw ang nanay nila..."Natawa ako kay Nanay Susan. Masyado siyang kampanteng ikuwento ang buhay ni Lea sa akin. Siguro dahil nga mag-isa siya at walang makausap."Bakit daw po?" At ako naman ay isa ding 'marites' na napatanong na lang. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa sofa. Nagsimula na siyang kuwentuhan ako. "Si Ning-Ning na kapatid niya. Nakapag-asawa iyon ng may kaya. Ngay

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 121

    Lucas Point of View You are a asṣhòle Lucas. Make up your mind!Those words are torturing me right now. My anger was above my head. Parang bulkan na gusto ko ng pumutok. Kung wala lang ako rito ngayon, baka nagwala na ako. Kumuyom ang kamao ko at naipukpok iyon sa hawakan sa balkonahe na nagsisilbing harang. Ilang beses din na naipukpok ko iyon at hindi inalinta ang sakit na dulot ng pagpukpok ko. Namula ang kamay ko pero wala akong pakialam. Mas nangibabaw ang galit sa sistema ko. Michelle! Talagang ginagalit mo ako!I was about to dial and call Robert when..."Luke..."Napatingin ako sa nagsalita. I saw Olivia, balot siya ng roba at kagagaling lamang sa loob ng kanyang kuwarto. She looks better now after the bath. Lumapit ako sa kanya. Hindi siya puwedeng lumabas at mahanginan bigla. Sinara ko ang sliding door papunta sa balkonahe at hinila siya sa loob ng kuwarto niya.Niyakap niya ako nang magkalapit na kami. Sa una ay napatda ako. But then my hands slowly hugged her also. Pil

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 120

    Lucas Point of ViewIt was a tiring and long flight. Pero pagkababa ko, parang biglang nabuhayan ang loob ko. It was a surprised visit. Alam kong nararamdaman na ni Olivia ang biglang pagbabago sa relasyon namin. And I don't want her to do something kapag nalaman niyang paparoon ako para magkausap kami.Sa totoo lang, wala pa akong desisyon na nabubuo. Naiipit pa rin ako whether to break or make it. I'll know once I face her. Nagcheck in ako sa hotel bago pumunta sa bahay na tinutuluyan nila Olivia. Bagaman pag-aari ko iyon, ayaw kong doon tumira sa loob ng dalawang araw. Wala pa akong desisyon at hindi dapat maapektuhan anuman ang meron siya ngayon. I still want her to succeed in life. That is how she's important to me.Hindi pa man nakakapahinga ay agad akong pumunta sa bahay kung nasaan si Olivia."Lucas! Oh my God. Buti at narito ka..."Pagbukas pa lamang ng pinto ay agad na bungad iyon sa akin ni Mrs. Asuncion. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Napakunot noo ako dahil sa itsu

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 119

    Michelle's Point of View Nagulat ako nang pagpasok namin ay may mga bumati sa amin na mga katulong. Mga apat siguro ang mga iyon. Pagkatapos ay mabilis silang nagsialisan na parang napapaso. Lalo na noong nakasunod na sa amin si Emman. Mga nagsiyuko. Bumaling ang tingin ko kay Emman. Nginitian niya ako. Pero ramdam kong hindi bukal iyon sa kanya. I saw him smile before. Kakaiba ngayon maging ng ikinikilos niya. Parang napipilitan.Ewan ko. Pero mas naging mapagmatiyag ako sa aking paligid dahil sa kanila. "Maupo ka, Michelle..."untag sa akin ng Mama ni Emman. Hihila na sana ako ng mauupuan ko nang mabilis na kumilos si Emman. Siya ang humila sa isang upuan para sa akin. "Seat here, Michelle," aniya.Sumunod naman ako. Umikot siya sa akin at ipinaghila din ang kanyang ina ng mauupuan. He's being himself naman. Pero may mga pagkakataong may awkwardness talaga. Pagkatapos ay naupo siya sa upuang nakagitna sa amin ni Mrs. Vistro.Nang makaupo kami ay isa-isang inilabas ng mga katulo

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 118

    Lucas Point of View "Do you think she's okay?" tanong ni Robert na ipinagtaka ko. "Who?" takang tanong ko. Ngayon lamang siya parang balisa at may malalim na iniisip.Kasalukuyan kaming naghihintay ng flight ko. Na delay kasi iyon kaya heto, hanggang ngayon ay hindi pa ako nakalilipad. Ayaw na ayaw ko pa naman ganito. Nasasayang lamang ang oras ko sa matagal na paghihintay."Michelle..." aniyang ikinatingin ko sa kanya bigla.Mas lalong nangunot ang noo ko. Is he really that concerned to her? "Don't get me wrong, Lucas. It's her special day today, and yet, she's alone again..." sabi niyang may pabuntong hininga pa. "What did you say?" Maang ko naman na tanong. Hindi ko gets ang punto niya.Natigilan ako. Special day? For what?"It's her birthday, Lucas. Kaya siguro nagpaalam sa iyo na aalis because she wants to celebrate her birthday," sagot ni Robert na lalong ikinagulat ko.Her birthday is today? Wala naman siyang binabanggit. Dati, she will ask me and plead to celebrate with he

  • MELTING HIS HEARTLESS HEART (Billionaires Regret)   Chapter 117

    Michelle's Point of View "Emman..."Pinigilan ko si Emman dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa ako binibitiwan. Nakalabas na kami sa mall at nasa parking area na. Pero heto siya, parang walang balak bitiwan ang kamay kong hawak niya."Emman sandali, saan mo ba ako dadalhin?"Hinila ko na ang kamay ko at tumigil sa paglalakad. Napatigil din siya at lumingon sa akin. "I told you, my mom is waiting for us," sabi niyang ikinakunot ng noo ko."Akala ko nagdadahilan ka lang sa mga babae kanina para makaalis tayo..." ika kong hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napaatras ako dahil wala sa usapan na dadalhin niya talaga ako. Ni wala nga sa hinagap kong makikita ko siya roon. Pero naroon siya, at ipagpapasalamat ko lagi iyon sa kanya."Mich..." Humarap na siya sa akin nang tuluyan. Bumuga ng hangin na para bang problemado talaga."I helped you. Can you help me this time?" May pagsusumamo sa tinig niya.Lalong dumami ang kunot sa noo ko. "Ano naman ang maitutulong ko?"Muli siyang bumuga ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status