Home / Romance / MY SECRETARY HATES ME? / Chapter 1: Small world

Share

MY SECRETARY HATES ME?
MY SECRETARY HATES ME?
Author: Miss R

Chapter 1: Small world

Author: Miss R
last update Last Updated: 2025-05-31 15:34:36

Gianna's POV

Kanina pa ako nagbabantay ng jeep dito pero parang wala naman yatang dumadaan. Ano ba naman yan, importante pa naman ang lakad ko ngayon.

"Hay ano na? May dadaan pa ba?" inip kong tanong sa sarili. Bigla ay nagreklamo na ang kalangitan. Kumulog na at may kasama pang kidlat.

"Uulan?" Obvious ba. Sa sobrang inis ko pati sarili ko kinukontra ko na at ayun na nga pumatak na ang ulan na unti-unting lumakas.

Mabuti na lang at may paparating ng jeep, paghinto nito ay bumaba na ang ibang pasahero samantalang ako ay sumakay na. Umusog ako ng kaunti pero nabangga ko ang lalakeng nasa pinakadulo nakaupo malapit sa babaan ng jeep.

"Sorry," sabi ko. Pero hindi nya man lang ako nilingon. Gwapo pa naman sana. Ilang minuto ang nakalipas at sa tingin ko malapit na ako sa pupuntahan ko. Salamat naman at medyo hindi na gaanong malakas ang ulan. Bigla ay umabante ang jeep naming sinasakyan pero bigla itong napahinto nang may nag-over take na van sa harapan namin. “Kung minamalas ka nga naman oh,” ani ng driver at napamura pa ito dahil sa gulat. Pero ako? Oo! Gulat na gulat ako na halos maluwa na ang mata ko sa panlalake nito.

Paano ba naman kasi dinaganan ako ni poging snob at napunta pa ang mukha nito malapit sa...sa..sa niyog ko! Sheyt!

Bastos 'to ah! Pinagtitinginan tuloy ako ng mga kasama ko sa jeep. Teka nga! Dahil sa inis bigla ko itong sinampal dahilan upang magising ito at ang gago masama pa ang tingin sa akin. Aba!

“The hell is your problem?” medyo may inis nitong singhal sa akin. Aba! Sya pa itong galit?

"Bastos!" Hingal kong sabi. Habang nanlilisik ang mga mata ko, sya naman ay pinagkatitigan ako mula paa hanggang ulo na parang sinasabing wala akong karapatan sa sinabi ko. Nanlaki pa bigla ang mata ko nang mahinto ang tingin nya sa dibdib ko. Ang kapal! Ang bastos!

Matapos no'n ay tiningnan nya ako sa mata na parang sinasabing wala naman akong maipagmamalaki.

“Tsk”

Bwesit 'to ah!

"Manong!" sigaw ko habang hindi inaaalis ang nanlilisik kong tingin sa kanya. "Manong, ano ba! Bababa ako!" inis kong sigaw saka huminto ang jeep. Pero nang tingnan ko ang labas parang aatras yata ako. Malakas na naman kasi ang ulan. Ano ba naman yan! Kung lalabas ako pihadong mababasa na talaga ako pero kung hindi naman ako bababa baka kung ano pang gawin ng katabi kong ito sa akin.

“Miss, paabot,” sabi bigla ng katabi ko. Hello? Hindi nya ba nakikitang naiinis na ako? Bwisit talaga. Kinuha ko na lang ang bayad nito at inabot sa driver at tsaka bumaba.

Napatakbo ako habang nakatapong sa ulo ko ang dala kong bag. Huminto ako malapit sa isang fast food restaurant. Maya-Maya pa ay kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko. Wait.

Kinapa ko ulit, pero wala na talaga ang wallet ko! Shit. Nataranda naman ako habang hinahanap ko ito sa bag ko. Saan na 'yon? Bigla ay napahinto ako nang may mapagtanto. Sabi na eh, hindi talaga mapagkakatiwalaan ‘yong poging snob na 'yon. Alam na alam kong ninakaw nya ang wallet ko sya lang naman kasi ang dumikit-dikit sa akin kanina. Pano na 'to ngayon?

Napahawak ako sa sintido sa inis. Naiinis ako kasi basa na ako, naiinis ako dahil wala na akong perang pamasahe pauwi, at mas lalong naiinis ako dahil lahat ng nangyari sa aking kamalasan sa araw na ito ay dahil sa lalakeng 'yon.

Bwisit!

Maliit lang ang mundo kaya kapag nagkita kami ulit ng lalakeng 'yon bubugbugin ko talaga sya! Sayang ‘yong kagwapuhan, manyakis at magnanakaw naman.

Kinaumagahan noon tinulungan akong makakuha ng slot ng pinsan ko sa pinagtratrabahohan nyang kompanya dahil wala akong choice at kailangan kong mabuhay.

Nasa gitna ako ng pagsubo sa hawak kung waffle nang tawagin ako ng pinsan ko. "Hoy Gianna! Ikaw na susunod,” sigaw nito. Inayos ko naman ang sarili ko at tumayo. "Andyan na!" sigaw ko pabalik hindi alintana ang matang nakatingin sa akin.

Nang makalapit sa kanya ay kaagad nitong tinapik ang pwetan ko sabay ngisi. "Galingan mo ha," nanggigil pa ito bago ako binitawan. Tumango na lang ako at kaagad na pumasok sa pinto na nasa harapan namin. Ilang minuto lang yata ako sa loob pagkatapos ay kaagad na akong pinalabas. 'Yon na ‘yon? Ok. Pagbukas ng pinto kaagad na bumungad sa akin ang nakangiting-asong pagmumukha ng pinsan ko.

"Ano, ok na ba?" kaagad na tanong nito.

"Ewan ko ro’n sa matandang nag- interview sa akin. Apaka-sungit,” ani ko. Sinabayan nya ako sa paglalakad palabas.

"Pasensya ka na kay Ms. Gada. Gano’n talaga ugali no’n. Pero mabait naman ‘yon kapag nakilala mo na,” paliwanag nito. Tumango na lang ako.

"Sige, rito na lang babalik na ako. Mamaya na lang ha," huling sinabi nito bago ako iwan doon. Napabuntong hininga na lang ako. Malakas kasi ang pakiramdam ko na hindi ako matatanggap sa pinag-apply-an ko ngayong araw eh. Mukha kasing mainit ang dugo sa akin ng nag-interview. Kailangan ko pa naman ng trabaho ngayon ilang buwan na kasing nadi-delay ang pagbabayad ko ng upa at halos palayasin na ako sa tinitirhan ko.

Hay, bahala na.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maagaw ng atensyon ko ang puting sasakyan na pumarada sa tabi ko. Kaagad na lumapit ang guard at binuksan ang pinto. Doon lumabas ang lalakeng naka- formal attire at naka-sunglasses. Napatingin ito sa akin at kaagad ring umiwas. Umalis na ‘yong sasakyang sinakyan nya pero nanatili itong nakatayo sa binabaan nya kanina. Inayos nito ang necktie nya. Maya-maya pa ay hinubad nito ang suot na sunglasses.

"Tara na po sir,” yaya ng guard. Hindi man lang ito tumango o ngumiti sa guard.

Nang tuluyang rumehistro sa paningin ko ang mukha nya kaagad na nanlaki ang mata ko. Teka, sandali. Kilala ko 'to ah! Ito ‘yong manyakis na magnanakaw kahapon!

"Hoy sandali!" sigaw ko dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin kasama na ‘yong lalakeng naka-formal attire. Sabi na eh, sya ‘yon hindi ako pwedeng magkamali. Teka nga.

Susugod na sana ako nang harangan ako bigla ng dalawang guard.

"Chill lang manong kakausapin ko lang 'tong walang hiyang 'to," paliwanag ko at akma nang tutuloy sa paglalakad pero hinarangan nila ako at ‘yong lalake namang naka-formal attire hindi man lang ako pinansin. Walang hiyang 'to matapos ang lahat ng ginawa nya sa akin i-snob na sya ngayon? Nang humakbang ito papalayo saka ako nagpumalag sa mga guard na may hawak sa akin. Ang walang hiya nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Tatakasan ba naman ako.

“ Sir, kilala nyo ba ‘to?” tanong sa kanya ng guard. Sumagot ito kahit na hindi tumingin sa akin. “ No. Take here away,” sabi nito at naglakad na ulit.

"Hoy sandali!” sigaw ko. “Bitawan nyo nga ako! Kakausapin ko lang ‘yon," paliwanag ko pa pero wala eh. Marahas nila akong hinila nang magpumiglas pa ako. Hawak- hawak nila ang dalawang braso ko kaya nahihirapan akong makagalaw.

"Hoy! Gago bumalik ka rito!" sigaw ko. Bwesit na ‘yon. Ang dami ng atraso no’n sa’kin tapos tatakbuhan nya lang ako.

"Umalis ka na, Miss. Nakakaabala ka na dito," sabi nung guard. "Eh boss malaki atraso sa akin ng lalakeng ‘yon eh," paliwanag ko. "Umalis ka na," tanging sagot nito. Tiningnan nila ako nang masama kaya napilitan akong huminahon. Ilang beses pa akong napabuga ng hangin bago napagpasyahang hindi na lang pumalag.

"Ok ok eto na nga oh, aalis na," sabi ko at binitawan nila ang braso ko.

Bago ako umalis binalikan ko muna ng tingin ang pintuang pinasukan ng lalakeng ‘yon.

Magkikita pa tayo tandaan mo ‘yan, sabi ko sa utak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 52: As if we're ok

    Ala una na ng hapon nang mapatingin ako sa oras sa cellphone ko. Pinatay ko ito at ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko nang biglang maramdaman ang yakap ng kung sino sa aking likuran. Hindi na ako nagulat dahil nalaman ko ka agad kung sino ito. Amoy pa lang ng hininga nya sa balikat ko ay kilala ko na ka agad."Alis nga," sita ko rito pero dumaing lang sya, sinasabing ayaw nitong sundin ang sinabi ko. "Baka may pumasok bigla. 'Diba sinabi ko naman sa'yo--""Fine. Fine." Umalis ito sa pagkakayakap sa akin saka dahan-dahan at papilay-pilay na bumalik sa kama nya. Nandito na kami sa Manila at sa bagong hospital dito. Mag-iisang linggo na syang nananatili rito pero hindi pa sya pwedeng lumabas dahil inuubserbahan pa raw ng doctor ang kalagayan nya. Pero ito sya at kung saan-saan na pumunta kahit na ilang beses na syang sabihan ng doctor na 'wag syang galaw nang galaw."I'm hungry," reklamo nito na parang bata. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti pero itinago ko.Oo. Ok na kami. Sabihin ny

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 51: Stay

    Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ka agad akong bumangon at takang inilibot ang paligid. Puro puti lang ang nakikita ko. Ngunit ka agad ko namang nahulaan kung na saan ako nang makita ang mga aparato sa gilid ng mesa. Nasa hospital ako. Teka. Bakit ako nandito? Gano'n na lang bumalik ang kaba ko nang maalala ang nangyari kay Francis. Umalis ako ng kama at akmang hahakbang nang matumba ako. Nagtaka ako kung bakit tila ang tamlay ng mga buto at kalamnan ko. "Ate, ayos ka lang?" Biglang iniluwa ng pintuan si Jen na may dala-dala pang plastic. Ka agad nya akong tinulungang tumayo at inupo sa kama. "Hindi pa seguro nakaka-recover ang katawan mo ate 'wag mo sanang pwersahen," ani nito saka tinalikuran ako. Maya-maya pa ay binuksan nito ang dalang plastic. Laman nito ay paper bag na may lamang kung ano at maliit na pinggan at kutsara. "Kumain ka muna, ate. Mainit-init pa'to." Inilagay nya ang laman ng paper bag sa pinggan na dala nito. Kanin pala ito at pakbet. Saka ibinigay sa aki

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 50: Say it

    Napayakap ako sa sarili ko nang dumampi sa akin ang malamig na hangin. Nandito ako sa labas dahil naisipan kong maglakad-lakad muna dahil hindi ako makatulog. 8:30 na ng gabi pero ito ako at nasa labas pa rin. Marami lang seguro akong iniisip kaya gising parin ang takbo diwa ko. Hindi ko pa rin talaga maalis sa isipan ko 'yong sinabi ni Ken sa akin kaninang umaga.[ FLASHBACK ] Hindi ko na namalayan na nakakuyom na pala ang kama-o ko habang nakatitig kina Rachelle at Francis na nagtatawanan sa Hardin ng tinutuluyan naming bahay. Kaninang umaga lang sya dumating dito para bumisita raw. Pero ewan ko ba at kumukulo ang dugo ko. Nandito ako ngayon sa harapan ng bintana habang nakasilip sa kanilang dalawa.Bumalik na lang ako sa realidad nang may humawak ng nakakuyom kong kamay. Paglingon ko bumungad sa akin ang nakangiti ngunit may bahid ng lungkot na si ken. "I think...you should tell him," ani nito. Ka agad kong binawi ang kamay ko rito at tumingin sa ibang deriksyon. "Pinagsasabi mo?

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 49: Men's

    "Grabe naman 'yong ginawa ng taong 'yon dito. Ang laki ng sira.""Malaki-laki 'tong kawalan sa kompanya.""Sana mahuli na 'yong taong 'yon."Naririnig kong mga komento ng mga kasamahan ko habang naglalakad kami papunta sa sunog na factory. Marami ng tao doon na humahakot ng malalaking bakal galing saa loob ng sirang bahagi ng factory. Hindi ko maiwasang magulat nang makita ko ng buo ang sunog na bahagi ng factory. Sobrang laki noon at halos kinain na ang kalahati ng building. Hayop pa sa hayop ang gumawa nito. Napakuyom ako ng kama-o sa iisang taong pumasok sa isipan ko. Hindi ko lang alam kung bakit aabot sila sa ganito kalalalang gawain. Tsk. Sa laki ng sira nito ay alam kong panigurado itong may malaking epekto sa mga nagtratrabaho rito. "Doon tayo, Ms. Gianna." Sinamahan kami ng isa sa mga tauhan rito, sa office ni Mr. Leron. Pagkarating naman doon ay naabutan namin si Mr. Leron na may hawak na ipad. Binati namin ito saka kami naupo sa sofa.Ka agad itong lumapit sa akin sabay a

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 48: First Day

    Maaga akong nagising dahil pupuntahan namin 'yong factory ngayong araw. Naisipan kong bumaba muna upang magtimpla ng kape dahil madilim pa naman sa labas. Nasa hagdan na ako pababa nang makasalubong ko si Jen, sya 'yong anak ni Aling Remy. Ka agad itong lumapit sa akin na may dala pang basket ng labahin. "Good morning po ate Gianna. Ang aga nyo naman yatang gumising 5:30 palang po ng imaga ah," ani nito sa akin. ",Kailangan eh. Pwede mo bang ituro kung saan 'yong kusina dito?" toanong ko. Ibinaba nya ang dala sa gilid. "Magkakape po ba kayo? Ako na po magtitimpla," ani nito. "Tara po." Sumunod ako dito nang maglakad sya paalis.Nakarating kami sa kusina at namangha ka agad ako sa desinyo nito. May kalakihan ito at maraming malalaking painting sa paligid. Ang ganda. Dumeristo si Jen sa kabilang bahagi para mag-init ng tubig, ako naman ay nilibot ng tingin ang paligid. Lumapit ako sa isang painting na kasing laki yata ng bintana dito. "Ang ganda noh ate?," pagsasalita ni Jen habang k

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 47: Cebu

    "Kailangan ko ng tatlong tao mula sa grupo nyo na sasama sa akin sa Cebu," panimula ko. Inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat. "Vanesya, migo, at Maggy. Kayo ang sasama sa amin bukas ok?" tawag ko sa mga pangalan nila. "Limang araw tayo roon kaya magdala kayo ng kailanganin nyo. Bukas tayo aalis. 'Yon lang, pwede na kayong bumalik sa trabaho," Huling anunsyo ko bago sila tinalikuran. Bukas ay pupunta kami ng Cebu upang tumulong umasikaso sa malaking problema na ng mga tauhan ngayon doon. Pumili ako ng tatlong employee para samahan ako at tulungan sa maaring gawin ko roon. Bukas na ang alis namin kaya nang mag-uwian na ay sumunod na rin ako upang makapagimpake."Alam mo bang gustong-gusto kitang pigilan, Gianna. Pero wala akong magagawa eh trabaho mo 'yaan," Sarkastikong komento ni Gael. "Ano kaba. Ok lang 'yon limang araw lang naman tsaka hindi naman sya sasama do'n," aniko. Kahit hindi ko sabihin ay na gets nya ka agad kung sino ang tinutukoy ko. Huminga ito nang malalim. "Ok

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status