Gianna's POV
Kanina pa ako nagbabantay ng jeep dito pero parang wala naman yatang dumadaan. Ano ba naman yan, importante pa naman ang lakad ko ngayon. "Hay ano na? May dadaan pa ba?" inip kong tanong sa sarili. Bigla ay nagreklamo na ang kalangitan. Kumulog na at may kasama pang kidlat. "Uulan?" Obvious ba. Sa sobrang inis ko pati sarili ko kinukontra ko na at ayun na nga pumatak na ang ulan na unti-unting lumakas. Mabuti na lang at may paparating ng jeep, paghinto nito ay bumaba na ang ibang pasahero samantalang ako ay sumakay na. Umusog ako ng kaunti pero nabangga ko ang lalakeng nasa pinakadulo nakaupo malapit sa babaan ng jeep. "Sorry," sabi ko. Pero hindi nya man lang ako nilingon. Gwapo pa naman sana. Ilang minuto ang nakalipas at sa tingin ko malapit na ako sa pupuntahan ko. Salamat naman at medyo hindi na gaanong malakas ang ulan. Bigla ay umabante ang jeep naming sinasakyan pero bigla itong napahinto nang may nag-over take na van sa harapan namin. “Kung minamalas ka nga naman oh,” ani ng driver at napamura pa ito dahil sa gulat. Pero ako? Oo! Gulat na gulat ako na halos maluwa na ang mata ko sa panlalake nito. Paano ba naman kasi dinaganan ako ni poging snob at napunta pa ang mukha nito malapit sa...sa..sa niyog ko! Sheyt! Bastos 'to ah! Pinagtitinginan tuloy ako ng mga kasama ko sa jeep. Teka nga! Dahil sa inis bigla ko itong sinampal dahilan upang magising ito at ang gago masama pa ang tingin sa akin. Aba! “The hell is your problem?” medyo may inis nitong singhal sa akin. Aba! Sya pa itong galit? "Bastos!" Hingal kong sabi. Habang nanlilisik ang mga mata ko, sya naman ay pinagkatitigan ako mula paa hanggang ulo na parang sinasabing wala akong karapatan sa sinabi ko. Nanlaki pa bigla ang mata ko nang mahinto ang tingin nya sa dibdib ko. Ang kapal! Ang bastos! Matapos no'n ay tiningnan nya ako sa mata na parang sinasabing wala naman akong maipagmamalaki. “Tsk” Bwesit 'to ah! "Manong!" sigaw ko habang hindi inaaalis ang nanlilisik kong tingin sa kanya. "Manong, ano ba! Bababa ako!" inis kong sigaw saka huminto ang jeep. Pero nang tingnan ko ang labas parang aatras yata ako. Malakas na naman kasi ang ulan. Ano ba naman yan! Kung lalabas ako pihadong mababasa na talaga ako pero kung hindi naman ako bababa baka kung ano pang gawin ng katabi kong ito sa akin. “Miss, paabot,” sabi bigla ng katabi ko. Hello? Hindi nya ba nakikitang naiinis na ako? Bwisit talaga. Kinuha ko na lang ang bayad nito at inabot sa driver at tsaka bumaba. Napatakbo ako habang nakatapong sa ulo ko ang dala kong bag. Huminto ako malapit sa isang fast food restaurant. Maya-Maya pa ay kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko. Wait. Kinapa ko ulit, pero wala na talaga ang wallet ko! Shit. Nataranda naman ako habang hinahanap ko ito sa bag ko. Saan na 'yon? Bigla ay napahinto ako nang may mapagtanto. Sabi na eh, hindi talaga mapagkakatiwalaan ‘yong poging snob na 'yon. Alam na alam kong ninakaw nya ang wallet ko sya lang naman kasi ang dumikit-dikit sa akin kanina. Pano na 'to ngayon? Napahawak ako sa sintido sa inis. Naiinis ako kasi basa na ako, naiinis ako dahil wala na akong perang pamasahe pauwi, at mas lalong naiinis ako dahil lahat ng nangyari sa aking kamalasan sa araw na ito ay dahil sa lalakeng 'yon. Bwisit! Maliit lang ang mundo kaya kapag nagkita kami ulit ng lalakeng 'yon bubugbugin ko talaga sya! Sayang ‘yong kagwapuhan, manyakis at magnanakaw naman. Kinaumagahan noon tinulungan akong makakuha ng slot ng pinsan ko sa pinagtratrabahohan nyang kompanya dahil wala akong choice at kailangan kong mabuhay. Nasa gitna ako ng pagsubo sa hawak kung waffle nang tawagin ako ng pinsan ko. "Hoy Gianna! Ikaw na susunod,” sigaw nito. Inayos ko naman ang sarili ko at tumayo. "Andyan na!" sigaw ko pabalik hindi alintana ang matang nakatingin sa akin. Nang makalapit sa kanya ay kaagad nitong tinapik ang pwetan ko sabay ngisi. "Galingan mo ha," nanggigil pa ito bago ako binitawan. Tumango na lang ako at kaagad na pumasok sa pinto na nasa harapan namin. Ilang minuto lang yata ako sa loob pagkatapos ay kaagad na akong pinalabas. 'Yon na ‘yon? Ok. Pagbukas ng pinto kaagad na bumungad sa akin ang nakangiting-asong pagmumukha ng pinsan ko. "Ano, ok na ba?" kaagad na tanong nito. "Ewan ko ro’n sa matandang nag- interview sa akin. Apaka-sungit,” ani ko. Sinabayan nya ako sa paglalakad palabas. "Pasensya ka na kay Ms. Gada. Gano’n talaga ugali no’n. Pero mabait naman ‘yon kapag nakilala mo na,” paliwanag nito. Tumango na lang ako. "Sige, rito na lang babalik na ako. Mamaya na lang ha," huling sinabi nito bago ako iwan doon. Napabuntong hininga na lang ako. Malakas kasi ang pakiramdam ko na hindi ako matatanggap sa pinag-apply-an ko ngayong araw eh. Mukha kasing mainit ang dugo sa akin ng nag-interview. Kailangan ko pa naman ng trabaho ngayon ilang buwan na kasing nadi-delay ang pagbabayad ko ng upa at halos palayasin na ako sa tinitirhan ko. Hay, bahala na. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maagaw ng atensyon ko ang puting sasakyan na pumarada sa tabi ko. Kaagad na lumapit ang guard at binuksan ang pinto. Doon lumabas ang lalakeng naka- formal attire at naka-sunglasses. Napatingin ito sa akin at kaagad ring umiwas. Umalis na ‘yong sasakyang sinakyan nya pero nanatili itong nakatayo sa binabaan nya kanina. Inayos nito ang necktie nya. Maya-maya pa ay hinubad nito ang suot na sunglasses. "Tara na po sir,” yaya ng guard. Hindi man lang ito tumango o ngumiti sa guard. Nang tuluyang rumehistro sa paningin ko ang mukha nya kaagad na nanlaki ang mata ko. Teka, sandali. Kilala ko 'to ah! Ito ‘yong manyakis na magnanakaw kahapon! "Hoy sandali!" sigaw ko dahilan upang mapatingin silang lahat sa akin kasama na ‘yong lalakeng naka-formal attire. Sabi na eh, sya ‘yon hindi ako pwedeng magkamali. Teka nga. Susugod na sana ako nang harangan ako bigla ng dalawang guard. "Chill lang manong kakausapin ko lang 'tong walang hiyang 'to," paliwanag ko at akma nang tutuloy sa paglalakad pero hinarangan nila ako at ‘yong lalake namang naka-formal attire hindi man lang ako pinansin. Walang hiyang 'to matapos ang lahat ng ginawa nya sa akin i-snob na sya ngayon? Nang humakbang ito papalayo saka ako nagpumalag sa mga guard na may hawak sa akin. Ang walang hiya nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Tatakasan ba naman ako. “ Sir, kilala nyo ba ‘to?” tanong sa kanya ng guard. Sumagot ito kahit na hindi tumingin sa akin. “ No. Take here away,” sabi nito at naglakad na ulit. "Hoy sandali!” sigaw ko. “Bitawan nyo nga ako! Kakausapin ko lang ‘yon," paliwanag ko pa pero wala eh. Marahas nila akong hinila nang magpumiglas pa ako. Hawak- hawak nila ang dalawang braso ko kaya nahihirapan akong makagalaw. "Hoy! Gago bumalik ka rito!" sigaw ko. Bwesit na ‘yon. Ang dami ng atraso no’n sa’kin tapos tatakbuhan nya lang ako. "Umalis ka na, Miss. Nakakaabala ka na dito," sabi nung guard. "Eh boss malaki atraso sa akin ng lalakeng ‘yon eh," paliwanag ko. "Umalis ka na," tanging sagot nito. Tiningnan nila ako nang masama kaya napilitan akong huminahon. Ilang beses pa akong napabuga ng hangin bago napagpasyahang hindi na lang pumalag. "Ok ok eto na nga oh, aalis na," sabi ko at binitawan nila ang braso ko. Bago ako umalis binalikan ko muna ng tingin ang pintuang pinasukan ng lalakeng ‘yon. Magkikita pa tayo tandaan mo ‘yan, sabi ko sa utak ko.Hindi ko halos maalis ang tingin ko kay Meila. May kung anong bagay sa kanya na kumukuha ng atensyon ko lalo pa at nalaman ko ang apelyedo nya. Alam kong bata lang sya pero may parte sa aking gustong malaman pa ang tungkol sa kanya. Hindi kaya anak sya ni Asher? Matagal na rin akong walang koneksyon sa kanila kaya baka nag-asawa na nga ito at naka-move on na. Kung anak sya ni Asher mas mabuti na 'yon dahil may pagkakataon na magkita ulit kami at magkamustahan. Anim na taon na naman ang nakakalipas. "Tulala ka."Bumalik ako sa realidad nang marinig ang boses ni Gael sa likuran ko. "Iniisip mo parin ba 'yon?" tanong nito sa akin at ka agad kong nahulaan ang ibig nyang sabihin. "Hindi naman. Medyo curious lang ako kung sino ng tatay nya. Sa tingin mo ba...anak sya ni Asher?" tanong ko pabalik sa pinsan ko. "Si Asher? May posibilidad na anak nya 'yang bata kasi baka nag-asawa na ito ulit. Pero kung anak nga yan ni Asher hindi ba't may posibilidad ring magkita kayo? Anong sasabihin mo t
A few days later...Gianna's POVMedyo busy ako ngayong araw dahil kaarawan na ni Kalix ngayon at napagpasyahan naming mag-celebrate na lang sa school nila. Nagpa-catering na lang ako para ma-share nya ang handa sa mga kaklase nya. Ito rin kasi ang gusto ni Kalix na imbes na sa bahay ganapin ay sa school na lang daw dahil mas masaya. Nagustohan ko naman ang sinabi nya kaya ngayon ay tudo asikaso ako para mamaya. Dumating na rin ang catering at dahil lunch time ang celebration ay dito narin kakain ang mga kaklase nya. Blue ang theme ng birthday nito na makikita mo sa balloons na nakasabit sa gilid ng classroom nila. Na-arrange na rin lahat at maya-maya ay maguumpisa na ang celebration."Teh, saan na 'yong birthday boy?" Biglang sulpot ni Gael sa tabi ko na may dalang gift bag. Tinawan ko sya kanina para pumunta dito at kakagaling lang nito sa trabaho nya. "Hanapin mo nga muna si Kalix para makapag-umpisa na dahil gutom na yata ang mga kaklase nya," Utos ko na lang dito habang nakati
Sabado ngayon at mabuti na lang ay hindi tambak ang trabaho ko. Ito ang araw na makakapagpahinga ako pero sa araw na ito may ibang bagay akong kailangang gawin. Bitbit ko ang dalawang kandila at isang basket ng bulaklak na ginawa ko kahapon habang papunta ako sa sasakyan. Inilagay ko ito sa backseat at inayos doon tsaka bumalik sa loob ng bahay. "Kalix, baby are done?" Hinanap ko ang anak ko dahil hindi ko ito makita sa kusina. "Yes po!" Napalingon ako nang marinig ang boses nito na kakababa lang ng hagdan ng kwarto namin. Plano kong bisitahin ngayon ang lugar na lagi kong napapanaginipan--ang lugar kung saan ako nanganak at ang lugar rin kung saan ko nawala ang isa ko pang anak. Ok na naman ako ngayon at kaya ko nang bumalik sa lugar na 'yon. Malapit na kasi ang birthday ni Kalix at gusto kong puntahan ang lugar na 'yon bago ang birthday nilang dalawa. Matapos kong asikasuhin ang anak ko ay sumakay na kami ng sasakyan at nagmaneho papunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ma
"Wala ka talagang balak na sabihin sa anak mo 'yong tungkol sa tatay nya?" usisa ng kaibigan kong si Bethina o mas kilala nilang Teacher Beth. Homeroom teacher sya ng grade 2 students at sya lang ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan ko dito. Kahit hindi naman kami ganoong katagal na nagkilala ay may tiwala naman ako sa kanya, sakatunayan ay marami na akong na i-kwewento sa kanya. Isa na nga roon 'yong sa anak ko."Ok na ang malaman nya na patay na ang tatay nya," Bagot kong sagot dito habang pinagmamasdan ang anak kong naglalaro kasama ang mga kaibigan nya. "Pero alam mo namang hahanapin at hahanapin nya 'yan kapag lumaki na 'yan. Pano kung magkita sila?" Tanong ulit nito. "Hay nako tumigil ka nga Beth kung ano-ano ng pinagsasabi mo. Tsaka mabuti na nga 'yan, 'di naman deserve ng gagong 'yon ang salitang 'tatay' sa anak nya noh," Sabat ni Gael na kanina pa kumakain ng dragon seeds sa tabi namin.Hindi ko na lang sila pinansin at minabuting tawagin na lang ang anak ko. "Kalix! Come here
6 years later...Gianna's POVNagising ako sa pamilyar na lugar. Madilim na kalsada ang nakikita ko at sobrang tahimik ng paligid. Nandito na naman ako? Nanginginig ang tuhod ko habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa kung saan. Napahinto ako nang makita ang pamilyar na kotse na umo-usok sa hindi kalayuan sa akin. Tumulo ang luha ko nang makita ko ang sarili kong walang malay na nakahandusay sa loob ng nakataklob na kotse habang hawak-hawak ang tyan ko kung saan ang mga anak ko. Napakuyom ko ang kamao habang pinagmamasdan ang unti-unting paglaho nito sa harapan ko. Hindi ko mapigilang humagulhol sa mga ala-alang bumalik sa akin no'ng gabing iyon."Mama!"Napapikit ako nang umugong na naman sa tenga ko ang sigaw ng anak ko. "Mama! Tulungan mo po ako! Mama!" Paulit-ulit nyang sigaw at hindi ko na kinakaya pa hanggang sa mapa-upo ako sa damuhan. Halos ikamatay ko habang naririnig ko ang iyak nya. Tinatawag nya ako at humihingi sa akin ng tulong pero wala akong kakayahang ibalik p
Minulat ko ang aking mga mata pero puro puti lang ang mga nakikita ko. Sinubukan kong bumangon bumangon pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Hindi ko rin madama ang mga paa ko. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko si Gael na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Mabigat man ang pakiramdam ay nagawa kong hawakan ang balikat nito. "G-gael..." Mahinang tawag ko sa kanya. Nagising naman ito at ka agad akong kinamusta. "Sandali lang at tatawagin ko ang doctor," sabi nya tsaka mabilis na lumabas. Inikot ko ang paningin at napagtantong nasa hospital nga talaga ako. Kinapa ko ang noo ko at may malaking bandage ako doon. Napansin ko rin na may mga sugat ako sa braso at mga gasgas. Doon ako natigilan nang bumalik sa ala-ala ko 'yong nangyari. 'Yong nakita ko no'ng gabing iyon. Mga hayop sila. Naramdaman ko na tumulo ang luha ko at napahawak ako nang mahigpit sa kumot ko. Bumalik rin sa ala-ala ko 'yong pagbunggo at ilang beses na paggulong ng sasakyan ko. Natigilan ulit ako at bumab