Home / Romance / My Boss CEO is my Ex-husband / CHAPTER 1—Finding new job

Share

CHAPTER 1—Finding new job

last update Last Updated: 2023-11-28 17:54:17

FAYE

Binilang ko ang pera kong nasa pitaka ko at nakita kong sakto lang ang pamasahe ko ngayong araw para makapunta sa iba’t ibang lugar para makapaghanap ng trabaho.

Pero feeling ko hindi kakasya ‘to. Ang mahal-mahal na nang pamasahe.

Ipinaypay ko ang kamay ko dahil umaga pa lang ay sobrang init na at tumatagaktak ang pawis sa noo ko. Napabuga ako ng malakas sa hangin. Sumasakit pa naman ang ulo ko sa init.

“Ikaw muna ang bahala kay mama, Francis, kailangan kong maghanap ng trabaho,” wika ko sa kapatid ko. Naawa ako sa kanya dahil uuwi na naman siya mamaya galing sa school nang walang ulam.

Wala kasi akong pera na pambili. Madalas inuulam namin toyo at mantika lang, pero kahit gan’on ay nakakaraos naman sa isang araw.

The important thing here is to fill our stomachs with food, kahit anong ulam pa ‘yan basta’t may kanin.

“Sige, ate. Anong oras ko paiinumin ng gamot si Mama?” tanong niya habang binibitawan ang kanyang school bag, akmang aalis na siya, pero nakita niya akong nakabihis.

Ang kanyang bibiluging mata ay pinalilibutan ng itim. Napuyat kasi siya kagabi dahil inalagaan niya si Mama. Masakit kasi ang ulo ko kagabi at hindi ko kayang magpuyat.

“8:30 nitong umaga, 9:00 AM pa naman klase mo hindi ba? At saka baka magabihin ako, ha? May lugaw si Mama roon sa kusina. Pasensya ka na ha at para kay mama na lang ‘yon. Hindi na kasi siya pwedeng kumain ng hindi malambot. Magtiis ka muna, Francis. Kapag nagkaroon na ako ng trabaho, promise ko masasarap na ang ulam na iuuwi ko,” ngumiti ako at hinaplos ang ulo ng kapatid ko. Siya ang bunso, ang panganay namin ay nag-asawa na, mahirap din ang buhay nila roon sa Bulacan.

Sa Bulacan kami tunay na naninirahan. Mayroong bahay ang lolo at lola ko—sa father side ko—which is itong tinitirahan namin—sa San Juan City—at sinabi nila na pwede kaming tumira dito anytime kung sakaling gusto naming maghanap ng trabaho dito sa Maynila.

Mayroon ng anak ang panganay namin, 5 years old na at lalaki. Nag-aaral siya ngayon ng pre-elem.

Tungkol naman sa mga magulang namin, wala na si Papa, 4 years ago nang mamatay siya dahil sa cancer. Sinubukan namin siya noong iligtas, kaya lang matapos siyang operahan, nawala na siya. Hindi nakayanan ng kanyang katawan, plus matanda na rin si Papa at siguro mahina na ang kanyang mga organs kaya tuluyan na siyang nawala sa amin.

“Naiintindihan ko, ate. Hindi naman ako humihingi ng mas higit pa rito. Pero sana ate kahit na gusto mo kaming bigyan ng magandang buhay ni Mama, huwag mong papabayaan ang sarili mo. Mahal na mahal ka namin,” niyakap ako ni Francis kaya hinalikan ko siya sa ulo. Natutuwa ako na napakaopen-minded ng kapatid ko sa ganitong bagay.

Hindi tulad ko na mainit ang ulo, puro salita, at hindi nag-iisip ng maayos. Kaya ganito ang buhay ko eh, kasalanan ko rin naman. Madalas akong napapaaway sa trabaho dahil nga sa misunderstanding at ako naman, dahil hindi nakapag-tapos ng pag-aaral, hindi ako marunong umintindi sa iba.

But now, I promise to myself it won’t happen again. Nagising lang ako sa realization na kahit hindi ako nakapag-tapos ay dapat well-mannered and good behavior pa rin ako. Natututo iyon sa bahay at natutunan ko ‘yon mula sa nanay ko n’ong nakakapag-salita pa siya.

“Pangako mag-iingat na ako. Wala ng mananakit sa akin,” bulong ko sa kanya habang nakatingin sa ibang direksyon.

Hinding-hindi na mangyayari ang nangyari noon sa akin. Hindi ko na ulit ‘yon papayagan. Kung kailangan kong lumaban, gagawin ko. Gagamitin ko ang pagiging matapang ko.

“Sige na, ate, baka wala kang mahintay na tricycle,” bahagya niya akong itinulak.

Ngumiti ako para bigyan siya ng lakas ng loob at tuluyan nang lumabas ng bahay para pumunta sa bayan. Kailangan ko nang trabaho para mabuhay. Ako na lang ang inaasahan ng dalawa.

Kinabahan ako nang may makita akong sinturon sa daan, kulay itong itim, malaki ang buckle, at higit sa lahat may pagkakapareho sa belt na inihahampas niya sa akin noon.

Napaatras ako at hindi mapigilan ang mapaiyak sa nakita ko. Bigla na namang bumalik ang masakit na alaala na nangyari sa akin 3 years ago. Halos araw-araw kong nararanasan ang matinding palo ng isang bakal ng isang sinturon na tumatama sa balat ko, lalo na sa hita ko at likod ko.

Salamat sa Diyos at nailigtas ako sa impyerno.

Humakbang ako papalayo sa sinturong itim para makaiwas ng tingin. Hinawakan ko iyong braso ko na may peklat. Nasugat ito sa pagkakahampas niya sa akin. Hinding-hindi ko malilimutan n’ong unang beses niya akong pinarusahan na halos ikinamatay ko na dahil sa sakit at pag-iyak.

May naging asawa na ako noon, siya si Rome Wilson. Simple lang ang buhay naming dalawa, pareho ring nahirapan sa buhay dahil nakikitira lang kami sa bahay ng Tita Hailey niya. Mahirap ang pera dito at napakamahal pa ng mga bilihin kaya hindi sapat ang kinikita namin kada buwan. Malaki din kasi ang bayad ng kuryente at tubig.

Two years kaming mag-asawa ni Rome at one year ang pagiging mag-boyfriend-girlfriend namin. Bale we spent three years together.

Napakabait niya, sobra! Gentleman siya at hindi mo mababakas na problemado siya kahit patong-patong ang problema naming mag-asawa. Sa tuwing mag-aaway kami siya pa ang susuyo sa akin kahit na ako ang may kasalanan. Sa tuwing nagtatalo kami ay pinipili na lang niyang manahimik kaysa sa patulan ako at kapag namomroblema ako nandoon siya para i-comfort ako.

Nang dumating ang araw na nagkasakit ang papa ko, sumunod ang mama ko. Kinailangan namin ng pera para sa operasyon nilang dalawa. Isang milyon ang gagastusin, saan ako kukuha ng isang milyon? Kahit ipagsama ang sweldo namin ni Rome noon, hindi iyon kakasya. Pagkain nga lang at mga basic bill ay hindi namin nakakaya. Halos hindi na nga kami nagdadamit ng mga bago n’on at napagtitiisan namin ‘yung punit-punit.

Si Papa ay kailangang maoperahan sa kidney at bituka, si mama naman ay may sakit sa puso na kinakailangang mag-maintenance araw-araw dahil kung hindi ay maaga siyang mawawala sa amin.

Sobrang blangko na ng isip ko nung mga oras na ‘yon kaya’t nakagawa ako ng kasalanan na pinagsisisihan ko na hanggang ngayon at pagsisisihan ko habang buhay.

Nang dahil sa pagkakamaling iyon, nawalan ng tiwala ang ibang tao sa akin.

Lalo na ang mahal ko, nawala siya sa piling ko. Isang malaking pagsisisi iyon, ang hayaan siyang mawala sa tabi ko.

Namimiss ko na si Rome…

Ilang taon ko na ring hinihintay ang magkaroon ng chance para makita ko siyang muli pero parang malabo na ‘yon.

Kasama ngayon sa mga pangarap ko ang makita siya at mayakap siya ulit, higit sa lahat, magbalikan kami bilang mag-asawa. Ang pangako ko na once makalabas ako sa impyernong buhay ko noon ay hahanapin ko siya, magpapaliwanag, luluhod, magmamakaawa na balikan niya ako.

Minsan na rin akong dumalaw sa lugar nila n’on—iyong bahay ni Tita Hailey—pero umatras lang ako dahil sa hiya kong humarap sa kanya. Alam ko na namuo na ang galit sa puso niya sa pag-iwan ko at sana bigyan niya ako ng ikalawang pagkakataon para itama lahat ng mga mali ko.

Biglang may lumipad na papel sa mukha ko. Napansin kong isa iyong poster. Itatapon ko na sana nang may mapansin ako…

We’re Hiring! Join our TechInnovation Department!

Open position:

-Information Technology Software worker

-A new secretary for the company

-Programmer

-AI designer and Cartoon designer

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ako interesado sa mga posisyon. Itinapon ko na lang ito dahil ang tataas na napag-aralan ang kailangan nila.

Paano naman ako, ‘di ba? Inaamin ko minsan boplaks ako.

Hindi ko namalayan na kakabiyahe ko, nakarating na ako sa Makati. 30 minutes ang naging biyahe. Kakasya pa naman ang pera ko pauwi.

Sa isang syudad ako pumunta at nagtitingin-tingin sa mga tarpaulin at banner kung hiring ba sila.

Napapakamot na lang ako dahil wala man lang akong mahanap. Nagsisi tuloy akong itinapon ko ‘yung poster kanina.

“Hello, finding a job?” isang napakapormal na suot na babae ang lumapit sa akin. Nakasalamin, nakapusod ang buhok at naka-attire na para bang sa malaking kumpanya siya nagtatrabaho.

Mukha siyang nasa 30 pa lang.

“Opo…” halata sa boses ko na napakadesperada kong magkaroon ng trabaho. Hindi nila ako masisisi, kailangan ko talaga ng pera para sa pamilya ko. “Bakit niyo ho natanong?” Ganun na ba ako kahalatang naghahanap ng trabaho?

Kung sabagay, tingala dito, tingala doon.

“What do you think, Arlo?” tanong niya sa kasama niya na nakasalamin din. Pareho sila ng formal attire na suot. Maganda at pogi sila. “We are running out of time. Two days lang ang ibinigay ni Sir sa atin para makapag-hanap ng new applicant.”

Ang babae naman may dala-dala siyang isang folder at ang lalaki naman ay may dalang black bag na para bang bahay ng laptop.

“College graduate ka?” tanong nung tinawag na Arlo.

“Undergraduate po, hindi ako nakatapos ng high school,” nahihiyang sagot ko at napatungo.

Dahil sa kahirapan sa buhay, hindi ko na magawang tapusin ang pag-aaral at nag-asawa na lang sa murang edad.

Civil marriage lang kami ni Rome, at hanggang ngayon suot-suot ko ang wedding ring namin… kahit na nag-annul na kami.

“Let’s sit at the bench under the tree,” aya nung babae at nauna na siyang naupo. “Sit beside me,” tinapik niya ang tabi ng kanyang inuupuan.

Umupo ako kaya’t nakaramdam ako ng ilang. Para kasing mayaman siya, nakakahiyang tumabi sa kanya.

Ang hitsura ko ngayon ay parang sa kalye lang nakatira. May punit kasi ang damit ko. Ito na lang kasi ang tanging damit na parang bago pa.

Dahil nga wala kaming pera, ni bumili ng damit hindi na namin magawa.

Mas dumoble ang paghihirap ko kumpara n’ong kasama pa ako ni Rome.

“Do you have any experience in working?” mukhang nagrerecord naman si ‘yung si Mr. Arlo.

“Cashier sa supermarket, tatlong taon lang ako tapos nag-resign na. Kailangan kasi ng magbabantay sa mama ko,” paliwanag ko. Tumango ang babae.

Disi-otso anyos ako noon nang magtrabaho ako sa Puregold bilang cashier.

Doon ko rin nakilala si Rome. Palagi siya noong bumibili, hindi ko namamalayan na ako na pala ang dahilan kung bakit siya madalas sa Puregold. Hindi nagtagal niligawan na niya ako, at dahil wala pa akong experience sa boyfriend-boyfriend, pinayagan ko siya.

Nagwapuhan din ako noon sa kanya. Napakagentleman niya pa. Palagi pa niya akong hinihintay na umuwi galing sa trabaho para ihatid sa bahay.

Dahil sa naalala ko tungkol sa aming dalawa kung paano kami nagsimula, agad akong kumapit sa dulo ng damit ko.

‘Hindi ka pwedeng umiyak sa harap ng mga taong kumakausap sa ‘yo, Faye.’ – sabi ko sa isip ko at malakas na loob na humarap ako sa kanilang dalawa.

“Single or married?” sa tinanong niya, napatigil ako ng bahagya.

Ang hirap sabihin sa mga pinag-aapplyan ko na single ako. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon, single ako.

Suot-suot ko pa rin ang wedding ring ko hanggang ngayon para hindi ako magmukhang single.

May mga nagtangkang manligaw sa akin pero inihaharap ko sa kanila ang singsing ko at sinasabi ko na may asawa ako.

“Single,” sa wakas at nakasagot din. Mukhang nautal pa ako.

“Alright. What is your name? Do you have a prepared resume?”

Mangha ko siyang tiningnan dahil napakabilis niyang magsalita ng Ingles. Nang inilahad niya ang kamay niya, napatitig ako roon. Ang puti at mukhang malambot ang palad niya.

“I need your resume for the job. You must hand us your information so that we can observe your hard copy information.”

Nagningning ang mata ko sa sinabi niya. Ibig-sabihin, may chansa na magtatrabaho ako.

Pwede na ba agad sumigaw ng ‘YES’?

Ibinigay ko ang resume ko sa kanya. Pinagdikit ko ang mga labi ko habang tinititigan ang resume ko na nasa kamay na niya. Tiningnan naman niya ang background ko, wala siyang naging reaksyon. Hindi ko alam kung seryoso niya bang binasa ang mga nakasulat doon.

“Isang year na lang pala matatapos na ‘yung SHS mo. Because of the financial problem ba that’s why you weren’t able to finish it?” tanong niya at itinaas ang salamin niyang bumaba hanggang sa tungki ng ilong niya.

“Opo, pero magmula Elementary ako nasa rank ako. Palagi nga akong nasa top 2 tapos minsan top 1!” Proud na proud kong sabi. Ngumiti naman siya.

“Oh really? Good to know. You should write your achievements here in your resume, but never mind, at least nalaman ko galing sa ‘yo. Nonetheless, I will explain the details about the job if the CEO accept your requirements. Medyo mapili siya, I hope isa ka sa makakapasa. You are young and beautiful,” puri niya. “At mukha kang pursigido at masipag. Taga San Juan ka pa pero ang langyo ng binyahe mo para makarating dito para lang makahanap ng trabaho.”

“Salamat po,” nahihiyang sambit ko habang hawak-hawak ang siko ko. “Kailangan ko lang talaga ng trabaho kahit na malayo na ako sa amin. Hindi kami mabubuhay kung hindi ako kikilos,” kamot na ulo kong dagdag.

“Your information will be reviewed for 1-2 business days. If you have some queries, this is our business contact,” ibinigay niya ang isang card na may lamang picture, name, email at phone number.

Siya pala si Regina Manalangit, manager ang nakasulat na posisyon niya. Wow! Kaya pala ang formal niya.

“I am just the manager of the other organization inside the company and sometimes I am the acting CEO when the CEO is out to another country. Baka isipin mo na ako ang may-ari,” paliwanag niya. Tanging tango at ngiti ang ipinakita ko sa kanya. “Have a good day, Ms. Faye,” banggit niya sa pangalan ko na mukhang nakita niya sa resume ko.

Yumuko ako habang nagpapasalamat. Pinagdikit ko ang mga palad ko.

“Thank you, Lord at sa wakas sinagot niyo na rin po ang mga panalangin ko!” Natutuwa kong sabi habang nakatingin sa langit.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Boss CEO is my Ex-husband   EPILOGUE

    ROME “Cheers sa 7th anniversary ng mag-asawang Wilson!” itinaas ni Xino ang baso na may lamang alak. I, Emman, Kael and Drev cheers our glasses at Xino’s glass. “Happy 35th birthday na rin p’re! Gurang na tayong lahat, bwahaha!” “Thank you so much, mga pare ko. Walang araw na hindi masaya ang birthday ko dahil sa inyo,” I said. Minsan walang okasyon ay bigla na lang silang nang-aayang inumin para mas lalo raw kaming mapalapit sa isa’t isa, which is good. “Ako naman ang ikakasal this year,” sabi ni Drev. “At ninong kayong lahat,” he added. “Two weeks pregnant.” Humiyaw kaming lahat at kanya-kanya namin siyang binati. “Sure, dadalo kami riyan! Congrats pare. Akala namin nabubulok na titi mo e,” malaswang sambit ni Xino. Nakatanggap lamang siya ng isang pukpok sa amin. “Hindi ibig-sabihin na nabuntis lang siya ngayon e hindi ko na ginagamit ito?” Drev pointed his manhood as he smirk. Pare-parehas kaming natawa sa kanyang sinabi. “How about si Emman?” mapaglarong boses

  • My Boss CEO is my Ex-husband   CHAPTER 102—Over protective father

    (Final Chapter)Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ako. Nagpalakpakan naman ang nakikinig.Naglakad naman ang pamangkin ko dala-dala ang mga singsing. Pero ang mga mata ko ay naka’y Rome, punong-puno ng luha at hindi makapaniwala na pagmamahal na ulit ang tingin ni Rome sa akin.“Bless, O Lord, these rings which we bless in your name. So that those who wear them may remain entirely faithful to each other, abide in peace and your will, and live always in mutual charity. Through Christ our Lord.”“Amen.” Sinabuyan ng pari ng holy water ang mga singsing.Kinuha ni Rome ang isa at hinawakan ang kamay ko. Nginitian niya ako ng matamis.“Faye, this ring I give you, in token and pledge of our constant faith and abiding love. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit.”Ako ang susunod na kumuha at napakagat ang labi.“Rome, take and wear this ring as a sign of my love and faithfulness. In the name of the Father, the Son, and the Holy Spirit.”“In the sight of God and the

  • My Boss CEO is my Ex-husband   CHAPTER 101—The wedding

    I climbed back into his embrace and kissed him passionately once again. Niyakap ko ang buong ulo niya. I tilted my head and played with his mouth. Nakikigalaw na rin siya sa kung paano ko siya halikan. I felt his hands massaging my breasts. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. I sucked his lower lip. He laid me down on the bed and traced his fingers up my thighs, all the way to my chest.“Your body is familiar.”“We always do this here,” sagot ko at hinila ang tie niya para mahalikan ako.Suddenly, he stood up and started to undress himself. He pulled me towards him and positioned himself in the middle. He licked his fingers and slid them in between my thighs. I let out a soft moan. Slowly, he inserted his length inside me. Napatakip ako ng bibig habang hinahaplos ang kanyang matitigas na dibdib.“Namiss kita, Rome.”I was the one who started moving to attract him even more. I closed my eyes tightly when he pressed my head against the bed as he choked me.He suddenly quickened hi

  • My Boss CEO is my Ex-husband   CHAPTER 100—Can't believe he forgot her

    ROMEI stopped rummaging through the cluttered cabinet of my table when suddenly there was a knock. I fixed my hair and smiled sweetly. I knew Claudia was behind my door.When I opened the door, she was indeed standing there. I grabbed her hand and wrapped my arms around her waist.“Claudia! I missed you!” I kissed her temple, “why did you only visit me now? Don’t you miss me?” I think I look stupid now because I was pouting my lips. It’s okay, it’s just for her anyway.“Hey! What are you doing?” She slightly pushed me away. She was full of wonder. I was also puzzled by her behavior, “why are you hugging me?! You can’t do that!”“I’m hugging you because I missed you. Hindi ba pwede?” I grabbed her chin and I was about to smack her when she avoided her lips, “Claudia! I want to kiss you!”“What are you doing?” Inilayo niya ang mga braso kong nakakapit sa baywang niya.“Claudia? Why are you acting like that? Hindi nga kita nakita sa hospital. You don’t care for me?” I said softly, “I ju

  • My Boss CEO is my Ex-husband   CHAPTER 99—Claudia is only in his memory

    “Welcome back home, son.”The woman—my mother—guided me inside the huge mansion. Sinabi nila na I am belong to this house. Akin ‘to? So I am wealthy? Wow, that was cool. Naniwala lang ako nang may portrait akong nakita sa sala.“Sir Rome!” A maid is crying when she runs toward me and hugged me tight. Nagulat ako kaya’t nanlaki ang mga mata ko habang papalapit siya. Nakataas ang mga kamay ko sa ere habang nakatitig sa ulo niya.“Hey! Take it easy, ha-ha! He is not yet healed. Baka masakit pa ang katawan niya,” father said. Bumitaw naman ‘yung maid. Mukhang ayaw pa akong bitawan. Tumagal pa kasi siya ng ilang segundo. “I know you missed him but he needs some rest.”Ginagawa ba talaga ng mga maid ang mga ganitong bagay sa kanilang mga amo? She smelled detergent. Halatang kakalaba lang niya. “Magpapahinga muna siya, Seb. May sasabihin ako mamaya sa inyo but I need to guide Rome to his room,” father exclaimed and he wrapped his arms to me. “Let’s go, son. Excuse us. Makipag-bonding na lan

  • My Boss CEO is my Ex-husband   CHAPTER 98—Memory loss

    2 DAYS AFTER and they are still in Palawan. Faye still doesn’t know what happened to her fiancè. Maging sina Manang Sonya ay walang kaalam-alam sa nangyari sa kanilang alaga. Mr. and Mrs. Wilson is not ready to tell everything about what happened to Rome. “It’s supposedly their marriage now. But what just happened…” Hindi sinisisi ni Mrs. Wilson si Faye dahil wala naman talagang kasalanan si Faye ever since. Nangyayari ang mga bagay na ‘to sa hindi inaasahang lugar at panahon. Ang kailangan lang nilang gawin ngayon ay manalangin para sa anak nila.Madalang na nga lang silang magkita tapos kapahamakan pa ang madadatnan nila kay Rome.Gusto mang sisihin ni Mrs. Wilson ang sarili kung bakit nararanasan ni Rome ang kasakitan ngunit hindi niya magawa dahil panghihinaan lang siya ng loob at wala na rin mangyayari kung sisisihin niya ang sarili niya. Nangyari na e, kung maibabalik lang sana ang nakaraan.Nagpapasalamat siya dahil nasa tabi niya palagi ang asawa niya para suportahan ang nar

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status