“Faster!”
Halos madapa na ako sa pagtakbo ko nang sumigaw na si Rome. Hindi ko sinasadyang manakit ang paa ko dahil sa heels na suot-suot ko. Ang bibigat pa ng mga box of bondpaper na pinabuhat niya.“Aren’t you having breakfast?!” he faced me irritably. “I feed you well at my house and then you’re going slow like a snail?!”“Sir, hindi na po kaya ng paa ko,” may pakiusap kong sabi at pinarinig ko ang pagod na pagod kong paghinga. Napalunok ako nang sunod-sunod nang bigla siyang tumigil at ilang segundo na ang nakakalipas hindi niya pa rin ako hinaharap.Nang humarap siya halos gusto ko nang magpalamon sa sahig dahil sa sama ng kanyang tingin. Nag-iwas ako nang tingin at mas niyakap ang mga buhat-buhat kong kahon.“Sa mundo ng kumpanyang ‘to, walang sino man ang humarap sa akin na nagrereklamo at pagod na pagod. Kung gusto mo nang umuwi, lumayas ka rito.” Madiin niyang sabi. “Hindi ko pinupulot ang mga perang pinapasweldo ko sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at sinasakripisyo ko ang pagod ko kahit wala na akong tulog. How dare you complain? Ganyan ba talaga ang gusto mo, ang makaramdam na masarap na buhay na walang ginagawang mabibigat na trabaho sa mismong workplace mo? Makapal ka rin eh ‘no?” sarkastiko niyang dagdag.Sobra talaga ang lalaking ‘to!Umiling ako ng dahan-dahan. “Hindi ako aalis sa trabaho ko, sir,” determinadong sabi ko. “Sorry po, hindi na mauulit,” humina ang boses ko.“Then, good. Pakibilisan dahil kakailangan ko ‘yan para sa printing. Sinabihan na kita n’ong una pa lang, ‘di ba? Ayoko ko nang mabagal, ayoko nang tatanga-tanga. Bakit ba ang hilig mong ipaulit ang mga sinasabi ng ibang tao sa ‘yo? Ganun ba kakitid ang utak mo?”Tinalikuran niya ako nang basta-basta kaya patakbo ko siyang hinabol. Muntikan pa akong masubsob nang matapilok nang bahagya ang suot-suot ko na heels.Jusko! Kailangan ko lang talagang pagtiisan lahat-lahat nang nararanasan ko ngayon para sa lalaking mahal ko.Hiyang-hiya ako sa mga kasama ko sa trabaho nang madaanan ko sila sa kanya-kanya nilang counter, pero ang mahalaga ay hindi ako malayo kay Rome na napakabilis ang lakad.Mayroon pa ngang gustong lumapit sa akin para tulungan ako pero takot na takot sila sa pamatay na tingin pa lang ni Rome.Alam ko na madali kay Rome ang magtanggal ng mga empleyado kaya nangangamba rin ang iba at wala silang ibang choice kundi hayaan at panoorin na lang akong nakasunod kay Rome.Sa wakas at nakarating na kami sa ikalawang office niya sa first floor kaya kaagad kong binitawan ang mga box ng mga bondpaper at naupo agad sa couch. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang tagaktak kong pawis sa leeg ko.“Did I allow you to plop yourself at the couch?” Baritonong tanong ni Rome kaya’t mabilis pa sa alas-kwatro akong tumayo. Pinunas ko ang mga kamay ko sa skirt ko.“May i-uutos pa po ba kayo, sir?” Pinilit ko pa ring ngumiti kahit ang lakas lakas nang tibok ng puso ko sa pagod.“Oo. Anyway, I didn’t notice that I still have a lot of bondpapers here. Pakibalik na ang mga ‘yan sa office,” kaswal niyang utos na para bang hindi niya ako nakita na halos mamatay na sa pagod sa pagbubuhat ng mga bond papers.Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!“P-Po?” Pagkaklaro ko at nagbabaka sakaling nagkamali lang ako ng pandinig.“Bingi ka ba? I told you I don’t want to repeat what I already said! Iniinis mo ba ako?” Kinabog niya ang table office niya kaya umiling ako ng ilang beses.“Pwedeng magpahinga muna?” napakahawak ako sa mga tuhod ko at huminga ng malalim. “Please po?”“No. After you get that things back from my office, you get me a coffee and a piece of cake, also clean my office too since I can perfectly see the tiny dirts every inch of my office. Understand, Faye?”Gusto ko na lang biglang magresign dahil sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya sa inuutos niya? Naiiyak na ako rito oh.“BILIS!” Napatalon ako sa gulat.“Yes po!”Patakbo akong lumabas at napahawak sa pader. Napapikit ako ng mariin at pinigilan ang pagngawa ko.Sobra ka talaga, Rome!“Kung hindi lang talaga kita mahal hindi ako magiging sunod-sunuran sa ‘yo,” naiiyak kong sabi at pumasok ulit sa office para kunin ang mga bond papers.Pero dahil love kita, lahat pagtitiisan ko para lang mapatunayan ko na sincere ‘yung love ko sa ‘yo.FAYEBinilang ko ang pera kong nasa pitaka ko at nakita kong sakto lang ang pamasahe ko ngayong araw para makapunta sa iba’t ibang lugar para makapaghanap ng trabaho. Pero feeling ko hindi kakasya ‘to. Ang mahal-mahal na nang pamasahe. Ipinaypay ko ang kamay ko dahil umaga pa lang ay sobrang init na at tumatagaktak ang pawis sa noo ko. Napabuga ako ng malakas sa hangin. Sumasakit pa naman ang ulo ko sa init. “Ikaw muna ang bahala kay mama, Francis, kailangan kong maghanap ng trabaho,” wika ko sa kapatid ko. Naawa ako sa kanya dahil uuwi na naman siya mamaya galing sa school nang walang ulam. Wala kasi akong pera na pambili. Madalas inuulam namin toyo at mantika lang, pero kahit gan’on ay nakakaraos naman sa isang araw. The important thing here is to fill our stomachs with food, kahit anong ulam pa ‘yan basta’t may kanin. “Sige, ate. Anong oras ko paiinumin ng gamot si Mama?” tanong niya habang binibitawan ang kanyang school bag, akmang aalis na siya, pero nakita niya akong nakabi
Masaya akong dumiretso pauwi ng bahay. Kahit papaano nakita naman ng bahay namin na liwanag ang naiuwi ko at hindi puro busangot at disappointments. Ngumuso ako nang makita ang kapatid kong sinusubuan si Mama na hirap ang pagnganga. Sa tuwing nakikita ko silang ganyan ay parang buko ang puso ko, nabibiyak. “Ate, ikaw pala. Gutom ka na ba? Nang-utang muna ako ng itlog doon sa tindahan. Sabi ko kasi naghahanap ka ng trabaho,” bungad ni Francis nang mapansin niya akong pinapanood sila. “Alam ko naman na makakahanap ka rin ng trabaho, ate, at mababayaran din natin ang mga utang natin,” determinadong dagdag niya. “Ganun ba? Ilan na ang utang natin? Huling kita ko mahaba na ‘yun eh,” tugon ko. Itinuloy ko ang pagsubo kay Mama ng lugaw nang ipanguha ako ng pagkain ni Francis. Nagpasalamat ako sa kanya at kumain na rin. Gutom na gutom ako, mula kagabi hindi na ako nakakain ng marami. Puro tikim-tikim lang ng kanin. Masyado kasi akong maraming iniisip kaya nadadamay pati ang pagkain ko. G
ROME I surely wasn’t stupid not remembering the name of my ex-wife. Her full name. Thinking back to when I mixed my surname with hers is a little unsettling. The name I saw brought back all the hurt and painful memories, stabbing me in the heart once more. I told Regina, my right hand and my trustworthy employee that she needed to find me a new secretary since my previous one wanted me to be her husband ever since we slept together in the same bed. What a trashy idea of her. It was just all show and game for me, but she anticipated that I wanted to be with her after that one-night stand. I only want her body, not anything else. As if… And my job is just to give them a nice and warm pleasure without any compensation. Pagmamahal? Nevermind. In the world of sex things, love doesn’t exist. Kahit ipilit pa nila na mahal nila ako o may gusto sila sa akin, hindi ko binibigyang pansin. Why? Do they deserve my love? No one deserves my love even the woman that I marry a long time ago. Nag
FAYE Gusto kong tumakbo papunta sa kanya para mahigpit siyang yakapin, pero natatakot ako sa mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Parang mga patalim kung makatitig. Kulang na lang masasaksak na ako sa tingin niya. Napalunok ako at hindi ko maitago ang nerbyos ko. Pinapangarap ko ‘to e, ang makita ang mukha ng lalaking kinababaliwan ko at mahal na mahal ko. “You missed me?” tumawa siya na para bang nagbiro ako, punong-puno ng sarkastiko at sakit. “Why? Iniwan ka na ba ng kabit mo?” May sama ng loob ng boses niya. “Nagsawa na ba siya sa ‘yo o pinagpalit mo rin?” Wala na akong nasabi pa at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, siya at ang hitsura niya ngayon. Ibang-iba na siya ngayon. Ang guwapo-guwapo na niya, desente at ang ganda na ng postura niya. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pormal na kasuotan. Kung dati payat siya, ngayon maskulado na. Mas lalo siyang pumuti. Namumula na ako ngayon dahil punong-puno ako ng paghanga sa kanya.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapatayo at magtingin-tingin sa paligid. Mukha ni Benjamin ang nakikita ko, kahit saang sulok ng office. “Papatayin kita!” Tinakpan ko ang mga tenga ko nang marinig ko ‘yon sa isip ko. “Katangahan mo ang pinapairal mo! Wala kang kwenta!” Isang alaala na paghampas niya sa akin ang dahilan para mapahagulgol na ako ng tuluyan. Nakita ko si Rome na napatayo sa kanyang upuan at nilapitan ako ngunit pinigilan ko siya. “Please, ‘wag mo akong saktan,” umiiyak kong pakikiusap. “Kakapanakit mo pa lang sa akin kanina. Sobrang sakit na ng katawan ko. Hindi ko na alam saan ako lulugar! Tama na, ayoko nang masaktan!” “What the heck is happening to you? And what are you talking about? I will not hurt you and I didn’t hurt you. Baka akalain ng mga makakarinig sa ‘yo sinaktan talaga kita. My goodness. Ipapahamak mo pa ako!” singhal niya sa akin. “Kailangan kong mapag-isa,” huling sabi ko at tumakbo palabas ng office niya. Hindi ko alam kung saan pasikot-sikot ang bu
Padabog ko na lang isinarado ang laptop. Lagot siya sa akin kapag nakita ko siya. On the other hand, Faye seemed to have done cleaning when I turned to face her; she didn’t say anything else, but she was still glancing at me. “Next time kumain ka muna sa inyo para wala kang naiistorbong tao,” sabi ko at huminga ng matalim. “Yes, sir,” mahinang tugon niya, kulang na lang hindi ko marinig. “Good.” She cleared her throat, sumisinghot na rin. I was slowly looking at her. She was busy cleaning her mouth. Hindi niya man lang sabihin na gutom na gutom siya ay nakikita ko naman sa mga galaw niya. I sighed. Oh, wait. You don’t need to feel sorry, Rome Wilson. It’s her fault. She hurt you. She left you. She replaced you.a Dumating na si Regina dala-dala ang mga pagkain na pinabili ko sa kanya. Mabuti naman at hindi nakasunod ng tingin si Faye sa amoy ng pagkain. Napapatitig si Regina sa kanya ngunit bumaling din kaagad sa akin. “Put it on my table and tell Thaliya to make a prototype of t
FAYE Mula kaninang nakita ko ang kababalaghang ginagawa ni Rome at nung babae, nawalan na ako ng ganang maggalaw-galaw sa office. Iba pa naman ako magselos, nagagalit at idadamay pati ang mga gamit—wala pala akong karapatan na magselos. Mula kanina wala akong ibang ginawa kundi linisan ang office ni Rome kahit hindi niya iniutos. Ayoko kasi na kapag nagagalit ako, nakaupo lang ako. Ang landi naman kasi n’on, kulang na lang maghubad na siya sa suot niya, kainis. Lagi kong natatanong sa isip ko, nagkaroon na kaya ng matagal na girlfriend si Rome bukod sa akin? Mayaman na si Rome at imposibleng wala siyang mahanap na kasing level niya. Katulad n’ong babae kanina. Eh, hindi naman maganda ‘yun! Maputi lang! Malaman ang hinaharap at marunong manamit! Siyempre mas bagay pa rin kami ni Rome. Sana naman maisip niya ‘yun. Wala si Rome ngayon sa company. Umalis sila saglit nung kaibigan niya, si Xino. Hindi ko alam na kakausapin niya pa rin pala ako sa nagawa ko sa best friend niya. Mukha
Nang makapasok ako sa office niya, mayroon siyang kinakausap sa telepono niya. Napangiti ako sa bawat galaw niya. Parang mas tumangkad si Rome ah? Nang maibaba niya ito, tumayo siya at inayos ang suot niya. Hindi mawala-wala ang sama ng tingin niya sa akin kaya hindi maiwasan ang magsimulang kabahan. “The interviewer noted that, in contrast to you, the new secretary seems to have a great deal of experience and talent. You have to come work as a maid at my place,” sambit niya at naupo sa mesa. “Since the agreement you signed will remain in effect and you will be residing at my house, you are not permitted to leave until I give my approval,” matinis niyang sabi at pagalit na huminga. Alam kong naiirita sa pagmumukha ko base sa ipinapakita niyang reaksyon. “Sure ka ba?” Nangasim bigla ang mukha niya. “I am a businessman, not a joker. Imbecile!” pagalit niyang tugon siya itinanong ko kaya napakurap ako at napaatras. “Inaalala lang naman kita. Alam ko naman na maiinis ka araw-araw sa