Share

CHAPTER 2—Opportunity has been granted

Masaya akong dumiretso pauwi ng bahay. Kahit papaano nakita naman ng bahay namin na liwanag ang naiuwi ko at hindi puro busangot at disappointments.

Ngumuso ako nang makita ang kapatid kong sinusubuan si Mama na hirap ang pagnganga.

Sa tuwing nakikita ko silang ganyan ay parang buko ang puso ko, nabibiyak.

“Ate, ikaw pala. Gutom ka na ba? Nang-utang muna ako ng itlog doon sa tindahan. Sabi ko kasi naghahanap ka ng trabaho,” bungad ni Francis nang mapansin niya akong pinapanood sila. “Alam ko naman na makakahanap ka rin ng trabaho, ate, at mababayaran din natin ang mga utang natin,” determinadong dagdag niya.

“Ganun ba? Ilan na ang utang natin? Huling kita ko mahaba na ‘yun eh,” tugon ko.

Itinuloy ko ang pagsubo kay Mama ng lugaw nang ipanguha ako ng pagkain ni Francis. Nagpasalamat ako sa kanya at kumain na rin. Gutom na gutom ako, mula kagabi hindi na ako nakakain ng marami. Puro tikim-tikim lang ng kanin.

Masyado kasi akong maraming iniisip kaya nadadamay pati ang pagkain ko. Ganito talaga ako, wala akong gana kapag problemado.

At saka iniisip ko rin na kapag kumain ako, parang nauubusan ng pagkain. Hindi baleng ako ang magutom, huwag lang silang dalawa. Mahal na mahal ko sila at kaya kong isakripisyo ang lahat. ‘Yon na lang ang tanging maisusukli ko kay mama.

Dumaan na naman ang gabing kahit papaano ay nagkaroon ng laman ang aming tiyan.

Napakunot ang noo ko nang hindi ako makaramdam ng antok. Umupo muna ako at huminga ng malalim. Palagi akong ganito sa tuwing gabi.

Kung hindi si Rome ang naiisip ko, naiisip ko ay ‘yung si Benjamin.

Humigop ako ng maraming hangin bago ulit humiga sa tabi ni Francis. Ipinalupot ko ang mga braso ko sa isang unan at pumikit.

Isang kwartong napakadilim, marumi, napakabaho, at napakaraming insekto sa loob. Biglang bumukas ang pinto at ipinakita ang isang anino ng isang malaking lalaki na may dala-dalang isang latigo. Bigla niya itong hinampas sa sahig na ikinagulat ko.

Napaatras ako nang bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Bigla niyang itinapon ang latigo at tinanggal ang kanyang suot-suot na itim na sinturon.

Parang nanumbalik lahat ng takot ko sa dalawang araw kong pamamahinga nang umalis siya sa bahay.

“Ayoko!” umiling-iling ako, “masakit pa ang katawan ko sa kakapalo mo n’ong isang araw! Maawa ka naman sa akin!” pakiusap ko na kahit wala pa siyang ginagawa o nahahawakan ay nakikipag-unahan na ang luha ko sa pisngi ko dahil sa takot ko sa kanya.

Alam ko na ang gagawin niya sa akin kapag itinanggal na niya ang sinturon na nakapalupot sa kanya.

“Laruan kita kaya bakit kita titigilan?” Ipinalo niya ang kanyang sinturon sa palad niya. Pinagpatuloy ko ang pag-atras ko habang hindi maitigil ang mata kong pabalik-balik sa sinturon at sa mukha niya.

“Maawa ka!” pakiusap ko at niyakap ang sarili ko. “Kahit ngayon lang h’wag mo akong saktan. Mamamatay na ako sa dami ng bugbog ko sa katawan!” Hindi ko na nga kayang titigan pa ang katawan kong puro pasa at sugat na natatamo ko mula sa kanya.

“Ang laruan hindi agad nasisira kapag pinaglalaruan. Hindi ko naman titigilan ang paborito kong barbie. Buhay na barbie.” Bigla siyang tumawa nang malademonyo.

Nanlaki ang mata ko. “AHH!” pagsigaw ko nang biglang bumaon sa balat ko ang bakal ng sinturon.

Ang dugong nagmula sa braso ko ay nakikita kong tumutulo sa sahig dahilan para mawalan kaagad ako ng malay…

“Ate! Ate!”

Madalian akong tumayo at hingal na hingal na nakaupo. Nakanganga na rin ako habang namimilog ang mga mata ko.

“Ate? Ayos ka lang? Ate?” umiiyak na si Francis nang hawakan niya ang mukha ko. Napayakap ako nang sobrang higpit sa kanya.

“N-Nakita ko na naman siya, Francis. Sinasaktan niya pa rin ako…” gumagaralgal na boses kong pagsumbong.

“Sorry, ate…” sinabayan niya ang paghikbi ko.

“Natatakot ako, Francis.” Paghabol ng hininga kong sabi at mas lalong kumapit sa kanya.

“H’wag ka nang matakot, ate. Hindi na siya babalik kahit kailan. Hindi rin ako papayag na saktan ka pa ng ibang tao, ate. Malaki na ako, kaya na kitang ipagtanggol. Kaya ko nang manuntok. H’wag ka nang matakot. Naaawa ako sa ‘yo kapag umiiyak ka parang ako na rin ‘yung nasaktan. Mahal na mahal kita. Hindi mo kailangang tumakot sa mga taong masasama ang ugali dahil makakarma rin sila.”

Nakaramdam ako bigla nang kaluwagan ng paghinga dahil sa sinabi ni Francis. Palagi niyang pinapagaan ang loob ko kapag nananaginip ako ng masakit. Siya rin ang yumayakap sa akin at siya rin ang nagcocomfort sa akin kapag naaalala ko ang madilim kong nakaraan.

“Matulog na ulit tayo, ate, alas dos pa lang ng madaling araw.” Kinusot niya bigla ang mata niya.

“Sorry ginigising kita palagi,” nakanguso kong sabi.

“Okay lang ‘yun, ate. Mas makokonsensya ako kapag hindi ako nagising kapag umiiyak ka kapag nananaginip ka.”

“Thank you talaga ah? Bait talaga ng kapatid ko,” sabi ko at hinalikan ang pisngi niya. “Napakaswerte namin sa ‘yo.”

“Yakap ka sa akin ate para hindi ka managinip. Effective daw ‘yon, nabasa ko sa social media.”

Tumango ako at tipid na ngumiti kasabay ang pagyakap ko kay Francis ng sobrang higpit. Huminga muna ako ng malalim bago pumikit. Sumiksik ako sa leeg niya para mas maramdaman ang comfort.

Sana maging epektibo ang pagyakap ko sa kapatid ko.

Maaga akong nagising at nauna na sa alarm ko. Napangiti ako nang hindi ako managinip ng masakit. Effective ‘yung yakap ni Francis sa akin. Hindi ko muna ginising si Francis para naman makabawi siya ng tulog dahil napuyat siya dahil sa akin.

Mayroon pa naman akong tirang pera kahapon kaya pinambayad ko iyon sa inutang niya at bumili ulit ng itlog. Kahit papaano nakabawas ako sa utang namin.

Pinagluto ko na rin ng simpleng lugaw si Mama. Alam kong nagugutom na siya dahil hindi naman nagtatagal ng ilang oras ang lugaw sa tiyan. Araw-araw lugaw na hindi perpekto sa pagkakaluto ang kinakain niya.

Naaawa ako pero pinapangako ko palagi na babawi ako kapag nagkatrabaho ako. Hindi lang lugaw ang kakainin niya kundi pasta na masasarap at ibibili ko siya ng kanyang kama para mayroon na siyang malambot na hihigaan.

Habang nagpi-prito ako ng tuyo at talong, na pinitas ko lang sa labas, mayroong tumawag sa cellphone ko. Ito pa ‘yung cellphone ko na pinag-ipunan namin ni Rome.

Seven years na ito sa akin. Mabagal na at siyempre full storage pa pero pwede pa naman sa call and text. Pagtiya-tiyagaan ko kung ano ang mayroon kami.

Napaka-kapal ng mukha ko na pati ito tinangay ko nang iwan ko siya. Kailangan ko rin talaga ng cellphone noon pero naging walang kwenta dahil itinago ni Benjamin ang cellphone ko sa akin para hindi ako maka-contact sa pamilya ko.

Mabuti na lang at nakita ko ito sa ibabaw ang cabinet kaya natangay ko nang makatakas ako mula sa puder niya.

“Hello?” Iniipit ko ang cellphone sa tainga ko para makapag-luto pa rin kahit may kausap. Hindi pamilyar ang numero pero kung makatibok ang puso ko sobrang bilis. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pagkasabik.

“Faye Reagon?” boses ni Miss Regina ang narinig ko. Binitawan ko ang sandok at pinunas ang mga kamay ko sa damit ko bago ilipat ang phone sa kabilang tainga ko.

“Ako po, Miss Regina,” natutuwa kong sagot. Mababakas ang excitement sa mukha ko dahil tumawag siya kaagad. Hindi tulad n’ong mga inapplyan ko na three days bago sila tatawag tapos rejected pa ako.

‘Yun ang nakaka-disappoint.

Sana naman ngayong pagkakataon na ‘to ma-approve ako.

“Glad you recognize my number. Anyway, congratulations! You are the one who will work with us! You are so lucky. Out of 50 applicants, ikaw ang napili ni Sir, ang owner ng company. I think he was impressed by your information. Not only that, he didn’t hesitate to accept you right away. Alam mo bang maraming nangangarap sa posisyon na napunta sa ‘yo? Kung ako sa ‘yo huwag mo nang sasayangin ang malaking opportunity na ‘to,” aniya.

“Hala! Talaga po ba?” napatakip ako ng bibig dahil sa narinig ko. Dali-dali kong sinalo ang siyensi nang bigla itong nahulog. Inayos ko na rin ang kahoy na nasa kalan.

Hindi kami nag-i-stove dahil wala kaming pambili ng gas. At saka nasanay na kami sa probinsya ng ganito kaya okay lang naman na maggatong ako.

Mas masarap kasi kapag gatong at saka kultura na rin namin ito tapos palayok ‘yung iba naming ginagamit na panluto, nanggaling pa ito kina Lola at Lolo.

“Yes. You can start tomorrow. Mayroon ka bang white shirt and pants?” tanong niya. Mayroon biglang kumalabog. “Sorry, the pen case just fell off from the table,” pagpapaumanhin niya.

“Okay lang po at saka mayroon po akong white and pants,” sagot ko habang hinahanda ang pagkain sa mesa.

Bigla namang dumating si Francis na mukhang natutuwa sa reaksyon ko. Aga niyang nagising ah? Alas singko pa lang.

“Pansamantala, iyon muna ang iyong isusuot. You and Arlo will meet tomorrow at the same meeting place. He will fetch you. Magkakaroon ka rin pala ng personal interview sa boss natin kaya be prepared. Galingan mo. Make him impress. The opportunity is all yours!” sabi ni Miss Regina sa kabilang linya. “Basta relax and keep the excitement for tomorrow. Your opportunity has been granted!"

Kahit hindi ko nakikita si Miss Regina, alam kong natutuwa siya para sa akin. Halos gusto ko nang maiyak dahil sa kaswertehan na ‘to.

“Salamat po ng marami!”

“My very much pleasure. Anyway, I’ll end the call. See you tomorrow!” huling sabi niya.

“Salamat,” pinatay na niya ang tawag. “Bunso, may trabaho na ako!” masaya kong balita at nagyakapan pa kami ng dalawa.

“Masaya ako para sa ‘yo, ate,” sambit niya.

Buong araw masaya kong inalagaan ang nanay ko at naghihintay ng oras para dumating na ang bukas.

Kailangan ko talaga ng pera at pagbubutihin ko ang magiging trabaho ko para manatili na lang ako roon.

Pero hindi ko pa rin alam kung ano ang magiging trabaho ko. Mahirap kaya? Okay lang siguro, basta’t magkaroon ng kita at mabigyan ng pagkain ang dalawa kong natitirang pamilya kasama ko.

“Aba aba, kahit sino kayang maipinta ang mukha mo Faye ah,” pansin ni Manang Laida, isa sa mga kapit-bahay namin na minsan na ring nagbigay ng ulam sa amin.

“Nadapuan po kasi ng swerte eh. May trabaho na ako at mag-uumpisa na ako bukas,” natutuwa kong balita.

“Mabuti naman at sa tagal mong naghahanap ng trabaho eh sa wakas nakahanap ka rin. Para na rin mabayaran mo si Tina. Puro dada ‘yon na kesyo hindi raw kayo nagbabayad. Naku, hindi niya kasi maintindihan ang buhay mahirap, eh.”

“Oo nga po eh. Hindi ko po sasayangin ‘tong pagkakataon at mababayaran ko rin sila,” nakangiti kong pahayag.

“May gamot pa ba ang nanay mo?”

Binitawan ko saglit ang walis.

“Mayroon pa po. Malapit na ngang maubos eh. Sana umabot ang gamot niya sa sweldo ko.”

“Sige na. Tinatawag ako ng anak ko,” paalam niya. Tumango ako bilang tugon at pumasok na sa loob.

Lumuhod ako para kausapin si Mama. Hinawakan ko ang mga kamay niya. “Mama, hangga’t kaya mo magpakatatag ka pa ha? Nandito lang ako para sa ‘yo, para sa inyo ni Francis.”

Dahan-dahan siyang tumango kaya agad akong tumayo para sunggaban siya ng yakap. Mabuti na lang at nabigyan pa ng pagkakataon si Mama para makasama pa niya kami. Sana tumagal ang buhay niya. Gusto kong maipakita sa kanya kung ano ang kaya ko.

“Doon muna ako sa lamesa, Mama.”

Dumiretso ako sa mesa at ipinatong ang suntuk-suntukan kong kamay sa baba ko.

“Alam mo, Rome? Kung makikita man kita ngayon? Ipapangalandakan ko ‘tong kakarampot na achievement ko. Galit ka ba sa akin? Mahal mo pa kaya ako? Nasaan ka na? Kumusta ka na kaya, mahal?”

Napakagat ako ng labi nang magbadya ang luha ko na lumabas.

Pumunta ako sa kwarto para kunin ang bulaklak ko n’ong ikinasal kami ni Rome. Lanta na at tuyong-tuyo na. Kung kukunin ko ‘to sa lalagyanan niyang box, panigurado masisira ito kaagad.

Kahit na lanta na ‘to naaamoy ko pa rin ang bango niya, kapag naaamoy ko ang bulaklak na ‘to, naaalala ko kung paano kami sumagot ni Rome sa kumasal sa amin.

Nandito rin sa akin ang damit niya na ginamit niya n’ong kasal namin. Ni isang gamit ni Rome na naiwan sa akin, kinolekta ko. Never kong itatapon ang mga ‘to kahit hindi na kami nagkita. Si Rome na lang yata ang lalaking mamahalin ko, wala nang iba.

“Kung nasaan ka man, Rome, sana naiisip mo pa rin ako. Alam ko malaki ang pagkukulang ko. Kung babalikan kita, tatanggapin mo pa ba ako? Makikilala mo pa rin ba ako? Alam mo, Rome, kahit nakakahiya mang humarap sa ‘yo? Kung magkakaroon man ako ng chance na kausapin ka? Kakausapin kita at magmamakaawa. Kahit kailan mananatili ka sa puso ko, mahal.”

Hinalikan ko ang damit niya at niyakap ito ng mahigpit. Sana siya na lang ang niyayakap ko. Sana biglang magkaroon ng himala at maging tao ang kayakap ko.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status