Chapter 5 –I Rose from the Dead.
Pilit akong kinakausap ng duktor sa ospital pero hindi ko sila masagot. Para kasing napakalayo nila kaya hindi ko marinig. Mabuti nalang at dala ng Mama ko ang bote ng sleeping pills na ininom ko at ito ang pinakita sa duktor.
Sa loob ng emergency room ng ospital naririnig ka na sobrang mababa raw ang blood pressure ko at sobrang bilis daw ng tibok ng puso ko. Naaninag ko ang Papa at Mama ko, maging sina Kuya Phillip at Hunter. Lahat sila umiiyak. Bakit sila umiiyak? Natulog lang naman ako!
Kinabitan ako ng dextrose, oxygen sa ilong at heart monitor. At ang huli kong narinig, “May gamot na inilagay kami sa dextrose para intra-venous. Hidi natin siya mapa-inom ng gamot sa kanyang condition na tulog. Kritikal ang susunod na twenty four hours. Kailangang malagpasan niya ito kung hindi, maaari siyang magkaroon ng kumplikasyon tulad ng brain damage dahil nakulangan ng oxygen ang kanyang utak.” sabi ng duktor.
“Anak bakit mo nagawang magpakamatay?!?!” pahagulgol na sabi ng Mama ko. “Pilit kitang kinakausap kung ano ang problema mo, sabi mo wala!!!!”
“Mama, Papa umuwi na kayo at magpahinga. Ako na ang bahala dito sa ospital. Sasamahan ko si George. Tatawagan ko na lang kayo kung may balita. Hunter, iuwi mo na sina Papa. Ikaw na ang bahala sa kanila.” sabi ng Kuya Phillip ko. “Hunter, ipadala mo rin dito sa ospital ang laptop ko at mga pangpalit na damit. Para ma monitor ko rin ang nangyayari sa ating mga kumpanya.”
“Sige, Kuya Phillip.” malungkot na sagot ni Kuya Hunter. “Gusto mo samahan kita dito? Babalik ako pagkahatid ko kina Papa at Mama sa bahay.”
“Hindi na. Kaya ko na ito.: sabi ni Kuya Phillip. “Walang makakasama sina Mama at Papa.”
“Balitaan mo kami agad, anak kung ano and development kay George.” sabi ng Papa ko.
Madaling araw nagising ako. Uhaw na uhaw ako! Bakit parang nasa ospital ako? Wala naman akong sakit! Napansin ko si Kuya Phillip na natutulog ng nakaupo sa gilid ng kama ko habang hawak hawak ang kamay ko.. “Kuya Phillip, nauuhaw ako!” mahinang sabi ko.
“”Huh!! George! Gising ka na! Nauuhaw ka?” gulat na nagising ang aking kapatid. Kinuha niya ang basong may straw at lamang tubig. Pinainom niya ako. “Dahan dahan lang ang pag-inom baka mabulunan ka.”
Pagkatapos nya akong painumin ay pinindot niya ang emergency button sa may ulunan ng aking kama. Dumating naman ang isang duktor at may kasamang nurse. Sinuri ako ng duktor, ang aking blood pressure, pulse rate, tinignan niya rin ng flashlight ang aking mga mata at tinanong kung may nararamdaman ba ako. “Mabuti at wala pang twenty four hours ay nagising na siya at ayos naman ang mga vital signs niya.” sabi ng duktor.
“Salamat po duktor!” sabi ni Kuya Phillip. Nang maka-alis na ang duktor at nurse ay kinausap ako ni Kuya Phillip.
“George, salamat at walang masamang nangyari sa iyo sa sleeping pills overdose. Di ba sabi ko sa iyo huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo? Nangako ka pa sa akin na wala kang gagawing taliwas. Bakit ka nagpakamatay? Alam mo bang lahat kami ay halos mamatay na rin ng makita namin ang kundisyon mo? Lalo na sina Papa at Mama!” sabi ni Kuya Phillip.
“Kuya, hindi ako nagpakamatay! Gusto ko lang makatulog para makalimutan ko ang nangyari sa akin. Halos tatlong linggo na akong walang tulog kaya imbes na isang sleeping pill lang ang iinumin ko, ginawa kong lima para tumalab agad.” halos umiiyak kong sabi. “Hindi ako magpapakamatay dahil ayaw kong may masamang mangyari kina Papa at Mama. Inaalala ko rin ang kanilang kalagayan.”
“Kaya siguro sumobra ang epekto sa iyo ng sleeping pills ay dahil sobrang payat mo na. Hindi ka kumakain at kulang sa tulog kaya hindi kinaya ng iyong katawan ang epekto nito. Huwag mo na uulitin iyon.” payo ni Kuya Phillip. “Sige magpahinga ka na. Mamaya ay oorder ako ng pagkain natin. Tatawagan ko pa sina Papa at Mama para malaman nila ang kalagayan mo. Para malibang ka, nandiyan ang cellphone at IPad mo. Sasamahan at babantayan kita dito hanggang sa makalabas ka ng ospital.”
“Huwag na kuya! Kahit si yaya nalang ang patauhin mo dito. Baka kailangan ka ng kumpanya!” pilit ko kay kuya.
“Hindi! Sasamahan kita dito hanggang sa makalabas ka ng ospital. Para ke pa naging CEO ako ng kumpanya! Competent lahat ng mga tao ko at pinagkakatiwalaan ko sila. Isa pa para saan ang technologies ngayon kung hindi ko mamomonitor ang nangyayari sa opisina?” paliwanag ni kuya.
“Salamat sa pagmamahal mo kuya! Kung wala ka, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Baka nga patay na ako ngayon!” mahina kong sabi.
“Ayan ka na naman! Alisin mo sa utak mo yang patay, patay. Masarap mabuhay! Bata ka pa, makakalimutan mo rin ang nangyari sa iyo. Besides, hindi lang naman ikaw ang nagkaganyan. What is breaking virginity? It's but a piece of tissue that is broken. When you are old enough and fell in love, you come clean with your boyfriend or husband -to-be. Tell him that you are no longer a virgin! If he accepted you as you are, then he truly loves you. If not, it's his loss. Tatagan mo ang sarili mo at nandito kami nina Mama, Papa at Hunter para subaybayan ka at tulungan. “ mahabang payo ni Kuya. “Kapag gumaling ka na at lumabas ng ospital, magbonding kayo ng mga friends mo!”
“Sige kuya. Salamat sa mga payo mo. tatandaan ko yan.” sagot ko.
Isng linggo akong nanatili sa ospital. Inalis na ang mga tubo at dextrose na nakakabit sa akin. Isang linggo rin akong sinamahan ni Kuya Phillip. Sa ospital na siya kumakain, naliligo at nagtatrabaho. “Kuya, wala ka bang lovelife? Isang linggo kang hindi umaalis sa tabi ko!” tanong ko sa kanya.
“Sa ngayon, wala pa! May mga propeks ako pero sinasala ko pa.” sagot ni kuya.
“Ano naman ang hinahanap mo sa babae?” tanong ko ulit.
“Yung mahal at aalagaan ako! Yung matalino, smart, mabait at makakatulong ko sa buhay.” sabi ni kuya.
“Ayaw mo ng maganda, matangkad, seksi, mayaman at higit sa lahat virgin?” makulit na tanong ko.
“Bonus na yun kung lahat ng sinabi mo ay kasama sa requirements ko. Perfect woman na yun! There is no such thing as a perfect woman. Lahat tayo ay may kapintasan.” paliwanag ni kuya.
Pagkapananghalian, pag labas ko ng CR sa loob ng kuwarto ko sa ospital ay umiiyak ako. Nagkataon namang nandoon din ang mga magulang ko at si Kuya Hunter. Bigla silang naalarma dahil sa iyak ko kaya pinagsalikupan nila ako upang alamin kung bakit.
“O anak! May masakit ba sa iyo?” tanong ng Papa ko.
“Wala po! Masaya lang ako at nakita ko kayong apat.” sagot ko. “Gusto ko na pong umuwi ng bahay.”
“Ay sus! Akala namin may nangyari na naman sa iyo! Pinakaba mo kaming lahat.” sabi ni Kuya Hunter.
“Kapag nag round na ang duktor mamaya, tatanungin natin kung pwede ka ng umuwi.” sabi ni Mama.
Lumabas ang Papa, Mama at Kuya Hunter ko para magmeryenda. Naiwan kami ni Kuya Phillip sa ospital. “Kuya, kaya ako umiyak kanina dahil nagkaroon na ako ng monthly period ko. Mag-iisang buwan na kasi mula ng mangyari ang rape ko.” balita ko kay Kuya Phillip.
Napabuntong hininga si Kuya Phillip. “Salamat po Diyos ko! Mabait pa rin ang Diyos sa atin! Sa iyo!” maluha luha na sabi ni Kuya Phillip.
“Oo nga Kuya!” umiiyak kong sagot at yumakap ako sa kanya.
Nang mahimasmasan kami ni Kuya, siya namang pagpasok ng duktor ko upang alamin ang aking kalagayan. Pisikal na sinuri ako ng duktor at chineck ang mga laboratory results ng urine, blood, chest x-ray ko na muling tinest noong isang araw mula sa aking hospital chart.
Tamang tama naman na bumalik na sa kuwarto ko sina Papa, Mama at Kuya Hunter kaya narinig nila ang sinabi ng duktor. “All clear na ang mga laboratory exam ni George. Pwede na siyang umuwi bukas. Pahinga, kumain atmatulog ng maayos dapat niyang gawin. May isa pa akong ipapayo, dapat mgpakunsulta si George sa isang psychiatrist para malaman ang sanhi ng kanyang depression at upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari.” payo ng duktor.
Masaya sina Mama na lalabas na ako ng ospital. Pero nagkatinginan kami ni Kuya Phillip. Gusto kong sabihin na kanya na ayoko ng psychiatrist. Makakalkal ang traumatic experience ko! Bigla akong kinabahan baka ipilit ng mga magulang ko ang pagpapatingin ko sa psychiatrist!