KATHERINE
Mabuti na lang talaga at hindi na bumalik ang lalaking ‘yon. Tatlong araw na rin simula ng umalis siya. Pero bakit ko ba siya iniisip? Ano ba ang pakialam ko sa bata na ‘yon? Mabuti nga na hindi ko na siya nakita dahil masungit lang naman siya.
“Ate, okay ka lang po ba?”
“May sinasabi ka ba, Nica?” tanong ko sa kanya.
“Sabi ko po kung okay ka lang po?”
“Okay lang naman ako, bakit mo naitanong?” tanong ko sa kanya.
“Kasi kanina ka pa po tulala d’yan eh. Tapos kalbo na po ang halaman,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nakalbo ko na nga ang inaayos kong halaman.
“Naku, hindi ko namalayan.”
“Mukhang may iniisip ka po, ate. May problema ka po ba?” halatang nag-aalala na tanong sa akin ni Nica.
Ngumiti ako sa kanya dahil ang bait talaga ng batang ito.
“Okay lang ako, Nica. Hindi ko alam kung bakit lumilipad ang isip ko. Bigla ko lang kasi naalala ang mga halaman na binili ni Mr. Laczamana. Lagi kasing namamatay binibili niya para sa mommy niya. Kaya naisip ko na baka–”
“Naku, baka okay na po ‘yon, ate. Hindi na po siya bumalik eh. Ilang araw na nga? Tatlo na yata, kaya baka okay na ‘yon.” sabi niya sa akin.
“Baka nga, ayaw ko naman na nagsasayang siya ng pera sa kakabili ng halaman.”
“Mayaman o ‘yon, marami siyang pera. Huwag niyo na lang po siyang isipin kasi sure ako na okay lang siya,” sabi niya sa akin.
“Hindi naman siya ang iniisip ko kundi ang halaman.”
“Uyy, si ate defensive.. Crush mo siguro si Sir,” nakangisi na sabi ni Nica na halatang inaasar niya ako.
“Masyado na akong matanda para sa ganyan,” sabi ko sa kanya.
“Senior citizen nga may crush. Ikaw pa kaya na hindi naman mukhang matanda,” sabi pa niya sa akin.
“Wala ng tatanggap sa akin. Pangit ang nakaraan ko, Nica. Ayaw ko naman na maging kahihiyan ‘yon ng lalaki,” sabi ko sa kanya at inaayos ko na ang iba pang mga halaman.
“Ate, kahit pa gaano kadilim ang nakaraan mo ay may taong tatanggap sa ‘yo ng buo. Naniniwala pa rin ako na deserve mong sumaya,” sabi niya sa akin. Sa totoo lang lagi niya itong sinasabi sa akin.
“Salamat, Nica. Kung may dumating man ay ipagpapasalamat ko at kung wala man ay magpapasalamat pa rin ako,” sabi ko sa kanya.
“Mayroon po ‘yan, ate. Malay mo nasa tabi-tabi lang. Naghahanap lang ng tamang pagkakataon,” sabi niya sa akin.
“Ikaw talaga. Tapusin na natin ito para makapag-pahinga na tayo,” sabi ko sa kanya.
Ilang araw na ring umuulan kaya medyo marami ang inaayos namin. Ngayon lang kasi bumuti ang panahon. Ginawa ko na lang ang kailangan kong gawin para matapos na ako.
Tinatanong ko si Nica kung may oras siya mamaya kasi gusto ko na sa labas na kami kumain. Wala raw kaya ang ending ay ako na lang ang kakain sa labas mamaya.
Saktong five ng hapon ay natapos na ako sa ginagawa ko. Nakauwi na rin si Nica kaya ako naman ay naligo na para makaalis na ako. Wala rin kasi akong mayaya kaya ako lang talaga ang mag-isang aalis.
Isang simpleng dress ang suot ko ngayon. Nagbook na lang ako ng masasakyan ko papunta sa mall kung saan ako kakain.
Malapit lang naman ang mall pero syempre gusto ko naman na makapag-relax kahit kaunti lang. Lagi na lang kasi akong nasa bahay, laging mga halaman ang kasama ko.
Ang daming tao ngayon dito sa mall. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon ngayon. Naglakad na ako papunta sa may restaurant.
Hindi ko naman ito laging ginagawa. Ngayon lang ulit. Ang lifestyle ko noong lumalaki ako ay malayo sa buhay na mayroon ako ngayon. Pero wala naman akong pinagsisihan dahil masaya naman ako ngayon.
Simpleng buhay talaga ang bagay sa akin. Wala akong ibang hinihiling kundi good health at peace of mind. Miss ko na naman tuloy ang anak ko.
Siguro kung naging mabuting ina ako ay hindi siguro ako mag-isa ngayon. Siguro kahit pa naghiwalay kami ni Adam ay baka sakaling kasama ko pa rin si Reighn.
Dahil sa akin kaya mas pinili ng anak ko na lumayo sa akin. Napa-buga na lang ako ng hangin kasi hindi dapat ako ganito. Magagalit sa akin ang anak ko kapag nalaman niya na patuloy ko pa rin na sinisisi ang sarili ko.
Pagkarating ko sa may restaurant ay nakangiti akong binati ng staff nila. After ay hinatid niya ako sa magiging table ko. Binigay niya sa akin ang menu kaya naman pumili na ako ng gusto ko.
Nang makapili na ako ay sinabi ko rin agad ang gusto ko. Habang naghihintay ako ay nag-picture ako ng sarili ko. Wala lang, gusto ko lang magkeep sa phone ko para sa memories.
Gusto ko na malaman na kaya ko mabuhay ng ganito. After ilang minutes ay dumating na ang food ko.
Kumain rin naman agad ako dahil balak ko pang manood ng movie mamaya. Hindi ko alam kung ano ba ang maganda pero pipili na lang ako mamaya.
Habang kumakain ako ay may pumasok sa may entrance. Ang lalaking ilang araw ko ng hindi nakikita. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa pero ako rin ang unang umiwas.
May kasama siyang babae at may kasama silang batang babae. Ang buong akala ko ay single siya pero mukhang mali ako dahil mukhang pamilyado na siya.
Hindi ko alam kung saan sila nakaupo dahil hindi na ako lumingon pa. Tinapos ko na lang at inubos ko ang pagkain ko.
Nag bill out na rin ako. After ko magbayad ay lumabas na rin agad ako sa restaurant. Wala naman akong balak na tumambay pa doon. Tinahak mo na lang ang daan papunta sa may cinema.
Bumili ako ng ticket. Mabuti na lang at magsisimula pa lang ito. Mas pinili ko ang nasa pinakadulong upuan. Saktong pag-upp ko ay nagsisimula na ang palabas kaya nasa screen lang ang atensyon ko.
Expected ko na may tatabi sa akin. Lalo na vacant naman ang nasa katabing upuan ko. Wala naman akong interes sa kung sino ang nasa tabi ko kaya lang ang bango ng pabango niya. It smells familiar kaya naman tumingin ako sa taong nasa tabi ko at nagulat ako.
Dahil ang katabi ko ngayon ay si…