Home / Romance / PURCHASED BY HIM / Chapter 3: NO CHANCE

Share

Chapter 3: NO CHANCE

Author: Heel Kisser
last update Last Updated: 2024-02-05 17:47:37

Sumunod siya sa lalaking kausap niyang halata namang kasama ng lalaking Italyano. Siguro kaibigan kasi hindi naman ito mukhang alalay. Kurot na kurot niya ang kuko niya sa kaba habang naglalakad na nakasunod rito. 

Ngunit nang maalala niya ang tiyahin niya, patakbo niya itong hinabol at kinausap. "Teka lang, Sir, gusto ko lang talaga muna makita ang tita ko. Magpapaalam lang ako."

"Ang mga babaeng bini-bid dito sa Auction, pagkatapos ma-bid, wala ng pamilya," anito, tuloy-tuloy lang ang lakad.

Lakad-patakbo naman siyang humabol rito, malalaki kasi ang mga hakbang nito, kasi mababa lang ang sapatos na suot, samantalang siya, naka-high heels. "Hindi naman pwede yun, sir, nanay ko kaya ang rason bakit ako nandito. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako papasok sa ganito."

Huminto ito bigla kaya, nauntog ang mukha niya sa likuran nito. 

"Aw!" Hinimas niya ang noo niya.

Mabilis siyang umatras dahil walang pakialaman itong humarap sa kaniya. Muntik pa siyang matumba. 

"Pangalawang rule kapag auctioned ka na..." Nagtaas ito ng hintuturo sa mukha niya. "Hindi na problema ng bidder ang problema ng bini-bid. Kaya wag mong sabihin yan kay Matteo kasi magsasayang ka lang ng laway, mas matigas pa iyon sa bato at mas malamig sa yelo."

Ngumiti ito pero peke, para ngang iniinsulto siya kasi may kasamang pekeng beautiful eyes pero cute, kaya hindi siya masyadong nainis. "Ibig sabihin hindi ko talaga makausap ang tiyahin ko?" nangungunsensiya niyang tanong. "May ibibilin lang naman ako sa kaniya na sasabihin niya kay Nanay."

"Pagbaba ni Matteo, aalis agad tayo, so no chance," anito. 

Gets niya ang no chance kaya malungkot siyang mapaiwas ng tingin. 

Napalingon siya sa entablado at kasalukuyan nang naglalaban ng presyo ang mga bidder sa isang babaeng naroon. Huminga siya nang malalim, at gusto niyang umiyak. "Grabe gusto ko lang naman makita sa huling pagkakataon ang tita ko eh," bulong niya sa sarili.

"Let's go," ani ng lalaki at hinila siya sa braso. 

Habang hinihila siya nito, paatras siyang naglalakad kaya nawalan siya ng balanse dahil nagkamali siya ng hakbang. 

Napasigaw siyang deretso bagsak sa sahig, "Aw! Aray!" 

Binitawan pa siya kasi ng lalaki. "Grabe ka naman sir wala ka bang puso?" busangot niyang tanong. 

Ramdam niya ang pagguhit ng sakit sa balakang niya at ang paa niya parang nabali pa, natapilok siya kasi. 

"Bakit ka ba tàngà? Talagang matutumba ka kapag paatras kang naglalakad," ani pa nito. 

"Grabe ka naman sa tángá sir!"

Hindi man siya nito tinulungan. 

Napangiwi lamang siya, at sinikap na tumayo. "Aray huhu, ang sakit talaga. Nasaan kaya ang lalaking ito noong umulan ng puso, kasi kahit isa halatang walang nasalo. Di man lang ako tulungan dito," bulong-bulong niya.

Halos mangiyak-ngiyak siya sa sakit dahil pag-apak niya ramdam niya ang pilay sa buko-buko niya. "Aray ko talaga!" Napadàïng siya nang malakas at inabot ang kamay niya para humawak rito. "Pahawak nga sir, ang sakit talaga."

Humakbang nga ito palapit sa kaniya para maabot niya pero parang mabigat pa sa loob nito. Halata talagang ayaw siyang tulungan. "Thank you sir, ha!" pagsasarkastiko niya.

Tumalikod lang ito para mag-lakad at siya naman kahit masakit ang paa niya, humakbang siya nang mabilis para mapantayan ang lakad nito. 

"Dahan-dahan sir," pakiusap niya pero hindi ito nakinig kaya bumitaw siya. "Wag na nga lang."

Hinubad na lang niya ang sapatos niya. Wala siyang pakialam kung maraming tao na nakatingin sa kaniya, ang mahalaga makakalakad siya nang maayos kahit papano. 

Paglabas sa lugar na iyon, palinga-linga siya sa paligid, nagbabakasakali na baka nag-aabang doon ang tiyahin niya pero wala talaga. "Nasaan na ba si Tita?"

 Binalingan niya ng tingin ang lalaki na kasama niya at lumapit ito sa isang lalaking nakasandal sa kotse at nagpapausok ng vape. 

Gwapo rin, pero mukhang mas mababa lang ng kaunti sa lalaking kausap niya. Nag-haplos-haplos pa ito ng buhok habang umiihip sa Vape at tumingala para bumuo ng magandang formation ng usok. Umiling na tila kinausap ng lalaking sinundan niya at habang papalapit siya, napatingin ang lalaking may vape sa kaniya.

Tumaas ang sulok ng labi nitong tinapunan ng tingin ang sapatos niyang dala-dala. Paglapit naman niya, binuksan ng lalaking sinundan niya ang magarang sasakyan at napanganga pa siya dahil pataas ang pintuan nito, hindi katulad ng iba na sa gilid lang. Ito kasi parang pakpak at talagang kumikintab ang pagka-itim nito. 

"Pasok," ani ng lalaking sinundan niya. "Dami mong reklamo." 

Imbis na pumasok, nakiusap siyang muli, "Sige na sir, payagan mo na ako, kahit sa huling pagkakataon na lang, kausapin ko lang ang tiyahin ko."

"Do you want to talk to your accomplice about the plan because you're looking for a way to escape?" sabi naman ng lalaking may vape. Grabe English.

Nakanganga lamang siya kaya napatingin ito sa kasama. "She can't handle your words," sagot naman ng isa.

"My words..." puna nito at tumingin pa sa kaniya. Nakatitig lang siya dito, nahihiyang sabihin na wala siyang naintindihan sa sinasabi nito, kung pwede sana ulit na lang pero dahan-dahan. Pero maya-maya ang sabi nito, "Fine...so." Nag-cross ito ng braso na kinakausap siya, "Plano mong tumakas?" 

Agad siyang nag-react. "Huh? Hindi ah." Mabilis siyang umiling. "Kakausapin ko lang ang tita ko, kasi magpapaalam na ako." 

"Tita mo?" tanong nito sabay lahad ng kamay, kaliwa-kanan at nagtaas ng balikat. "Nasaan siya?" 

"Kaya nga hahanapin ko muna," sagot naman niya. 

"Ahh...hahanapin...handa ka bang màmátáy?" biglang tanong nito. 

"Ha?" maang namang tanong niya. 

"Kasi kapag umalis ka dito sa harapan namin, hahanapin ka ni Matteo at pàpàtayin ka ni niya kapag natagalan siyang mahanap ka, ayaw na ayaw pa naman nun na nagdedesisyon kang hindi niya alam." Napalunok siya. 

"M-Magpapaalam lang naman ako sa tyahin ko, pátáyin talaga?" reklamo niya.

Tsaka bakit pala siya binili ng lalaking iyon kasi mukhang ayaw naman noon sa kaniya kanina kung titignan siya?

"At ayaw rin ni Matteo na nagsasayang ng oras kaya wag mo siyang kausapin mamaya tungkol sa tiyahin mo kung ayaw mong ma-tigok agad," dugtong pa nito at umaksyon pang naggïgilït sa sariling leeg sabay patunog ng dila. 

"Kaya wag ka nang mamilit," ani ng lalaking kumuha sa kaniya sa loob ng building at tinuro ang loob ng sasakyan. "Kaya pumasok ka na lang."

Wala siyang choice kundi ang malungkot na pumasok sa loob sa likuran banda kahit na paikang-ikang siyang maglakad. Mga ilang minuto pa ang pananatili niya doon, bago magpasyang pumasok ang dalawa sa loob ng sasakyan. Sa driver seat pumasok ang naka-vape at ang isa naman ay nasa tabi nito. 

Pagtingin niya sa labas, lumakas ang tibok ng puso niya sa kaba nang makita niya ang lalaking bumili sa kaniya na papalapit na. 

Makikita niya sa liwanag ng mga ilaw sa paligid ang postura nito. Iba talaga ang dating, matangkad, malalaki ang mga hakbang, parang tuwid ang tayo, napakadisente ng suot, kahit sapatos nitong itim kumikintab sa reflection ng ilaw, at may dala itong brown envelop. 

"Para namang nakakapagtaka kung bakit bumibili to ng babae sa auction kasi ang gwapo," bulong-bulong niya at nangalumbaba pa.

"Tangos ng ilong, kapal ng kilay, kaso parang galit. Galit ba ito? O ganito lang talaga ang natural na expression ng mukha niya?" tanong niya sa sarili.

"Baliw yata tong nabili ni Matteo. Nagsasalita mag-isa," tanong ng mas matangkad.

"Baka probinsyana, ganiyan kadalasan sa mga bisaya eh kinakausap ang sarili," sagot ng naka-vape.

"Taga-bacolod po ang nanay ko," singit niya sa mga ito. 

"Hindi kami nagtatanong," sabi naman ng naka-vape. 

Napanguso siya. "Sungit." 

Bakit ba kasi siya sumasabat?

Awtomatiko siyang napaipit ng mga hita niya nang buksan nito ang pintuan sa tabi niya. Kagat na kagat niya ang labi niya habang hinagis nito ang envelope lagpas sa ulo ng kasama nito sa harapan. Dinampot lang iyon ng lalaki nang mahulog at nilagay sa harap. 

Siya naman, enjoy na enjoy na pasimpleng inaamoy ang pabango nito. Nakaka-inlove na ewan, hindi niya maipaliwanag kasi kabado siya. "Let's go."

"To what place?" tanong nang nasa driver seat. 

"We'll go home, to my unit," sagot ng lalaking nasa tabi niya. At sinabi pang, "Take off your collar, you look like a pup." 

Napansin niyang walang may umimik. Nagtaka siya kung sino ang kausap nito, kabadong-kabado kasi siya at natatakot siya na baka siya ang kinakausap nito, at mukhang siya nga kasi naramdaman niya itong tumingin sa kaniya kaya kagat labi rin siyang tumingin rito. 

Tumaas ang kilay nito. "What?" 

Nataranta siya. Sobrang sungit talaga nito kaya, umiling siya at umayos na lang ng upo, saka pumikit. "Ako ba kausap nito?" tanong niya sa sarili.

 "I said take off your collar," sabi pa nito at napadilat siya bigla. Natataranta na. 

Bumulong-bulong pa siya, "Collar..." Napatingin siya sa sarili, walang collar ang suot niya, one-sided shoulder nga ito. "Aling collar ba?"

"Tanggalin mo daw ang ribbon mo sa leeg kasi mukha ka raw aso," paliwanag ng lalaki na nasa unahan nila. Natawa ang nagmamaneho. Napahawak siya sa ribbon na nasa leeg niya. 

"Bakit collar? Ribbon to eh..." bulong-bulong niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 96: CAPTURED

    "Aba! Siraulo ka hindi mo man lang ako ginawang maid or honor!" putak agad ni Miarta na ikina-react naman agad ng dalawang babaeng kausap niya. "Grabe ikaw talaga nagreklamo ng ganiyan ah," puna naman ni Sezy. "Bakit? Pwede naman ako sa ganyan ah!" rason naman ng isa. "Wag na kayo magtalo diyan, hindi nga nagrereklamo itong si Mahalia na kinasal pero walang trahe de buda. Di ba Mahalia? Halata eh, at sigurado naman kung ikaw ang kinasal imbitado kami diba?" singit naman ni Yanvi. Huminga siya nang malalim at ngumiti. "Ayos lang kahit walang trahe de buda. Basta kasal na kami at isa na akong Elioconti ngayon," proud naman niyang sabi at kinaway-kaway pa ang daliri. Sumang-ayon naman ang mga ito, at naging masaya rin para sa kaniya. _____Isang araw naman, pagkatapos niyang maligo lumabas siya ng kwarto. Nakita niya ang magkakaibigan sa baba na tila may mahalagang pinag-uusapan. Nakatutok sa laptop si Finn, may kausap naman sa phone si Matteo. Napatingin pa ito sa relo at pinagmam

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 95: CHIT-CHAT WITH FRIENDS

    Pinagmasdan ni Frenon ang reaction ng asawa niya habang nakatingin sa DNA result. Kitang-kita niya ang pag-awang ng mga labi nito at windang na windang sa nabasa. "W-What? This can't be. Paano nangyari ito, isa lang ang iniluwal ko?" tanong nito na litong-lito. "Kaya nga tinatanong ko, who's Daphnie, bakit itong si Mahalia, anak natin, pero si Daphne kasama natin. Nakita ko rin naman kung paano mo siya pinanganak, pero bakit ganito? Lumitaw, anak natin ang babaeng binili ni Matteo sa Auction," giit pa niya. Napatakip ng bibig ang asawa niya. Namuo agad ang mga luha sa mga mata nito at napakapa sa glass wall para makakuha ng proteksyon sa pagtayo. "S-sigurado ka ba diyan? Hindi ba iyan gawa gawa lang?""Kahit itanong mo si Finn. He knew this. Una nga pinagbintangan niya akong may babae, na baka anak ko si Mahalia sa ibang babae but no. Wala akong naging babae kahit kailan, Dianne," rason pa niya at umiling-iling ito. "Kaya ginawa ko ito. Inalam ko ang totoo, kumuha ako ng buhok sa su

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 94: BIOLOGICAL DAUGHTER

    Nang marinig niya ang pangalan nito, napalunok siya. Binalot siya ng kaba nang mapagtanto sa huli kung sino ang babae. Ngunit kumalma siya. Hindi ngayon ang tamang oras para harapin niya ang babaeng ito. "We'll talk next time," giit niyang sabi rito, sabay pasok ng upuan sa loob lamesa. "Nasaan ang anak ko?" matigas na tanong nito. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib niya ngunit nananatili siyang kampanti sa harapan nito sabay sabing, "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang kumuha?" "Alam ko, pero nasaan ang anak ko?" Mariin ding sabi nito. "Pwes hindi ko alam. Wag ako ang singilin mo," pagkasabi niyang iyon, ay umalis siya sa harapan nito. Ngunit hindi ibig sabihin non, minaliit na niya ito. Sa tindig kasi ng babae alam niya naghanda ito ng maraming tao para bumalik. Hindi siya sinundan nito, o nagpahabol man lang ng salita sa kaniya. Hinayaan siya nito, which is mas nakakatakot na idea. Ngunit mayroon lamang siyang katanungan, "Pumayag siya, bakit hinahanap niya ulit?"

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 93: PUZZLES

    Nang dumating si Victoria, nasa ayos sila na parang nagkakanya-kanya puzzle sa isipan tungkol sa pagiging misteryoso ng buhay ni Mahalia. Palipat-lipat ang tingin ng babae sa kanila na parang nablanko kung ano ang unang sasabihin. "Why...are you like that?" dahan-dahang tanong nito, na sabay-sabay naman nilang tiningnan."Ah, Victoria, alam mo rin pala ang lugar na ito?" tanong niya kahit lutang. "Yeah, matagal na, lugar ito kung saan, kapag cheat day nila, nagdadala sila ng maraming babae na malalaro," deretsong sagot ng babae at sabay pang tumingin si Matteo at Finn rito nang masama. Tumaas naman ang kilay ni Victoria. "What? May nasabi ba akong false?" asar pang tanong nito. "Mahalia deserve to know your histories. Lalo ka na Matteo.""Shut up, just tell us na lang kung may alam ka about sa Qwal house," sabi na lang ni Matteo rito."Qwal house?" biglang pagbago ng babae ng reaction at napalitan ito ng animo'y interesado sa term. "Parang black organization, kung saan nabibili ang

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 92: THE BUYER

    Napansin ni Mahalia ang masayang expression ng mukha ni Matteo ay napalitan ng pangungunot ng noo. Tinitigan rin ito ng kaniyang kuya at napatanong na rin, "Why?""I don't know, may nakuha raw silang link, about Kikiam's father," sagot naman nito. "Kikiam?" tanong naman ni Finn na walang pinagkaiba sa tanong niya sa isipan. "Kikiam, Krong-krong, sino pa nga ba? Of course the Kwon," sagot naman ng mapanghusga niyang asawa. "Pambihira, ang dami mong term dun ah, parang sahog, na kapag pinaghalo lahat naging isang putahe. Kwon dish," sabi naman ng kuya niya na mas lalong nag-paloading sa kanya. "Tara, sa hideout tayo. Paki-text nga ai Victoria," utos naman ni Matteo rito. "Asawa mo ang kapatid ko diba? Kuya niya ako, so dapat, kuya mo ako at wag mo akong utusan. Ikaw magtawag kay Victoria, call her now," bara naman ni Finn rito na naging dahilan ng pagbuka ng bibig ni Matteo. Rarason pa sana nito kaso mas malakas ang laban ni Finn. Totoo naman na kuya ito, at asawa niya si Matteo. M

  • PURCHASED BY HIM   Chapter 91: SYMPTOMS

    Kinabukasan naman, nagising si Mahalia na nagtataka sa paligid niya. Itim kasi ang kulay ng higaan niya. Napaangat siya ng ulo, tumingin sa katabi niya, nandiyan naman si Matteo, tulog pero parang may nasisipa siya kaya pagtingin pagtingin naman niya roon nagulat siya ng makita ang kuya niyang naka-cross arms habang natutulog at wala pang kumot. "Hala!" Awtomatiko siyang napabangon at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kapatid. Ngunit sa kabila ng pagkagulat niya, nakaramdam naman siya ng hilab ng tiyan at maya-maya naduduwal. Ramdam niya na parang lalabas na ito kaya gumapang siya para makaalis doon at nadaganan niya si Matteo. Nagising ito bigla pero wala siyang pakialam, gapang lang siya ng gapang. "What's wrong?" tanong nito na may bahagyang pag-angat ng ulo. Panay lang ang takip niya sa bibig niya. Gapang, duwal, takip sa bibig hanggang sa hirap na talaga siyang pigilan kaya tumayo siya kaagad at tumakbo na sa CR. Apurado niya itong binuksan at lumuwa sa basin. Sa kabilan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status