Hiding My Sons From My Heartless Husband

Hiding My Sons From My Heartless Husband

last updateLast Updated : 2025-12-18
By:  MsAgaserJ Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
45 ratings. 45 reviews
198Chapters
19.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Amora Asarie Marie-Grey was trapped in a loveless arranged marriage with the powerful Keizer Rhys Castiglione. After finding out that she was pregnant again, she decided to hide their child, scared to lose them. She makes a life-changing choice-to hide her pregnancy and raise her sons alone. Can she protect her secret and build a life of her own, or will Keizer's relentless pursuit expose her truth?

View More

Chapter 1

Chapter 1

CHAPTER 1-PROLOGUE

Takbo Takbo Takbo

Ramdam ko ang panginginig ng mga paa ko pero hindi naging hadlang iyon para bagalan ko ang pagtakbo.

Ang tanging nasa isip ko na lang ay ang manalangin na sana pagdating ko ay wala pa siya, ngunit pagpasok na pagpasok ko palang sa tahanan namin, siya agad ang sumalubong sa akin.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay.

"K-keizer, nasasaktan ako," hirap kong sabi rito. Takot akong tumingin sa galit niyang mga mata. Parang walang awa ang natitira sa kanya habang pinakatititigan naman ang bawat isa.

Mukhang kanina pa siya nakauwi, at kamalas-malasan ko lang lang dahil minuto siyang nauna sa akin. Dahil dito, nalaman niya na umalis ako ng bahay ng walang paalam.

"Argh!" Napadaing ako sa higpit ng pagkakawak niya sa mukha ko; pakiramdam ko ay mababasag ang bungo sa sobrang higpit nito.

"K-keizer, ano ba n-nasasaktan ako!" daing ko rito pero para siyang walang narinig. Pilit kong na lang na pinakalma ang sarili ko kahit na nasasaktan nako.

"Bakit ba ang kulit mo? Ha! Sinabi kong magpapaalam ka pag aalis ka! Mahirap bang gawin 'yon?" Galit na tanong niya at mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak sa mukha ko.

'Kung alam mo ba ang dahilan ng pag-alis ko? ―Papayag ka ba? 'Tanong ko na lang sa sarili.'

Tatlong taon na kaming kasal, pero kahit ganito ang ginagawa niya sa akin, hindi umaabot sa punto na malala ang pananakit niya.

Hindi siya tulad nang iba. Ni minsan ay hindi niya ako kinulong sa kwarto o kaya hindi pinakain ng ilang araw. Sa tatlong taon naming pagsasama ay ang pagiging istrikto at ganitong bagay lang ang natatanggap kong pananakit mula sa kanya. Pero kahit ganoon pa man ay nasasaktan pa rin ako.

"Fix yourself and go to your room. Pag balik ko dito sa bahay at wala ka, hindi lang yan ang aabutin mo sakin." May pagbabantang saad niya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kusina. Nakita ko pa si Manang Nil na naglilinis sa lababo, pero hindi ko siya pinansin.

Agad akong dumeretso sa refrigerator at kumuha ng mga pagkain, gulay, at prutas na makita ko, lalo na ang saging dahil alam kong paborito niya iyon―at agad na nilagay sa supot.

Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto para mangunguha ng pera. Pagbaba ko naman ay naabutan ko si Manang sa sala.

"Hija, hindi ka ba natatakot sa asawa mo? Baka maabutan kang wala na naman dito at saktan ka ulit," nag-aalalang saad ng ginang.

"Kailangan ko talagang umalis, Manang, importante lang ho, pasensya na po sa abala, pero mauuna na po ako," saad ko at dali-daling lumabas ng bahay. Nagtatakbo ako palabas ng village. Paglabas ko ay agad akong pumara ng taxi.

"Manong, sa Pharmacy ho," sabi ko sa driver. Napasandal na lang ako sa bintana ng sasakyan, pero bago pa kami makalayo ay may nakita akong isang pamilyar na sasakyan. Hindi ko na ito pinansin dahil nakaramdam na ako ng pagod.

"Nandito na po tayo, Ma'am," sabi ng driver kaya naman agad akong nagbayad at lumabas ng taxi. Pumunta ako sa loob ng pharmacy at bumili ng gamot ko dahil hilong-hilo na ako.

Ilang araw na kasing pabalik-balik ang sakit ko, lalo na at napapadalas ang pananakit sakin ni Keizer―kasalanan ko rin siguro dahil lagi na lang rin akong lumabas ng bahay ng hindi nagpapaalam sa kanya.

Balak ko pa sanang pumupunta ng grocery para mamili pero kung dadaan pa ako doon ay mawawalan na ako ng oras. Kaya naman dito na rin ako bumili ng gatas at dali-daling pumunta sa apartment ko.

"Manang Sol, tao po," katok ko rito. Agad namang bumukas ang pinto.

"Oh! Asarie, pasok ka," saad niya kaya naman dali-dali akong pumasok.

Napalingon pa ako sa labas ng pinto dahil pakiramdam ko ay may nakamasid lang sa amin. Pero nang mapansin kong wala namang tao ay agad ko iyong sinara.

"Asan po si Keefer?" tanong ko sa ginang.

"Nandoon sa kwarto. Napaka-kulit nga e, kaya ayun―naka-tulog," natatawa niyang kwento.

Nakaramdam naman ako ng tuwa dahil kahit papaano ay nagiging maayos na ang lagay niya. Nang magkasakit kasi ako ay nilagnat din siya. Hindi ko tuloy alam kung nahawa ba ito sa akin.

"Ito po Manang Sol, bayad po iyan at may dagdag narin po. Tapos ito po ang mga pagkain, gulay, at prutas. Pupuntahan ko lang po si Keefer," paalam ko at pumunta sa kwarto.

Halos mapawi lahat ng pagod at hirap na nararamdaman ko ng makita ko kung gaano kahimbing ang tulog ng anak ko.

Kaya siguro malakas ang loob ko masawayin ang utos ng asawa ko dahil ma rin sa anak ko.

"Ang anak ko, hindi man lang hinintay si Mama," saad ko at maingat na pinunasan ang pawis niya at binuhat siya mula sa pagkakahiga sa crib.

"Bakit natulog ka agad? Minsan na nga lang umuwi si Mama, tutulugan mo pa," kunwaring nagtatampong sabi ko kahit hindi naman niya ako naririnig.

"Wag kang magalala. Kaunting tiis nalang, mahal ko. Makakasama mo na si Mama. Hintay ka lang ha," hinalikan ko siya sa noo.

Ramdam ko naman ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Minsan ay naiisip ko na nalang na sumuko dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon namin. Hindi ko rin naman alam kung kaya ko pang magtagal ng ganito.

Pero tuwing nakikita ko ang anak ko ay mas lalong lumalakas ang loob ko na huwag sumuko. Lalo na sa ganitong sitwasyon ay siya lang ang kakampi ko.

Nang mangawit ang braso ko ay dahan-dahan ko siyang inihigang muli sa crib.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang tinititigan siya, kahit na nabuo siya nang mga panahong magulo ang sitwasyon namin ng ama niya―masaya pa rin ako dahil dumating siya sa buhay ko.

Habang abala ako kay Keefer ay nagulat na lang ako nang makarinig ng malakas na tunog mula sa labas ng pinto.

*BLAGG!*

Paglingon ko ay para akong nakakita ng isang demonyong galit na galit sa sobrang pula. Parang nanlamig ang buong katawan ko ng makita ko siya.

"K-keizer," gulay na tawag ko sa kanya.

'Anong ginagawa niya dito?! '

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Ratings

10
100%(45)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
45 ratings · 45 reviews
Write a review

reviewsMore

MsAgaserJ
MsAgaserJ
Guys, mag de-deep clean lang ako ng room ko and I'll update you all later, hehe syah
2025-10-25 12:04:08
1
0
MsAgaserJ
MsAgaserJ
Chapter 139 & 140 is UP
2025-10-01 23:37:13
1
0
MsAgaserJ
MsAgaserJ
AUTHOR NOTE: Hello everytwo―everyother pala! This is Ms. Agaser. I just want to say that I might not be able to update for the past few days because my debu is coming. Baka ma-busy ako for the next few days, so I hope you understand and wait for me until I come back. Thank you so much. Bye-bye.
2025-09-27 13:55:31
2
0
MsAgaserJ
MsAgaserJ
Hello everyone. Under revision po ang book ngayon. So yung mga English part trinatranslate ko sa Tagalog para mas ma-feel niyo ang pagbabasa. So sana ma wait niyo until ma approve na ni editor yung revisioned version.
2025-09-25 13:52:47
1
0
MsAgaserJ
MsAgaserJ
Chapter 135 is uppp
2025-09-23 08:50:27
3
0
198 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status