ค้นหา
ห้องสมุด
หน้าหลัก / Romance / THE BILLIONAIRE'S PROMDI WIFE / HIS TWISTED HEART

HIS TWISTED HEART

ผู้เขียน: Jade Tattoo
2024-11-19 10:58:17

SUMMER POV: 

“Kid?” Hinablot niya ako sa magkabilang balikat mula sa pagkakaluhod, sabay kaming tumayo na hindi niya napansin sa tindi ng kanyang galit na  ako na lang ang saklay niya para magawa yon. “I’m not a kid anymore! In fact, I can fuck you senseless—all night— hanggang magsisi ka na nakilala mo ako!” Nag shower sa mukha ko ang laway niya na mabuti na lang at mabango kaya hindi ko na itinikom ang bibig ko.  Umangat ako sa lupa nang dumiin pang lalo ang mga daliri niya sa puno ng braso ko na halos mapadaing ako. Nasasaktan ako! “Gagapang ka mula sa kama ko at magmamakaawa ka sa miserable mong buhay na nagtagpo ang landas natin sa mundong ito! Sinisiguro ko sa yo yan!”

Natutop ko ang bibig ko kahit halos nakaangat ako sa ere, nakatingkayad dahil hawak pa rin niya ako sa magkabilang balikat. “A-ang…ang  bastos….po ninyo…Sir!” Bigla akong naiyak, naawa ako sa sarili ko.

Senseless? Hindi ba pakikipagtalik yon na gaya ng hayop na hindi nag iisip?

Bakit naman ganon?

Personal at pribado ang sex. Pinaghahandaan. Dapat may consent.

At kasal muna dahil masama daw yon sabi ng tatay ko.

Ito nga tatlong taong nanligaw sa mama ko at sa angkan ng mama ko bago pinayagang pakasalan ang huli.

Tapos ako na anak, aangkinin lang sa paraang hindi makatao.

Kanina, muntik na akong ma-gang rape. Ngayon naman, ang lalaking ito ganon ang iniisip.

Sorry, tay, uuwi na lang ako sa atin. At ipapanalangin ko na lang si Jojo araw-araw.

Suminghap ako, umiiyak.

Tuloy nagkatitigan kami at parang nagsisi siya sa mga sinabi niya sa akin. Bakit hindi, kinakagat ko na pala ang mga kamay ko at kinakain ko na ang mga kuko ko. Sabay. 

Pinakawalan niya ako, sumuray, umaatras.

“Sorry, hindi ko sinasadya.” Bulong niya, sinabunutan ang sarili. “I think I don’t need a doctor. Tulungan mo na lang akong makauwi kasi…naninigas ang mga paa ko.” Mahabang katahimikan ang dumaan.  “Can you drive?” Inihagis agad niya sa akin ang susi na dinukot mula sa coat niya. Hindi pa man  ako pumapayag.

Pinahid ko ang mga luha ko. “Hindi ko alam kung kaya ko pa kasi matagal na akong nakahawak ng manibela at sa kamag anak namin yon.”

Pinulot ko na ang pouch at ang wallet, dahil nasa paanan na pala namin yon.

Nanlaki ang butas ng ilong niya, nakatitig na naman sa akin, hindi makapaniwala. “At your age, wala ka pang driver's license? Lintik.  Saang planeta ka ba galing?” Nabigla na naman ako, napa atras sa tindi ng galit niya. “Then, move your fucking ass and call a taxi!” Naka-angat na agad ang kamay niya, nakaturo sa kalsada. Parang katana na humiwa sa hangin.

Bakit ganito ang mood niya? From zero to 100.

May sayad ba siya at bagong labas sa pulang bubong sa Mandaluyong?

Hindi ako tuminag.

“Ang turo ng tatay ko, huwag akong magpapa-api kahit na kanino. Kaya nga kahit nakulong siya nang walang sapat na ibidensya, nagtitiis siya sa kulungan. Ayaw daw niyang utos-utusan lang ako ng kung sino-sino at sigawan na parang hayop. Itaboy na parang langaw. At tratuhing mababang klase ng tao.” Dinuro ko siya nang malaman niya ang pakiramdam ng binabastos. “Kaya ikaw, sino ka ba, ha? Sino ka sa akala mo! Bakit napakasama ng ugali mo! Wala bang taong nagmahal sa yo!”

Nagmura uli siya, sunod-sunod. Malulutong pa sa bagong lutong chicharon. Kahit walang sawsawan, kikita ka at magiging milyonaryo.

Diyos ko, ayoko sa kanya.

Tinalikuran ko siya uli pero nakiusap siya.

“Okay, come here, alalayan mo na lang ako. Ako na ang tatawag ng taxi.”

Ipinako ko ang sarili ko sa kinatatayuan ko. “Say please. O kung ayaw mo, lalayasan kita. O puede kang tumawag ng bouncers na kanina pa sa atin, nakatingin.” Humakbang na uli ako.

“You little bitch!” Paika-ika siyang humabol sa akin. “Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan, ha? Huwag mo akong iwan–you idiot!”

Nagmadali akong lumapit sa kanya pero hindi para tumulong. Napuno ako sa sobrang kapal ng nasalo nitong kayabangan sa ibabaw ng lupa. Sorry na lang dahil kahit iniligtas niya ako kanina—wala pa rin siyang karapatang tawagin akong bitch at idiot.

Sinipa ko siya sa lulod, sa binti niya na hindi masakit. Dalawang beses. Natumba siya sa semento, dalawang kamay ang ginagamit para hilutin ang parteng sinipa ko. Ngayon ay dalawang binti na niya ang masakit.

Tumawa ang mga bouncers sa entrance doon na kanila pa pala nanonood sa amin.

Akala siguro, mag jowa sila na kanina pa hindi magkasundo.

Nagkabuhol-buhol ang hininga ng lalaki sa tindi ng galit sa akin. “I’ll sue you! I promise! I’ll make you pay for this! Nasa akin ang ID mo magaling na babae! Hahanapin kita kahit saang sulok ng mundo!”

Binalikan ko siya uli. Hinablot ko ang mga IDs ko na nasabit sa cord, nakaikot sa kanyang kamay. “Ito ba ang ipinapanakot mo?” Nanggigil na rin talaga ako. “Now you see it,” inilapit ko sa mukha niya  ang bagay na yon, saka ko ibinulsa sa back pocket ng mini skirt. “Now you don’t.”

Nagmartsa na uli ako sa kalsada palayo, naghahandang tumawid sa kabila.

“Please…please…huwag mo akong iwan…” 

Napahinto ako sa paghakbang sa ikalawang pagkatataon. Nanaig uli ang dalawang bagay sa akin: utang na loob at utang na pera.  Naalala ko rin ang sabi ng tatay kong si David: Huwag maging maramot sa iba lalo na kung oras lang ang kailangan ng ating kapwa. Hindi raw tayo nabubuhay para sa sarili lang.

“Hindi mo na ako mumurahin at pagsasalitaan ng masama?” Ilang dipa ang layo ko sa kanya.

“Yes. I promise not to do that…ever again.”

“Hindi mo na ako sisigawan?” Lumapit ako, isang hakbang.

“Yes, please. Just help me right away. My legs were killing me. Hindi ako makakauwi.”

“Paano kapag inulit mo pa yon, ano ang magiging kapalit?”

“Anything. Name it and I will give you anything under my power.”

Humakbang ako para alalayan siya.

“Saan ka nakatira, Mr. Cuss Lover?”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป