Share

THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE
THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE
Author: SKYGOODNOVEL

Chapter 1

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-03-01 14:02:13

Chapter 1

Kara POV

Nakatitig ako sa papel na hawak ko—isa na namang rejection letter mula sa kumpanyang inaplayan ko kanina lang. Ilang beses na ba akong nabigo? Hindi ko na mabilang. Sa bawat pagtanggi, parang unti-unting bumibigat ang mundo sa balikat ko.

“Pasensya na po, Miss Curtiz, pero hindi kayo pasado sa qualifications namin.”

Isa na namang pamilyar na linya. Sa totoo lang, alam ko namang hindi lang ito tungkol sa qualifications. Ang apelyido kong minsang kinakatakutan dahil sa yaman at impluwensya, ngayon ay parang sumpa na nagtataboy sa akin sa bawat pintong aking kakatukin.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming taong nagmamadali—mga empleyadong may patutunguhan, may layunin. Samantalang ako, para akong napag-iwanan ng mundo.

Napatingin ako sa cellphone ko. 5 missed calls from Mom.

Alam kong tatawag siya upang tanungin kung may trabaho na ako. Kung may pag-asa bang mababayaran na namin ang utang ng ospital ni Papa. Kung may pambili na ba kami ng gamot niya.

Napapikit ako at pilit na nilabanan ang namumuong luha sa aking mga mata. Hindi ako dapat sumuko.

Lumakad ako papunta sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng gusali. Kailangan kong magpahinga at mag-isip.

Pagkaupo ko, tinanggal ko ang takong ng sapatos ko at marahang minasahe ang paa kong halos mamaga na sa kakalakad. Minsan iniisip ko, ano kaya ang pakiramdam ng hindi nag-aalala kung may kakainin pa bukas?

Napabuntong-hininga ako at sinimulang tignan ang mga job postings sa phone ko. Pero bago ko pa ma-scroll pababa, biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown Number.

Sino ito?

Dahil baka emergency, agad kong sinagot.

“Hello?”

Saglit na katahimikan. Hanggang sa may isang malamig ngunit matigas na tinig na nagsalita mula sa kabilang linya.

“Miss Kara Smith Curtiz?”

Napakunot ang noo ko. “Sino ‘to?”

“Hindi na mahalaga kung sino ako. Mas mahalagang malaman mo ang alok ko.”

Nagtagal muna siya bago nagsalita muli, at nang gawin niya ito, halos muntik kong mabitawan ang cellphone ko.

“Five million pesos. Kailangan ko ng asawa. At napili kitang pakasalan.”

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano?

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Five million pesos? Asawa?

Napatingin ako sa cellphone ko na parang may kung anong multo ang biglang lumitaw mula rito.

“Excuse me?” halos pabulong kong tanong, pilit na iniisip kung tama ba ang narinig ko.

“Alam kong nagigipit ka, Miss Curtiz,” malamig ngunit matigas na boses ang nagsalita sa kabilang linya. “At alam kong wala kang ibang opsyon.”

Napalunok ako. Sino ang lalaking ito? Paano niya nalaman ang tungkol sa akin? At bakit siya nag-aalok ng ganoong klaseng kasunduan?

“Hindi ko alam kung anong trip mo, pero—”

“Wala akong oras para sa pagtanggi mo,” putol niya sa akin. “Five million pesos para magpakasal ka sa akin. Walang personal na damdamin. Isang pirma lang sa kontrata at matatanggap mo ang pera.”

Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko—matatakot ba ako o mapapaisip? Five million. Sa isang iglap, matatapos ang paghihirap ng pamilya ko. Mababayaran ang utang sa ospital. Magkakaroon ng gamot si Papa. Hindi na ako kailangang magpagal sa kakahanap ng trabahong hindi ako tinatanggap.

Pero kapalit nito… kasal sa lalaking hindi ko kilala.

Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko.

“Sino ka?” tanong ko, pilit pinapanatili ang matatag na boses.

Muli siyang natahimik saglit bago sumagot, “Hindi mo kailangang malaman kung sino ako ngayon.”

Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Ano ‘to, laro?

“At paano ako makakasigurong totoo ang sinasabi mo?”

“Magkita tayo bukas. 3 PM. Grand Imperial Hotel, penthouse suite.”

Pagkasabi niya niyon, bigla na lang niyang binaba ang tawag.

Naiwan akong nakatulala, mahigpit na hawak ang cellphone ko. Ano ‘tong pinasok ko?

Nakatitig lang ako sa cellphone ko, hindi pa rin makapaniwala sa tawag na natanggap ko. Limang milyon kapalit ng kasal? Para akong nasa isang pelikula kung saan ang bidang babae ay binibigyan ng isang di kapanipaniwalang alok ng isang misteryosong bilyonaryo.

Pero ang totoo… wala akong ideya kung sino siya.

Malamig ang tono niya, parang sanay sa pagdidikta. Ni hindi man lang nagpakilala. At ang mas nakakapagtaka—paano niya nalaman ang tungkol sa akin? Alam niyang gipit ako. Alam niyang walang-wala ako.

Napalunok ako at napayuko, pinaglalaruan ang baso ng malamig nang kape sa harapan ko.

Ano ba ‘to, Kara? Wala ka na bang ibang paraan kaya pati sarili mo, ibebenta mo na?

Napailing ako sa sarili kong iniisip. Hindi, hindi ito pagbebenta ng sarili. Isa itong kasunduan—isang kontrata. Pero ano ang magiging kapalit? Bukod sa kasal, ano pa?

Napatingin ako sa paligid ng coffee shop. Mga taong masaya at walang iniintinding problema. May magkasintahang nagtatawanan sa sulok, isang lalaking abala sa laptop niya, at isang pamilya na mukhang nag-eenjoy sa kanilang bonding.

Samantalang ako? Nakaupo rito, pinag-iisipan kung ipagbibili ko ang sarili ko sa isang estranghero.

Napakagat-labi ako at pinigilan ang luha na namumuo sa mata ko. Kung hindi lang nakaratay si Papa, siguradong hindi niya ako hahayaang dumaan sa ganitong sitwasyon. Siya ang laging nagsasabi sa akin noon, "Kara, anak, huwag mong ibababa ang sarili mo. May halaga ka."

Pero paano kung ang tanging paraan para maibangon ko ang pamilya ko ay ang tanggapin ang alok na ito?

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko ang mga text ni Mama.

Mama: Anak, okay ka lang ba? Tawagan mo ako kung may balita ka sa trabaho mo, ha?

Mama: Nasa ospital si Papa mo. Nagkaroon siya ng panibagong atake. Hindi ko alam kung anong gagawin natin.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Panibagong atake?!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paano na ang mga bayarin sa ospital? Paano ang gamot ni Papa? Wala na kaming pera!

Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko. Kailangan kong magdesisyon.

Kaya ko bang lunukin ang pride ko para sa pamilya ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
MIKS DELOSO
ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
A.N.J
Gagawin talaga ang lahat para lang sa pamilya
goodnovel comment avatar
Kai
kaya mo yan Kara..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 296

    Chapter 296 Ang mga kalaban? Agad umatras. "Come here," mahina niyang bulong sa akin, halos dikit ang labi niya sa tainga ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko—mainit, mabigat, nakakalusaw. “S-sir…” bulong ko, pero hindi ko na natapos. Bigla niya akong isinakay sa loob ng SUV. Hawak pa rin niya ang kamay ko, at nang maisara ang pinto, ay napahilig ako sa balikat niya, parang wala na akong lakas. “Jasmine…” Ang pangalan ko sa kanyang bibig ay parang kasalanan at pangakong sabay niyang nilunok. “You’re burning up,” aniya, saka marahang hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Napapikit ako. Tumingin siya sa labi ko. Tumitig ako sa mga mata niya. “S-Sir Jacob…” At bago pa ako makapagsalita muli, lumapat ang labi niya sa akin—mainit, marahas, nag-uumapaw sa galit, pag-aalala… at isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan. Hindi ito tama. Pero wala sa katawan ko ang gustong kumawala. His kiss was fire. At ako? Para akong tuyong gasolina na sinilaban ng apo

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 295

    Chapter 295 Two days. Ito na ang hinihintay ko. Ang pagpasok ko sa mundo nila, hindi bilang Assassin J, kundi bilang Jasmine Lim—ang babaeng inosente, walang muwang, pero may lihim na layunin: ang pabagsakin ang sindikatong kinasangkutan ng kanyang pamilya. Nagsuot ako ng simple red dress—hindi sobrang hapit, pero sapat para maakit ang sinumang lalaking hindi pa rin nawawala ang lakas ng libido. Isang manipis na lipstick ang nagmarka sa aking labi, at ang konting pulbo lang ang nagbigay ng inosenteng kinang sa aking mukha. Lumapit ako sa salamin bago umalis. "Ngayon isang Jasmine ang papasok. Hindi si Agent J. Hindi si Assassin. Isang bitag na may halimuyak ng pang-akit at panganib." Pagdating ko sa SABRE, isang high-class bar na tanging mga VIP at kilalang personalidad lang ang nakakapasok, hindi ako pinigilan ng bouncer. Iba ang tingin nila sa akin—parang kilala na ako kahit hindi pa. May lihim akong informant sa loob, isa sa mga waitress na dating nailigtas ko. Siya ang nagsa

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 294

    Chapter 294 Pagkatapos kong pabagsakin si Valero, agad akong umalis sa event na parang anino sa dilim. Wala ni isang makakakilala sa akin sa gabing iyon — hindi si Jacob, hindi si Ellie, at lalong hindi ang mundo na iniwang kong nagdududa sa tunay kong pagkatao. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa bintana ng sasakyan. Magulo pa rin ang damdamin ko, hindi dahil sa pinatay ko si Valero, kundi dahil sa wakas, isa na namang piraso ng puzzle ang nakuha ko. "Dalawang sunod-sunod na operasyon..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang liwanag sa malayo. "Kailangan kong magpahinga kahit sandali." Pagdating ko sa sariling mansion — isang property na kahit ang gobyerno ay walang impormasyon — agad akong pumasok at ini-activate ang mga security system. May lima pa akong araw bago ako muling magbalik bilang Jasmine Lim, ang secretary na inosente. Pero ngayong gabi… ako si J, ang assassin. Ang anak ng isang pinatay na agent. At ang babaeng magpapabagsak sa isa sa pinakamalupit na Ma

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 293

    Chapter 293 Napalingon ako kay Ellie habang hawak ko ang braso niya, pilit ko siyang hinihila palabas ng bulwagan. "Wait, my brother is still there. Please, J… iligtas mo ang kuya Jacob ko!" Namumugto ang mga mata niya. Hindi ito ang usual na cheerful at nakakatuwang Ellie. Ngayon, isa siyang kapatid na takot—na baka hindi na muling makita ang taong pinakamamahal niya. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko siya agad sinagot. Saglit akong tumitig sa pintuan kung saan galing ang putok ng baril. "Shit." Alam kong hindi ito bahagi ng plano ko. Hindi dapat madamay si Jacob. Hindi pa dapat siya mawala at Hindi malaman kung sino talaga ako. Pero… "Damn it," bulong ko habang inabot ang baril ko mula sa tagiliran. Tumitig ako kay Ellie. "You stay here. Hawakan mo 'to," sabay abot ng maliit na taser at tracking pen sa kanya. "Kapag may nangyaring kakaiba, press the red button. May darating na rescue." "Pero si kuya—" "Ako ang bahala sa kanya." Tumalikod na ako, pero bago tuluyang tumakb

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 292

    Chapter 292Napatingin ako sa kanyang mata. Sa loob ng ilang segundo ay parang tumigil ang mundo—ang lakas ng tibok ng puso ko kahit alam kong ito'y delikado."If you don't mind, can I dance with you?" seryoso ngunit magalang ang tono ng boses ni Sir Jacob.Ngumiti ako, banayad at may halong pag-aalinlangan."Of course, Mr. Montero," sagot ko, kasabay ng dahan-dahang pag-abot ng aking kamay.Hinawakan niya ito, mainit ang palad niya, at ramdam ko ang bigat ng tensyon sa pagitan naming dalawa habang tinatahak namin ang dance floor.Sa isip ko:"Kailangan kong manatiling kalmado. Isa lang itong sayaw. Isa lang itong paraan upang hindi siya maghinala."Ngunit sa bawat hakbang ng aming pagsayaw, sa bawat sulyap ng kanyang mga mata, nararamdaman kong unti-unting nawawala ang maskara ko.At ang mas nakakatakot—baka gusto ko nang makilala niya kung sino talaga ako."You what, Ms. Raven. You so gorgeous tonight," bulong niya sa akin habang nakatitig sa aking mga mata—matatalim ngunit may init

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 291

    Chapter 291Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon, agad akong hinila ni Cherie papunta sa silid kung saan nakaayos na ang lahat ng aking gagamitin.“Time to transform, Raven,” ngiting may halong excitement ang sabi niya habang iniikot ako sa harap ng salamin.Naupo ako sa harapan ng vanity mirror habang sinimulan niya akong ayusan. Pinusod niya ang aking buhok sa isang eleganteng low bun, pinahiran ng smokey eyeshadow ang aking mga mata, at pinatungan ng dark red lipstick ang aking labi.Unti-unti, habang bawat patak ng makeup ay naisasapuwesto, nararamdaman kong unti-unting nawawala si Jasmine Lim… at lumilitaw si Raven—isang babaeng hindi dapat balewalain sa gabing ito.Isang manipis na maskara na may itim na balahibo sa gilid ang itinakip sa kalahating bahagi ng aking mukha. Isinuot ko ang itim na dress na hapit sa katawan, may slit sa kaliwang hita, at may detalye ng silver na parang alon ng usok. Matapos ay isinuot ko ang stilettos na tila ba may sariling karakter—matapang, tahimik,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status