Share

Chapter 2

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2025-03-01 14:11:56

Chapter 2

Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko, kinuha ang bag ko, at halos patakbong lumabas ng coffee shop. Sa pagmamadali ko, muntik na akong mabangga ng isang lalaking papasok pa lang.

“Miss, ayos ka lang?” tanong niya, pero hindi ko na nagawang sumagot.

Wala akong ibang iniisip kundi ang makarating agad sa ospital.

Habang nasa loob ng lumang jeep na sinakyan ko, hindi ko mapigilan ang panlalamig ng kamay ko. Isa na namang atake? Hindi pa nga namin nababayaran ang unang hospital bill, tapos heto na naman…

Napasandal ako at napatingin sa labas ng bintana. Ang bigat-bigat sa dibdib.

Maya-maya lang, nakarating na ako sa ospital. Dali-dali akong bumaba at halos magkandarapa sa pagtakbo papasok. Sa nurse station, hingal na hingal akong nagtanong.

“Nasaan si Mr. Smith Curtiz?!”

Agad akong tinuro ng nurse sa isang private room. Pagpasok ko, bumungad sa akin si Mama na nakaupo sa tabi ng kama ni Papa. Halata sa mukha niya ang pagod at lungkot.

“Ma…” halos paos kong tawag.

Napatingin siya sa akin, at nang makita niya ako, bigla siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit.

“Kara, anak…” humihikbi siya. “Ang Papa mo… muntik na siyang—”

Napakagat-labi ako at tiningnan si Papa na nakahiga sa kama. Mahina na ang katawan niya, kita ko ang oxygen mask sa mukha niya, at parang mas lalo siyang pumayat mula noong huli ko siyang nakita.

“Anong sabi ng doktor?” mahina kong tanong.

“Sinabi nila na kailangang ma-monitor siya ng mabuti. Kailangan niya ng mas maraming therapy at maintenance medicine…” huminto si Mama at umiwas ng tingin. “Pero anak… wala na tayong pera.”

Napatigil ako.

Wala na akong nagawa kundi yumuko.

“Hindi na ako makakautang sa iba, Kara,” mahina niyang sabi. “Kahit anong gawin ko, hindi na sapat.”

Napapikit ako, pilit nilalabanan ang mga luhang gustong kumawala.

Dapat ba akong sumuko? O dapat ba akong gumawa ng isang desisyon na magbabago sa buhay ko?

Huminga ako nang malalim.

“Mama…” mahina kong sabi. “May paraan ako.”

Napatingin siya sa akin. “Anong ibig mong sabihin?”

Mahigpit kong hinawakan ang bag ko. Alam kong ang desisyong gagawin ko ay babago sa lahat.

Ngunit kung ito lang ang paraan para mailigtas si Papa…

Kakayanin ko.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Mama habang nakaupo kami sa tabi ng kama ni Papa. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha, ang lungkot sa kanyang mga mata. Gusto kong sabihin ang totoo—gusto kong ipaalam sa kanya ang desisyon ko—pero hindi ko magawa.

Ayokong dagdagan pa ang bigat na dinadala niya.

“Mama,” mahina kong sabi, pilit na pinapakalma ang sarili ko. “May kikitain lang ako sandali. Babalik din ako agad.”

Napatingin siya sa akin, halatang nag-aalala. “Saan ka pupunta, anak?”

Pinilit kong ngumiti. “May kausap lang ako tungkol sa trabaho. Baka may matulungan tayo.”

Bahagyang lumiwanag ang mukha niya. “Talaga, anak? Anong klaseng trabaho?”

Napakagat-labi ako. Ayoko siyang pagsinungalingan, pero ayoko rin siyang mag-alala.

“Pagsisikapan kong makuha ito, Ma,” sagot ko na lang. “Para kahit paano, may maipandagdag tayo kay Papa.”

Hinawakan niya ang kamay ko. “Salamat, anak…” mahina niyang sabi. “Alam kong pagod ka na, pero sana… sana hindi mo pababayaan ang sarili mo.”

Halos mapapikit ako sa bigat ng sinabi niya. Kung alam lang niya kung anong plano kong gawin…

Tumango ako at pilit na ngumiti. “Babalik ako agad, Ma.”

Hinalikan ko siya sa pisngi at tiningnan si Papa. Para sa’yo ‘to, Pa. Para sa pamilya natin.

At sa unang pagkakataon sa buhay ko, tatahakin ko ang isang daan na hindi ko alam kung may pagbabalik pa.

Habang naglalakad ako patungo sa exit ng ospital, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang nakababata kong kapatid—si Kiera.

“Ate?” agad niyang sagot, halatang nagtataka kung bakit ako biglang tumawag.

Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Kiera, pakiusap, puntahan mo muna si Mama sa ospital. Kailangan niyang magpahinga kahit sandali.”

“Ha? Bakit? Saan ka pupunta?” May halong pag-aalala sa boses niya.

Napatingin ako sa paligid, saka lumabas ng main entrance ng ospital. Ramdam ko ang lamig ng gabi, pero hindi iyon sapat para pakalmahin ang kaba sa dibdib ko.

“May aasikasuhin lang ako,” sagot ko nang hindi nagbibigay ng detalye. “Pakiusap, bantayan mo muna sila.”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. “Ate, alam mong hindi mo kailangang solohin lahat ‘to, ‘di ba? Ano bang ginagawa mo?”

Napapikit ako. Kung alam lang niya…

“Alam ko, Kiera,” sagot ko nang mahina. “Pero hayaan mo muna ako, okay? Mas makakabuti ‘to para sa ating lahat.”

Tahimik siya saglit bago sumagot. “Sige… pupunta na ako.”

Nakangiting pinahid ko ang luha sa gilid ng mata ko. “Salamat, Kiera. Mag-iingat ka.”

“Ikaw rin, Ate. At… kung may problema ka, sabihin mo sa akin, ha?”

“Oo…” mahina kong tugon, kahit alam kong hindi ko magagawang sabihin sa kanya ang lahat.

Pagkatapos ng tawag, mahigpit kong hinawakan ang bag ko at huminga nang malalim.

Ito na. Wala nang atrasan.

Sa gabing ito, magpapasya ako ng isang bagay na maaaring magpabago sa buhay ko… habang buhay.

Pagkatapos kong ibulsa ang cellphone ko, agad akong pumara ng taxi sa harap ng ospital. Halos nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang pinto.

"Saan po, Ma'am?" tanong ng driver.

Huminga ako nang malalim bago sinabi ang pangalan ng hotel. Nang marinig ito ng driver, saglit siyang tumingin sa akin sa rearview mirror, parang nagtataka. Bihira lang kasing puntahan ang ganoong klaseng hotel—napakamahal at pang-mayaman.

Napalunok ako.

Habang bumabaybay ang taxi sa kalsada, hindi ko mapigilan ang pagkalampag ng dibdib ko. Parang may tinik sa lalamunan ko. Para akong isang sundalong papunta sa digmaan—walang kasiguraduhan kung ano ang kahihinatnan.

Ano bang ginagawa ko?

Hindi ba ako masyadong padalos-dalos?

Pero nang maalala ko ang kalagayan ni Papa, ang pagod na mukha ni Mama, at ang lungkot sa boses ni Kiera kanina… pinikit ko ang aking mga mata. Wala akong ibang pagpipilian.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Ang mga ilaw ng lungsod ay parang mga bituing nagkalat sa lupa—maliwanag, pero malayo.

"Para sa kanila 'to," mahina kong bulong sa sarili. "Kakayanin ko 'to."

Hindi ko namalayan, unti-unti na palang bumabagal ang takbo ng sasakyan.

"Ma'am, nandito na tayo."

Napalingon ako sa labas at napaawang ang labi ko.

Ang engrandeng hotel na nasa harapan ko ay tila isa pang mundo—napakalawak, napakagara, at tila hindi ako nababagay sa loob nito.

Nagbuntong-hininga ako. Wala nang atrasan.

Binayaran ko ang taxi at dahan-dahang lumabas. Sa bawat hakbang ko patungo sa entrance ng hotel, pakiramdam ko’y mas bumibigat ang hangin.

Sa gabing ito, isang hindi ko kilalang lalaki ang magpapabago ng buhay ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
A.N.J
ang bait mo Kara
goodnovel comment avatar
Kai
para sa Pamilya walang Hindi magawa otor
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 451 Finally

    Chapter 451 Third POV Maging masaya ang Montero family sa lumipas ng mga taon. Ang kanilang bunsong anak na si Honey, at ang kanilang adopted son na si Harvey, kasama ang kambal na sina Elira at Caelan, ay naging dahilan upang lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama. Sa kabila ng mga matitinding pagsubok na dumaan sa kanilang buhay—mga sikreto, pagkawala, at mga pagkakahiwalay—natutunan nilang walang mas makapangyarihan pa kaysa sa pagmamahalan ng isang pamilya. Si Jasmine at Jacob ay patuloy na naging haligi ng tahanan, nagtuturo sa kanilang mga anak ng halaga ng pagtanggap, pagmamahal, at pag-asa. Si Harvey, na minsan ay itinuring lamang nilang “napulot,” ay naging tunay na anak sa puso ng bawat isa. At si Kaye, na noon ay simpleng yaya lamang, ay natagpuan ang kanyang tunay na pagkatao at pamilya sa Italy—ngunit kailanman ay hindi nawala sa kanyang puso ang pamilyang nagbigay sa kanya ng tahanan noong mga panahong wala siyang inaasahan. Sa dulo, naging buo at mas matatag ang

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 450 Last Chapter

    Chapter 450Last Chapter Dalawang taon na ang lumipas mula nang umalis si Kaye—ang Yaya ni Harvey na kalaunan ay natuklasan naming isang prinsesa pala sa Italy. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang huling yakap ng kambal sa kanya, at ang pagluha ng mga bata sa kanyang paglisan.Ngayon, dalawang taon na si Harvey—masayahin, malikot, at parang tunay na anak na namin. At ang bunsong anak namin ni Jasmine, si Honey, ay nagdiriwang na ng kanyang unang taon.Habang pinagmamasdan ko sina Caelan at Elira na masayang nakikipaglaro kay Harvey sa hardin, at si Jasmine naman ay buhat si Honey na walang sawang pinapatawa, hindi ko maiwasang mapangiti. Para bang napakabilis ng panahon.“Daddy, tignan mo si Harvey, o! Marunong na siyang magbilang hanggang five!” sigaw ni Elira.“Daddy, ako naman magtuturo sa kanya ng ABC!” sabad naman ni Caelan na halatang proud na proud sa kanilang parang kapatid na bata.Natawa ako. “Sige lang, mga anak. Habang bata pa siya, turuan niyo na ng mabubutin

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 449

    Chapter 449Jacob POV Lumapit ako kina Elira at Caelan na halos ayaw pakawalan si Kaye. "Mga anak," malumanay kong sabi habang yumuko ako para pantay ang tingin naming tatlo. "Hindi tayo iniiwan ni Ate Kaye. Sandali lang siya mawawala dahil kailangan niyang makasama ang kanyang pamilya. Pero tandaan ninyo, lagi siyang babalik dito sa puso ninyo."Hinaplos ko ang pisngi ni Elira na basa ng luha. "Alam ko, mahirap tanggapin… pero isipin ninyo, mas masaya si Ate Kaye kapag alam niyang nakangiti kayo.""Pero Daddy," bulong ni Caelan na pinipigilang humikbi, "paano po kung hindi na siya bumalik?"Napatingin ako kay Kaye, at ramdam kong pareho kaming natigatig sa tanong ng bata. Dahan-dahan kong ngumiti at sagot ko, "Kapag totoong pamilya ang turingan, kahit saan pa siya dalhin, babalik at babalik ang koneksyon ninyo. Hindi iyon mawawala."Kaye, na halos mapaiyak na rin, yumakap nang mahigpit kina Elira at Caelan. "Promise, babalik ako. Hindi ko kayang kalimutan ang pagmamahal ninyo."Tahi

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 448

    Chapter 448Hinawakan ko ang balikat ni Kaye at nginitian ko ito para gumaan ang loob niya."Kaye, wag kang mag-alala. Andito naman kami ni Jacob para kay Harvey. Siya ang naging parte ng pamilya namin kaya hinding-hindi namin siya pababayaan," mahinahon kong sagot.Tumango rin si Jacob na nasa tabi ko."Oo, Kaye. Nandito ka man o wala, pamilya na si Harvey sa mga Montero. At kapag nakilala mo na ang tunay mong magulang, makakabalik ka pa rin dito para bisitahin si Harvey kung gugustuhin mo."Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadurog ng loob, pero naroon din ang pag-asa at excitement na tila pilit na sumisingit.“Pero… nakasanayan ko na po siya, Ma’am. Para ko na ring anak si Harvey…” mahina niyang sabi, sabay silip sa kuwarto kung saan mahimbing na natutulog ang bata.Nilapit ko siya at niyakap.“Alam ko, Kaye. At hindi mawawala iyon. Kahit anong mangyari, mananatili ang pagmamahal mo sa kanya. Pero ngayon… oras na rin para maranasan mo ang buhay na talagang para sa’yo.”"Ng

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 447

    Chapter 447Magdamag akong nagising-gising. Hindi dahil sa kambal sa aking sinapupunan o kay Harvey na natutulog sa nursery, kundi dahil sa iniisip ko si Kaye. Naiimagine ko siya, nakahiga pero hindi mapakali, paulit-ulit na bumabalik sa isipan ang sinabi ko kanina.Alam ko, hindi siya agad makakatulog. Hindi biro ang biglaang pagbabago ng kanyang mundo. Mula sa pagiging isang simpleng yaya, bukas ay posibleng malaman niyang prinsesa pala siya ng Italy.Kinabukasan, habang abala si Manang Belen at ang mga bagong kasambahay sa paghahanda ng almusal, ramdam ko ang tensyon sa mansyon. Tahimik si Kaye habang nag-aayos ng pagkain ni Harvey, pero halatang nanginginig ang mga kamay niya.Lumapit ako at hinawakan ang kanyang balikat.“Relax ka lang. Huminga ka nang malalim, Kaye. Nandito kami para sa’yo.”Tumango lang siya at pilit na ngumiti. Pero nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata—malamang hindi nga siya nakatulog kagabi.Ilang oras pa, isang maitim na kotse ang pumarada sa harapan

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 446

    Chapter 446Habang nasa hapag-kainan kami, tahimik si Kaye na abala lang sa pag-aasikaso kay Harvey. Pero ako at si Jacob ay nagkatinginan—ito na ang tamang oras para sabihin ang lahat.“Uhmm… Kaye,” bungad ko habang maingat na inilapag ang kubyertos. “May isang mahalagang bagay kaming kailangan ipaalam sa’yo.”Napatingin siya sa amin, halatang nagtataka. “Ano po iyon, Ma’am, Sir?”Huminga nang malalim si Jacob bago nagsalita. “Kaye, ang totoo… hindi ka basta ulila tulad ng akala mo. Mayroon kang totoong pamilya sa Italy. Isa kang anak ng isang makapangyarihang tao roon—at prinsesa ka sa totoo lang.”Nanlaki ang mata ni Kaye, muntik pang mabitawan ang hawak na kutsara. “A-anong ibig n’yo pong sabihin? Baka po nagkakamali kayo. Ako po ay lumaki sa bahay-ampunan… wala po akong magulang.”Umiling ako, sabay hawak sa kanyang kamay para iparamdam na totoo ang lahat. “Hindi kami nagkakamali. Nakipag-ugnayan kami sa pamilya mo, at nagpadala na sila ng tauhan para personal na kumpirmahin ang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status