Chapter 1
Kara POV Nakatitig ako sa papel na hawak ko—isa na namang rejection letter mula sa kumpanyang inaplayan ko kanina lang. Ilang beses na ba akong nabigo? Hindi ko na mabilang. Sa bawat pagtanggi, parang unti-unting bumibigat ang mundo sa balikat ko. “Pasensya na po, Miss Curtiz, pero hindi kayo pasado sa qualifications namin.” Isa na namang pamilyar na linya. Sa totoo lang, alam ko namang hindi lang ito tungkol sa qualifications. Ang apelyido kong minsang kinakatakutan dahil sa yaman at impluwensya, ngayon ay parang sumpa na nagtataboy sa akin sa bawat pintong aking kakatukin. Huminga ako nang malalim at tiningnan ang paligid. Ang daming taong nagmamadali—mga empleyadong may patutunguhan, may layunin. Samantalang ako, para akong napag-iwanan ng mundo. Napatingin ako sa cellphone ko. 5 missed calls from Mom. Alam kong tatawag siya upang tanungin kung may trabaho na ako. Kung may pag-asa bang mababayaran na namin ang utang ng ospital ni Papa. Kung may pambili na ba kami ng gamot niya. Napapikit ako at pilit na nilabanan ang namumuong luha sa aking mga mata. Hindi ako dapat sumuko. Lumakad ako papunta sa isang maliit na coffee shop sa tabi ng gusali. Kailangan kong magpahinga at mag-isip. Pagkaupo ko, tinanggal ko ang takong ng sapatos ko at marahang minasahe ang paa kong halos mamaga na sa kakalakad. Minsan iniisip ko, ano kaya ang pakiramdam ng hindi nag-aalala kung may kakainin pa bukas? Napabuntong-hininga ako at sinimulang tignan ang mga job postings sa phone ko. Pero bago ko pa ma-scroll pababa, biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown Number. Sino ito? Dahil baka emergency, agad kong sinagot. “Hello?” Saglit na katahimikan. Hanggang sa may isang malamig ngunit matigas na tinig na nagsalita mula sa kabilang linya. “Miss Kara Smith Curtiz?” Napakunot ang noo ko. “Sino ‘to?” “Hindi na mahalaga kung sino ako. Mas mahalagang malaman mo ang alok ko.” Nagtagal muna siya bago nagsalita muli, at nang gawin niya ito, halos muntik kong mabitawan ang cellphone ko. “Five million pesos. Kailangan ko ng asawa. At napili kitang pakasalan.” Nanigas ako sa kinauupuan ko. Ano? Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Five million pesos? Asawa? Napatingin ako sa cellphone ko na parang may kung anong multo ang biglang lumitaw mula rito. “Excuse me?” halos pabulong kong tanong, pilit na iniisip kung tama ba ang narinig ko. “Alam kong nagigipit ka, Miss Curtiz,” malamig ngunit matigas na boses ang nagsalita sa kabilang linya. “At alam kong wala kang ibang opsyon.” Napalunok ako. Sino ang lalaking ito? Paano niya nalaman ang tungkol sa akin? At bakit siya nag-aalok ng ganoong klaseng kasunduan? “Hindi ko alam kung anong trip mo, pero—” “Wala akong oras para sa pagtanggi mo,” putol niya sa akin. “Five million pesos para magpakasal ka sa akin. Walang personal na damdamin. Isang pirma lang sa kontrata at matatanggap mo ang pera.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko—matatakot ba ako o mapapaisip? Five million. Sa isang iglap, matatapos ang paghihirap ng pamilya ko. Mababayaran ang utang sa ospital. Magkakaroon ng gamot si Papa. Hindi na ako kailangang magpagal sa kakahanap ng trabahong hindi ako tinatanggap. Pero kapalit nito… kasal sa lalaking hindi ko kilala. Napapikit ako, sinusubukang pigilan ang mabilis na tibok ng puso ko. “Sino ka?” tanong ko, pilit pinapanatili ang matatag na boses. Muli siyang natahimik saglit bago sumagot, “Hindi mo kailangang malaman kung sino ako ngayon.” Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko. Ano ‘to, laro? “At paano ako makakasigurong totoo ang sinasabi mo?” “Magkita tayo bukas. 3 PM. Grand Imperial Hotel, penthouse suite.” Pagkasabi niya niyon, bigla na lang niyang binaba ang tawag. Naiwan akong nakatulala, mahigpit na hawak ang cellphone ko. Ano ‘tong pinasok ko? Nakatitig lang ako sa cellphone ko, hindi pa rin makapaniwala sa tawag na natanggap ko. Limang milyon kapalit ng kasal? Para akong nasa isang pelikula kung saan ang bidang babae ay binibigyan ng isang di kapanipaniwalang alok ng isang misteryosong bilyonaryo. Pero ang totoo… wala akong ideya kung sino siya. Malamig ang tono niya, parang sanay sa pagdidikta. Ni hindi man lang nagpakilala. At ang mas nakakapagtaka—paano niya nalaman ang tungkol sa akin? Alam niyang gipit ako. Alam niyang walang-wala ako. Napalunok ako at napayuko, pinaglalaruan ang baso ng malamig nang kape sa harapan ko. Ano ba ‘to, Kara? Wala ka na bang ibang paraan kaya pati sarili mo, ibebenta mo na? Napailing ako sa sarili kong iniisip. Hindi, hindi ito pagbebenta ng sarili. Isa itong kasunduan—isang kontrata. Pero ano ang magiging kapalit? Bukod sa kasal, ano pa? Napatingin ako sa paligid ng coffee shop. Mga taong masaya at walang iniintinding problema. May magkasintahang nagtatawanan sa sulok, isang lalaking abala sa laptop niya, at isang pamilya na mukhang nag-eenjoy sa kanilang bonding. Samantalang ako? Nakaupo rito, pinag-iisipan kung ipagbibili ko ang sarili ko sa isang estranghero. Napakagat-labi ako at pinigilan ang luha na namumuo sa mata ko. Kung hindi lang nakaratay si Papa, siguradong hindi niya ako hahayaang dumaan sa ganitong sitwasyon. Siya ang laging nagsasabi sa akin noon, "Kara, anak, huwag mong ibababa ang sarili mo. May halaga ka." Pero paano kung ang tanging paraan para maibangon ko ang pamilya ko ay ang tanggapin ang alok na ito? Bumuntong-hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Nakita ko ang mga text ni Mama. Mama: Anak, okay ka lang ba? Tawagan mo ako kung may balita ka sa trabaho mo, ha? Mama: Nasa ospital si Papa mo. Nagkaroon siya ng panibagong atake. Hindi ko alam kung anong gagawin natin. Halos mabitawan ko ang cellphone ko. Panibagong atake?! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Paano na ang mga bayarin sa ospital? Paano ang gamot ni Papa? Wala na kaming pera! Napapikit ako at mahigpit na hinawakan ang cellphone ko. Kailangan kong magdesisyon. Kaya ko bang lunukin ang pride ko para sa pamilya ko?Chapter 420Elias POV(Ama ni Jasmine)Bawat putok ng baril ay parang pumapalo sa dibdib ko, hindi lang dahil sa ingay kundi dahil sa takot na baka tamaan ang anak ko.“Jasmine! Umatras ka!” sigaw ko habang tinamaan ko ang isang tauhan ni Damian sa binti. Pero parang wala siyang naririnig—punong-puno siya ng galit. Alam kong matagal niya itong inipon, at ngayon ay parang isang bagyong handang sumira ng lahat sa harap niya.Nakipagpalitan ako ng putok sa kaliwang bahagi kung saan nagkukubli ang tatlong tauhan ni Damian. Isa-isa silang bumagsak, pero hindi ako nakampante. Sa ganitong laban, isang maling galaw lang ay katapusan.Mula sa gilid ng usok, nakita ko si Damian na nakatutok ang baril kay Jasmine. Ang puso ko ay halos tumigil sa pintig. Mabilis akong gumapang, ginamit ang mga nasusunog na kahon bilang takip, at tinutok ko ang baril sa kanya.Pero bago ko mahila ang gatilyo, si Damian ay biglang ngumisi at sumigaw,“Kung tunay kang ama, pigilan mo siya… o pareho kayong mawawala!”
Chapter 419Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok, mabilis na hinugot ang baril at tinutok sa direksyong iyon. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, bawat segundo parang naghihintay ng kapalit na buhay.Mula sa makapal na usok, may lumitaw na anino—mabigat ang hakbang, mabagal pero sigurado. Sa bawat lapit niya, mas lalo kong nararamdaman ang tensyon sa paligid. Hindi ito basta tauhan lang.“Damian…” mahina kong bulong, at halos sabay kaming tumutok ng baril sa isa’t isa.Pero bago pa ako makapagpaputok, naramdaman ko ang malamig na bakal na dumampi sa gilid ng ulo ko. Isang pamilyar na boses ang sumunod.“Huwag kang kikilos, Demon… kung ayaw mong dito na magtapos ang kwento mo.”Ang huling bagay na nakita ko bago sumiklab ang gulo ay ang malamig na ngiti ni Jasmine—at ang tingin niyang parang siya ang may kontrol sa lahat."Bakit mong nagawang gamitin ang tauhan ng aking kapatid, ginawa mo pang isang clone," galit kong sabi, halos nanginginig ang kamay ko sa pagpipigil na h
Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng
Chapter 417Cherie POVHumigpit ang kapit ko sa baril habang patuloy ang palitan ng putok sa paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—mabilis, pero kontrolado. Hindi ako puwedeng matinag, hindi ngayon na alam kong nasa bingit kami ng kamatayan.Sa bawat paglingon ko, sinusuri ko ang kilos ni Elias. Masyado siyang kalmado, parang may alam siya na hindi pa niya sinasabi. At kung tama ang kutob ko, siya ang susi sa makakaligtas kami… o siya mismo ang dahilan ng kapahamakan namin.May dalawang lalaki ang sumulpot mula sa gilid. Hindi na ako nag-aksaya ng bala—isang mabilis na slide sa sahig, inikot ko ang katawan, at dalawang putok ang pinakawalan. Tumama. Wala nang oras para mag-alinlangan.“Keep moving!” sigaw ko kina Jas at Jacob. Hindi ako natatakot mamatay… pero hindi ako papayag na mamatay kami nang walang laban.At habang patuloy ang putukan, ramdam kong mas lalong humihigpit ang bitag na pumasok kami.Bumigat ang hangin—hindi lang dahil sa usok ng pulbura, kundi dahil ramdam ko na
Chapter 416Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.Ngu
Chapter 415Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement ng paparating na laban.Si Demon ang unang gumalaw—isang mabilis na side step at tinamaan niya ng matinding siko ang panga ng kalaban sa kaliwa. Bumagsak agad ito na parang pinutol ang kuryente sa katawan.Si Cherie naman ay gumamit ng diskarte—isang mababang ikot, sinipa ang tuhod ng isa, sabay suntok sa sikmura. Umubo ito nang malakas bago mawalan ng malay.Dalawa na lang ang nakatayo, at ako ang hinarap nila.Ang una, sumugod nang mabilis, pero hinawakan ko ang baril niya, pinaikot ang braso niya, at isang CRACK!—nabali. Bago pa makareact ang isa, inihagis ko ang unang kalaban papunta sa kanya. Sabay kaming umabante ni Mr. Crus para tapusin sila.Sa loob ng ilang segundo, wala nang nakatayo sa harapan namin.“Walang takot, sabi ko sa’yo,” bulong ko kay Mr. Crus na nakangiti lang at tumango.Pero bago kami makagalaw ulit, biglang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.“Uh-oh,” ani Demon. “Mukh