Isang trahedya ang yumanig sa katahimikan ng marangyang buhay ni Ana Villa—nahulog sa bangin ang kanyang sasakyan at natagpuang wasak sa kailaliman ng dagat. Ngunit ang katawan niya, hindi kailanman nakita. Ang mundo ng mga Villa ay nilukob ng lungkot at hiwaga, ngunit para kay Belle, ang kanyang kakambal, ang trahedyang ito ay hindi isang aksidente—ito’y isang maingat na planong pagpatay. Nagpasya si Belle na gawin ang hindi inaasahan: nagpanggap siya bilang si Ana para malaman ang tunay na mastermind sa pagkamatay ng kanyang kambal. Sa kanyang pagpapanggap, napasok niya ang mundo ng karangyaan at kasinungalingan, isang mundong puno ng malalalim na lihim at mapanganib na tao. Ang asawa ni Ana, si Luke Villa, ay isang bilyonaryo at CEO ng Villa Brewery Inc.—makisig, misteryoso,gwapo at tila nagtatago ng mga lihim. Sa kabila ng pagdududa ni Belle, unti-unti siyang nahulog sa bitag ng kanyang sariling damdamin. Ngunit hindi si Luke ang tunay na panganib. Si Sheila, ang tila inosenteng stepsister ni Luke, ay isang babaeng magaling magtago ng matinding inggit, lihim na pagnanasa, at nakamamatay na ambisyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sheila ang utak sa likod ng pagkamatay ni Ana, dala ng matagal nang pagkamuhi nito kay Ana dahil inagaw nito sa kanya si Luke dahil may lihim siyang pag-ibig dito. Habang nilalaro ni Belle ang papel ng kanyang kambal. Dito, natagpuan ang takot at pag-asa na magkasama, habang unti-unting nahuhulog ang kanyang puso kay Luke. Sa gitna ng labanan ng pagmamahal, takot, at paghihiganti, sino ang talo at sino ang mananatiling buhay?At paano makakaligtas si Belle mula sa bitag ng pagmamahal nito para kay Luke?
View MoreAng kalansing ng bakal na gate ng Villa mansion ay sumalubong kay Belle habang iniabot niya ang kamay upang itulak iyon. Ang sikat ng araw ay tila tumutusok sa kanyang balat, ngunit hindi iyon sapat upang tumunaw sa yelong bumalot sa kanyang puso. Sa harap niya ay ang engrandeng tahanan ng pamilya ng kanyang kakambal—ang mundo ni Ana, na ngayon ay kanya nang papasukin bilang isang impostor.
Napalunok siya, pinipigil ang kaba at hinahanap ang lakas ng loob. Para kay Ana. Para sa hustisya. Ang simpleng konserbatibong bestida na suot niya ay hindi ang kanyang istilo. Hindi siya sanay sa mahinhin at maayos na itsura—si Belle, ang totoong siya, ay liberated at laging palaban ang personalidad. Ngunit ngayong araw, si Belle ay wala. Ang makikita nila ay si Ana, ang muling bumangong asawa ni Luke Villa.
“Kaya mo ito, Belle. Tandaan mo kung para saan ka narito,” bulong niya sa sarili, huling inayos ang mahigpit na tirintas ng kanyang buhok. Sa likod ng malaking salamin ng sasakyan na kanyang sinakyan, pinagmasdan niya ang sariling repleksyon. Multo siya ni Ana. Buhay na buhay ngunit dala ang misteryo ng pagkamatay nito. Huminga siya nang malalim, pinunasan ang pawis sa noo, at pumasok sa loob ng mansyon.
Nang bumukas ang malalaking pintuan, lahat ng mata ay agad na nakatuon sa kanya. Tumigil ang bawat bulong, at ang tila magaan na pagdadalamhati sa sala ay biglang napalitan ng tensyon.
“Ana?” mahina ngunit puno ng gulat na bulong ni Luke Villa. Hindi maipinta ang mukha nito—may halong saya, takot, at pagkalito. Naglakad si Belle patungo sa gitna, kung saan naroon ang kabaong na walang laman. Tumigil siya sa harap nito, pinipilit kontrolin ang nanginginig niyang mga kamay. “Huwag kayong mag-alala. Buhay ako,” malamig ngunit malinaw ang kanyang boses. Ang bawat salita ay parang kidlat na bumalot sa paligid.
“Hindi ako sumuko sa aksidente. Bumalik ako.” Ang mata ng lahat ay nanlaki sa gulat, ngunit isang pares ng mata ang mas tumusok kay Belle—si Sheila, ang stepsister ni Luke. Ang galit at takot na tumatakbo sa mga mata nito ay hindi maitatanggi. Napalunok si Sheila at tumingin sa ibang direksyon, kunwaring nag-iisip ng paliwanag.
“P-Paano…?” tanong ni Sheila, nanginginig ang boses. “Hindi na mahalaga kung paano,” sagot ni Belle, malamig ang titig. Lumapit siya nang bahagya kay Sheila, na halos umatras sa kaba.
“Ang mahalaga, narito ako. Buhay ako.” Si Luke, tila nawalan ng lakas sa sobrang gulat, ay lumapit at hinawakan ang kanyang mga balikat. Sinuri nito ang kanyang mukha, tila hinahanap kung may galos o anumang palatandaan ng aksidente.
“Wala ka bang sugat? Wala ka bang galos?” halos pabulong na tanong nito, ang boses ay puno ng emosyon. Ngumiti si Belle—isang pilit at may halong lungkot. “Mahabang kwento, Luke. Pero narito ako. Buo ako. Buhay ako… para sa ating anak.” Ang kanyang tingin ay bumaling kay Anabella, ang anim na buwang anak ng kanyang kambal. Hindi niya napigilan ang sarili—agad niyang kinuha ang sanggol mula sa mga bisig ni Luke at niyakap ito ng mahigpit. Sa pagkakataong iyon, binalot siya ng emosyon. “Anak… mahal na mahal ka ng mommy mo,” bulong niya, pilit pinipigil ang luha na gusto nang bumuhos.
“Pangako, babawi ako. Hindi kita pababayaan.” Tahimik ang lahat, tila hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Ngunit si Sheila, sa kabila ng kunwaring composure, ay unti-unting umatras. Nagpaalam ito na pupunta sa banyo, ngunit hindi iyon nakaligtas kay Belle. Ang nanginginig na kamay ni Sheila habang hawak ang cellphone ay nagsasabing may itinatago ito. Habang yakap ang sanggol, pinigilan ni Belle ang galit sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat.
Sa likod ng bawat masuyong salita, ng bawat kunwaring ngiti, ay isang lihim na misyon—ang hanapin ang katotohanan sa pagkamatay ni Ana at ibalik ang hustisya. Sa banyo, sumandal si Sheila sa pader, hawak ang cellphone habang nanginginig ang kamay. Agad siyang tumawag.
“Ano bang klaseng trabaho ang ginawa ninyo?!” bulong niyang galit. “Sabi ko sa inyo, siguraduhin niyong patay si Ana! Paano siya nakabalik?! Puro kayo kapalpakan!”
“Ma’am, imposible—” sagot ng lalaki sa kabilang linya, ngunit pinutol ni Sheila ang tawag. Pinunasan ni Sheila ang pawis sa noo. Paano ito nangyari? Hindi maaaring malaman ni Ana ang totoo. Hindi maaaring magtapos ito sa ganitong paraan. Gagawa siya ng paraan. Kailangang mawala ulit si Ana, sa pagkakataong ito, magpakailanman. Bumalik si Sheila sa sala, pilit binubura ang takot sa kanyang mukha. Ngunit si Belle, na pinagmamasdan siya mula sa malayo, ay napangiti ng malamig. Ngayon pa lang, Sheila, may ideya na ako. Ikaw ang simula ng mga sagot. At hindi ako titigil hanggang mabunyag ang lahat ng kasalanan mo. Pagkatapos ng paalisin ang nakikilamay, nilapitan siya ni Luke sa veranda. Sa kabila ng gulat at emosyon sa kanyang mukha, may halong pag-aalinlangan sa boses nito.
"Ana,sigurado ka bang ayos ka?Iba ang kilos mo ngayon.Hindi ikaw ang Ana na kilala ko." Napatingin si Belle sa malayo,pilit pinipigilan ang kaba sa dibdib.Ngumiti siya nang bahagya at humarap kay Luke. "Luke, halos mamatay ako.Hindi ba natural lang na may pagbabago sa akin?Pero ako parin ito. Ako parin ang asawa mo." Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Luke, ngunit tumango ito. "Ang Mahalaga sa akin na buhay ka. Mahal na mahal kita, Ana. Hindi ko kakayanin kung nawala ka." "At hindi rin kita iiwan , Luke .Mahal na mahal ko kayo ni Anabella"sagot ni Belle, ngunit sa loob-loob niya ay nararamdaman ang saksak ng kasinungalingan. (Pinangalan ni Ana ang kanyang anak , hango sa kanilang pangalan Ana at Belle.) Habang nakatingin siya sa dilim ng gabi, tahimik niyang isinumpa "Magsisimula na ang laro. At sa pagkakataong ito, hindi ako papayag na hindi mo makamtam ang hustisya kapatid ko."
Sa isang tahimik na sulok ng hardin, nagtakda ng isang pribadong pag-uusap sina Luke at Adrian. Si Baby Leo ay natutulog na sa kwarto, at si Ana ay abala sa paglalaro kasama si Anabella. Nasa pagitan ng mga malalaking puno, ang hangin ay malumanay, at ang mga huni ng ibon ay nagbibigay ng himig sa paligid.Tumayo si Luke mula sa isang bench at naglakad papunta kay Adrian. Mabilis ang mga hakbang nito, at ramdam ni Adrian ang bigat ng mga mata ni Luke. Agad na tumingin si Adrian sa kanya, may pag-aalala sa kanyang mga mata.“Luke, ano ang—” nagsimula si Adrian, ngunit agad siyang pinutol ni Luke.“I need to talk to you,” wika ni Luke, ang tinig ay malalim at tahimik. “Tungkol kay Ana.”Nag-angat si Adrian ng kilay, ngunit hindi umalis sa lugar. “Ano'ng nangyari? May problema ba?”“Gusto ko lang iparating… na may plano akong gawin,” simula ni Luke. "Plano kong mag-file ng annulment."Naguluhan si Adrian. “Annulment? Bakit? Para saan?”Luke ay huminga ng malalim, napabuntong-hininga. “Hi
“Ramdam ko na anak ko siya,” bulong ni Ana, hawak pa rin ang kamay ng kakambal. “Kahit hindi ko pa alam noon, kahit wala pa akong alaala, may bahagi ng puso ko na kumikirot tuwing nakikita ko siyang lumalapit sa’yo… sa kanya. Ngayon alam ko na—dugo ko siya, laman ng laman ko. At pinalad siyang mahalin mo gaya ng pagmamahal ng isang tunay na ina.”“Ginawa ko lang ang sa tingin ko’y tama,” umiiyak na sagot ni Belle. “Noong pinanganak siya, para akong naguluhan—parang may kulang. At sa bawat ngiti niya, parang may aninong bumabalot sa’kin. Ngayon ko lang naiintindihan—dahil hindi ko siya ganap na anak. Anak mo siya, Ana. Ikaw ang ina niya.”Tumango si Ana, bakas sa mukha ang kalmadong pagtanggap sa katotohanan. “Pero ikaw ang naging sandalan niya. At sa panahong wala ako, ikaw ang naging ilaw niya. Kaya hindi ko kailanman ipagkakait sa kanya ang pagmamahal mo. Hindi ko siya aagawin sa’yo, Belle. Sa halip, gusto kong makasama siya—tayong dalawa. Tayong tatlo nina Luke… bilang iisang pamil
Tahimik ang gabi sa tahanan ng mga Villa. Ang huni ng kuliglig at mahinang ugong ng hangin sa labas ay nagsilbing himig ng kapayapaan matapos ang matagal na unos. Sa loob ng isang kwarto, sa isang malambot na kama na may puting kumot at tanaw ang buwan sa bintana, magkatabi sa pagkakaupo sina Ana at Belle—sa unang pagkakataon bilang tunay na magkapatid.May katahimikang dumadaloy sa pagitan nila. Parehong may gustong sabihin, pero parehong nag-aalangan. Hanggang si Ana ang unang nagsalita.“Hindi ko pa rin maipaliwanag kung paano ko tatanggapin lahat, Belle,” mahina niyang simula. “Parang ang dami-dami kong kailangang buuin, pero hindi ko alam kung saan magsisimula.”Ngumiti si Belle, bahagyang naluluha. “Normal lang ‘yan, Ana. Hindi madali ang gisingin mula sa isang bangungot na akala mo ay buong buhay mo na.”Napayuko si Ana, pinisil ang kanyang mga daliri. “Luke… kayo na talaga, ‘di ba?”Tumango si Belle. “Oo. Hindi ko ginusto sa simula. Pinagkait ko sa sarili ko ang damdaming ‘yon
Bumaba ang puting van sa harap ng malaking bahay sa Quezon City—ang dating tahanan nina Luke at Ana. Tahimik si Ana habang nakatitig sa harapan ng bahay. Hindi man niya maalala ang bawat haligi at pader ng estrukturang iyon, may kung anong kabang humahaplos sa kanyang dibdib. Katabi niya si Adrian, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay, samantalang nasa unahan si Luke na hawak si Anabella. Sumunod si Belle at buhat si baby Leo.Pagbukas ng gate, sinalubong sila ng hindi inaasahang tagpo.“Nay? Tay?” gulat na tanong ni Luke nang makita ang kanyang mga magulang—sina Nenita at Philipp Villa, na nakaupo sa veranda ng bahay, kapwa nakapako ang tingin kay Ana.Nanlaki ang mata ni Nenita. Tumayo ito, nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang lumapit. Si Philipp ay hindi rin makakilos agad, hawak-hawak ang hawakan ng upuan na tila ba hinihigop ng bigat ng damdamin.“Anak…” mahinang sabi ni Nenita, diretso kay Ana. “Ikaw nga ba ito?”Napako sa kinatatayuan si Ana. Hindi niya kilala ang mukha
Tahimik na nakatayo si Adrian sa lilim ng punong sampalok sa gilid ng hardin, pinagmamasdan ang emosyonal na muling pagkikita ng nobya sa tunay nitong pamilya. Sa bawat luha ng tuwa, bawat hikbing sabay sa pagsambit ng salitang “anak,” alam niyang hindi na siya bahagi ng nakaraang iyon. Ngunit siya ang ngayon — ang lalaking pinili ni Ana sa panahong wala siyang pagkakakilanlan, sa panahong siya’y si Sara Pamplana lamang.Tahimik siyang lumapit sa gilid ni Ana habang yakap-yakap pa rin ito ni Belinda. Napatigil ang lahat sa pag-iyak nang maramdaman ang presensya ni Adrian, at nang mapansin ni Ana na nandoon ito, agad siyang lumingon at pilit na ngumiti, kahit puno pa rin ng luha ang kanyang mga mata.“Adrian…” mahina niyang tawag.Lumapit si Adrian, hawak pa rin sa kamay si Anabella na ngayon ay masaya nang nakikipaglaro sa mga halaman sa paligid.“Pasensya na po, Tito, Tita,” maayos ngunit mahinahon ang tinig ni Adrian. “Ako po si Adrian Jasendo. Ako po ang… kasama ni Ana sa mga panah
Tumawag si Belle habang binabaybay ng van ang kahabaan ng expressway papunta sa Maynila. Nasa tabi niya si Luke na noon ay tahimik lamang, habang si Ana ay nasa likurang bahagi ng sasakyan, kinukuwentuhan si Anabella na nakaupo sa kanyang kandungan.Sa kabilang linya ay si Belinda Diosdado, ang asawa ni Romeo at ang babaeng nag-ampon kay Ana noong siya ay nawawala pa at wala pang pangalan. Sa boses nito ay halatang nagtataka pero masigla ang pagtanggap sa tawag.“Tita Belinda,” bungad ni Belle, medyo nanginginig ang tinig. “May sorpresa po ako sa inyo pagbalik namin sa Maynila.”“Anong klaseng sorpresa naman ’yan, iha?” sagot ni Belinda. “Huwag mong sabihing nagkaapo na agad kami kay Luke at Belle?” natatawang biro nito.Napangiti si Belle, sabay tingin kay Ana sa salamin sa harapan ng sasakyan. Nakangiti si Ana habang pinupunasan ang bibig ni Anabella na may bahid ng tsokolate mula sa baong cookies.“Higit pa po roon, Tita,” sagot ni Belle, bahagyang nag-aalangan. “Basta po, handa la
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments