Ang kalansing ng bakal na gate ng Villa mansion ay sumalubong kay Belle habang iniabot niya ang kamay upang itulak iyon. Ang sikat ng araw ay tila tumutusok sa kanyang balat, ngunit hindi iyon sapat upang tumunaw sa yelong bumalot sa kanyang puso. Sa harap niya ay ang engrandeng tahanan ng pamilya ng kanyang kakambal—ang mundo ni Ana, na ngayon ay kanya nang papasukin bilang isang impostor.
Napalunok siya, pinipigil ang kaba at hinahanap ang lakas ng loob. Para kay Ana. Para sa hustisya. Ang simpleng konserbatibong bestida na suot niya ay hindi ang kanyang istilo. Hindi siya sanay sa mahinhin at maayos na itsura—si Belle, ang totoong siya, ay liberated at laging palaban ang personalidad. Ngunit ngayong araw, si Belle ay wala. Ang makikita nila ay si Ana, ang muling bumangong asawa ni Luke Villa.
“Kaya mo ito, Belle. Tandaan mo kung para saan ka narito,” bulong niya sa sarili, huling inayos ang mahigpit na tirintas ng kanyang buhok. Sa likod ng malaking salamin ng sasakyan na kanyang sinakyan, pinagmasdan niya ang sariling repleksyon. Multo siya ni Ana. Buhay na buhay ngunit dala ang misteryo ng pagkamatay nito. Huminga siya nang malalim, pinunasan ang pawis sa noo, at pumasok sa loob ng mansyon.
Nang bumukas ang malalaking pintuan, lahat ng mata ay agad na nakatuon sa kanya. Tumigil ang bawat bulong, at ang tila magaan na pagdadalamhati sa sala ay biglang napalitan ng tensyon.
“Ana?” mahina ngunit puno ng gulat na bulong ni Luke Villa. Hindi maipinta ang mukha nito—may halong saya, takot, at pagkalito. Naglakad si Belle patungo sa gitna, kung saan naroon ang kabaong na walang laman. Tumigil siya sa harap nito, pinipilit kontrolin ang nanginginig niyang mga kamay. “Huwag kayong mag-alala. Buhay ako,” malamig ngunit malinaw ang kanyang boses. Ang bawat salita ay parang kidlat na bumalot sa paligid.
“Hindi ako sumuko sa aksidente. Bumalik ako.” Ang mata ng lahat ay nanlaki sa gulat, ngunit isang pares ng mata ang mas tumusok kay Belle—si Sheila, ang stepsister ni Luke. Ang galit at takot na tumatakbo sa mga mata nito ay hindi maitatanggi. Napalunok si Sheila at tumingin sa ibang direksyon, kunwaring nag-iisip ng paliwanag.
“P-Paano…?” tanong ni Sheila, nanginginig ang boses. “Hindi na mahalaga kung paano,” sagot ni Belle, malamig ang titig. Lumapit siya nang bahagya kay Sheila, na halos umatras sa kaba.
“Ang mahalaga, narito ako. Buhay ako.” Si Luke, tila nawalan ng lakas sa sobrang gulat, ay lumapit at hinawakan ang kanyang mga balikat. Sinuri nito ang kanyang mukha, tila hinahanap kung may galos o anumang palatandaan ng aksidente.
“Wala ka bang sugat? Wala ka bang galos?” halos pabulong na tanong nito, ang boses ay puno ng emosyon. Ngumiti si Belle—isang pilit at may halong lungkot. “Mahabang kwento, Luke. Pero narito ako. Buo ako. Buhay ako… para sa ating anak.” Ang kanyang tingin ay bumaling kay Anabella, ang anim na buwang anak ng kanyang kambal. Hindi niya napigilan ang sarili—agad niyang kinuha ang sanggol mula sa mga bisig ni Luke at niyakap ito ng mahigpit. Sa pagkakataong iyon, binalot siya ng emosyon. “Anak… mahal na mahal ka ng mommy mo,” bulong niya, pilit pinipigil ang luha na gusto nang bumuhos.
“Pangako, babawi ako. Hindi kita pababayaan.” Tahimik ang lahat, tila hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Ngunit si Sheila, sa kabila ng kunwaring composure, ay unti-unting umatras. Nagpaalam ito na pupunta sa banyo, ngunit hindi iyon nakaligtas kay Belle. Ang nanginginig na kamay ni Sheila habang hawak ang cellphone ay nagsasabing may itinatago ito. Habang yakap ang sanggol, pinigilan ni Belle ang galit sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat.
Sa likod ng bawat masuyong salita, ng bawat kunwaring ngiti, ay isang lihim na misyon—ang hanapin ang katotohanan sa pagkamatay ni Ana at ibalik ang hustisya. Sa banyo, sumandal si Sheila sa pader, hawak ang cellphone habang nanginginig ang kamay. Agad siyang tumawag.
“Ano bang klaseng trabaho ang ginawa ninyo?!” bulong niyang galit. “Sabi ko sa inyo, siguraduhin niyong patay si Ana! Paano siya nakabalik?! Puro kayo kapalpakan!”
“Ma’am, imposible—” sagot ng lalaki sa kabilang linya, ngunit pinutol ni Sheila ang tawag. Pinunasan ni Sheila ang pawis sa noo. Paano ito nangyari? Hindi maaaring malaman ni Ana ang totoo. Hindi maaaring magtapos ito sa ganitong paraan. Gagawa siya ng paraan. Kailangang mawala ulit si Ana, sa pagkakataong ito, magpakailanman. Bumalik si Sheila sa sala, pilit binubura ang takot sa kanyang mukha. Ngunit si Belle, na pinagmamasdan siya mula sa malayo, ay napangiti ng malamig. Ngayon pa lang, Sheila, may ideya na ako. Ikaw ang simula ng mga sagot. At hindi ako titigil hanggang mabunyag ang lahat ng kasalanan mo. Pagkatapos ng paalisin ang nakikilamay, nilapitan siya ni Luke sa veranda. Sa kabila ng gulat at emosyon sa kanyang mukha, may halong pag-aalinlangan sa boses nito.
"Ana,sigurado ka bang ayos ka?Iba ang kilos mo ngayon.Hindi ikaw ang Ana na kilala ko." Napatingin si Belle sa malayo,pilit pinipigilan ang kaba sa dibdib.Ngumiti siya nang bahagya at humarap kay Luke. "Luke, halos mamatay ako.Hindi ba natural lang na may pagbabago sa akin?Pero ako parin ito. Ako parin ang asawa mo." Nakita niya ang pagkalito sa mukha ni Luke, ngunit tumango ito. "Ang Mahalaga sa akin na buhay ka. Mahal na mahal kita, Ana. Hindi ko kakayanin kung nawala ka." "At hindi rin kita iiwan , Luke .Mahal na mahal ko kayo ni Anabella"sagot ni Belle, ngunit sa loob-loob niya ay nararamdaman ang saksak ng kasinungalingan. (Pinangalan ni Ana ang kanyang anak , hango sa kanilang pangalan Ana at Belle.) Habang nakatingin siya sa dilim ng gabi, tahimik niyang isinumpa "Magsisimula na ang laro. At sa pagkakataong ito, hindi ako papayag na hindi mo makamtam ang hustisya kapatid ko."
Pagkatapos ng mahaba, emosyonal, at punong-punong kasalang seremonya nina Belle at Luke, at nina Ana at Adrian, muling umalingawngaw ang masayang tunog ng kampana. Ang langit ay tila nakiisa, sapagkat habang lumalabas sa simbahan ang mga bagong kasal, biglang sumabog ang confetti cannon na hindi sinasadya ay tinamaan si Father Mariano sa noo.“Teka! Ayos lang ako!” aniya habang nakatawa, pinupunasan ang kanyang ilong.“Pati si Father may blooper!” natatawang sambit ni Clyde Smith habang karga si baby Leo, na ngayon ay nakasuot ng maliit na tuxedo at ngumiti habang binubulungan ni Anabella ng "Yeyy Daddy at Mommy!"Ang paligid ay puno ng fairy lights, soft jazz music, at mga flower arches. Ang hangin ay malamig, at ang view ng bulkan sa malayo ay tila background ng isang K-drama. Pagpasok ng dalawang bagong kasal, sabay silang sinigawan ng mga bisita ng..“Just Married!”Sumunod ang masigabong palakpakan at halakhakan. Si Ana at Belle ay sabay-sabay na nag-high five.“Twin wedding? Twi
Ang simoy ng hangin ay tila napuno ng rosas at pag-ibig. Sa ilalim ng dambuhalang canopy ng bulaklak, dalawang pares ng puso ang sabay na nagsumpaan ng walang hanggang pagmamahalan—isang kasal na hindi lang tungkol sa dalawang tao, kundi apat na pusong pinagsama ng tadhana, pagsubok, at muling pagbangon.Hawak ni Luke ang kamay ni Belle habang nakatingin sa mga mata nito. May luha sa kanyang mga mata, hindi ng lungkot, kundi ng matinding pasasalamat.“Belle,” panimula ni Luke, bahagyang nanginginig ang tinig. “Akala ko namatay na si Ana, at habang unti-unting nabubuo muli ang buhay ko, ikaw ang naging ilaw ko. Hindi ko alam na hindi pala ikaw si Ana, pero sa kabila ng lahat... minahal mo kami ni Anabella ng buong puso.”Napatingin si Belle kay Ana na nakangiti mula sa kabilang altar, hawak ang kamay ni Adrian.“Ginampanan mo ang tungkulin bilang asawa ko at minahal mo si Anabella na parang tunay mong anak,” patuloy ni Luke. “Hindi mo lang ako binigyan ng pangalawang pagkakataon. Tatlo
Kinabukasan..Ang araw na pinakahihintay ay dumating na. Mainit ang sikat ng araw, tila nakikicelebrate sa kasalan ng taon—ang double wedding nina Belle at Ana sa kanilang mga minamahal na sina Luke at Adrian.Sa isang mala-paraisong garden venue sa Tagaytay, namumutiktik ang bulaklak, fairy lights, at lavender-themed na mga dekorasyon. Ang hangin ay may dalang halimuyak ng bagong pag-ibig at bulaklak ng lavender.“Belle, sakto ba ‘tong lipstick ko? Hindi ba ako mukhang halimaw na nag-kape ng red velvet?” bulong ni Ana habang nakatitig sa salamin.“sis, mukha kang goddess! Ako nga, nanginginig na ang tuhod eh!” sagot ni Belle habang inaayos ang belo. “Grabe, hindi ko inakala na mangyayari talaga ‘to!”Nag-iyak-tawa ang kambal habang niyayakap sila ng kanilang make-up artist.Sa labas ng bride’s suite…“Pare, sure ka ba talaga diyan?” tanong ni Luke habang kinukulot pa ang kanyang pilikmata ng make-up artist, much to his horror.“Hindi ako sure kung bakit may curler sa mukha ko ngayon
Isang araw bago ang pinakaaabangang kasal nina Ana at Belle—na tinaguriang “The Double Wedding of the Year” ng buong barangay—ay masasabing isang rollercoaster ng emosyon, kilig, tawanan, at… well, kaunting kalokohan.Sa Bahay nina Ana at Adrian…“Belle! Nasaan na ‘yung bridal robe ko? ’Yung may ‘Bride #1’ na nakasulat sa likod?” sigaw ni Ana habang binubuklat ang isang kahon ng face masks, nail polish, at chocolate truffles.“Eto na oh!” sumilip si Belle mula sa banyo, naka-towel turban ang buhok, at may hawak na wine glass. “Hoy, hindi ako kabayo! ‘Bride #2’ ang akin!”Napahalakhak si Ana. “Sabay tayong bride, pero feeling mo ikaw ang bida!”“Correction,” ani Belle, “Ako ang sexy, ikaw ang sweet. We complete the bride equation.”Sa gitna ng kanilang kulitan, dumating ang mga kaibigan nilang babae, bitbit ang spa kit, karaoke mic, at isang surprise cake na may nakasulat na “Goodbye Miss, Hello Mrs!”“Waaaah!” sabay na sigaw ng kambal sa puso. At nagsimula na ang pinaka-epikong bridal
Isang double wedding. Hindi lang sa pagitan ng magkasintahan, kundi sa pagitan ng dalawang pusong pinagtagpo ng tadhana—hindi sa dugo, kundi sa pagkakataon. Magkaibang landas ang pinagmulan nila, pero iisang direksyon ang tinatahak ngayon: pagmamahalan at bagong simula.“Bridezilla na ba ako?” tanong ni Belle habang nakakunot ang noo sa tablet na hawak niya. Sa dami ng tabs na bukas—wedding gowns, reception venues, floral arrangements—kahit sino’y malulula.Pero si Belle? Blooming. Nasa ibabaw siya ng sofa, suot ang pastel pink robe na may burdang Bride-to-be, habang nakakagat-labi, at para bang papunta sa isang eksenang sinulat ni Cupid mismo.“More like Bride-kilig,” sagot ni Ana habang nakasandal kay Adrian, na nakaupo sa carpet at tinutulungan siyang mag-cut ng paper hearts para sa wedding invitation.Sa kabilang side ng sala, si Luke naman ay nakatalungko sa harap ng cupcakes—chocolate frosting ang hawak, pero titig na titig kay Belle.“Hindi ko talaga inakalang mangyayari ’to,
Pagkauwi mula sa simpleng proposal celebration nina Adrian at Ana…Masaya at punong-puno ng kilig ang buong mag-anak. Halatang high pa rin sa kilig si Ana habang yakap-yakap ang mga bulaklak na bigay ni Adrian. Si Belle naman ay abala sa kakuwento habang buhat ang natutulog nilang anak na si baby Leo. Nasa likuran nila si Luke, tahimik lang sa pagmamaneho, pero paminsan-minsan ay sumusulyap sa rearview mirror na tila may itinatagong ngiti.“Grabe, Belle,” bungad ni Ana, “ang ganda ng setup ng proposal ni Adrian ‘di ba? Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.”“Napakaganda! Sobrang romantic, sis! Yung mga ilaw, yung violinist—hindi ko kinaya!” sagot ni Belle habang hinihimas-himas ang likod ng tulog na sanggol sa kanyang dibdib.Ngumiti lang si Adrian habang nakaakbay kay Ana sa likod. “Deserve mo ‘yun. At tsaka… matagal ko na talagang gustong gawin ‘yun.”“Hay naku,” singit ni Belle. “Dapat lang talaga na ikaw ang magpakasal kay Ana. Kung hindi, ako mismo ang magtataboy sa’yo!”Tumawa