Don’t fall for me, Alexis.”
Tahimik ang sinabi ni Ralph, ngunit ang epekto ay parang bigla siyang nilubog sa malamig na tubig. Hindi niya alam kung bakit iyon ang babala. Hindi niya rin alam kung bakit… mas nasaktan siya kaysa dapat.
Napatingin siya kay Ralph, na tahimik lang, nakatingin sa kanya na para bang may alam ito sa kung anong mas malalim na hindi niya pa kayang tuklasin.
Bago pa siya makapagtanong, biglang tumigil ang kanyang paghinga.
“Alexis?”
Isang pamilyar na tinig. Peke ang galak, pilit ang lambing.
Pagharap niya, naroon na sina Julio at Mica.
Nakasuot ng pulidong tux si Julio. Si Mica naman ay naka-eleganteng silk dress, may kasamang ngiting hindi mawari kung insulto o pagbati.
“Nabalitaan namin. Congratulations,” ani Julio, habang nakatitig kay Alexis, diretso sa mga mata. “Engaged ka na pala.” tila may pag uyam sa tinuran nito.
Napangiti si Alexis, ‘yung tipong ginagawang sandata ang ngiti para itago ang bawat kirot.
“Surprise, no?”ganting sagot ni Alexis.
“Very,” sagot ni Mica. Tila sinusukat siya mula ulo hanggang paa. “But I guess love works in strange ways.”
Tahimik lang si Ralph. Hindi umiimik. Pero bahagya siyang humakbang palapit kay Alexis, at marahan siyang hinawakan sa bewang—hindi para ipagyabang, kundi para alalayan. Para ipaalala sa kanya na hindi siya mag-isa sa harap ng mga multo ng kahapon.
“Ralph,” sabat ni Julio, sabay abot ng kamay. “Congratulations, man.”
Dahan-dahang tinanggap ni Ralph ang pakikipagkamay. Mahigpit ang hawak ni Julio. Matatag din ang sagot ni Ralph—pero malamig, maiksi.
“Thanks.”
Muli, katahimikan.
“So when’s the wedding?” tanong ni Mica, habang pinipigil ang isang mapait na ngiti.
“Two weeks,” sabay na sagot nila Alexis at Ralph.
Nagkatinginan sila sandali. Walang rehearsed cue, pero magkapareho ang sagot. Tuloy ang palabas. Tuloy ang kasinungalingan na parang mas totoo na kaysa sa katotohanan.
“That’s fast,” ani Julio, pilit ang tawa. “But hey, some things are meant to happen that way. Right, Alexis?”
Hindi sumagot si Alexis. Sa halip, ngumiti siya—mahina, malamig, at marahas sa ilalim ng kontrol.
“Some endings are blessings in disguise, Julio.”
May saglit na katahimikan. Si Ralph, kahit hindi nagsasalita, hindi inaalis ang mata kay Julio. Tahimik pero dama ang tensyon.
Pagkaalis nina Julio at Mica, saka lamang nakahinga si Alexis.
“That was… intense,” bulong niya.
Ngunit si Ralph, tahimik pa rin. Inabot nito ang kanyang kamay, at dahan-dahang hinaplos ang likod ng palad ni Alexis gamit ang hinlalaki.
“Okay ka lang?”
Napatingin siya. Naramdaman niya ang sincerity sa tanong. Walang drama, pero may lalim.
“Hindi ko alam,” sagot niya. “Pero salamat sa pagkakapit. I thought I’d lose balance or faint.”
“I said I’d protect you,” bulong ni Ralph, habang pinapanood ang paglayo nina Julio.
“Even if this is just pretense?”
Hindi siya sinagot ni Ralph. Tumalikod ito, uminom ng natitirang champagne.
Nasa sasakyan pa lang sila pauwi, ramdam pa rin ni Alexis ang init ng ballroom lights at ang nanunuot na tensyon ng gabing iyon.
Tahimik si Ralph sa buong biyahe. Nakatitig sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung pagod ito o sadyang ganoon lang talaga—laging mahirap basahin.
Pero bago sila makarating sa gusali, bumulong ito, halos walang emosyon:
“You were good tonight.”
Napalingon si Alexis. “Good?”
“Convincing.” Saglit na tumingin ito sa kanya. “The way you looked at me when Mica started talking? If I didn’t know better, I’d think you meant it.”
Nag-init ang pisngi ni Alexis. “Wow. Compliment ba ’yan o babala?”
Hindi na nagtaka si Alexis nang sabihin ni Ralph na sa condo na niya siya ihahatid. Pagod na rin siya—sa heels, sa ngiti, sa paninindigan ng kwento nilang hindi totoo.
“Kailangan mong maging familiar dito,” sabi ni Ralph habang binubuksan ang pinto ng kanyang unit. “Mas madali kung dito tayo magmi-meeting minsan. Mas private. Mas ligtas.”
Hindi niya alam kung ‘ligtas’ ang tamang salita—dahil habang naglalakad siya sa loob ng condo, pakiramdam ni Alexis ay mas exposed siya ngayon kaysa sa buong ballroom kanina.
“How did it feel? Seeing him again with another girl.”
Why are you asking me that?” balik tanong ni Alexis.
Hindi sumagot si Ralph agad. Pinagmasdan lang siya, walang ekspresyon. Tahimik, pero para bang may hinahanap.
“You’re a good actress, Alexis. Pero hindi ko nakuha ‘yon sa eksena. Nakuha ko sa reaksyon mo pagkatapos. No one fakes that kind of look.”
Pinilit niyang ngumiti. Pero alam niyang hindi aabot ang biro sa ganitong klaseng usapan.
“It surprised me,” sagot ni Alexis, mahinang-mahina.
“Na nandun siya?”
“Na hindi na ako nasaktan nang makita siya. Or… na mas interesado akong makita kung ano ang gagawin mo kaysa sa kung ano ang ginagawa nila.”
Nagkatitigan sila. Wala nang script. Wala nang rehearsal. Wala nang kahit anong acting.
“Alexis…” mahinang sabi ni Ralph, halos pabulong. “Don’t confuse this with something it’s not.”
“And what is this, exactly?”
“A lie.That is what it is.”
Malinaw naman yun kay Alexis pero matigas ang ulo niya.
“Didn’t I just warn you?” malamig, ngunit mababa ang tono. Para bang nilalagyan ng pader ang nararamdaman pero hindi rin matagal mapanatili.
“Hypothetical nga lang eh,” biro ni Alexis, pinilit na matawa, pero may bahid ng kaba ang kanyang tinig.
Kahit ilang buwan na nilang inihahanda ang sarili sa araw na ito, walang makapaghahanda talaga kay Alexis at Ralph para sa mismong araw ng panganganak.Ika-siyam ng gabi, tahimik na nakahiga si Alexis sa kama. Si Ralph naman ay nasa tabi niya, binabasahan siya ng isa sa mga paborito nilang baby books. Naroon pa rin ang mga alaala ng mga araw na tila imposible ang lahat—ang pagkakaroon ng pangalawang anak, ang muling pagtitiwala, at ang muling pagbuo ng isang tahimik na mundo. Pero ngayon, andiyan na ang lahat.“Oo nga pala,” bulong ni Alexis habang tinatamaan ng antok, “naka-pack na ba yung hospital bag?”“Of course,” sagot ni Ralph sabay pisil sa kamay niya. “Tatlong beses ko pa ngang chineck kung kompleto.”“Hmm, good,” mahinang ngiti ni Alexis. “Sana hindi pa ngayon. Gusto ko pa matulog…”Pero tila sinagot ng tadhana ang kabaligtaran.Alas-diyes ng gabi, nagising si Alexis sa mainit na pakiramdam sa may hita. Pagtingin niya, basa ang bedsheet.“Ralph…” tawag niya, bahagyang nanging
Sa pagpasok ng huling buwan ng pagbubuntis ni Alexis, akala nila ni Ralph ay nakalampas na sila sa lahat ng pagsubok. Halos kompleto na ang nursery. Kumpleto na rin ang gamit sa ospital, pati playlist ni Alexis para sa delivery room ay ready na. Pero ang buhay, laging may ibang plano.Isang gabi, habang abala si Ralph sa pag-aayos ng dokumento sa home office niya, nakatanggap siya ng tawag mula sa isang unknown number.“Hello,” sagot niya.“Ralph…”Napahinto siya. Kilalang-kilala niya ang tinig. Ang babaeng minsang nagsampa ng reklamo laban sa kanya, na kalauna’y bumawi ng testimonya at humingi ng tawad.“Anong kailangan mo?” malamig ang boses ni Ralph.“May naghahanap sa’kin… Sinasabi nilang ako raw ay may utang sa’yo. Na ako raw ay binayaran mo para magsinungaling.”“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako—”“I know. But Ralph, please. Tinututukan na rin ang pamilya ko. They’re trying to use my past para sirain ka. Hindi pa rin tapos ang mga taong galit sa’yo.”Pagkababa ng telepono, tila nanik
Mommy, may baby ka na sa tummy?” tanong ni Ayesha habang nakaupo sa lamesa, bitbit ang kanyang mini spoon at stuffed unicorn.“Oo, anak,” nakangiting sagot ni Alexis habang hinahaplos ang buhok ng anak. “May magiging baby brother or sister ka na.”Napabilog ang mga mata ni Ayesha. Tuwang-tuwa ito na parang nanalo ng laruan sa toy store. Tumalon ito sa upuan at niyakap ang tiyan ng ina, marahang-marahan, para bang alam niyang kailangang ingatan ang bagong buhay sa loob ni Alexis.“Yey! I’m going to be an ate!”Napatingin si Ralph mula sa kusina habang naglalagay ng prutas sa maliit na bowl. Nilapitan niya ang mag-ina at niyakap ang dalawa.“Family of four na tayo,” bulong niya habang hinahalikan ang sentido ni Alexis.Simula nang makumpirma ang pagbubuntis, naging mas maingat si Alexis. Ngunit kasabay ng pag-iingat ay ang pagbabago rin sa kanyang katawan, emosyon, at araw-araw na routine. Sa una, tila hindi siya makapaniwala. Sa kabila ng mga panahong sinubok sila ng PCOS at miscarriag
Boracay had a way of stopping time. Pagbaba pa lang nila ng eroplano, ramdam na ni Alexis ang kakaibang ginhawa. The sun, the salt, the sea—parang sinasabing, “Forget the world for a while.” At iyon nga ang ginawa nila ni Ralph.Walang kaso. Walang kliyente. Walang deadlines.Walang iba kundi sila.“Parang dati,” bulong ni Alexis habang magkaakbay silang naglalakad sa puting buhangin.“Mas maganda ngayon,” sagot ni Ralph, huminto para halikan siya sa sentido. “Kasi ngayon, wala na tayong kailangang itago.”And they made the most of it.Every sunset, every swim, every whispered “I love you” sa ilalim ng bituin—parang kinukumpirma lang na tama silang dalawa. At sa pagitan ng mga halakhak, halik, at tahimik na yakap—may bagong kwentong unti-unting binubuo ang tadhana.Pagbalik nila sa Maynila, may isang bagay na hindi bumalik sa dati.Ang buwanang bisita ni Alexis.Akala niya stress lang. Baka pagod. Baka dahil sa biyahe. Pero nang hindi pa rin siya dinatnan sa ikalawang linggo, may sumu
Habang tumatakbo ang pelikula, nagkulong ang mundo nila sa yakapan. Si Ralph, panay ang halik sa ulo at balikat ng asawa. Si Alexis, nakapulupot ang braso sa bewang nito.At nang matapos ang pelikula, tumingin si Ralph sa mga mata ni Alexis. “You know… I was so close to losing your trust. And that’s one thing I never want to risk again.”Alexis smiled. “You never really lost it. But I’m glad you fought to keep it.”Pilit ni Ralph na ikinubli ang pag-iyak. Umiling siya. “You deserve someone who never lets anyone come close to hurting you. That’s my job.”Nagulat si Alexis nang may iabit na envelop si Ralph."Ano naman 'to?"Bumulong naman si Ralph sa tenga niya. "Just open it."Pack light. Bring your favorite book. Leave your worries.” – RNapakunot ang noo ni Alexis habang binubuksan ang sobre. Doon ay may printed itinerary—no hotel name, no specific location. Just a note at the bottom:“You, me, and the weekend that we deserve.”She smiled, shaking her head. “What is this man plannin
Gabi na nang makauwi si Ralph, ngunit hindi siya agad pumasok sa condo unit nila. Tumigil muna siya sa labas ng pintuan, huminga ng malalim, at inayos ang hawak—isang bouquet ng peonies, paborito ni Alexis, at isang maliit na kahon ng dessert mula sa bakery kung saan sila unang nag-date.Pinikit niya ang mga mata, binalikan ang mga huling linggo—ang selos, ang katahimikan, at ang tahimik ngunit ramdam na tensyon sa pagitan nila. At sa wakas, ito na ang pagkakataong bumawi.Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo si Alexis sa couch, suot ang simpleng pambahay na oversized shirt at may hawak na baby monitor para kay Ayesha.“Hey,” sambit ni Ralph, hawak ang mga bulaklak. “Sorry I’m late… but I hope I’m not too late for this.”Tumingin si Alexis, saglit na nagulat, ngunit agad din siyang napangiti. “Peonies,” sabi niya habang tinatanggap ang bulaklak. “My favorite.”“Alam ko. Hindi kita nakakalimutan.” Kumindat si Ralph, sabay abot ng kahon. “Tsaka itong salted caramel cake. Remember nung d