Sa wakas, matapos ang buwan-buwang pagkaubos ng oras sa trabaho, hearings, at deadlines, nakahanap na rin si Ralph ng pahinga. Napansin iyon agad ni Alexis. Iba ang tingin ni Ralph sa kanya habang pinagmamasdan siyang i-pack ang mga damit ni Ayesha. Wala iyong pagod na karaniwang nakikita sa mga mata nito na may kislap, parang batang sabik sa bakasyon.
“Handa na ba ang mga beach outfits natin?” tanong ni Ralph habang tinutulungan si Alexis magsara ng isang maleta.
“Syempre,” sagot ni Alexis, ngumiti, “Si Ayesha nga lang yata ang may sampung outfits kahit tatlong araw lang tayo doon.”
Narinig nila ang maliliit na yabag sa hallway.
“Mommy! Daddy! Let’s go na!” sigaw ni Ayesha na may suot nang salbabida habang nakasandals sa ibabaw ng pajamas.
Nagtinginan ang mag-asawa at nagtawanan.
Dumating sila sa isang private beach resort sa Batangas kinabukasan. Malayo sa ingay ng lungsod, tanging hampas ng alon at ihip ng hangin ang maririnig. May sariling villa silang inuupahan sa may porch na ma