WALANG NAGAWA SINA Victoria at Bethany kung hindi ang pagbigyan ang hiling ni Benjo. Pumunta ng kusina si Bethany na nakailang mura muna bago niya sinimulang ihanda ang mga prutas na pupulutanin ng dalawa. Kulang na lang ay pinuhin niya ang hiwa ng peras at apple na siyang paborito ng kanyang ama.
“Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka, mas makapal pa kay Albert!”
Napalingon na ang dalaga nang marinig niyang umingit ang pintuan at makitang pumasok si Gavin doon. Agad niyang itinuro dito ang kutsilyo na kanyang hawak kaya naman natigilan si Gavin sa paglapit niya.
“Thanie, hindi ako ang nag-ayang mag-inom. Gusto ko lang pagbigyan ang Papa mo…ibaba mo iyan. Sige ka, kapag pinakialaman iyan ng demonyo at nasaksak mo ako makukulong ka. Masisira buhay mo.”
“Dapat kasi umalis ka na noong pinapaalis kita! Boyfriend? Hiwalay na tayo! Gumising ka nga diyan!”
“Sige, lakasan mo pa ang boses mo nang marinig ka sa labas.”
Gigil na binalingan muli ni Bethany ang hinihiwa niyang prutas. Inisi