공유

Chapter 6

작가: Michelle Vito
last update 최신 업데이트: 2024-04-23 14:25:05

NASA OPISINA SI Denver nang muling magbigay ng notification ang bangko tungkol sa joint account nila ni Janice.  Nagulat siyang malaman na nag-withdraw na naman ito ng four million pesos.  Kahapon lang ay kumuha na ito ng ten million pesos.  Ano bang pinagagamitan nito ng pera samantalang ibinibigay naman niya ang lahat nitong mga pangangailangan?

                Sabagay, baka nahihiya lang itong magsabi sa kanya.  Anyway, asawa na niya ito at gaya ng sinabi niya rito, lahat ng sa kanya ay pag-aari na rin nito.  Isa pa, hindi matutumbasan ng kahit na anong salapi ang kaligayahang nararamdaman niya dahil sa kanyang asawa.

                Kaya nga ganado siya palaging umuwi ng bahay.

                “Sir, eto na po iyong set ng alahas na in-order nyo,” anang kanyang sekretarya, ipinatong nito sa mesa niya ang isang box na naglalaman ng isang set ng mga alahas.  Worth 50 million pesos ang halaga niyon.  Gusto kasi niyang sorpresahin si Janice.  Ipinasadya niya iyon sa isang jewelry shop na pag-aari ng pinsan niya.  Tadtad iyon ng mamahaling diamante at 24k gold.

                “Sa palagay mo, magugustuhan ito ni Janice, Miss Albufera?” Tanong niya sa kanyang sekretarya.

                “Sir, kahit sinong babae, luluwa ang mga mata sa  ganda ng set na yan.  . .” sagot ng dalaga sa kanya.

                Napangisi siya.  Ngayon pa lang ay nasasabik na siyang ibigay iyon sa kanyang asawa.  Kaso’y marami pa siyang meeting na kailangang tapusin.  Hah, ni hindi niya inaasahang mahibang ng ganito katindi sa isang babae.  Maski siya ay hindi makapaniwala.  Kung nuon ay wala sa bukabularyo niya ang ganito, ngayon ay naniniwala na siya sa mga kaibigan niyang sobra kung magmahal.  Talaga nga palang darating ka sa point na may makikilala kang isang babae na ‘the one’ para saiyo at kapag dumating ang pagkakataong iyon, ito na ang magiging buhay mo.

                Naalala niya ang first love niyang si Rosemarie.  Inibig rin niya ito ng matindi pero sinaktan lamang siya nito.  Pagkatapos nuon, never na siyang naging seryoso sa isang babae.  Hanggang sa muli siyang makadama ng matinding pag-ibig.  At nakakagulat na nahigitan pa niyon ang damdamin niya para kay Rosemarie.

                Masaya siyang dumating sa buhay niya si Janice.

                Mushy as it may sound ngunit ganito ang nararamdaman niya para kay Janice.  Parang dito na lamang umiinog ang buhay niya ngayon.

LUMUWA ang mga mata ni Minerva nang iabot ang four million pesos mula kay Janice.  Napangisi siya. Actually, two million pesos lang naman ang hinihingi niya rito kaya nagulat siya nang doble ang iabot nito sa kanya.

                Madali lang naman pala niyang matatakot ang isang ito.  “Salamat anak,” tuwang-tuwang sabi niya rito, “Hulog ka talaga sakin ng langit!”

                “Mommy, hindi pwedeng palaging ganito kung hindi’y magtataka na si Denver.  Kahit ubod ng yaman ang lalaking iyon, maingat iyon pagdating sa pera.  Kaya please Ma, dahan-dahan lang sa paggasta, okay?” Pakiusap ni Janice sa ina.  Gusto niya itong makitang masaya pero talagang nalululong na ito sa sugal.  Kasalanan rin naman niya dahil nuong nakikita niya itong nahihirapan sa nangyari sa Papa niya, nilibang niya ito at dinala sa casino.  Hindi naman kasi niya alam na magiging sugarol ang Mama niya.  Ang gusto lang naman niya nuon, pansamantala itong makalimot.  “Kapag inubos mo yan sa pagsusugal, talagang ipaparehab na kita, Ma.” Babala pa niya rito.

                Inirapan lang siya ng Mama niya saka tumayo na.  Hinimas niya ang lumalaki niyang tiyan.  Sandali na lang at magpapalit na sila ng pwesto ni Jasmine.  Nahihirapan na siya sa ganitong kalagayan.  Kahit may nurse ang Papa niya, very stressful para sa kanyang araw-araw itong makitang nahihirapan.  Kating-kati na ang mga paa niyang maglakwatsa at gumimik.

                Hindi siya tulad ng kanyang kambal na magpapakamartir sa pag-aalaga sa ama.  Masakit sa dibdib niya iyon.  At least kapag nag-eenjoy siya, nakakalimutan niya pansamantala ang katotohanang sinapit ng ama niya.

“ANG GANDA. . .” namimilog ang mga mat ani Jasmine nang iabot sa kanya ni Denver ang isang set ng mga alahas.  Halos araw-araw na lamang ay may regalo siyang natatanggap mula rito.  At hindi lang iyon basta regalo, mga milyones ang halaga kagaya na lamang ng ipagshopping siya nito ng mga branded bags, shoes at clothes kahapon.  Nalula nga siya sa presyo nang makita ang halagang binayaran ng asawa.  “P-pero hindi mo naman ako kailangang bilhan ng mga ganito.  Actually, wala akong maisip na paggagamitan ng. . .”

                “Maniwala ka, marami kang paggagamitan ng mga ito. . .in fact next week invited tayo sa wedding ng kaibigan ko.”

                Hindi siya umimik.  Para sa kanya, sapat nang kasama niya ito.  Hindi niya kailangan ng mga material na bagay para lang maging masaya.   Bigla na naman siyang nakaramdam ng takot.  Alam niyang pansamantala lamang ang mga sandaling ito.  Iniisip pa lamang niyang maghihiwalay sila nito ay para nang tinatadtad ng pinong-pino ang puso niya.

                Hindi niya akalaing mahuhulog ang kalooban niya kay Denver.  Hindi niya napigilan ang damdamin.  Hindi naman kasi mahirap ibigin ang lalaking ito dahil taglay lahat ni Denver ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.

                Ngunit hiram lamang ang mga sandaling ito.

                Si Janice ang totoong mahal nito.

                “Sweetheart, may problema ba?” Nag-aalalang tanong nito nang mapansin ang malayong tinatakbo ng utak niya.

                Umiling siya.

                “By the way, kung kailangan mo ng pera, don’t hesitate to tell me. . .walang problema sakin kung anong binibili mo. . .sabi ko nga, pwede mong ubusin ang laman ng joint account natin. And don’t get me wrong, sweety pero ano nga palang pinaggamitan mo ng pera?” Tanong nito sa kanya.

                Napakunot nuo siya, “Anong pera?”

                Dinukot nito ang phone at ipinakita ang mga withdrawals niya.  Kinilabutan siya nang makitang sa loob lamang ng isang Linggo ay nakapag-withdraw siya sa bangko ng twenty five million pesos.  Ni singkong duling ay wala siyang kinukuha sa joint account nila ni Denver.

                Nagpanting ang mga tenga niya.  Sobra naman na yata ang ginagawang ito ni Janice kay Denver.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (5)
goodnovel comment avatar
Ma. Socorro Sagmaquen
I want to read my possessive billionaires husband
goodnovel comment avatar
Ma. Socorro Sagmaquen
My possessive billionaire s husband
goodnovel comment avatar
Jonilyn Nico
sana all may 25m na wlang kahirap-hirap
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • The Substitute Mrs. Craig   EPILOGUE

    “MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 98

    “MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 97

    ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 96

    “DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 95

    "Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie

  • The Substitute Mrs. Craig   CHAPTER 94

    “UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status