Scarlett’s POV “Open the door! Buksan mo ang pinto, please!” halos mawalan na ako ng boses sa kasisigaw. “Boobae…” Naupo ako sa sahig, yakap ang sarili, habang nakasandal sa malamig na pinto.Parang nilalamon ako ng takot. Ang katawan ko’y nanginginig. Umiikot ang isip ko sa mga maaaring mangyari. Makakaligtas pa ba kami? Mabubuhay pa ba kami? “George… nasaan ka na… huhuhu…” bulong ko habang pumapatak ang luha.Dahil sa sobrang pagod at pangamba, hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa malamig na sahig. Pero paggising ko, nasa kama na ako.Nanlaki ang mata ko. Sino ang nagbuhat sa akin? Dali-dali akong bumangon, kinakapa ang sarili. “Suot ko pa rin ang mga damit ko... wala namang kakaiba... huh!”Agad akong lumapit sa pinto, pero gaya ng dati, nakakandado pa rin ito. Sumilip ako sa bintana ng kwarto. Gabi na. Nasa gitna pa rin kami ng karagatan. Ang langit ay puno ng bituin, pero ang puso ko’y puno ng unos.“Tick.”Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang pagbukas nito.
Jessica’s POV“Tapos na ba ang drama ninyo?”Nagulat kami ni Scarlett nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Tumambad sa amin ang isang babaeng guwardiya, matalim ang mga mata, at may kasamang pananakot sa boses.“Tayo. Sumunod kayo kung ayaw niyong masaktan. At wag na wag kayong magtangkang tumakas… kundi sa tiyan ng mga pating ang bagsak niyo.”Nagyakap kami ni Scarlett habang marahan kaming tumayo. Hawak ko siya nang mahigpit. Ramdam kong unti-unti na siyang nanghihina. Buntis siya, at alam kong hindi siya pwedeng mapahamak.“Puwede po bang humingi ng tubig?” mahinahon kong tanong.Hindi siya sumagot. Matalim lang niya kaming tinitigan, bago kami iginiya palabas. Tahimik naming sinundan ang kanyang mga hakbang… hanggang sa huminto kami sa harap ng isang pintuan.“Dining area?” Nagkatinginan kami ni Scarlett, pareho ng iniisip. Napaka-ayos ng mesa, punong-puno ng masasarap na pagkain. Para bang hindi kami mga bihag o ito na ba huli naming hapunan.“Kumain na kayo. Kailangan n’y
George’s POV Hapon na. Wala pa rin kaming balita kung saan dinala si Jessica. Nahanap na ang kotseng sinakyan nila, pero wala sila roon. Parang mas lalo akong nilamon ng pagkabahala.“Sir, tubig po.” bigay ng isang imbestigador. “Salamat,” sagot ko habang tinatanggap ito. Uminom ako nang mabilis at muling nagtanong, kahit alam kong ilang ulit ko na itong tinanong.“May balita na ba kung saan sila dinala?”Mabuti na lang at mahaba ang pasensiya nila.“Wala pa rin po, Sir,” mahinang tugon ng isa.Napabuntong-hininga ako at napasandal sa kotse. Parang nauubos na ang lakas ko.“Bhabe… please be strong,” bulong ko sa sarili.“Excuse me po, Sir. Doon lang muna ako.” Tumango ako nang mahina. Nanghihina akong napatingin sa lupa. Wala akong ibang maramdaman kundi takot, kaba, at pagkaubos ng pag-asa.Bigla akong napatigil nang mapansin ko ang isang imbestigador na mabilis na tumatakbo papunta sa akin.“Sir! May lead na po kami!” halos pasigaw niyang sabi. “Ise-send ko po sa inyo. Sundan niy
General Reyes’ POVNasa loob kami ng operations room. Ilang oras na kaming nakatitig sa mga screen, binabantayan ang bawat detalye mula sa iba't ibang intel reports. Pero hanggang ngayon, wala pa rin kaming malinaw na lead kung saan dumaan ang sasakyan nila Jessica. Mula nang lumabas ng Cavitex, para silang nalunok ng lupa, nawala sa CCTV, parang multo.“Ilapit mo sa akin ang satellite imagery mula sa South Zone,” utos ko, matalim ang tingin sa screen.Mabilis na sumunod si Lt. Ramirez. Sa loob ng ilang segundo, lumabas sa monitor ang surveillance footage. Pinagmasdan ko ito. Isang puting van, lumihis ng direksyon bago makalusot sa checkpoint. At pagkatapos… nawala. Tuluyang nawala.Napakagat ako sa labi, halatang frustrated. Ipinazoom ko ang bahagi ng kalsada bago ito lumiko. May nakita akong mapunong daan sa gilid. Tahimik. Madilim. Kung gusto nilang umiwas sa mata ng awtoridad, iyon ang daan.“Colonel Javier,” tawag ko, hindi inaalis ang tingin sa mapa. “Pa-confirm sa ground unit
Nick’s POVPagpasok na pagpasok ko sa sasakyang humarang sa akin, mabilis nilang tinakpan ang bibig ko gamit ang isang panyo.At doon, nawalan ako ng malay.Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawala sa ulirat. Nagising na lang ako nang biglang bumuhos ang malamig na tubig sa mukha ko.“Gising, sleeping handsome… hahaha!”Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit kong dumilat. Nakaupo ako sa isang silya, nakagapos ang aking dalawang kamay sa aking likod. Sa harap ko, may apat na lalaking nakasuot ng bonnet at ang isa ay nakamaskara. Tila nasa underground kame, madilim at tanging isang bombilya lang ang nagbibigay liwanag.Sinubukan kong kumawala, pero mahigpit ang pagkakatali sa akin.“Wag mong sayangin ang lakas mo. Hindi ka makakatakas.”“Sino kayo?! Anong kailangan niyo sa akin?!” galit kong sigaw habang nagpupumiglas.“Pakawalan niyo ako! Pakawalan niyo ako!!!”“Abá, ang tapang pala nito.”“Ugh!”Tila nabingi ako sa lakas ng suntok na dumapo sa aking tainga. Ramdam ko ang p
Third Person POV – Wild ColonyNagkakagulo na naman sa Wild Colony matapos ang panibagong pag-atake sa isa sa kanilang sangay sa ibang bansa, isang hakbang na naman ng kalabang organisasyon. Tila hindi tumitigil ang kalaban sa pag-atake. Abalang-abala si Leon at ang mga matataas na miyembro ng kanilang grupo sa pag-aasikaso sa mga nadamay na kasapi. Isang malware attack na naman ang nangyari at malaking halaga ang nakuha sa pera ng organisasyon sa ibang bansa. Kailangan maibalik ang pera para patuloy ang operasyon ng kompanya doon.Patuloy na humihina ang security ng organisasyon. Nakapagtataka. Dahil ang system nila ay ginawa ng may pinakasafe na firewall.“Tawagan ang lahat ng miyembro. Sabihan sila, lahat ay kailangang magpadala ng tulong. Sampung milyon bawat isa! Kailangan nating mailigtas ang ating branch sa labas ng bansa. Kailangang maibalik agad sa normal ang operasyon ng kampo!” Pautos na sigaw ni Leon habang ang mga mata ay halos lumilisik sa galit.“Leon,” sabat ng isa