LOGINNagmadaling nagpahanap si Elijah Reigo ng babaeng papalit bilang bride sa kasal nila sa Isla nang biglang naglaho na parang bula ang kanyang kasintahan. Sakto namang na-stranded si Claudette Revista sa Isla matapos ang malakas na bagyo. Dinala siya ng mga tauhan ni Elijah sa isang rest house at pinilit na maging asawa ng isang mafia boss. Sa Isla na iyon, hindi basta basta ang buhay dahil kailangan sundin ni Claudette ang lahat ng utos kung gusto niyang mabuhay. Ang kalayaan? Nasa dulo ng panganib.
View MoreUnang araw pa lang ni Claudette sa rest house ni Elijah, tila hindi na niya yata kaya. At ang masaklap pa... akala niya'y sa pagpapakasal lang matatapos ang lahat, pero hindi pala ganoon kasimple. Parang unti-unti siyang nahihirapang huminga habang naroon. Kailangan niyang mag-adjust."W-What? We're... gonna stay in the same room?" Para siyang nabagsakan ng mabigat na bagay nang marinig ang sinabi nito. Tapos na siya sa lahat, naligo na at nakapagpalit ng damit. Pinahiram siya ni Elijah ng isang malaking t-shirt at boxer. Hanggang hita ang haba at labis sa laki para sa kanya.Patulog na sana siya nang kumatok ito sa pintuan at ipinaalam na doon ito matutulog."We're already married. Magtaka si lolo kung sa ibang kuwarto ako matutulog. I'm gonna stay here tonight."Ni-lock ni Elijah ang pinto at dumiretso sa loob, para bang normal lang ang lahat. Napanganga si Claudette sa presko nitong kilos at pagkakasabi. Mabilis siyang lumapit at hinarangan ito bago pa makapag-alis ng damit."T-Tek
"Kapag nalaman ng Daddy ko ang ginawa nila sa akin, mananagot sila!" ngitngit na bulong ni Claudette.Mabigat ang suot niyang wedding gown. Buong minuto na niyang inaayos ang sarili dahil hindi siya mapakali. Para siyang lalamunan ng sama ng loob, dahil hindi niya gusto ang nangyayari sa buhay niya.Parang kahapon lang, nakahiga pa siya sa malambot na kama, nagtatrabaho sa isang bilang CEO. Kung alam lang niya na mapupunta siya sa islang ito, sana hindi na lang siya tumuloy. Sana hindi siya namomroblema nang ganito, at hindi siya sasabak sa kasalan ng isang estranghero.Pinunasan niya ang mga luha. Tuwing naiisip niya ang kinabukasan, lalo lang itong bumibigat. Tinali niyang maayos ang buhok dahil wala naman siyang dalang kahit anong pampaganda. Isang simpleng mukha lang ang itsura niya. Hindi niya pinangarap na ganito kapangit ang itsura niya sa araw ng kanyang kasal. Maski foundation o lipstick, wala man lang siya.Pagkalabas niya ng kuwarto, laking gulat niya nang makita na naman a
Nagising si Claudette sa malambot na kama. Ramdam niya ang sakit ng ulo at pagkahilo. Agad siyang dumaing nang pagkamulat ng mata, mas lalo niyang naramdaman ang pananakit nito. Natulala siya nang ilang saglit, iniisip ang nangyari kanina."W-What... was happening? W-Where am I?"Una niyang nakita ang mataas na ceiling na may malaki at magandang chandelier. Huminga siya nang malalim sapagkat hindi niya talaga alam kung nasaan siya. Agad siyang bumangon nang mapagtanto niyang hindi pala panaginip ang nangyari kanina—na may maraming armadong lalaking gusto siyang patayin."You still have 5 minutes to change your clothes."Naigtad siya sa gulat nang makarinig ng baritonong tinig sa isang sulok kung saan mayroong sofa. May isang lalaking nakaupo sa black leather couch. Hindi pa niya masyadong makita nang klaro ang mukha nito pero sa paraan ng pag-upo, nakakatakot itong pagmasdan. Sa aura nito at sa pananamit, para itong isang serial killer sa pelikula. Naka-black suit at may suot na black
"Mga inutil! Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong mahanap na babaeng magiging asawa ko pansamantala, bilang pamalit kay Akiko?" nanglaiting tanong ni Elijah Reigo sa dalawang armadong lalaki sa harapan niya.Nakita niya ang takot na tingin ng mga ito sa kanya. Nagtutulakan ang mga ito kung sino ang sasagot. Pinatunog niya ang dila, hudyat na hindi niya nagustuhan ang hindi nila pagsagot. Maliit lang ang pasensiya niya at alam ng mga ito na sawa na siya sa paulit-ulit na tanong."Did you hear what I was asking? Did you find a damn fúcking woman to replace my fiancée?" tanong niya, habang nagngingitngit ang ngipin. Hinampas niya ang lamesa sa sobrang galit.A very trusted bodyguard of his stood in front of him. "Sa totoo lang boss, sobrang hirap maghanap ng babae sa Isla na ito. Alam mo namang private resort itong pinuntahan natin. Katatapos lang din ng bagyo.""God fúcking damn it..." malutong niyang pagmumura na naging dahilan para umatras ang mga ito palayo.Pinaikot niya ang hawak












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.