Naningkit kaagad ang mata ni Graciella nang makita ang bagong dating na si Harry. Nakapamaywang ito habang malakas ang boses na pinagsasabihan ang asawa. Binilisan nila ni Sheila na lumapit pabalik sa table nila. Kinailangan niyang ilapag muna ang plato sa lamesa dahil nanginginig siya sa mga naririnig na salita mula kay Harry. “Ano hindi ka uuwi? Siguro may lalaki kang kinatagpo at dinala mo pa talaga si Leya sa kabababuyan mo,” akusa ni Harry sa asawa habang dinuduro ang asawa. Isang malakas na hampas sa braso ang binigay ni Graciella kay Harry kaya natigil ito sa pagsasalita. “Wala kang pinipiling lugar para ibuka ang madumi mong bibig, Harry. Nasa restaurant ka at sana ilagay mo sa lugar at gumamit ka nang maayos na mga salita. Naririnig ka ng anak mo,” babala dito sa mahinang boses. Hindi namans iya katulad ni Harry na walang urbanidad. Kalalaking tao, ang hilig nitong mamahiya ng asawa sa publiko. Namula si Harry. Matagal na itong nag
Samantala, patapos na ang meeting ni Menard kaya tinanggap ang tawag mula sa asawa. “Baka mag overtime na naman ako mamaya. Ikaw na ang bahala kung saan mo sila dadalhin para kumain mamaya,” sagot ni Menard. “Okay lang ba sa sa atin muna tutuloy ang mag-ina? Nasa kanila kasi ang biyenan at hipag niya. Ayaw niyang umuwi muna sa kanila,” pagbibigay alam ni Graciella sa asawa. “No problem. She can stay as long as she wants. Kung hindi siya kumportbale umuwi sa kanila, sa atin na muna ang mag-ina, Sige na at marami pa kaming tatapusin.” Binaba na kaagad ni Menard ang tawag. ******* Ang lapad ng ngiti ni Graciella habang binabalik sa bag ang cellphone. “Okay na. Walang problema sa asawa ko. Narinig niyo naman sinabi ni Menard, Rowena na pwede kayo ni Leya sa unit namin hanggang kailan niyo gusto,” masayang pahayag ni Graciella. Confident naman talaga si Graciella na papayag ang asawa lalo at katulad niya, kinagigiliwan ni M
Napangiti si Rowena sa panulsol ni Sheila. Kilala na niya ang kaibigan ng pinsan sa kwento pa lang ni Graciella sa kanya. “Ate Sheila, ewan ko ba dito kay Ate Graciella. Pareho lang talaga silang nagpapakiramdaman ni Kuya Menard. Halata naman sa mga kilos nila na may feelings sila sa isa’t isa ayaw pa rin nila umamin sa mga nararamdaman nila,” dagdag pa ni Rowena. Kumunot ang noo ni Graciella. Hindi kasi niya nakikita na ganun nga sila ni Menard. O dahil ba sila mismo hindi alam ang sarili nila pero obvious iyon sa mata ng ibang tao? May katotohanan kaya ang sinasabi ng mga ito sa kanya. “Ayan na naman kayong dalawa. Marriage for convenience lang ang sa amin ni Menard. Alam niyo ang rason kung bakit ako nagpakasal sa kanya. At ang rason ni Menard ay para takasan ang pagmamanipula ng nanay niya na ireto siya sa babaeng hindi niya gusto,” tangi pa rin ni Graciella. “Uh huh! Diyan ka nagkakamali my friend. Halata naman sa tingin pa lang ni Menard sayo. Kun
Panay simangot pa rin si Trent habang binabaybay ang daan papunta sa canteen. Bumili siya ng pagkain at nagmamadali na bumalik sa opisina ng pinsan. “Bumalik ka pa?” Tanong ni Menard. Nagtataka kung anong sadya ng pinsan. Nakatingin siya sa bitbit na tray ng pagkain ni Trent. “Doon ka na kumain sa canteen.” “Gusto ko rin naman tikman ang luto ni ate Graciella,” nakasimangot na saad ni Trent. Nagdadabog na lumapit sa table ng pinsan at saka nilapag ang tray ng pagkain na bitbit. “Bigyan mo ako ng chicken kahit dalawang hiwa lang.” Kumunot ang noo ni Menard. “Who gave you the right to taste my wife’s cooking?” Sita sa pinsan. “You are so unfair! Sa akin ibinigay ni Ate Graciella ang lunchbox na ‘yan,” katwiran ni Trent. Kinuha ang tinidor at umaktong kukuha ng slice ng manok. Mabilis naman na inilag ang lunchbox. Marahang hinampas ni Menard ang kamay ni Trent. “This is supposed to be my meal. Maaga lang ako umalis kasi may meeting tayo.” “
Kahit naiinis si Graciella, nagluto pa rin siya ng para sa lunch box ni Menard. Kailangan niyang maging mabait dito lalo at napakabait nito sa kanya to the point na sinamahan pa siya nto sa mismong hometown para kunin ang kanyang susi sa kanyang pagkatao. Kamakanta pa si Graciella habang naghihiwa ng strawberries. At dahil marunong naman siya sa fruit cutting, ilang design ang ginawa niya. Pineapple fried rice ang niluto niya at teriyaki glazed chicken breast ang pinaibabaw niya. Hugis puso pa ang cut niya sa chicken breast para masarap sa mata tingnan. “Hmp! Tingnan ko lang kung hindi ka ma-touch, Mr. Young na pinaglihi sa yelo,” malakas na sabi ni Graciella. Nakangiti siya habang binabalot ng tela ang lunchbox. Gusto niyang i-surprise ang asawa. Pupuntahan niya ito sa kumpanya na pinagtatrabahuan nito. Alam naman niya kung saan naroon ang Young Group. Kaya naman, gumayak na siya at pumili ng maayos na damit. Ayaw din naman niyang mapahiya ang as
“Nang-iinggit talaga ang mga kapitbahay natin. Gusto mo, subukan din natin. . .” Hindi na natapos ni Graciella ang sasabihin dahil tinakpan ni Menard ng palad niya ang bibig ng asawa niya. “Shh!” Nanlilisik ang mata na saway niya kay Graciella. Nagpupumiglas na ito pero mas malakas si Menard. “Hayaan mo nga tao sa mga ginagawa nila. It’s none of our business,” asik ni Menard. At saka binitawan ang asawa. “Para ka namang sawa kung makalingkis,” reklamo ni Graciella habang pinupunasan ang bibig. “Ang kamay mo lasang mani.” “Why do you have to pry over other people’s affairs?” nakahalukipkip na si Menard. “Uminom ka na lang at huwag na isipin ang ginagawa ng kapitbahay natin.” Inabot ang isang can ng beer at binuksan at saka binigay sa asawa. Nakasimangot si Graciella na tinanggap ang beer. Tinungga na iyon. “Ayan, maglalasing na lang ako. Ang boring mo kasing kasama,” sinisinok na saad ni Graciella habang pinapahiran ng likod ng palad ang bibig.