
The Billionaire's Secret Heir
Spain – isang tahimik na parke. Isang araw na dapat ay tulad ng iba, ngunit isang pamilyar na presensya ang yumanig sa mundo ko.
"Mommy!"
Napalingon ako sa sigaw ni Selene, mabilis na tumatakbo palapit sa akin. Kasunod niya si Cassian, mahigpit na nakahawak sa kamay ng isang matangkad na lalaki. Isang lalaki na hindi ko kailanman inakalang muli kong makikita.
Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi maaari.
Dahan-dahan siyang lumuhod, bahagyang tinatapik ang ulo ni Cassian bago bumaling sa akin.
"They got lost," malamig ngunit malalim ang tono niya. "I figured their mother would be worried."
Napalunok ako, hindi makapagsalita. Alam kong nakita niya. Alam kong ramdam niya.
"You…" bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko.
Ngunit bago pa ako makakilos, isang mas mabigat na presensya ang lumunod sa paligid.
"Seraphina!"
Napapitlag ako nang marinig ang boses ng taong matagal ko nang tinakasan. Si Daddy kasama si Mommy… at si Victor Alaric Vasquez.
Malamig ang titig ni Daddy nang mapadako ang tingin niya sa kambal.
"Who are these children?" malamig niyang tanong.
Bago pa ako makasagot, isang malakas na tinig ang pumuno sa hangin.
"They're mine."
Napalingon ako sa kanya sa lalaking minsan ko lang nakilala ngunit ngayo'y handang ipaglaban ako.
อ่าน
Chapter: CHAPTER 47May mga gabi na mas tahimik kaysa sa dapat at sa mga gabing iyon doon ka pinaka-malakas maririnig ng sarili mong puso. At ngayon isa iyon sa mga gabing ‘yon hindi ako makatulog. Hindi dahil hindi ko kaya kundi dahil ayokong ipikit ang mga mata ko at maalala kung gaano ako kalayo kay Caelum. Nakaupo ako sa gilid ng kama, yakap ang sarili ko habang nakatitig sa sahig. Ilang oras na yata akong ganito. Hindi ko na alam hindi ko na rin alam kung anong oras na. Dito sa lugar na ‘to parang hindi umiikot ang oras parang lahat nakahinto.maliban sa sakit napapikit ako sandali.“Tumigil ka na…” Mahina akong napatawa ang sakit pakinggan lalo na’t ako mismo ang nagsabi noon. Kay Caelum pinilit ko siyang lumayo pinilit ko siyang sumuko. Pero ang totoo? Ako ang hindi kayang bumitaw.“Ang tanga mo, Seraphina…” bulong ko sa sarili ko dahan-dahan akong huminga nang malalim, pilit kinakalma ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag kailangan kong mag-isip.Hindi pwedeng ganito lang ako habang hawak a
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-07-26
Chapter: CHAPTER 46Caelum POV Hindi ako huminga agad pagkatapos maputol ang tawag. Parang may humigpit sa dibdib ko parang may kamay na dahan-dahang pumipiga sa puso ko hanggang sa wala nang matira kundi sakit. “Hindi na ako babalik.” Paulit-ulit na umuukit sa isip ko ang mga salitang iyon ni Seraphina. Hindi iyon totoo kilala ko siya, kilala ko kung paano siya magsalita. Kung paano siya huminga sa pagitan ng bawat salita. Kung paano nanginginig ang boses niya kapag may tinatago siya. At kanina narinig ko iyon she was lying para sa akin para ilayo ako. “At akala niya… susuko ako?” napatawa ako nang mahina, pero walang saya doon puro galit at sakit lang. Napahawak ako sa mesa sa harap ko, mariin ang pagkakahawak hanggang sa mamuti ang mga daliri ko. Hindi siya babalik? Hindi niya kailangan ng tulong? Bullshit. “Mas kilala kita kaysa sa sarili mo, Seraphina…” bulong ko at hindi kita iiwan hindi ngayon, hindi kailanman. “Sir, please kailangan niyo pong magpahinga.” Hindi ko pinansin ang boses ng dokt
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-07-25
Chapter: CHAPTER 45THIRD PERSON POV Mabigat ang gabi hindi dahil madilim kundi dahil sa katahimikang parang may tinatago. Sa loob ng malawak ngunit malamig na mansion ni Alaric, bawat hakbang ay may kasamang kaba. Hindi ito lugar na nagbibigay ng seguridad ito ay kulungan na pinapalamutian lang ng karangyaan. Sa isang kwarto sa ikalawang palapag, tahimik na nakaupo si Seraphina sa gilid ng kama. Hindi siya nakatali hindi siya binabantayan sa loob. Pero alam niya hindi iyon nangangahulugang malaya siya. Ang bawat galaw niya ay siguradong minamasdan ang bawat hinga niya binibilang. Nakatitig siya sa sahig, tila malalim ang iniisip. Hindi na siya umiiyak. Hindi na rin siya nanginginig gaya kanina. Mas delikado dahil ngayon nag-iisip na siya. Sa kabilang bahagi naman ng mansion, sa isang malawak na opisina, nakatayo si Alaric sa harap ng malaking bintana. Tanaw niya ang dilim sa labas, ngunit ang nasa isip niya ay mas madilim pa roon. “Hindi siya sumisigaw,” sabi ng lalaking tauhan niya mula sa likod ta
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-07-24
Chapter: CHAPTER 44SERAPHINA POVHindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Ang alam ko lang noong dumilat ako, hindi na ako nandoon. Hindi na ako kasama ni Caelum at iyon ang unang bagay na sumira sa akin. Nanikip ang dibdib ko habang unti-unting nagiging malinaw ang paligid. Madilim ang kwarto, pero hindi ganap may ilaw na galing sa isang lamparang nasa sulok. Malamig. Malinis. Halatang hindi ito basta-bastang lugar. At lalo akong kinabahan dahan-dahan akong gumalaw. Masakit ang katawan ko, pero wala akong nakitang tali sa mga kamay ko. Hindi ako nakagapos.Pero hindi ibig sabihin noon na malaya ako bigla akong napaupo nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Click. Napatigil ako at doon pumasok siya si Alaric. Hindi siya nagmamadali. Parang walang nangyaring mali. Parang normal lang ang lahat parang hindi niya ako dinukot.“Good,” sabi niya habang papalapit. “Gising ka na.” Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang siya. Galit, takot at pagkasuklam.“Bakit mo ginawa ‘to?” tanong ko,
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-07-22
Chapter: CHAPTER 43Tahimik ang paligid hindi yung payapang katahimikan kundi yung uri ng katahimikan na parang may nagtatago. Parang may nagmamasid. Sa loob ng pribadong rest house kung saan pansamantalang dinala si Caelum para makapagpahinga, mabigat ang hangin. Amoy antiseptic pa rin ang paligid paalala ng ospital na pinanggalingan niya. Nakatayo si Seraphina sa may bintana, yakap ang sarili hindi siya mapakali.“May mali,” mahina niyang sabi napatingin si Caelum sa kanya mula sa kama. Kahit may benda pa siya at halatang hindi pa fully recovered, malinaw alerto siya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya hindi agad sumagot si Seraphina. Pinakiramdaman niya yung pakiramdam na iyon… hindi bago qt doon nanlamig siya.“Si Alaric…” bulong niya at parang cue may kumalabog. Isang malakas na tunog mula sa labas pareho silang napalingon. Sunod-sunod na yabag. Mabibigat at mabilis hindi na sila nag-usap pa alam na nila.“Huwag kang lalapit sa pinto,” agad na sabi ni Caelum, pilit tumatayo kahit masakit. “Cael
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-07-21
Chapter: CHAPTER 42CAELUM POV Hindi pa rin nawawala yung sakit hindi na siya katulad ng sugat sa katawan hindi na simpleng kirot na mawawala sa pahinga o gamot. Ito’y mas malalim. Parang may kung anong pwersa na patuloy na kumakain sa loob ng isip ko, pilit binubuksan ang isang pintong matagal nang nakasara. At ngayon hindi ko na siya mapigilan napapikit ako, hinihingal, habang hawak ang ulo ko. Parang may mga boses na sabay-sabay na sumisigaw, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Mga larawan na hindi ko kilala pero pakiramdam ko, akin. “Ayos ka lang ba?” Boses niya seraphina dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko siya sa harap ko—punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. Parang natatakot siyang mawala ako. At hindi ko alam kung bakit pero ayokong mangyari ‘yon. “Ayos lang ako,” sagot ko, kahit halatang hindi siya naniwala kita ko sa mga mata niya. “Hindi,” mahina niyang sabi. “Hindi ka okay.” Tahimik ako kasi tama siya hindi talaga ako okay. “May nakita ka, ‘di ba?” tanong
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-07-20