
Wrapped In His Riches (SPG)
Raquel Aguas is the definition of spoiled. Wala siyang inatupag kundi party, shopping, gala, at pagwaldas ng pera ng magulang niya. Wala siyang pakialam sa negosyo, sa future, o kahit sa expectations ng pamilya niya—basta't masaya siya.
Pero nang mapuno na ang magulang niya sa kawalang-direksyon niya, tinakot siyang hindi niya makukuha ang mana niya kung hindi siya matutong magpakatao.
Dahil sa takot na mawala ang marangyang buhay na nakalaan sa kanya, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang kondisyon—ang pumasok sa House of Aguas at tumulong sa kuya niya sa pamamalakad ng kompanya.
Sa kasamaang palad, dala lang ni Raquel ang kalat at stress sa opisina. Hindi siya seryoso, laging palpak, at tila ba wala talagang pake. Kaya nagdesisyon ang kuya niyang bigyan siya ng isang project—isang mission na kapag matagumpay niyang nagawa, malaya na siyang bumalik sa dating buhay niya.
Kailangan niyang papirmahin ang mayor ng Santa Monica para sa isang malaking proyekto ng House of Aguas Corporation.
Sa una'y inakala niyang madali lang iyon. Pero nang makilala niya si Mayor Caelum Argente ay doon siya nagkamali. Guwapo man ito, ngunit masyadong matigas ang prinsipyo. Paulit-ulit siyang binigo at tinanggihan, tila ba sinasadya siyang pahirapan.
Habang lumilipas ang mga araw, lalong nawawala ang pasensya niya. Pero dahil desperada siyang matapos ang trabaho at makuha ang kalayaang gusto niya, pilit siyang naghahanap ng paraan para mapasunod ang mayor.
Ang hindi niya inaasahan ay ang kondisyong kapalit ng pirma nito—isang kondisyon na hindi pera o pabor ang hinihingi, kundi ang maging sex slave siya nito!
Read
Chapter: Chapter 4Napatingin si Raquel sa pinto kung saan sila huminto. "A private room?" bulalas niya at hindi napigilang mapataas ang dalawang kilay.Tumango ang staff sa kanya. "Yes, ma'am. We do offer private rooms for important meetings," sagot niya bago tuluyang binuksan ang pinto.Bumungad kay Raquel ang isang round, wooden table na may dalawang upuan lang. Naroon, nakaupo si Caelum sa isang upuan at sumisimsim ng tsaa. Kitang-kita ni Raquel kung paano ito tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa.Napamura siya sa kanyang isipan dahil iba kung makatingin ang Mayor. The way he stares at her gives her a funny feeling. She finds his eyes sexy and dangerous.Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili niya. Alam niya sa sarili niyang attracted siya sa Mayor. He's her type. Lahat ng pisikal na katangiang mayroon ito ay ang hinahanap ni Raquel sa isang lalaki. Hindi naman ito ang unang beses na may nakilala si Raquel na matangkad, moreno, maskulado, at guwapong lalaki, pero ito ang unang beses
Last Updated: 2025-05-12
Chapter: Chapter 3"Raquel Madrid, huh?"Hindi maitago ni Caelum ang ngisi niya hanggang sa makapasok na siya ng sasakyan. He couldn't believe that someone just walked straight into his trap... someone from the company he loathes the most.Pero agad nawala ang ngisi niya nang makitang nakatitig sa kanya si Darwin, ang matalik niyang kaibigan at head ng security niya. Maloko itong nakangisi sa kanya na tila ba may naiisip na kalokohan."That chick was hot!" bungad na sambit nito. "Who is she? Bago mo na naman?"Umiling si Caelum bago dumiretso ng upo. "I don't personally know her. She just wanted me to sign... a few documents," paliwanag niya sabay sandal sa upuan at agad na pumikit para ipahinga ang mga mata niya. Tatlong oras lang kasi ang tulog niya dahil may kinailangan siyang tapusing mga papeles kagabi."Can I have her?" tanong nito na para bang humihingi lang ng laruan. "She's a great toy to play with. She’s incredibly hot. She’s my type—""No," matigas niyang sagot bago nagmulat ng mga mata at ti
Last Updated: 2025-05-12
Chapter: Chapter 2"Calm down, Raq," bulong ni Raquel sa sarili niya habang inililibot ang tingin sa opisin ng Mayor. Kalahating oras na siyang naghihintay na bumalik ito."Ma'am, balik na lang po kayo bukas. Mukhang hindi na po kasi babalik si Mayor, eh," sambit sa kanya ng isang staff.Umiling siya at ngumiti. "No. I'll wait 'til he comes back," giit niya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya napapapirmahan ang mga dokumento."Basta po sinabihan ko na kayo," sambit ng babae bago bumalik sa cubicle nito.Tumango siya bago tiningnan ang cellphone niya. Napanguso siya nang makita ang posts ng mga kaibigan sa social media na kasalukuyang nasa Paris."Kasama sana ako rito," bulong niya at hinaplos-haplos ang screen ng cellphone."Don't worry, guys. I'll be joining you soon," dagdag niya bago pinatay ang cellphone at muling tumingin sa pinto para hintaying bumalik ang mayor.She gracefully stood up while keeping her sweet smile. Pagkatapos ay lumapit siya sa babaeng kumausap sa kanya."Excuse me," malambing
Last Updated: 2025-05-12
Chapter: Chapter 1Mabilis na hinawakan ni Raquel ang malaking sumbrero nang umihip ang preskong hangin ng probinsiya, pagkababa na pagkababa niya ng taxi. "So this is the Santa Monica? Not bad," aniya bago hinila ang maleta. Tiningnan niya ang cellphone para kunin ang address ng napili niyang hotel. "Time to get started."Isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig niya nang sa wakas ay makahiga na siya sa malambot na kama ng five-star hotel na tinutuluyan niya. Napatingin siya sa kisame at binalikan ang mga planong binuo niya. Pagkatapos ay marahan siyang bumangon at agad na hinalungkat ang mga gamit.Una niyang kinuha ang pekeng ID na ipinagawa niya dahil sinunod niya ang sinabi sa kanya ng kuya niya na huwag gagamitin ang Aguas bilang apelyido niya. Hindi niya alam kung bakit, pero ginawa niya pa rin.Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-lunch kaya tuluyan na siyang tumayo mula sa kama at hinalungkat ang laman ng maleta niya.She wore a custom white dress and paired it with nude stilettos."Per
Last Updated: 2025-05-12