Share

Chapter 2

Author: DoraExplorer
last update Last Updated: 2025-05-12 23:08:44

"Calm down, Raq," bulong ni Raquel sa sarili niya habang inililibot ang tingin sa opisin ng Mayor. Kalahating oras na siyang naghihintay na bumalik ito.

"Ma'am, balik na lang po kayo bukas. Mukhang hindi na po kasi babalik si Mayor, eh," sambit sa kanya ng isang staff.

Umiling siya at ngumiti. "No. I'll wait 'til he comes back," giit niya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya napapapirmahan ang mga dokumento.

"Basta po sinabihan ko na kayo," sambit ng babae bago bumalik sa cubicle nito.

Tumango siya bago tiningnan ang cellphone niya. Napanguso siya nang makita ang posts ng mga kaibigan sa social media na kasalukuyang nasa Paris.

"Kasama sana ako rito," bulong niya at hinaplos-haplos ang screen ng cellphone.

"Don't worry, guys. I'll be joining you soon," dagdag niya bago pinatay ang cellphone at muling tumingin sa pinto para hintaying bumalik ang mayor.

She gracefully stood up while keeping her sweet smile. Pagkatapos ay lumapit siya sa babaeng kumausap sa kanya.

"Excuse me," malambing niyang tawag rito. "I guess you're right... mukhang hindi na talaga babalik si Mayor Argente. I guess I'll have to come back tomorrow," dagdag niya bago may iniabot na piraso ng papel sa babae.

"This is my calling card. Can you contact me when he's here?"

Tumingin sa kanya ang babae at ngumiti. "Sure, ma'am. I'll contact you right away."

Ngumiti nang matamis si Raquel bago nagpasalamat at nagpaalam na aalis na siya.

Madiin niyang ikinuyom ang magkabila niyang kamay para pigilan ang sarili.

She held her anger until she reached her hotel. Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto niya at ibinagsak ang sarili sa kanyang kama sabay sipa sa hangin.

"Dàmn that man!" Tumili siya nang pagkalakas-lakas habang sumisipa at sumusuntok sa hangin.

Gumulong-gulong siya sa kama habang tumitili sa inis.

Bumangon siya at pinaghahampas ang unan.

"Who does he think he is?! He serves the people, so why the hell did he walk out on me?!"

Walang pagsidlan ang inis na nararamdaman niya. She was expecting to have the documents signed today pero sinira ng Mayor na 'yon.

Makukuha na sana niya ang mana niya at makakabalik sa dating buhay.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising para maghanda nang muli.

She made sure to wake up before the sun rises.

Kahit na alas-otso pa ng umaga ang bukas ng opisina ng Mayor ay kailangang stand-by na siya para kapag tumawag or nag-text ang staff doon ay makakapunta siya agad.

Tumingin siya sa salamin at nag-isip ng magandang hairstyle at ng magandang susuotin.

"A fresh-looking outfit will do," bulong niya sa hangin bago hinawakan ang mahaba at tuwid na tuwid niyang kulay kapeng buhok.

Nang matapos ay nanghalungkat siya ng mga damit hanggang sa makapili ng light yellow dress na may manipis at breathable na tela.

Bagay na bagay sa klima ng lugar.

"Perfect!" Napangisi siya habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. "Tingnan lang natin kung hindi ka pa maakit sa akin mamaya, Mr. Mayor," dagdag niya na tila ba kausap ang gobernador.

Nag-breakfast muna siya bago dumiretso sa kapitolyo.

Todo ngisi pa sa kanya ang guard na naghatid sa kanya kahapon kaya nginitian niya rin ito pabalik para siguradong gumanda ang araw nito.

"Ang tagal naman," reklamo niya nang lumipas ang 15 minutes pero hindi pa rin dumarating ang mayor.

Nang maalala niyang baka mag-walk out na naman ito kapag makita siya ay agad siyang naghanap ng pwesto kung saan hindi siya agad makikita ng mayor kung sakali mang pumasok ito sa kapitolyo.

At matapos nga ang halos kalahating oras na paghihintay ay sa wakas dumating na rin ang mayor.

Napatitig na lang siya rito nang makitang nakasuot ito ng barong. Matikas na matikas ang tindig nito. Lalaki na lalaki. Bagay na bagay ang kutis nito sa kasuotan. Napalunok siya dahil kahinaan niya talaga ang mga pisikal na katangiang mayroon ang Mayor. Gusto sana niya itong salubungin, but that would be inappropriate of her. Kahit na wala siyang interes sa corporate world ay alam niya pa rin kung ano ang kalakaran kapag nagpapapirma ng mga importanteng dokumento—and it should be done in offices or at least in formal and comfortable places.

Hinintay niya munang lumagpas ang Mayor, bago siya tumayo at sumunod. Sinigurado niya talagang papasok ito sa opisina at nang hindi na ito makatakas pa. She will corner him if she must para lang mapirmahan ang mga dokumentong dala niya.

"Good morning, Ma'am Heidi," bati niya sa staff na pinagbigyan niya ng number niya kahapon. "Pwede na bang i-meet si Mayor Argente?"

Ngumiti ang babae at tumango. "Yes po. Mabuti nga at maaga kayo dahil aalis na 'yan si Mayor mamayang mga 9:00 AM dahil may dadaluhan 'yang event."

Napatango siya sa sinabi ng babae. "That explains his get-up," sa isip niya.

Nagpaalam na siya sa staff at mabilis na kumatok sa pinto ng Mayor.

"Fight ka lang, girl," bulong niya sa sarili niya bago pinihit ang doorknob. Todo ngiti siya kahit hindi pa man siya tuluyang nakakapasok. "Good morning, Mayor Argente," matamis niyang bati sa lalaki na abala sa pagpirma ng mga papel na nasa mesa nito.

Hindi ito kaagad nag-angat ng tingin kaya tumikhim siya para makuha ang atensyon nito.

"Good morning, Mayor Argente—"

"Why are you here?" matigas nitong putol sa sinasabi niya. "I clearly told you that I won't sign those documents." Matalim itong tumingin sa kanya kaya medyo napaatras siya sa takot.

Lumunok ng laway si Raquel bago huminga nang malalim. Nakakatakot man ang Mayor, pero mas natatakot siyang hindi makabalik agad sa dating buhay. Mas natatakot siyang manganib ang kanyang mana.

"With all due respect, Mayor Argente, may I know w—"

"I already sent a letter to your company," mariin nitong sambit sa dalaga, pagkatapos ay tumayo na ito at mabilis na naglakad palabas ng opisina.

Nanlaki ang mata ni Raquel at nataranta siya! Mukhang magwo-walk out na naman ito!

"W-Wait!" pasigaw niyang sabi at hinabol ang gobernador palabas. Wala na siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao.

She's desperate to have the documents signed!

"Mr. Mayor!" sigaw niya. "Wait!" umalingawngaw ang sigaw niya sa buong lobby. Napamura na lang siya nang hindi talaga siya nililingon ng Mayor. Kasama na nito ang mga tauhan nito at pababa na sa ground floor.

Wala siyang nagawa kundi ang patakbong bumaba ng hagdan kahit pa nakasuot siya ng stilettos.

"Mr. Mayor!" sigaw niya nang tuluyan itong mahabol sa parking lot ng kapitolyo. Hinarang pa siya ng mga personal bodyguard nito pero hindi siya nagpatinag.

"Mayor Caelum Argente!" malakas niyang sigaw gamit ang matinis na boses.

Napangiti siya nang sa wakas ay tumigil sa paglalakad ang Mayor sabay lingon sa kanya.

"What?" malamig nitong sagot sabay senyas sa mga bodyguard nito na hayaan si Raquel na makalapit.

"I... I don't know what's stopping you from signing these documents, but please..." Huminga siya nang malalim dahil hiningal siya kakahabol sa bwisit na Mayor na pa-hard to get!. Nang bumalik sa dati ang paghinga niya ay tumitig siya sa mga mata ng Mayor bago nagmakaawa. "Please... sign these. My life depends on these papers," aniya at siniguradong nakakaawa ang tono ng boses niya. Kung kailangan niyang um-acting para lang mapapirmahan ang mga dokumento ay gagawin niya.

"I am willing to do anything, pirmahan n'yo lang ito," dagdag niya para magtunog desperada siya.

Napatingin sa mga mata niya ang Mayor. Kitang-kita ni Raquel ng paano saglit na umangat ang isang sulok ng mga labi nito.

"Anything, you say?"

"Yes," mabilis niyang sagot.

Marahan itong tumango. "I see. I'll think about it. Come and see me again tomorrow and I'll let you know about my decision," sagot nito. "For now, excuse me for I still have to attend an event," dagdag nito bago mabilis na pumasok sa sasakyan.

At bago umandar ang sasakyan ay nakita ni Raquel na tinapunan siya ng tingin ng Mayor mula ulo hanggang paa, bagong ngumisi sabay taas ng salamin ng sasakyan.

Napangisi na lang si Raquel habang tinitingnan ang papalayong sasakyan ng Mayor.

"Binigyan niya ako ng chance!" tili niya bago tiningnan ang mga papeles.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagsasaya niya ay napaisip siya nang maalala ang reaksyon ng Mayor kanina.

Ngumisi ito sa kanya. Isang nakakalokong ngisi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 4

    Napatingin si Raquel sa pinto kung saan sila huminto. "A private room?" bulalas niya at hindi napigilang mapataas ang dalawang kilay.Tumango ang staff sa kanya. "Yes, ma'am. We do offer private rooms for important meetings," sagot niya bago tuluyang binuksan ang pinto.Bumungad kay Raquel ang isang round, wooden table na may dalawang upuan lang. Naroon, nakaupo si Caelum sa isang upuan at sumisimsim ng tsaa. Kitang-kita ni Raquel kung paano ito tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa.Napamura siya sa kanyang isipan dahil iba kung makatingin ang Mayor. The way he stares at her gives her a funny feeling. She finds his eyes sexy and dangerous.Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili niya. Alam niya sa sarili niyang attracted siya sa Mayor. He's her type. Lahat ng pisikal na katangiang mayroon ito ay ang hinahanap ni Raquel sa isang lalaki. Hindi naman ito ang unang beses na may nakilala si Raquel na matangkad, moreno, maskulado, at guwapong lalaki, pero ito ang unang beses

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 3

    "Raquel Madrid, huh?"Hindi maitago ni Caelum ang ngisi niya hanggang sa makapasok na siya ng sasakyan. He couldn't believe that someone just walked straight into his trap... someone from the company he loathes the most.Pero agad nawala ang ngisi niya nang makitang nakatitig sa kanya si Darwin, ang matalik niyang kaibigan at head ng security niya. Maloko itong nakangisi sa kanya na tila ba may naiisip na kalokohan."That chick was hot!" bungad na sambit nito. "Who is she? Bago mo na naman?"Umiling si Caelum bago dumiretso ng upo. "I don't personally know her. She just wanted me to sign... a few documents," paliwanag niya sabay sandal sa upuan at agad na pumikit para ipahinga ang mga mata niya. Tatlong oras lang kasi ang tulog niya dahil may kinailangan siyang tapusing mga papeles kagabi."Can I have her?" tanong nito na para bang humihingi lang ng laruan. "She's a great toy to play with. She’s incredibly hot. She’s my type—""No," matigas niyang sagot bago nagmulat ng mga mata at ti

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 2

    "Calm down, Raq," bulong ni Raquel sa sarili niya habang inililibot ang tingin sa opisin ng Mayor. Kalahating oras na siyang naghihintay na bumalik ito."Ma'am, balik na lang po kayo bukas. Mukhang hindi na po kasi babalik si Mayor, eh," sambit sa kanya ng isang staff.Umiling siya at ngumiti. "No. I'll wait 'til he comes back," giit niya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya napapapirmahan ang mga dokumento."Basta po sinabihan ko na kayo," sambit ng babae bago bumalik sa cubicle nito.Tumango siya bago tiningnan ang cellphone niya. Napanguso siya nang makita ang posts ng mga kaibigan sa social media na kasalukuyang nasa Paris."Kasama sana ako rito," bulong niya at hinaplos-haplos ang screen ng cellphone."Don't worry, guys. I'll be joining you soon," dagdag niya bago pinatay ang cellphone at muling tumingin sa pinto para hintaying bumalik ang mayor.She gracefully stood up while keeping her sweet smile. Pagkatapos ay lumapit siya sa babaeng kumausap sa kanya."Excuse me," malambing

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 1

    Mabilis na hinawakan ni Raquel ang malaking sumbrero nang umihip ang preskong hangin ng probinsiya, pagkababa na pagkababa niya ng taxi. "So this is the Santa Monica? Not bad," aniya bago hinila ang maleta. Tiningnan niya ang cellphone para kunin ang address ng napili niyang hotel. "Time to get started."Isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig niya nang sa wakas ay makahiga na siya sa malambot na kama ng five-star hotel na tinutuluyan niya. Napatingin siya sa kisame at binalikan ang mga planong binuo niya. Pagkatapos ay marahan siyang bumangon at agad na hinalungkat ang mga gamit.Una niyang kinuha ang pekeng ID na ipinagawa niya dahil sinunod niya ang sinabi sa kanya ng kuya niya na huwag gagamitin ang Aguas bilang apelyido niya. Hindi niya alam kung bakit, pero ginawa niya pa rin.Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-lunch kaya tuluyan na siyang tumayo mula sa kama at hinalungkat ang laman ng maleta niya.She wore a custom white dress and paired it with nude stilettos."Per

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status