Wrapped In His Riches (SPG)

Wrapped In His Riches (SPG)

last updateLast Updated : 2025-05-12
By:  DoraExplorerOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Raquel Aguas is the definition of spoiled. Wala siyang inatupag kundi party, shopping, gala, at pagwaldas ng pera ng magulang niya. Wala siyang pakialam sa negosyo, sa future, o kahit sa expectations ng pamilya niya—basta't masaya siya. Pero nang mapuno na ang magulang niya sa kawalang-direksyon niya, tinakot siyang hindi niya makukuha ang mana niya kung hindi siya matutong magpakatao. Dahil sa takot na mawala ang marangyang buhay na nakalaan sa kanya, wala siyang nagawa kundi tanggapin ang kondisyon—ang pumasok sa House of Aguas at tumulong sa kuya niya sa pamamalakad ng kompanya. Sa kasamaang palad, dala lang ni Raquel ang kalat at stress sa opisina. Hindi siya seryoso, laging palpak, at tila ba wala talagang pake. Kaya nagdesisyon ang kuya niyang bigyan siya ng isang project—isang mission na kapag matagumpay niyang nagawa, malaya na siyang bumalik sa dating buhay niya. Kailangan niyang papirmahin ang mayor ng Santa Monica para sa isang malaking proyekto ng House of Aguas Corporation. Sa una'y inakala niyang madali lang iyon. Pero nang makilala niya si Mayor Caelum Argente ay doon siya nagkamali. Guwapo man ito, ngunit masyadong matigas ang prinsipyo. Paulit-ulit siyang binigo at tinanggihan, tila ba sinasadya siyang pahirapan. Habang lumilipas ang mga araw, lalong nawawala ang pasensya niya. Pero dahil desperada siyang matapos ang trabaho at makuha ang kalayaang gusto niya, pilit siyang naghahanap ng paraan para mapasunod ang mayor. Ang hindi niya inaasahan ay ang kondisyong kapalit ng pirma nito—isang kondisyon na hindi pera o pabor ang hinihingi, kundi ang maging sex slave siya nito!

View More

Chapter 1

Chapter 1

Mabilis na hinawakan ni Raquel ang malaking sumbrero nang umihip ang preskong hangin ng probinsiya, pagkababa na pagkababa niya ng taxi. 

"So this is the Santa Monica? Not bad," aniya bago hinila ang maleta. Tiningnan niya ang cellphone para kunin ang address ng napili niyang hotel. "Time to get started."

Isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig niya nang sa wakas ay makahiga na siya sa malambot na kama ng five-star hotel na tinutuluyan niya. Napatingin siya sa kisame at binalikan ang mga planong binuo niya. Pagkatapos ay marahan siyang bumangon at agad na hinalungkat ang mga gamit.

Una niyang kinuha ang pekeng ID na ipinagawa niya dahil sinunod niya ang sinabi sa kanya ng kuya niya na huwag gagamitin ang Aguas bilang apelyido niya. Hindi niya alam kung bakit, pero ginawa niya pa rin.

Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-lunch kaya tuluyan na siyang tumayo mula sa kama at hinalungkat ang laman ng maleta niya.

She wore a custom white dress and paired it with nude stilettos.

"Perfect," nakangiti niyang sabi at nagpaikot-ikot pa sa harap ng salamin. "Such a gorgeous woman," dagdag niya. "This is one of the reasons why I travel the world—to let every kind of man see my incomparable beauty."

Kinuha na niya ang folder at mabilis na lumabas ng kwarto niya, dumiretso na siya sa opisina ng Mayor.

Bumungad sa kanya ang tipikal na gusali ng mga Mayor Office. Pansin niya agad ang tingin sa kanya ng mga tao, lalo na ang mga guard na nakabantay sa entrance.

Matamis niyang nginitian ang mga ito. "Good afternoon, dear guards. Where is the Mayor's office?" malambing niyang tanong bago marahang inilagay ang iilang hibla ng buhok sa likod ng kanyang tainga.

"Up there, Ma'am," sagot ng isang guwardiya na tila nabighani sa ganda niya. "Samahan ko na po kayo," sagot nito bago naunang maglakad.

Napangiti na lang siya sa nakita. Asset niya talaga ang ganda niya. She can entice any man with her charms. At base sa mga pangalan ng mga nasa dokumento ay pawang mga kalalakihan ang pipirma, kaya ganoon na lang siya kasigurado na matatapos niya agad ang ibinigay na trabaho sa kanya.

Nang makapasok siya sa building ay naging sentro siya ng atensyon. Lahat ay napapatingin sa kanya, lalo na't purong puti ang suot niya na bagay na bagay sa balat niyang mala-gatas sa puti. Binabati rin siya ng mga nakakasalubong niya.

"What is your purpose here, ma'am?" tanong ng guard.

"I need to get these signed," sagot niya bago ibinigay sa guwardiya ang mga dokumento. "Do you know where I can find their offices?"

Tiningnan ng guwardiya ang dokumento at binasa ito. "Naku, ma'am, kailangan n'yong unahin itong mga nasa taas bago si Mayor," sambit nito. "Sila muna ang dapat pumirma, bago si Mayor," dagdag nito bago itinuro ang mga pangalan.

"Oh..." Marahang tumango si Raquel. Hindi niya akalain na may order pala ang pagpapapirma. "Can you lead me to their offices?"

Mabilis na tumango ang guwardiya at ginabayan si Raquel sa mga opisina ng mga taong paipirmahin niya.

Ni hindi na niya kinailangang ipakita ang ID niya at ipaliwanag ang purpose ng mga dokumento. Nadaan niya ang lahat sa matatamis niyang salita at siyempre sa angkin niyang ganda.

"Now, all that's left is the Mayor," aniya at hindi napigilang mapangisi.

Agad niyang kinuha ang cellphone at kinuhanan ng litrato ang mga pirmang nakuha niya at sinend ito sa kapatid na may kasamang mensahe. "I'm almost done, kuya. Don't you ever take your words back."

"Ma'am, may meeting pa si Mayor. You wait for 10 minutes, okay?" sabi ng guard.

Tumango lamang si Raquel bago tumayo at hinawakan ang kamay ng guwardiya.

"Thank you so much for your help, dear guard."

Pinisil niya ang kamay nito at matamis na nginitian.

"W-Wala 'yon, ma'am," namumulang sagot nito at hindi magawang makatingin sa babae. "Sige po, balik na ako sa duty."

Tumango lang si Raquel bago prenteng umupo sa waiting area. Pansin niya ang titig sa kanyang mga kasabayan pero hindi na niya ito binigyang-pansin dahil hindi naman niya sila kailangan.

"Sino 'yong may appointment kay Mayor? Tapos na ang meeting," announce ng isang babaeng nasa mid-30s.

Mabilis na tumayo si Raquel at lumapit dito.

"I do," sagot niya sabay pakita ng mga dokumento. "I have to get these papers signed."

"May pila," matigas na sambit ng babae bago siya nilagpasan.

"Hindi gagana ang pretty privilege mo rito," bulong nito bago tuluyang lumapit sa mga kasama niyang naghintay kanina.

Napairap siya sa hangin. Gusto niya sanang sagutin ang malditang babae pero hinayaan na lang niya.

"Sa ugali na lang sana babawi," bulong niya bago umupo at naghintay na tawagin siya.

Matapos ang halos kalahating oras ay tinawag na rin siya. Lukot na ang mukha niya dahil sa pagkainip. Nagsimula na rin siyang magpawis dahil hindi maganda ang ventilation sa lugar.

Pero nang makapasok siya sa loob ng opisina ng Mayor ay napapikit siya sa sarap nang maramdaman ang lamig ng aircon.

"This way," masungit na sambit ng babae bago siya ginabayan sa isang pinto.

"Thank you," malambing niyang sambit dito at matamis niyang nginitian kahit sa kaloob-looban niya ay gusto na niya itong awayin.

Unang bumungad sa kanya ay ang maskuladong halimuyak ng isang mamahaling pabango. Hindi niya tuloy maiwasang mapaisip na baka ka-edad lang ng kuya niya ang gobernador.

"Good after—"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang makita ang Mayor.

Holy shìt!

Hindi niya napigilang mapatitig dito. He looks so young and masculine. Malayong-malayo sa mga tipikal na Mayor na nakikita niya sa bansa. Sa tingin niya ay nasa mid-30s pa ito. Lalaking-lalaki ang dating ng Mayor.

Agad na bumaba ang mga mata niya sa nameplate nito sa mesa. Caelum V. Argente.

"Yes?"

Tumingin sa kanya ang mayor at halos matunaw siya sa titig nito. Tumayo ito kaya nakita ni Raquel kung gaano ito katangkad.

Ang gwapo!

Kahinaan ni Raquel ang isang tall, dark, and handsome na lalaki at lahat ng 'yon ay katangian ng lalaking nasa harapan niya.

Mura siya nang mura sa isipan dahil hindi sinabi sa kanya ng kuya niya na ganito pala kaguwapo ang Mayor ng Santa Monica. Kung alam niya lang, e 'di sana ay sinuot na niya ang pinakamagandang damit na mayroon siya.

"Miss?"

Napakurap siya nang marinig ang malalim na boses ng Mayor. Oh God, hindi niya mapigilang maisip kung ano ang boses nito sa kama. Sigurado siyang ang sexy nitong pakinggan... na ang sarap nito sa tainga.

Napailing siya bago pilit na ngumiti.

"O-Oh, good morning, I mean afternoon," sambit niya at inilahad ang kamay niya.

"I'm Raquel Ag—Madrid... and I am a representative from the House of Aguas, and I am here to have these documents signed," maligalig niyang pagpapakilala. Todo-ngiti pa siya habang kinukurap-kurap ang mata, nagbabakasakali na baka hindi lang sa dokumento niya makukumbinsi ang Mayor.

"House of Aguas, you say?" pagkaklaro nito.

Mabilis na tumango ang babae. "Yes, a—"

"Get out," putol nito sa sinasabi niya.

Kitang-kita ni Raquel kung paano nawala ang ngiti sa labi ng Mayor. Pagkatapos ay matalim itong tumingin sa kanya dahilan para bahagya siyang mapaatras.

"Get out of my office. I won't be signing those documents," matigas nitong sabi.

"M-May I ask why?" tanong niya.

"I believe I already sent a letter to your company," may riin nitong sambit. "I hope you're not stùpid enough to not to know of it. Now leave. Marami pa akong trabaho na dapat tapusin, and you're distrusting me."

Mabilis na umiling si Raquel. Hindi siya pwedeng umalis. Isang pirma na lang. Ilang minuto lang ang itatagal no'n at matatapos na niya ang ibinigay sa kanyang trabaho. Makakabalik na siya sa dati niyang buhay... may mga credit cards, may mga sasakyan... at parating nagta-travel sa iba't-ibang bansa.

"Mr. Mayor, I won't leave not unless you sign these," pagmamatigas niya. "It won't cost you half an hour to sign these a—"

"Hindi ka aalis? Then I will," sagot ng mayor bago siya mabilis na nilagpasan. Napaigtad pa siya nang marinig ang marahas na pagsara ng pinto.

Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Napatanong tuloy siya kung alam ba ng kuya niya na ganoon ang magiging reaksyon ng Mayor... na kung iyon ba ang rason kung bakit pinayuhan siya nito na huwag gamitin ang apelyido na Aguas.

"Just what the hell is going on?" naibulong na lang niya bago lumingon sa nakasarang pinto. "Mr. Mayor! Wait, sandali!" sigaw niya. "Mayor Argente!"

Naghintay pa siya ng ilang minuto, nagbabakasakali na bumalik ang Mayor, pero halos isang oras na siya roon ngunit hindi pa rin ito nagpapakita, kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo at umalis na lang.

Pero hindi ibig sabihin no'n ay susuko na siya! Hindi pwede!

She's so close to getting her old life back. Just one more signature and she's free. Kaya hindi siya susuko. Hindi siya aatras.

If she has to visit his office for days, then gagawin niya.

Papipirmahin niya ang Mayor ahit na anong mangyari.

She will do everything to have Caelum Argente's signature! Everything!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status