Share

Chapter 4

Author: DoraExplorer
last update Last Updated: 2025-05-12 23:54:29

Napatingin si Raquel sa pinto kung saan sila huminto. "A private room?" bulalas niya at hindi napigilang mapataas ang dalawang kilay.

Tumango ang staff sa kanya. "Yes, ma'am. We do offer private rooms for important meetings," sagot niya bago tuluyang binuksan ang pinto.

Bumungad kay Raquel ang isang round, wooden table na may dalawang upuan lang. Naroon, nakaupo si Caelum sa isang upuan at sumisimsim ng tsaa. Kitang-kita ni Raquel kung paano ito tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa.

Napamura siya sa kanyang isipan dahil iba kung makatingin ang Mayor. The way he stares at her gives her a funny feeling. She finds his eyes sexy and dangerous.

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili niya. Alam niya sa sarili niyang attracted siya sa Mayor. He's her type. Lahat ng pisikal na katangiang mayroon ito ay ang hinahanap ni Raquel sa isang lalaki. Hindi naman ito ang unang beses na may nakilala si Raquel na matangkad, moreno, maskulado, at guwapong lalaki, pero ito ang unang beses na may nakilala siyang halos perpekto ang kombinasyon ng mga nasabing katangian.

"Good morning, Mr. Mayor," magalang niyang sambit bago umupo. Ngumiti siya nang matamis kasabay ng paglapag niya ng bag sa gilid at paglagay ng envelope sa mesa.

"Good morning, Ms. Raquel," magiliw na tugon ng Mayor.

Nanigas ang magkabilang hita niya nang marinig ang baritonong boses ng Mayor. Lalaking-lalaki at ang sexy sa tainga.

"S-So, have you decided to finally sign these documents?" tanong niya. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa dahil hindi naman ilang Mayor ang top priority niya kundi ang mapirmahan ang mga dokumento at nang makabalik na siya sa dating buhay. Doon na lang niya babalikan ang Mayor para akitin. Her life and inheritance is more important than him

"Yes," maikling sagot ni Caelum bago ngumisi. Itinukod nito ang magkabilang siko sa mesa at pinagdaop ang mga palad. Pagkatapos ay diretso itong tumitig kay Raquel.

Hindi kinaya ng babae ang intensidad ng mga mata ng Mayor kaya nagkunwari siyang may kinuha sa bag niya maiwasan lang ang titig nito. He's dangerously tempting. Hindi niya alam kung makakaya niya bang tagalan ang titig ng Mayor nang hindi bumibigay.

"S-So, what is it, Mr. Mayor?" sagot niya bago pasimpleng humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili. She did her best to compose herself before meeting his gaze. Pinilit niya ang sariling ngumiti at umaktong normal. "Tell me what do you want to sign these documents. Name them and I'll give it to you."

Nakita niya kung paano sumilay ang matagumpay na ngiti sa mga labi ng gobernador kaya natigilan siya at hindi napigilang kabahan. Hindi niya rin alam kung bakit 'yon ang naramdamán niya. Pero bahala na. Kung anuman ang hingin ng Mayor ay ibibigay niya ito agad-agad at nang matapos na ang paghihirap niya. Kating-kati na siyang bumalik sa dating buhay.

"I only want one thing, Ms. Raquel," halos pabulong na sambit ng lalaki bago ito senswal na tumingin sa kanya.

Kitang-kita ni Raquel kung paano siya pasadahan ng tingin ng Mayor. Malagkit ang mga tinging ipinukol nito sa kanya. At doon pa lang ay may ideya na siya kung ano ang gusto nito, pero ayaw niya lang pangunahan.

Napalunok siya nang maramdamang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Hindi niya mapigilang mag-init sa mga tingin ng Mayor. Parang bumigat ang hangin sa paligid kasabay ng panunuyo ng lalamunan niya. Ilang beses siyang lumunok ng laway at huminga nang malalim para lang makapag-ipon ng lakas para salubungin ang titig ng lalaki at mapakalma ang sarili.

"Tell me, Mayor Argente," mapanghamong sambit niya.

Nawala ang ngisi ng lalaki. Sumeryoso ang mga mata nito. "Ikaw. I want you, Ms. Raquel," diretsong sambit nito.

Raquel was already expecting it pero nabigla pa rin siya nang marinig ito mula mismo sa bibig ng lalaki. May parte sa kanya na kinilig at natuwa sa narinig, pero may parte ring kinabahan sa hindi niya malamang dahilan.

"W-What do you mean, Mr. Mayor?" tanong niya. Nagkunwari siyang hindi naintindihan ang lalaki, pero gusto lang talaga niyang bigyan ang sarili ng panahon para kumalma.

"I know you know what I'm talking about, but in case you don't, then let me simplify it..." Tumitig ito sa mga mata niya kasabay ng pagsilay ng mapaglarong ngisi nito. "Be mine, Ms. Raquel. Surrender yourself to me and I will sign these documents," dagdag niya bago umayos ng upo. "That's my offer. That's what I want. Now, I want you to think about it carefully. Give it enough thought; whether you'll take it or leave it."

Hindi makasagot si Raquel. Maging siya ay hindi alam kung ano ang dapat isagot sa sinabing Mayor. Tama ito, kailangan niya nga ng sapat na oras para pag-isipan ang kondisyon nito. She just can't surrender herself to him without giving it enough thought. Kahit na gusto niya ang lalaki ay may pagpapahalaga pa rin siya sa katawan niya at reputasyon niya.

"This is your only chance. There is no other way for you to convince me to sign these documents," dagdag ng lalaki.

Nakagat na lang ni Raquel ang labi dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. His offer is quite tempting yet unexplainably dangerous.

"So, what's your decision?"

Ilang beses na kumurap si Raquel nang tanungin siya ng Mayor. Hindi niya maiwasang ma-pressure, lalo na't mukhang naiinip na ito sa magiging sagot niya. Pero kasi, hindi basta-basta ang gusto nito. Hindi naman sa nagpapakipot siya—oo, gusto niya ito pero hindi rin naman niya agad-agad na ibibigay ang katawan niya.

Humugot siya ng malalim na hininga para pakalmahin ang nagririgodon niyang puso. Gulong-gulo ang sistema niya kaya hindi siya makapagdesisyon.

"C-Can you give me some time to think about it, Mr. Mayor?" tanong niya at hilaw na ngumiti. "It's... something I can't just decide right now."

Inabangan niya ang magiging reaksyon ng lalaki, at nakahinga siya nang maluwag nang marahan itong tumango.

"Alright. I will give you a week to decide."

Napangiti siya sa narinig. "Thank you."

"But since we're here already, hayaan mo akong ilatag ang detalye ng kondisyon ko," sambit nito. Seryoso ang boses nito kahit na bakas ang mumunti at mapaglarong ngisi.

"I need to be specific of what I want, right? Para naman alam mo rin kung ano ang ibibigay mo," paliwanag nito.

"R-Right," pagsang-ayon niya. Hindi niya napigilang mautal dahil kanina pa kumakabog nang malakas ang dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman. There's something in him that makes her heart thump in uneasiness. Hindi niya lang matukoy kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.

"So, what exactly do you want from me?" Sinubukan niyang maging kaswal para itago ang kabang nararamdaman.

Napalunok siya nang makita itong ngumisi at lumapit sa kaniya.

"I want you to be my sèx slave, Ms. Raquel."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nawindang siya at hindi makapaniwala. She just heard the most shocking offer of her life. Ni minsan ay walang nag-alok nang ganoon sa kaniya. She had received indecent proposals before, but this one is the most extreme and unexpectedly shocking.

"S-Sorry?" kunot-noo niyang tanong. Her mind refuses to understand what she just heard.

"Be my sèx slave," ulit ng Mayor. "But don't worry, it won't be forever. Maybe a month will do," dagdag nito sabay ngisi. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagkaaliw.

Hindi na napigilan ni Raquel na itaas ang dalawang palad niya sa ere. "Wait. Saglit lang, Mr. Mayor," pigil niya rito bago niya inabot ang isang baso ng tubig at nilagok ito nang isahan lang. Mariin siyang pumikit at dinama ang lamig ng tubig na kumakalat sa sistema niya.

Pagmulat ng mga mata niya ay sinalubong niyang muli ang titig nito.

"Sèx slave? Like... alipin sa kama?"

"Yes," mabilis nitong sagot. "You will do everything I ask you to. No complaining," paglilinaw nito. "But of course, there will be rules to follow and boundaries to observe."

Mariin siyang napailing. "Wait, wait, wait. Saglit lang talaga." Napaawang na lang ang bibig niya sa naririnig. She couldn't believe she's hearing it from someone who's respected and adored by a lot of people... for someone who has Honorable before his name.

"Are you sure that's what you want, Mr. Mayor?" ulit niya. Ayaw paniwalaan ng isip niya ang mga salitang namutawi sa bibig ng lalaki. Hindi niya talaga inasahan 'yon. She was shocked as hell.

"Yes," madiin nitong sagot. "So, I will give you a week to decide about it. That's the longest time I can ever give you. Kapag wala ka pang desisyon pagkatapos ng pitong araw, then consider this agreement void and forget about having your project approved," dagdag nito bago tumayo.

Inayos nito ang suot na damit bago muling tumingin sa kanya.

"I have to go now. I still have a number of errands to do."

"O-Okay." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ni Raquel habang nakatingin sa lalaki. Hanggang ngayon ay nasa gulat na estado pa rin ang isip niya.

"Here's my contact number. If ever you come up with a decision before a week, don't hesitate to contact me," sambit nito bago inilapag ang isang piraso ng papel. "Once you agree with my condition, I will lay out the whole details about it."

Kinuha niya ang papel at isang tango lang ang naging sagot niya. She couldn't believe it's happening. Akala niya sa mga palabas lang 'yon nangyayari.

Pinagmasdan niya lang itong umalis hanggang sa maglaho ito sa paningin niya. Nang tuluyan itong makalayo, ay doon niya lang napansin na pigil pala ang paghinga niya kanina pa.

"W-What... was that?" naibulalas niya na lang bago muling uminom ng tubig.

Gusto niyang kumbinsihin ang sarili niya na hindi seryoso ang isang Mayor sa alok nito, pero hindi maalis-alis sa isipan niya ang mukha nito habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

There is no way he is joking.

Nakagat na lang niya ang labi niya bago nasabunutan ang sarili.

"Paano na 'to? What should I do?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 4

    Napatingin si Raquel sa pinto kung saan sila huminto. "A private room?" bulalas niya at hindi napigilang mapataas ang dalawang kilay.Tumango ang staff sa kanya. "Yes, ma'am. We do offer private rooms for important meetings," sagot niya bago tuluyang binuksan ang pinto.Bumungad kay Raquel ang isang round, wooden table na may dalawang upuan lang. Naroon, nakaupo si Caelum sa isang upuan at sumisimsim ng tsaa. Kitang-kita ni Raquel kung paano ito tumitig sa kanya mula ulo hanggang paa.Napamura siya sa kanyang isipan dahil iba kung makatingin ang Mayor. The way he stares at her gives her a funny feeling. She finds his eyes sexy and dangerous.Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili niya. Alam niya sa sarili niyang attracted siya sa Mayor. He's her type. Lahat ng pisikal na katangiang mayroon ito ay ang hinahanap ni Raquel sa isang lalaki. Hindi naman ito ang unang beses na may nakilala si Raquel na matangkad, moreno, maskulado, at guwapong lalaki, pero ito ang unang beses

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 3

    "Raquel Madrid, huh?"Hindi maitago ni Caelum ang ngisi niya hanggang sa makapasok na siya ng sasakyan. He couldn't believe that someone just walked straight into his trap... someone from the company he loathes the most.Pero agad nawala ang ngisi niya nang makitang nakatitig sa kanya si Darwin, ang matalik niyang kaibigan at head ng security niya. Maloko itong nakangisi sa kanya na tila ba may naiisip na kalokohan."That chick was hot!" bungad na sambit nito. "Who is she? Bago mo na naman?"Umiling si Caelum bago dumiretso ng upo. "I don't personally know her. She just wanted me to sign... a few documents," paliwanag niya sabay sandal sa upuan at agad na pumikit para ipahinga ang mga mata niya. Tatlong oras lang kasi ang tulog niya dahil may kinailangan siyang tapusing mga papeles kagabi."Can I have her?" tanong nito na para bang humihingi lang ng laruan. "She's a great toy to play with. She’s incredibly hot. She’s my type—""No," matigas niyang sagot bago nagmulat ng mga mata at ti

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 2

    "Calm down, Raq," bulong ni Raquel sa sarili niya habang inililibot ang tingin sa opisin ng Mayor. Kalahating oras na siyang naghihintay na bumalik ito."Ma'am, balik na lang po kayo bukas. Mukhang hindi na po kasi babalik si Mayor, eh," sambit sa kanya ng isang staff.Umiling siya at ngumiti. "No. I'll wait 'til he comes back," giit niya. Hindi siya aalis hangga't hindi niya napapapirmahan ang mga dokumento."Basta po sinabihan ko na kayo," sambit ng babae bago bumalik sa cubicle nito.Tumango siya bago tiningnan ang cellphone niya. Napanguso siya nang makita ang posts ng mga kaibigan sa social media na kasalukuyang nasa Paris."Kasama sana ako rito," bulong niya at hinaplos-haplos ang screen ng cellphone."Don't worry, guys. I'll be joining you soon," dagdag niya bago pinatay ang cellphone at muling tumingin sa pinto para hintaying bumalik ang mayor.She gracefully stood up while keeping her sweet smile. Pagkatapos ay lumapit siya sa babaeng kumausap sa kanya."Excuse me," malambing

  • Wrapped In His Riches (SPG)   Chapter 1

    Mabilis na hinawakan ni Raquel ang malaking sumbrero nang umihip ang preskong hangin ng probinsiya, pagkababa na pagkababa niya ng taxi. "So this is the Santa Monica? Not bad," aniya bago hinila ang maleta. Tiningnan niya ang cellphone para kunin ang address ng napili niyang hotel. "Time to get started."Isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig niya nang sa wakas ay makahiga na siya sa malambot na kama ng five-star hotel na tinutuluyan niya. Napatingin siya sa kisame at binalikan ang mga planong binuo niya. Pagkatapos ay marahan siyang bumangon at agad na hinalungkat ang mga gamit.Una niyang kinuha ang pekeng ID na ipinagawa niya dahil sinunod niya ang sinabi sa kanya ng kuya niya na huwag gagamitin ang Aguas bilang apelyido niya. Hindi niya alam kung bakit, pero ginawa niya pa rin.Tiningnan niya ang oras. Malapit nang mag-lunch kaya tuluyan na siyang tumayo mula sa kama at hinalungkat ang laman ng maleta niya.She wore a custom white dress and paired it with nude stilettos."Per

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status