Chapter: Chapter 4Napakunot ang noo ni Chanelle, hindi makapaniwala sa nakita. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Sa lahat ng taon na magkasama sila ni Thorne habang lumalaki, ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang pumayag na mahawakan ng kahit sinong babae.Sakto namang bumukas ang pinto at napasugod si Eric, pero bigla rin itong natigilan nang makita ang kakaibang eksenang nagaganap sa loob ng kwarto.Hingal na hingal si Thorne, parang isang taong nalulunod at pilit humihinga. Magaspang at mabilis ang bawat hinga niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Ravenne ay parang mababali ang mga buto nito.Napangiwi si Ravenne sa sakit, pero hindi siya umatras. Pawis na agad ang noo niya pero nanatili siyang kalmado. Kinuha niya mula sa bag ang isang manipis na silver na karayom. Nakatago sa mahabang pilikmata ang determinasyon sa mga mata niya.“Inililigtas ko ang buhay niya," mariin niyang sabi.Sa isang mabilis at maingat na galaw, itinutok ni Ravenne ang karayom.Agad siyang hinawakan ni
Last Updated: 2025-07-08
Chapter: Chapter 3May biglaang matalim na pakiramdam na gumapang sa dibdib ni Ravenne. Parang warning iyon na malinaw, madiin. May panganib na malapit, at kahit hindi pa niya makita kung ano, ramdam na ramdam ng katawan niya. Pero hindi siya nagpahalata. Tumindig siya nang diretso, inangat ang tingin at huminga nang malalim.“I did some research about you,” panimula niya, mahinahon pero sigurado. “At nalaman kong infected ka ng isang uri ng toxin. Most likely, dala mo na siya since birth. Kung hindi agad magagamot, eventually, you’ll lose control of your body. Mapaparalyze ka. Magka-collapse ang muscles mo. At kahit ilang taon ka pang mag-training, wala na ‘yang silbi.”Nagbago ang ihip ng hangin sa paligid nila. Biglang naging mabigat. Ang mga mata ni Thorne, mula sa pagiging walang emosyon, ay naging matalim, parang may banta. Dumikit ang titig nito sa kanya, gaya ng isang predator na napikon sa pangahas na biktima.“You actually dared to investigate me, Ms. Salvatore?” mabagal pero mariin ang tanong
Last Updated: 2025-07-07
Chapter: Chapter 2Napatingin si Ravenne sa labas para tingnan kung anong nangyayari. Bigla kasing huminto ang sasakyan nila sa gitna ng kalsada.Binaba niya ang bintana at agad na napansin ang tatlong itim na sasakyan na nakaharang sa daan. Bumaba ang mga sakay, lahat nakaitim, at diretso silang lumapit. Doon pa lang, kumabog na agad ang dibdib ni Ravenne. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili niya.Biglang binuksan ng isang lalaki ang pinto sa tabi niya at marahas siyang hinila palabas."Who the hell are you? Anong kailangan niyo?" singhal niya sa lalaking humihila sa kanya.Hindi siya nito pinansin sa una, pero habang patuloy siyang nilalabanan, bigla itong nagsalita, malamig ang boses at puno ng pananakot."Sumama ka na lang kung ayaw mong may madamay pa."Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ravenne. Sinipa niya ang lalaki sa binti at dali-daling tumakbo pabalik sa sasakyan nila. Nanginginig ang mga kamay niya habang pilit binubuksan ang pinto, pero bago pa siya makapasok, naabutan na siya ng l
Last Updated: 2025-07-07
Chapter: Chapter 1"Be good. Huwag kang gagalaw..."Isang malalim at paos na boses ang bumulong sa tenga ni Ravenne, may halong init at lalim na halos sunugin ang balat niya sa dilim ng kwarto.Sobrang init ng katawan nito, para bang nilalamon siya ng apoy. Nanigas ang buong katawan ni Ravenne sa takot. Hirap na hirap na siya huminga. Gusto na ng utak niyang tumakbo, pero hindi siya makagalaw.Parang nilulubog siya sa malamig at madilim na tubig. Mabagal. Nakakatakot.Sunod-sunod ang halik ng lalaki sa balat niya, parang apoy na kumakalat. Ang pawis nito, dumaloy sa leeg niya, mainit, mabigat. Dahan-dahang hinaplos ng lalaki ang basa niyang collarbone, may halong lambing at pag-angkin.Parang bawat galaw nito, pwedeng durugin ang buong pagkatao niya."Don't be afraid. Papakasalan kita," bulong nito sa tenga niya. Mahina, pero mariin.Marahan nitong pinahid ang luha sa pisngi niya, parang alagang-alaga. Pero agad-agad, kinuyumos nito ang labi niya sa isang halik na puno ng pag-aangkin.Biglang napabalikw
Last Updated: 2025-07-07