Share

Chapter 4

Author: Lyra Astra
last update Last Updated: 2025-07-08 09:07:20

Napakunot ang noo ni Chanelle, hindi makapaniwala sa nakita. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Sa lahat ng taon na magkasama sila ni Thorne habang lumalaki, ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang pumayag na mahawakan ng kahit sinong babae.

Sakto namang bumukas ang pinto at napasugod si Eric, pero bigla rin itong natigilan nang makita ang kakaibang eksenang nagaganap sa loob ng kwarto.

Hingal na hingal si Thorne, parang isang taong nalulunod at pilit humihinga. Magaspang at mabilis ang bawat hinga niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Ravenne ay parang mababali ang mga buto nito.

Napangiwi si Ravenne sa sakit, pero hindi siya umatras. Pawis na agad ang noo niya pero nanatili siyang kalmado. Kinuha niya mula sa bag ang isang manipis na silver na karayom. Nakatago sa mahabang pilikmata ang determinasyon sa mga mata niya.

“Inililigtas ko ang buhay niya," mariin niyang sabi.

Sa isang mabilis at maingat na galaw, itinutok ni Ravenne ang karayom.

Agad siyang hinawakan ni Chanelle sa pulso, halatang balisa at seryoso.

“Wait! Huwag mo siyang hawakan. Walang kahit sinong nakakahawak kay Thorne nang ganito. Nasa ospital na nga ang lola niya, tapos kung may mangyari pa sa kanya, pareho tayong mananagot!"

Hinugot ni Ravenne ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Chanelle at tiningnan ito nang diretso.

“Kung may mangyari, ako ang mananagot. Hindi kita idadamay.”

Bago pa makapagsalita si Chanelle, idiniin na ni Ravenne ang karayom. Tamang-tama ang anggulo.

Hindi makagalaw si Chanelle. Napatulala lang siya. Hindi niya inaasahan ang tapang at kumpiyansa ni Ravenne.

Kahit si Eric, ang butler, ay mukhang hindi alam ang gagawin.

Si Thorne, na halos wala nang ulirat, ay nakaramdam ng bahagyang kirot. Parang kagat lang ng lamok. Tinignan niya ang kamay niya at napansin ang kinang ng karayom. Sa gitna ng malabong ulirat ay sumilay sa paningin niya ang mukha ni Ravenne.

Nakita ni Ravenne ang bahagyang reaksyon ni Thorne kaya agad siyang naghanda ng isa pang karayom. Itinutok ito sa isang mahalagang point sa ulo niya.

Nanlaki ang mata ni Chanelle sa takot at sumigaw. “Baliw ka na ba? Sigurado ka ba sa ginagawa mo?”

Napuno ng inis ang mata ni Ravenne. Umigting ang tono ng boses niya, malamig at matalim.

“Kung gusto mong mabuhay siya, tumahimik ka. Hindi mo pa ako nakitang magtrabaho? Ngayon mo makikita. Kung hindi mo kaya, may pinto sa likod mo. Lumabas ka.”

Napatigil si Chanelle. Natigilan siya sa tapang ng sagot pero mabilis ding nakabawi. Nagdilim ang mukha niya sa galit.

“Kaibigan ako ni Thorne. Nilalagay mo siya sa panganib. Karapatan kong pigilan ka.” Tumuro si Chanelle sa pinto, malamig ang titig. "Ikaw ang lumabas.”

Hindi siya pinansin ni Ravenne. Tahimik lang siyang kumilos at idiniin ang ikalawang karayom sa pressure point sa ulo ni Thorne. Dahan-dahang pumikit si Thorne at parang nahulog sa trance.

Sa kabilang dulo ng kwarto, namutla si Eric. Kung may mangyari kay Thorne ngayon, paano siya makakapagpaliwanag sa Lola ni Thorne?

Nainis si Chanelle at sumigaw kay Eric. “Eric, tawagin mo ang security! Paalisin mo 'yang babae!”

Tumalikod si Eric para sundin ang utos.

Pero si Ravenne, kalmado lang. Walang kaba. Patuloy niyang mino-monitor ang kondisyon ni Thorne habang unti-unti niyang inaalis ang mga karayom.

Unti-unting bumukas ang mga mata ni Thorne. May bahid pa rin ng dilim sa tingin niya pero mas malinaw na ang kanyang ulirat.

Hindi na nakapigil si Chanelle at lumapit. Umupo siya sa tabi ni Thorne, punong-puno ng pag-aalala ang boses. “Thorne, are you okay? Can you hear me?" Dahan-dahan niyang iniabot ang kamay niya.

Tiningnan lang iyon ni Thorne na parang may duming nakakapit. Bigla siyang umatras, malamig ang boses at puno ng pagtanggi.

“Don’t touch me. Lumabas ka na.”

Namula si Chanelle sa hiya. Napako sa ere ang kamay niya bago niya ito dahan-dahang ibinaba. Akala niya, matapos makita ang pagtanggap ni Thorne kay Ravenne, baka unti-unti nang nawawala ang distansya nito sa mga babae.

Nag-atubili siya bago umatras, pero hindi pa rin lumayo. Halatang nag-aalala pa rin siya.

Tahimik namang dinisinfect ni Ravenne ang mga karayom at maayos na isinilid sa lalagyan bago tumingin kay Thorne.

“Mas maayos na ba pakiramdam mo?”

Tahimik lang si Thorne habang nakatitig sa kanya. Unti-unti, naging seryoso ang tingin niya. Alam na niya na totoo ang kakayahan ng babae. Hindi siya mukhang babae na galing sa mental facility. Hindi rin siya mukhang ordinaryong babae.

“Those needles of yours... strong enough to calm beasts and heal. Can they kill, too?” When Thorne finally spoke, his voice was low, edged with quiet threat.

Tumigil si Ravenne sa ginagawa niya habang inaayos ang mga gamit. Nakuha niya agad ang ibig sabihin. Nagsisimula nang magduda si Thorne.

She wasn’t surprised. A woman showing up as a substitute bride, fighting off wolves, saving his life with precise medical techniques. Any man would be suspicious by now.

Inilagay niya ang huling karayom sa case at ngumiti ng bahagya. “Panggamot lang ang gamit nito. Hindi para pumatay.”

Hindi na sumagot si Thorne. Nakatingin lang siya sa kamay ni Ravenne.

Sa liwanag na dumadaan sa blinds, kita ang manipis at eleganteng mga daliri ni Ravenne. May pulang bakas pa sa likod ng kamay niya, doon mismo sa higpit ng pagkakahawak ni Thorne kanina. Parang naging maselan ang dating nito sa kanya.

Sa kabilang bahagi ng kwarto, napabuntong-hininga si Chanelle. Medyo kumalma ang dibdib niya. Mukhang bumalik na ulit sa ulirat si Thorne.

Ang nakakagulat, ilang karayom lang mula kay Ravenne, ay bumalik agad sa sarili si Thorne. Usually, inaabot siya ng isa hanggang tatlong oras kapag may episode siya. Minsan mas matagal pa.

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Eric kasama ang dalawang bodyguards. Pero napatigil agad siya nang makita si Thorne na nakaupo, malinaw ang tingin, at nagsasalita. Para siyang natulala.

“Ms. Salvatore... posible ba talaga? Kayang gumaling ni Mr. Alejandro?”

“Enough, Eric.” Mababang boses ni Thorne pero matatag. At sa isang linya lang na iyon, natahimik agad si Eric.

Lumingon si Thorne kay Ravenne. “Ihatid si Ms. Salvatore sa guest room. Hayaan siyang magpahinga.”

“Yes, sir.”

Hindi na nagtanong si Ravenne. Tahimik lang siyang sumunod kay Eric palabas ng kwarto.

“I guess I’ll go along with it,” she thought. “No use trying to figure him out.”

Pagkaalis nila, saka lang napansin ni Thorne na naroon pa si Chanelle. Kumunot ang noo niya, at naging matalim ang boses. “Bakit nandito ka pa?”

“I came to tell you something important. Your grandmother collapsed. She’s in the hospital now.”

Sandaling nanigas ang mukha ni Thorne. “Mauna ka na. Susunod ako.”

Pagkaalis ni Chanelle ay dumiretso si Thorne sa cabinet, binuksan ito, at kinuha ang cellphone niya.

“Mr. Alejandro,” sagot sa kabilang linya.

“Any update on the woman from five years ago?”

Bumuntong-hininga si Agent Seven Asis. “Wala pa rin, sir. Yung singsing na ibinigay niyo, wala pa ring lumilitaw kahit sa black market. Honestly, it’s like she vanished into thin air. This won’t be easy.”

Thorne's eyes darkened, a flicker of something fierce passing through them.

“Keep looking,” malamig ang boses niya. “Hanapin mo siya. Kailangan ko siya makita.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 4

    Napakunot ang noo ni Chanelle, hindi makapaniwala sa nakita. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Sa lahat ng taon na magkasama sila ni Thorne habang lumalaki, ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang pumayag na mahawakan ng kahit sinong babae.Sakto namang bumukas ang pinto at napasugod si Eric, pero bigla rin itong natigilan nang makita ang kakaibang eksenang nagaganap sa loob ng kwarto.Hingal na hingal si Thorne, parang isang taong nalulunod at pilit humihinga. Magaspang at mabilis ang bawat hinga niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Ravenne ay parang mababali ang mga buto nito.Napangiwi si Ravenne sa sakit, pero hindi siya umatras. Pawis na agad ang noo niya pero nanatili siyang kalmado. Kinuha niya mula sa bag ang isang manipis na silver na karayom. Nakatago sa mahabang pilikmata ang determinasyon sa mga mata niya.“Inililigtas ko ang buhay niya," mariin niyang sabi.Sa isang mabilis at maingat na galaw, itinutok ni Ravenne ang karayom.Agad siyang hinawakan ni

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 3

    May biglaang matalim na pakiramdam na gumapang sa dibdib ni Ravenne. Parang warning iyon na malinaw, madiin. May panganib na malapit, at kahit hindi pa niya makita kung ano, ramdam na ramdam ng katawan niya. Pero hindi siya nagpahalata. Tumindig siya nang diretso, inangat ang tingin at huminga nang malalim.“I did some research about you,” panimula niya, mahinahon pero sigurado. “At nalaman kong infected ka ng isang uri ng toxin. Most likely, dala mo na siya since birth. Kung hindi agad magagamot, eventually, you’ll lose control of your body. Mapaparalyze ka. Magka-collapse ang muscles mo. At kahit ilang taon ka pang mag-training, wala na ‘yang silbi.”Nagbago ang ihip ng hangin sa paligid nila. Biglang naging mabigat. Ang mga mata ni Thorne, mula sa pagiging walang emosyon, ay naging matalim, parang may banta. Dumikit ang titig nito sa kanya, gaya ng isang predator na napikon sa pangahas na biktima.“You actually dared to investigate me, Ms. Salvatore?” mabagal pero mariin ang tanong

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 2

    Napatingin si Ravenne sa labas para tingnan kung anong nangyayari. Bigla kasing huminto ang sasakyan nila sa gitna ng kalsada.Binaba niya ang bintana at agad na napansin ang tatlong itim na sasakyan na nakaharang sa daan. Bumaba ang mga sakay, lahat nakaitim, at diretso silang lumapit. Doon pa lang, kumabog na agad ang dibdib ni Ravenne. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili niya.Biglang binuksan ng isang lalaki ang pinto sa tabi niya at marahas siyang hinila palabas."Who the hell are you? Anong kailangan niyo?" singhal niya sa lalaking humihila sa kanya.Hindi siya nito pinansin sa una, pero habang patuloy siyang nilalabanan, bigla itong nagsalita, malamig ang boses at puno ng pananakot."Sumama ka na lang kung ayaw mong may madamay pa."Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ravenne. Sinipa niya ang lalaki sa binti at dali-daling tumakbo pabalik sa sasakyan nila. Nanginginig ang mga kamay niya habang pilit binubuksan ang pinto, pero bago pa siya makapasok, naabutan na siya ng l

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 1

    "Be good. Huwag kang gagalaw..."Isang malalim at paos na boses ang bumulong sa tenga ni Ravenne, may halong init at lalim na halos sunugin ang balat niya sa dilim ng kwarto.Sobrang init ng katawan nito, para bang nilalamon siya ng apoy. Nanigas ang buong katawan ni Ravenne sa takot. Hirap na hirap na siya huminga. Gusto na ng utak niyang tumakbo, pero hindi siya makagalaw.Parang nilulubog siya sa malamig at madilim na tubig. Mabagal. Nakakatakot.Sunod-sunod ang halik ng lalaki sa balat niya, parang apoy na kumakalat. Ang pawis nito, dumaloy sa leeg niya, mainit, mabigat. Dahan-dahang hinaplos ng lalaki ang basa niyang collarbone, may halong lambing at pag-angkin.Parang bawat galaw nito, pwedeng durugin ang buong pagkatao niya."Don't be afraid. Papakasalan kita," bulong nito sa tenga niya. Mahina, pero mariin.Marahan nitong pinahid ang luha sa pisngi niya, parang alagang-alaga. Pero agad-agad, kinuyumos nito ang labi niya sa isang halik na puno ng pag-aangkin.Biglang napabalikw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status