Share

Possession of Disabled Billionaire
Possession of Disabled Billionaire
Author: Lyra Astra

Chapter 1

Author: Lyra Astra
last update Huling Na-update: 2025-07-07 20:37:55

"Be good. Huwag kang gagalaw..."

Isang malalim at paos na boses ang bumulong sa tenga ni Ravenne, may halong init at lalim na halos sunugin ang balat niya sa dilim ng kwarto.

Sobrang init ng katawan nito, para bang nilalamon siya ng apoy. Nanigas ang buong katawan ni Ravenne sa takot. Hirap na hirap na siya huminga. Gusto na ng utak niyang tumakbo, pero hindi siya makagalaw.

Parang nilulubog siya sa malamig at madilim na tubig. Mabagal. Nakakatakot.

Sunod-sunod ang halik ng lalaki sa balat niya, parang apoy na kumakalat. Ang pawis nito, dumaloy sa leeg niya, mainit, mabigat. Dahan-dahang hinaplos ng lalaki ang basa niyang collarbone, may halong lambing at pag-angkin.

Parang bawat galaw nito, pwedeng durugin ang buong pagkatao niya.

"Don't be afraid. Papakasalan kita," bulong nito sa tenga niya. Mahina, pero mariin.

Marahan nitong pinahid ang luha sa pisngi niya, parang alagang-alaga. Pero agad-agad, kinuyumos nito ang labi niya sa isang halik na puno ng pag-aangkin.

Biglang napabalikwas si Ravenne. Mabilis ang hinga, para siyang kakapusin ng hangin. Napalinga-linga siya. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan.

Gano’n na naman. Parehong bangungot. Paulit-ulit. Parehong kwarto. Parehong boses. Parehong pakiramdam. Laging parang totoo.

Dahan-dahan siyang huminga para kumalma, pero kahit anong gawin niya, hindi mawala ang alaala ng limang taon na nakaraan.

Sa labas ng bintana ay kita na ang araw. Baguio City looked brighter and busier than ever. Hindi niya namalayang limang taon na pala ang lumipas. Limang taon siyang nakulong sa mental hospital.

Lahat nagsimula nung traydorin siya ng nakababata niyang kapatid na si Raia. Pinainom siya nito, tapos pinatulog sa isang lalaking ni hindi niya kilala. Doon na nawala ang pagkababae niya.

Isang buwan pagkatapos nun, nalaman niyang buntis siya. Hindi niya rin alam kung sino ang ama. At nung nanganak siya ay patay na ang sanggol.

Habang siya ay wasak at lugmok, sumirit naman pataas ang negosyo ng kanyang ama. Ang Salvatore Group ay mas umunlad pa. Lahat ng miyembro ng pamilya may shares—including her, na tinapon nila sa mental hospital para kalimutan.

At si Raia ang nagplano nun. Ginamit nito ang kahinaan niya matapos manganak para agawan siya ng shares sa kumpanya.

Ngayon, ikakasal na si Raia sa isang Alejandro. Kay Thorne Alejandro. May mga bali-balitang may kapansanan ito, at sinasabing hindi aabot ng trenta dahil sa hula ng manghuhula. Wala pa raw halos nakakakita kay Thorne nang personal.

Hindi naman talaga gusto ng kanilang magulang si Thorne para kay Raia. Kaya bigla siyang naalala ng mga ito, at pilit siyang inilabas sa mental hospital. Kung hindi lang dahil sa kasal ni Raia, malamang iniwan na lang siya roon habang buhay.

Nakaupo si Ravenne sa likod ng sasakyan, malamig ang tingin, walang emosyon. Lahat ng kinuha nila sa kanya ay babawiin niya.

Pagkarating sa Salvatore residence, wala na siyang naramdamang kahit anong attachment. Wala na. Hindi na ito bahay para sa kanya.

Tahimik siyang naglakad paakyat. At sa pinto ay nakita niya ang kanyang magulang at si Raia na nagtatawanan.

"Mabuti na lang nariyan si Ate Ravenne para saluhin ang kasal na ayaw ko. Kung hindi, baka umiiyak pa rin ako gabi-gabi," natatawang sabi ni Raia.

"I just hope pumayag siya," sagot ng kanilang ina, mahina.

Tumawa ulit si Raia. "Bakit naman hindi siya papayag, Mom? Pinagpalit niya ang virginity sa hindi kilalang lalaki, nanganak ng patay. She should be thankful may gustong magpakasal sa kanya. Alejandro pa. She doesn’t even have the right to say no."

Naikuyom ni Ravenne ang kanyang mga palad.

"And what makes you think I’ll say yes to any of this?"

Sabay-sabay napalingon ang mga ito sa kanya.

Napatayo ang kanilang ina. "Ravenne? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa mga Alejandro ka?"

"Bumalik ako dahil may nakalimutan ako, Mom. Before Lola died, nag-iwan siya ng will. Ten percent ng shares sa akin. Ten percent kay Raia. Don’t you think it’s time na ibalik niyo 'yung sa akin?" tanong ni Ravenne, kalmado ang tono.

Bumagsak ang kamao ng kanilang ama na si Don Gustavo sa mesa, galit na galit na lumapit.

"You humiliated this family! Dahil sa'yo bumagsak ang stock! I took those shares for a reason. And now you want them back?!"

Hindi natinag si Ravenne. Tumingin siya nang diretso sa mata ng ama at ngumiti nang bahagya. "Okay lang, Dad. Don’t give them back."

Umupo siya sa sofa, tumiklop ng paa, relaks na relaks. "Then I won’t get married today."

"Ravenne!" Galit na tinaas ni Don Gustavo ang kamay para saktan siya.

Pero hindi gumalaw si Ravenne. Inangat lang niya ang baba niya at nagsalita, malamig ang boses. "Saktan mo ako, Dad. Kapag ginawa mo, aalis ako. Masisira ang kasunduan niyo sa mga Alejandro."

Biglang nanlamig si Don Gustavo at napako sa kinatatayuan niya. Totoo bang sa loob lang ng limang taon ay naging ganito na katapang ang panganay nitong si Ravenne?

“Pag-isipan mong mabuti, Dad. Sigurado ka bang kaya mong panindigan ang magiging consequences?”

“Aba’t tinatakot mo pa ako ngayon? Sige nga, subukan mo kung hanggang saan ka!” bulyaw ni Don Gustavo, sabay taas ng kamay para saktan siya.

“Dad, ‘wag!” sigaw ni Raia, habang dali-daling sumugod palapit.

Natigilan si Don Gustavo. Huminto ang kamay nitong nakataas sa hangin.

Hinawakan ni Raia ang manggas ng ama, nagmamakaawa, “Please, Dad. ‘Wag mo siyang saktan!”

Hindi maintindihan ni Raia kung bakit, pero ramdam nito na may iba kay Ravenne. May threat sa boses na hindi na tulad ng dati.

At kapag talagang tumangging magpakasal si Ravenne, si Raia ang mapipilitang ituloy ang magpakasal. At ni hindi kayang tanggapin ni Raia ang ideyang pagpakasal sa lalaking may taning na ang buhay at iniiwasan ng mga tao.

Napakuyom si Don Gustavo, nangingitata ang ugat sa galit, pero sa huli, pinili nitong ibaba ang kamay nito.

“Walang utang na loob. Ano ba talaga ang gusto mo?!” singhal nito.

“Ibalik n’yo ang shares ko,” malamig na sagot ni Ravenne.

Sa gilid ay napasinghap ang kanilang ina na si Mercedes. Nakaramdam ito ng biglaang kaba.

Halos maiyak na si Raia, kaya’t agad siyang inakbayan ni Mercedes. “Apat na taon na ang nakalipas mula nang naging public ang kumpanya. Ipinasa ko ang shares mo kay Raia. Sa tagal mong naka-confine, ito lang ang naisip naming para matauhan ka. Pero ngayon, kararating mo lang, gulo agad ang dala mo?”

Napangisi si Ravenne, puno ng sarkasmo ang tono. “Mom, at anong rason ko para isuko ang akin?"

"Dahil kapatid mo si Raia!"

"Kung mahal mo siya nang ganyan, bakit hindi siya ang ipakasal mo kay Thorne Alejandro?" palatak niya sa ina. "Mayaman ang lalaking iyon."

“Ravenne! I'm your mother!"

“Isa lang ang itatanong ko,” singit ni Ravennen matalim ang tingin. “Ibabalik n’yo ba o hindi?”

Hindi agad nakasagot si Mercedes. Pati si Don Gustavo na dekada nang bihasa sa negosyo, ay natameme rin.

Nanghihinang tumingin si Raia sa mga magulang nila. “Ate Ravenne, sila ang parents natin. Ako ang kapatid mo. Bakit mo kami tinatrato na parang kaaway?”

Dahan-dahang tumayo si Ravenne, humakbang palapit kay Raia hanggang sa halos matabunan niya ito sa presensya.

“Ngayon, ikaw ang nagtuturo sa’kin kung paano ako dapat umasta?”

Nabubulol si Raia. “H-Hindi, ang akin lang—”

Isang malutong na sampal ang bumulaga sa kanya. Tumahimik ang buong sala.

Napatitig si Raia kay Ravenne, hawak ang pisngi nito. “Sinampal mo ko?!”

“Ano ngayon?” matalim ang ngiti ni Ravenne.

Napaiyak si Raia. Agad naman itong nilapitan ni Mercedes at niyakap, pilit itong pinapakalma. Pero halata sa buong paligid na desidido si Ravenne na hindi basta susuko.

Galit na galit si Don Gustavo, nanginginig ang mga kamay.

“Kung ayaw n’yong ibalik, fine. Pero ‘wag kayong umasa na itutuloy ko pa ang kasalang ‘to. Kung gusto n’yong makalusot sa pamilya Alejandro ay mas mabuting bumalik kayo sa katinuan,” malamig niyang sabi.

Napuno si Don Gustavo, pero para sa bunsong anak na si Raia ay nilunok nito ang galit.

“Sige. Ibalik ko,” mariing sagot nito.

Kinuha nito ang phone at mabilis na nag-log in sa company portal, at sinimulan ang proseso ng pagbabalik ng ten percent shares ni Ravenne.

Ilang minuto lang ay tumunog ang phone ni Ravenne. Confirmed. Within three to five working days, babalik na sa kanya ang rightful ownership niya.

Ngumiti siya sa mga ito. “O, di ba? Hindi naman pala gano’n kahirap.”

Pero bago siya umalis ay tumingin siya kay Raia nang malamig at matalim ang mga mata.

“Raia, tanungin mo sarili mo... Ano pa bang utang mo sa’kin?”

“A-Ano bang sinasabi mo?” balik-tanong ni Raia, napalunok.

“Five years ago. Paano nga ba talaga ako napunta sa kama ng lalaking ‘yon?”

Namilog ang mata ni Raia. Kinabahan ito. Wala si Ravenne ng ebidensya, pero halata sa tono niya na inaakusahan ang kapatid.

Pinilit ni Raia na tumayo, pero hindi nakalagpas sa mga mata ni Ravenne ang panginginig ng tuhod nito. “Kapalpakan mo ‘yon, ‘di ba? ‘Wag mo akong idamay!”

Walang reaksyon si Ravenne. Tumaas lang ang kilay at sumagot, “Walang problema. Bibigyan kita ng dalawang araw para maalala ang totoo.”

Pagkatapos bigyan ng matalim na tingin ang kanyang mga magulang ay mabilis na tumalikod si Ravenne, at umalis.

Pagkaupo sa loob ng sasakyan, tiningnan niyang muli ang message ng confirmation. Pero sa halip na makaramdam ng ginhawa, mas lalo lang lumalim ang lamig sa dibdib niya.

For Raia, their parents were willing to sacrifice anything. If even one of them had fought for her the way they protected Raia, maybe her baby wouldn’t have died.

Her thoughts were interrupted by her phone ringing.

Tiningnan niya ang caller ID at sinagot ito. "Hello?"

"Finally, you're back. A little earlier than expected.”

“‘Wag mo na akong dramahan. Sabihin mo na agad kung bakit ka napatawag.”

“As you planned, the hospital is under control. Those five years weren’t wasted. We’ve already secured the newest batch of orders.”

Wala nang bago roon. “Pumunta ka sa bangko. Kunin mo ‘yung gamit ko sa safety deposit box.”

Nandoon ang jade thumb ring, ang tanging iniwan ng misteryosong lalaking ‘yon. Ang nag-iisang lead niya.

Binaba niya ang tawag at pumikit. Pero biglang prumeno ang sasakyan. Napalundag siya pasulong sa gulat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 4

    Napakunot ang noo ni Chanelle, hindi makapaniwala sa nakita. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Sa lahat ng taon na magkasama sila ni Thorne habang lumalaki, ni minsan ay hindi pa niya ito nakitang pumayag na mahawakan ng kahit sinong babae.Sakto namang bumukas ang pinto at napasugod si Eric, pero bigla rin itong natigilan nang makita ang kakaibang eksenang nagaganap sa loob ng kwarto.Hingal na hingal si Thorne, parang isang taong nalulunod at pilit humihinga. Magaspang at mabilis ang bawat hinga niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Ravenne ay parang mababali ang mga buto nito.Napangiwi si Ravenne sa sakit, pero hindi siya umatras. Pawis na agad ang noo niya pero nanatili siyang kalmado. Kinuha niya mula sa bag ang isang manipis na silver na karayom. Nakatago sa mahabang pilikmata ang determinasyon sa mga mata niya.“Inililigtas ko ang buhay niya," mariin niyang sabi.Sa isang mabilis at maingat na galaw, itinutok ni Ravenne ang karayom.Agad siyang hinawakan ni

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 3

    May biglaang matalim na pakiramdam na gumapang sa dibdib ni Ravenne. Parang warning iyon na malinaw, madiin. May panganib na malapit, at kahit hindi pa niya makita kung ano, ramdam na ramdam ng katawan niya. Pero hindi siya nagpahalata. Tumindig siya nang diretso, inangat ang tingin at huminga nang malalim.“I did some research about you,” panimula niya, mahinahon pero sigurado. “At nalaman kong infected ka ng isang uri ng toxin. Most likely, dala mo na siya since birth. Kung hindi agad magagamot, eventually, you’ll lose control of your body. Mapaparalyze ka. Magka-collapse ang muscles mo. At kahit ilang taon ka pang mag-training, wala na ‘yang silbi.”Nagbago ang ihip ng hangin sa paligid nila. Biglang naging mabigat. Ang mga mata ni Thorne, mula sa pagiging walang emosyon, ay naging matalim, parang may banta. Dumikit ang titig nito sa kanya, gaya ng isang predator na napikon sa pangahas na biktima.“You actually dared to investigate me, Ms. Salvatore?” mabagal pero mariin ang tanong

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 2

    Napatingin si Ravenne sa labas para tingnan kung anong nangyayari. Bigla kasing huminto ang sasakyan nila sa gitna ng kalsada.Binaba niya ang bintana at agad na napansin ang tatlong itim na sasakyan na nakaharang sa daan. Bumaba ang mga sakay, lahat nakaitim, at diretso silang lumapit. Doon pa lang, kumabog na agad ang dibdib ni Ravenne. Pero pilit niyang kinakalma ang sarili niya.Biglang binuksan ng isang lalaki ang pinto sa tabi niya at marahas siyang hinila palabas."Who the hell are you? Anong kailangan niyo?" singhal niya sa lalaking humihila sa kanya.Hindi siya nito pinansin sa una, pero habang patuloy siyang nilalabanan, bigla itong nagsalita, malamig ang boses at puno ng pananakot."Sumama ka na lang kung ayaw mong may madamay pa."Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ravenne. Sinipa niya ang lalaki sa binti at dali-daling tumakbo pabalik sa sasakyan nila. Nanginginig ang mga kamay niya habang pilit binubuksan ang pinto, pero bago pa siya makapasok, naabutan na siya ng l

  • Possession of Disabled Billionaire    Chapter 1

    "Be good. Huwag kang gagalaw..."Isang malalim at paos na boses ang bumulong sa tenga ni Ravenne, may halong init at lalim na halos sunugin ang balat niya sa dilim ng kwarto.Sobrang init ng katawan nito, para bang nilalamon siya ng apoy. Nanigas ang buong katawan ni Ravenne sa takot. Hirap na hirap na siya huminga. Gusto na ng utak niyang tumakbo, pero hindi siya makagalaw.Parang nilulubog siya sa malamig at madilim na tubig. Mabagal. Nakakatakot.Sunod-sunod ang halik ng lalaki sa balat niya, parang apoy na kumakalat. Ang pawis nito, dumaloy sa leeg niya, mainit, mabigat. Dahan-dahang hinaplos ng lalaki ang basa niyang collarbone, may halong lambing at pag-angkin.Parang bawat galaw nito, pwedeng durugin ang buong pagkatao niya."Don't be afraid. Papakasalan kita," bulong nito sa tenga niya. Mahina, pero mariin.Marahan nitong pinahid ang luha sa pisngi niya, parang alagang-alaga. Pero agad-agad, kinuyumos nito ang labi niya sa isang halik na puno ng pag-aangkin.Biglang napabalikw

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status