author-banner
Merciless Author
Merciless Author
Author

Novels by Merciless Author

Business Magnate's Ex-wife

Business Magnate's Ex-wife

Kinailangang makipagbalikan ni Kristine sa dati niyang asawa na si Zanjo, para makuha ang mana niya. Iyon kasi ang kondisyon ng yumaong ama para makuha ang pamana nitong iniwan sa kanya. Dahil kung hindi siya makikipagbalikan kay Zanjo ay mapupunta ang dapat na mana sa kanyang stepsister na walang ibang ginawa kundi maglustay ng pera. "Papayag lang ako sa isang kondisyon," wika ni Zanjo nang sabihin ko ang pakay ko sa kanya. "What... condition?" A naughty smile formed on his lips. "I want you to... pleasure me, Kristine."
Read
Chapter: Chapter 4
Three years ago.“Kristine, drink this!” Napatingin ako sa baso ng alak na inilapag ni Marigold sa harap ng mesa ko.Nasa Overtime Bar kaming dalawa sa sandaling iyon. Niyaya kasi niya ako na mag-bar hopping na pinaunlakan ko naman agad. Matagal-tagal na rin kasi no’ng huli kaming nag-night out. Nagta-trabaho kasi ako sa kilalang hotel sa Singapore. Isa akong chef ro’n. At bihira lang akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon. Kapag naisipan ko lang magbakasyon ay saka lang ako magbabakasyon. Nakatutok kasi ang atensiyon ko sa trabaho. I’m a workaholic person.Sa totoo lang ay wala akong balak na mag-trabaho sa ibang bansa. Wala din nga sa isip ko na umalis ng Pilipinas noon. Pero nagbago ang lahat ng iyon no’ng muling mag-asawa ang Papa ko.Nasa senior high ako nang mamatay ang ina ko dahil sa malubhang sakit. At makalipas ang tatlong taon simula noong mawala siya ay nag-asawang muli ang Papa ko. Hiwalay ito sa asawa at may isa ding anak. Si Faye at ka-edad ko lang siya. Mas matanda
Last Updated: 2025-08-19
Chapter: Chapter 3
Pagkalabas ko sa banyo ay agad kong nakita si Zanjo na nakaupo sa swivel chair nito at may kausap ito sa cellphone. At nang mapansin niya ako ay nag-angat siya ng tingin patungo sa gawi ko. At hindi na niya inalis ang titig sa akin habang nakikipag-usap siya sa kausap mula sa cellphone niya.“Yes, yes. We’ll be there in less than hour,” wika nito sa kausap. Nang matapos itong makipag-usap kung sinumang kausap nito ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Pagkatapos ay kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa racks stand.“We’re leaving,” wika nito nang isuot niya ang coat sa katawan.Sabi niya mag-uusap kami. Pero bakit aalis kami? At saan kami pupunta?Akmang bubuka ang bibig ko para tanungin siya kung saan kami pupunta nang mapahinto ako ng tumalikod siya at lumabas ng opisina. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay sinundan ko siya.“Cancel all my appointments today.” Narinig kong wika ni Zanjo sa secretary niya. Hindi na niya hinintay na magsalita ang secre
Last Updated: 2025-08-19
Chapter: Chapter 2
Saglit kong ipinikit ang mga mata bago ako kumatok ng mahina sa pinto ng opisina ni Zanjo para ipaalam ang presensiya ko. Pagkatapos no’n ay pinihit ko ang seradura at binuksan iyon.Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Zanjo na nakatitig sa akin. Nakasandal na ito sa swivel chair nito, mukhang hinihintay ang pagpasok ko.Maya-maya ay tumayo si Zanjo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa harap ng executive table nito. Sumandal ito ro’n habang magka-krus ang mga braso sa dibdib.“So, why are you here, Kristine? Have you made a decision?” tanong nito sa akin sa husky voice.Tinalikuran ko kasi si Zanjo noong marinig ko ang kondisyon na hinihingi niya sa akin para pumayag siya sa pakiusap ko no’ng puntahan ko siya isang linggo na ang nakakaraan. He wants me to pleasure him in exchange for my favor. Hindi ako sang-ayon sa gusto niyang gawin kaya ko siya tinalikuran. At napagdesisyunan kong maghanap na lang ng ibang paraan para ma-solusyonan ang problema ko. Pero isang linggo na ang lu
Last Updated: 2025-08-19
Chapter: Chapter 1
Reigo Empire.Basa ko sa nakasulat sa itaas ng building. Napapikit ako ng mga mata. Riego. It was my surname before. Isang taon ko ring dala-dala ang apelyidong iyon hanggang sa bumalik sa Andal ang apelyido ko matapos kaming ma-annul ng dati kong asawa.Iminulat ko ang mga mata at marahang pinilig ang ulo. May iba akong agenda kung bakit ako naroon at hindi para mag-reminisce ng past ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay naglakad na ako papasok sa loob ng building.“I have an appointment with Mr. Reigo” wika ko sa receptionist nang lapitan ko ito. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong appointment sa lalaki. Sinabi ko lang na mayroon para papasukin na ako nito. Tumango naman ito. Pagkatapos ay hiningan ako nito ng ID.“Fifth floor, Ma’am,” wika sa akin ng receptionist nang ibalik nito ang ID ko.“Thank you,” pasasalamat ko bago ako tumalikod at dumiretso patungo sa kinaroroonan ng elevator.Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa fifth floor
Last Updated: 2025-08-19
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status