Share

Business Magnate's Ex-wife
Business Magnate's Ex-wife
Author: Merciless Author

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-08-19 13:27:25

Reigo Empire.

Basa ko sa nakasulat sa itaas ng building. Napapikit ako ng mga mata. Riego. It was my surname before. Isang taon ko ring dala-dala ang apelyidong iyon hanggang sa bumalik sa Andal ang apelyido ko matapos kaming ma-annul ng dati kong asawa.

Iminulat ko ang mga mata at marahang pinilig ang ulo. May iba akong agenda kung bakit ako naroon at hindi para mag-reminisce ng past ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay naglakad na ako papasok sa loob ng building.

“I have an appointment with Mr. Reigo” wika ko sa receptionist nang lapitan ko ito. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong appointment sa lalaki. Sinabi ko lang na mayroon para papasukin na ako nito. Tumango naman ito. Pagkatapos ay hiningan ako nito ng ID.

“Fifth floor, Ma’am,” wika sa akin ng receptionist nang ibalik nito ang ID ko.

“Thank you,” pasasalamat ko bago ako tumalikod at dumiretso patungo sa kinaroroonan ng elevator.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa fifth floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Zanjo. Lumapit ako sa babaeng naroon. Mukhang sekretarya ito ni Zanjo.

“Good morning,” bati ko rito.

“Good morning, Ma’am. How may I help you?” magalang na tanong nito sa akin.

“Uhm, nandiyan ba sa loob si Zan—what I mean, Mr. Reigo. Can I talk to him?”

“May appointment po ba kayo, Ma’am?”

Kagat ang ibabang labi ko at umiling ako. Akmang bubuka ang bibig nito para sana magsalita nang unahan ko ito. “This is important matter, Miss. And beside... he knows me.”

"I’m his ex-wife!" gusto ko sanang idugtong pero pinigilan ko ang sarili ko.

Sinalubong ko ang titig ng babae.

“Okay, Ma’am.” Lihim akong napangiti. “Pero maupo muna kayo ro’n,” dagdag nito sabay turo sa isang mahabang sofa. “May kausap pa po kasi si Sir.”

“Okay,” sabi ko. Pagkatapos niyon ay naglakad ako palapit sa sofa na itinuro nito.

At habang naghihintay ako ay nag-iisip ako ng sasabihin ko kapag nagkaharap na kami ng dating asawa ko. Sa totoo lang, dahil sa mga nangyari ay ayaw ko na sanang makaharap siya. Pero dahil sa last will ng Papa ko ay kinakailangan kong harapin si Zanjo para kausapin at hingan na rin ng tulong.

Isang buwan na ang lumipas simula noong makatanggap ako ng masamang balita. Naaksidente daw ang ama ko at ang stepmother ko. Sakay ang mga ito ng kotse pauwi nang mabangga ng rumaragasang truck ang kotseng minamaneho ng ama ko. Dead on arrival ang mga ito nang dalhin sa ospital.

Noong mabalitaan ko iyon ay parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Kahit na maraming pagkukulang ang ama sa akin ay mahal na mahal ko siya. Hindi iyon maalis sa puso ko. At noong malaman ko iyon ay dali-dali akong nagpa-book ng flight pabalik sa Pilipinas para makita ang ama at ang stepmother ko sa huling sandali nito.

At pagkatapos ilibing ang mga ito ay kinausap kami ng abogado ng ama para basahin ang last will na iniwan nito. Nakalagay sa last will ng Papa ko na mapupunta lang sa akin ang Mansion kung makikipagbalikan ako kay Zanjo. At kung hindi, mapupunta daw ang Mansion kay Faye—ang stepsister ko.

Mayroon namang choice ako na hindi sundin ang kondisyon ng ama dahil ako ang tunay na anak pero ikinontest iyon ni Faye. Isa din daw siyang Andal dahil legal siyang inampon ng ama ko noong pinakasalan ni Papa ang ina niya, menor de edad pa kaming dalawa noon. May karapatan din daw siya sa Mansion dahil iyon din daw ang nakasaad sa last will ni Papa. Lalo na at hindi ko sinunod ang kondisyon na binigay sa akin.

Ipaglalaban din daw ni Faye iyon sa korte mapunta lang din daw sa kanya ang Mansion. At ayaw ko namang magkaroon ng chance o mapunta ang pinakamamahal na Mansion kay Faye. Kilala ko kasi siya. Alam ko na kapag napunta ang Mansion sa kanya ay pababayaan lang niya iyon. Or worse, baka ibenta pa niya ang Mansion.

Marami kasing magagandang memories ako sa Mansion. Memories na kasama ang pamilya, pati na rin ang mama. Kaya kahit mahirap sa parte ko, nagdesisyon ako na kausapin si Zanjo para humingi ng tulong. I was willing to sacrifice my freedom again with him para lang mapunta sa akin ang Mansion.

Maya-maya ay umayos ako ng pagkakaupo nang bumukas ang pinto ng opisina ni Zanjo. At may pamilyar na mukha ng lalaki ang lumabas do’n. Namilog ang mga mata ko nang makilala ko ito.

Si Rabin, ang pinsan ni Zanjo.

At mukhang naramdaman ni Rabin na may nakatitig sa kanya dahil huminto ito sa paglalakad at tumingin sa gawi ko. Napansin ko ang pagawang ng labi nito nang makita ako. Mukhang nakilala niya ako.

“Kristine?” banggit nito sa pangalan ko.

Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko. Pagkatapos niyon ay lumapit ako rito.

“Rabin,” banggit ko sa pangalan nito.

Napansin ko ang pagliwanag ng mukha nito.

“Ikaw nga, Kristine.” Malakas na banggit nito sa pangalan ko.

“Who are you talking to, Rabin?” Kumalabog ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang baritonong boses na iyon.

It was Zanjo’s voice. Apat na taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang epekto ng boses ni Zanjo sa akin.

A sexy grin formed on Rabin's lips. At nagulat na lang ako nang bigla nitong hawakan ang kamay ko at hinila ako. Itinulak nito pabukas ang nakaawang na pinto.

“I’m talking to your ex-wife, Zanjo,” sagot ni Rabin.

Kagat ko ang ibabang labi nang nag-angat ako ng tingin patungo sa lalaking nasa loob ng opisina.

And sitting right there was none other than... Zanjo.

At hindi ko napigilan ang pagtibok ng pusong mabilis nang magtama ang mga mata namin ni Zanjo. He still the same, he is still handsome as ever.

And he was looking at me intently now. And his eyes were cold like an ice.

Kagat ko ulit ang labi ko at napayuko ako.

“Uhm, mukhang marami kayong importanteng pag-uusapan. I’m leaving now,” maya-maya ay paalam na ni Rabin. “It’s nice seeing you again, Kristine,” wika nito sa akin bago siya lumabas ng pinto. Siya na rin ang nagsara roon.

Saglit namang namayani ang katahimikan sa loob ng opisina. Gusto kong ibuka ang bibig pero wala namang salitang gustong lumabas. Naramdaman ko rin ang pamamawis ng kamay ko. Ngayon lang din ako nakaramdam ng ganitong kaba.

“Why are you here?” basag na tanong ni Zanjo sa katahimikan na namayani sa amin. Pati boses ay mababakasan ng kalamigan.

Saglit akong ipinikit ang mga mata bago ako nag-angat ng tingin patungo kay Zanjo. Nakita kong nakasandal na siya sa swivel chair niya. Naka-krus na ang dalawang kamay nito sa ibabaw ng dibdib at malamig ang mga mata nitong nakatitig sa akin.

Hindi ako agad nakasagot. Sa halip ay nakatitig lang ako sa kanya. Tinaasan naman niya ako ng isang kilay.

“Are you just here to look at me all day?”

Humugot ako ng malalim na hininga. Kaya mo ito, Kristine. Tell him what you want. Pilit kong sinasalubong ang lamig ng titig niya.

“I need your help, Zanjo,” sabi ko rito, hindi na ako nagpaligoy-ligoy. Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Nagpakawala pa ako ng malalim na buntonghininga. At habang may lakas pa akong loob ay sinabi ko na sa kanya ang pakay ko.

Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa last will ng Papa ko. At kung ano ang hinihinging kondisyon ng Papa ko para mapunta sa akin ang mana. Sinabi ko rin kay Zanjo na huwag itong mag-alala na baka matali siya sa akin habang buhay. Sinabi ko na kapag nalipat na sa pangalan ko ang Mansion ay maghihiwalay agad kami.

“And do you think I will help you?” wika niya pagkatapos kong magsalita. “Do you think I will marry you again?” May talim ang boses niya sa dagdag na wika.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa puso ko sa sinabi niyang iyon.

“I’m... j-just trying my luck here...” Tumikhim ako para maalis ang bara sa lalamunan ko. Kumurap-kurap din ako para pigilan ang luha na gustong pumatak sa mga mata ko.

“You see? I don’t want to lose the Mansion. Maraming magagandang alaala ang naroon sa Mansion. Even my mother’s memories kaya ayokong mawala iyon sa akin. K-Kaya.... nga ako nagpunta dito, kaya nga... kinapalan ang mukha ko para kausapin ka para sabihin iyong kondisyon ni Papa sa last will niya.”

Hindi naman nagsalita si Zanjo. Sa halip ay tumitig lang siya sa akin. Wala akong makita na anumang emosyon sa mga mata niya.

Nagpakawala ulit ako ng malalim na buntonghininga. Mukhang wala akong mapapala kay Zanjo.

“It’s look like you don’t want to help me,” sabi ko, pilit akong ngumiti. “Aalis na siguro ako.”

Maghahanap na lang ako ng ibang paraan para mapunta ang Mansion sa akin. Baka may iba pang paraan. Hindi ko na hinintay na magsalita siya. Bagsak ang balikat na tumalikod ako rito. Akmang pipihitin ko ang seradura ng pinto nang mapatigil ako nang magsalita si Zanjo.

“I will help you,” sabi niya. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. “I will marry you again gaya ng sinabi mo.” Sa pagkakataong iyon ay doon lang ako lumingon kay Zanjo.

“Pero sa isang kondisyon,” wika niya sa akin habang titig na titig sa akin.

“What... condition?”

A naughty smile formed on Zanjo’s lips. “I want you to... pleasure me, Kristine. ” Sadya pa niyang ibinitin ang huling sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko.

The hell?!

“A-Are... you serious?”

“I’m serious, my dear ex-wife. That’s my condition to marry you again.” He said in raspy voice. “I want you to pleasure me,” pagdidiin pa niya sa huling salitang sinabi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 4

    Three years ago.“Kristine, drink this!” Napatingin ako sa baso ng alak na inilapag ni Marigold sa harap ng mesa ko.Nasa Overtime Bar kaming dalawa sa sandaling iyon. Niyaya kasi niya ako na mag-bar hopping na pinaunlakan ko naman agad. Matagal-tagal na rin kasi no’ng huli kaming nag-night out. Nagta-trabaho kasi ako sa kilalang hotel sa Singapore. Isa akong chef ro’n. At bihira lang akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon. Kapag naisipan ko lang magbakasyon ay saka lang ako magbabakasyon. Nakatutok kasi ang atensiyon ko sa trabaho. I’m a workaholic person.Sa totoo lang ay wala akong balak na mag-trabaho sa ibang bansa. Wala din nga sa isip ko na umalis ng Pilipinas noon. Pero nagbago ang lahat ng iyon no’ng muling mag-asawa ang Papa ko.Nasa senior high ako nang mamatay ang ina ko dahil sa malubhang sakit. At makalipas ang tatlong taon simula noong mawala siya ay nag-asawang muli ang Papa ko. Hiwalay ito sa asawa at may isa ding anak. Si Faye at ka-edad ko lang siya. Mas matanda

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 3

    Pagkalabas ko sa banyo ay agad kong nakita si Zanjo na nakaupo sa swivel chair nito at may kausap ito sa cellphone. At nang mapansin niya ako ay nag-angat siya ng tingin patungo sa gawi ko. At hindi na niya inalis ang titig sa akin habang nakikipag-usap siya sa kausap mula sa cellphone niya.“Yes, yes. We’ll be there in less than hour,” wika nito sa kausap. Nang matapos itong makipag-usap kung sinumang kausap nito ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Pagkatapos ay kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa racks stand.“We’re leaving,” wika nito nang isuot niya ang coat sa katawan.Sabi niya mag-uusap kami. Pero bakit aalis kami? At saan kami pupunta?Akmang bubuka ang bibig ko para tanungin siya kung saan kami pupunta nang mapahinto ako ng tumalikod siya at lumabas ng opisina. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay sinundan ko siya.“Cancel all my appointments today.” Narinig kong wika ni Zanjo sa secretary niya. Hindi na niya hinintay na magsalita ang secre

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 2

    Saglit kong ipinikit ang mga mata bago ako kumatok ng mahina sa pinto ng opisina ni Zanjo para ipaalam ang presensiya ko. Pagkatapos no’n ay pinihit ko ang seradura at binuksan iyon.Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Zanjo na nakatitig sa akin. Nakasandal na ito sa swivel chair nito, mukhang hinihintay ang pagpasok ko.Maya-maya ay tumayo si Zanjo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa harap ng executive table nito. Sumandal ito ro’n habang magka-krus ang mga braso sa dibdib.“So, why are you here, Kristine? Have you made a decision?” tanong nito sa akin sa husky voice.Tinalikuran ko kasi si Zanjo noong marinig ko ang kondisyon na hinihingi niya sa akin para pumayag siya sa pakiusap ko no’ng puntahan ko siya isang linggo na ang nakakaraan. He wants me to pleasure him in exchange for my favor. Hindi ako sang-ayon sa gusto niyang gawin kaya ko siya tinalikuran. At napagdesisyunan kong maghanap na lang ng ibang paraan para ma-solusyonan ang problema ko. Pero isang linggo na ang lu

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 1

    Reigo Empire.Basa ko sa nakasulat sa itaas ng building. Napapikit ako ng mga mata. Riego. It was my surname before. Isang taon ko ring dala-dala ang apelyidong iyon hanggang sa bumalik sa Andal ang apelyido ko matapos kaming ma-annul ng dati kong asawa.Iminulat ko ang mga mata at marahang pinilig ang ulo. May iba akong agenda kung bakit ako naroon at hindi para mag-reminisce ng past ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay naglakad na ako papasok sa loob ng building.“I have an appointment with Mr. Reigo” wika ko sa receptionist nang lapitan ko ito. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong appointment sa lalaki. Sinabi ko lang na mayroon para papasukin na ako nito. Tumango naman ito. Pagkatapos ay hiningan ako nito ng ID.“Fifth floor, Ma’am,” wika sa akin ng receptionist nang ibalik nito ang ID ko.“Thank you,” pasasalamat ko bago ako tumalikod at dumiretso patungo sa kinaroroonan ng elevator.Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa fifth floor

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status