Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-08-19 14:11:03

Three years ago.

“Kristine, drink this!” Napatingin ako sa baso ng alak na inilapag ni Marigold sa harap ng mesa ko.

Nasa Overtime Bar kaming dalawa sa sandaling iyon. Niyaya kasi niya ako na mag-bar hopping na pinaunlakan ko naman agad. Matagal-tagal na rin kasi no’ng huli kaming nag-night out. Nagta-trabaho kasi ako sa kilalang hotel sa Singapore. Isa akong chef ro’n. At bihira lang akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon. Kapag naisipan ko lang magbakasyon ay saka lang ako magbabakasyon. Nakatutok kasi ang atensiyon ko sa trabaho. I’m a workaholic person.

Sa totoo lang ay wala akong balak na mag-trabaho sa ibang bansa. Wala din nga sa isip ko na umalis ng Pilipinas noon. Pero nagbago ang lahat ng iyon no’ng muling mag-asawa ang Papa ko.

Nasa senior high ako nang mamatay ang ina ko dahil sa malubhang sakit. At makalipas ang tatlong taon simula noong mawala siya ay nag-asawang muli ang Papa ko. Hiwalay ito sa asawa at may isa ding anak. Si Faye at ka-edad ko lang siya. Mas matanda lang ako ng dalawang buwan. Mabait naman ang stepmother ko sa akin pero hindi ko kasundo ang anak nito na si Faye. Maldita kasi siya at may attitude.

At simula no’ng tumira siya sa bahay namin ay para siyang kung sino. Feeling niya ay siya ang bagong may-ari ng bahay. Lagi ko pa siyang nakikita na binubulyawan at pinapagalitan ang mga kasama namin sa bahay. Simpleng bagay lang ay nagagalit na siya. One time nga, nilapitan ko siya para sana pagsabihan na tigilan na niya ang pagbulyaw sa mga kasambahay dahil wala namang ginagawang masama ang mga ito. Na tigilan na din niya ang pagmumura at panglalait. Pero hindi niya ako pinakinggan. Tinataasan niya lang ako ng kilay.

At sa ginawa kong pagkausap sa kanya ay ako pa ang lumabas na masama kay Papa.. Isinumbong pa niya ako rito na inaaway ko daw siya kahit hindi naman. Na nagmamaldita daw ako. Napagalitan at napagsabihan pa ako ng Papa ko dahil do’n. At kahit anong depensa ko sa sarili ko ay ako pa rin ang nagmukhang masama sa paningin ni Papa.  Mas naniwala at mas kinampihan pa niya si Faye kaysa sa akin. Faye was a good liar.

At simula noong dumating silang dalawa sa buhay ni Papa ay pakiramdam ko ay lumayo ang loob niya sa akin. Mas pinapaboran pa niya si Faye kaysa sa akin. Mas naging tunay pa na anak si Faye kaysa sa akin. Para nga akong outsider sa bahay. Lagi pa niyang pinupuri si Faye kapag magkaharap kaming apat.

Nasasaktan ako pero hindi ko iyon pinapahalata sa kanya. Kasi kapag pinahalata ko iyon ay pagtatawanan lang ako ni Faye. At dahil din do’n ay napagpasyahan ko na lang na tumira sa kapatid ng Mama ko na naninirahan sa Singapore. No’ng sabihin ko ang desisyon ko kay Papa ay hindi man lang niya ako pinigilan. Hindi siya kumontra gaya ng inaakala ko. Akala ko kasi ay hindi niya ako papayagan. Pero mukhang okay lang sa kanya na mahiwalay ako sa kanya. Well, ano pang aasahan ko, mukhang may pumalit na sa akin sa puso niya. Grabe din akong nasaktan dahil do’n.

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Ipinilig ko din ang ulo ko. I’m here to have fun, hindi para mag-isip ng ikalulungkot ko. Dinampot ko ang wine glass na bigay ni Marigold. Pagkatapos ay inisang lagok ko iyon.

“Oh! Rabin!” Napatingin ako kay Marigold nang marinig ko siyang sumigaw. Nakita ko pang may kinawayan siya mula sa kung saan.

Maya-maya ay may lumapit sa amin. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang isang gwapo at matangkad na lalaki na nakatayo sa harap namin.

“Oh, Mari!” Wika ng lalaki na tinawag ni Marigold na Rabin. Tumayo naman ang kaibigan ko para makipagbeso rito. “Kamusta?” tanong ng lalaki kay Marigold.

Ngumiti naman si Marigold. "Okay lang naman. Mag-isa ka lang?” tanong niya rito.

“Nope. I’m with my cousin,” sagot nito.

Tumango-tango si Marigold. “Oh, by the way. I want you to meet my friend,” wika niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa gawi ko. “She’s Kristine Andal,” pagpapakilala niya sa akin.

Tumingin sa akin si Rabin. Inilahad niya ang isang kamay na agad ko namang tinanggap. “I’m Rabin. Nice meeting you,” nakangiting wika nito.

Nginitian ko rin siya. He seems nice. “Same here,” sagot ko.

“Mind if we join you here?” tanong ni Rabin.

“It’s okay with me,” sagot ko nang sulyapan ko siya, binigyan ko rin siya ng isang ngiti para i-assure na okay lang. Mukhang mapagkakatiwalaan din siya kasi kilala siya ni Marigold. At gaya ng sinabi niya ay mukhang mabait ito.

“Okay lang din sa akin,” sagot ni Marigold. “Mas marami mas maganda nga, eh,” dagdag pa niya.

Ngumiti naman ng simpatiko ang lalaki. “Oh, that’s great,” bulalas ni Rabin. Maya-maya ay umupo siya sa couch na tabi ni Marigold.

“Zanjo, here!” Mula sa gilid ng aking mata ay napansin kong may kinawayan din siya. Mukhang ang kinawayan niya ay ang tinutukoy niyang pinsan.

“I’ve been looking for you,” anang isang baritonong boses. Nag-angat naman ako ng mukha patungo sa pinanggalingan ng boses. And standing right in front of me is a guy who is good looking. Kahit na magkasalubong ang mga kilay nito ay gwapo pa rin siya sa paningin ko. Matangkad din siya.

“Sorry,” sagot naman ni Rabin rito. “Oh, by the way, Zanjo. I want you to meet my friend, Marigold,” pagpapakilala ni Rabin kay Marigold. “And this is Kristine Andal, Marigold's friend,” pagpapakilala din niya sa akin.

Sa pagkakataong iyon ay do’n lang sumulyap sa akin si Zanjo. At parang may sumipa sa tiyan ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. His charcoal eyes were staring at me intently.

Nginitian ko siya. “Hi,” bati ko, itinaas ko pa ang isang kamay para kawayan siya.

Isang tango lang naman ang isinagot ni Zanjo pero titig na titig siya sa mukha ko.

Inalis ko na lang ang tingin ko at inilipat iyon sa wine glass na nasa harap ko. Hindi ko kasi makayanan ang klase ng titig na ipinagkakaloob niya sa akin. Mula naman sa gilid ng aking mata ay napansin ko pa rin ang mainit na titig niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang.

“By the way, I asked Marigold and Kristine if we can join them. Pumayag naman sila kaya dito na tayo maupo sa mesa nila,” narinig kong wika ni Rabin kay Zanjo. “Diyan ka na lang maupo sa tabi ni Kristine,” suhestiyon pa nito.

Umayos ako ng upo nang marinig ko ang suhestiyon na iyon. Bigla akong hindi mapakali.

“Is it okay with you, Kristine?” Zanjo asked me in husky voice.

Ngumiti lang ako ng sulyapan ko siya. Umusog din ako bahagya para makaupo siya sa tabi ko.

Umupo si Zanjo sa tabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam ng magdikit ang mga balikat namin no’ng umupo siya. Nakasuot kasi ako ng sleeveless. Nakaramdam ako ng boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo kong katawan sa pagdidikit ng katawan namin.

And god, he smells so good, too. Naghalo ang panlalaking amoy niya at ang mabangong pabango sa ilong ko. Sa katunayan, ang sarap amuyin. Hindi kasi masyadong matapang ang amoy ng pabango niya.

Maya-maya ay tinawag ni Rabin ang isang waiter na umiikot para um-order ng drinks, umorder din siya para sa amin.

Maya-maya ay napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa mesa nang tumunog ang ringtone.

“Excuse me. I’ll just take this call,” paalam ko sa kanila. Pagkatapos ay tumayo ako mula sa pagkakaupo.

“Uhm, excuse me,” sabi ko kay Zanjo. Nakaharang kasi siya sa dadaanan ko. Pero sa halip na tumayo para makadaan ako ay sumandal lang siya sa couch na inuupuan niya. Napanguso ako nang dumaan ako sa pagitan ng mesa at sa binti niya.

At hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nasagi ko ang binti ni Zanjo dahilan para mawalan ako ng balanse. At nanlaki ang mga mata ko nang mapaupo ako sa kandungan niya sa sandaling iyon.

And my cheeks suddenly heat up when I felt his bulging crotch poking my behind.

Nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya at hindi ko napigilan ang mapasinghap nang mapansin kong ang lapit-lapit lang ng mukha niya sa akin. At nang medyo nahimasmasan ako ay bigla akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kandungan niya.

"S-sorry," halos pabulong kong wika dahil sa hiyang nararamdaman ko.

Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya.

Naglakad na ako paalis do’n habang ang puso ko ay tumitibok ng mabilis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 4

    Three years ago.“Kristine, drink this!” Napatingin ako sa baso ng alak na inilapag ni Marigold sa harap ng mesa ko.Nasa Overtime Bar kaming dalawa sa sandaling iyon. Niyaya kasi niya ako na mag-bar hopping na pinaunlakan ko naman agad. Matagal-tagal na rin kasi no’ng huli kaming nag-night out. Nagta-trabaho kasi ako sa kilalang hotel sa Singapore. Isa akong chef ro’n. At bihira lang akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon. Kapag naisipan ko lang magbakasyon ay saka lang ako magbabakasyon. Nakatutok kasi ang atensiyon ko sa trabaho. I’m a workaholic person.Sa totoo lang ay wala akong balak na mag-trabaho sa ibang bansa. Wala din nga sa isip ko na umalis ng Pilipinas noon. Pero nagbago ang lahat ng iyon no’ng muling mag-asawa ang Papa ko.Nasa senior high ako nang mamatay ang ina ko dahil sa malubhang sakit. At makalipas ang tatlong taon simula noong mawala siya ay nag-asawang muli ang Papa ko. Hiwalay ito sa asawa at may isa ding anak. Si Faye at ka-edad ko lang siya. Mas matanda

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 3

    Pagkalabas ko sa banyo ay agad kong nakita si Zanjo na nakaupo sa swivel chair nito at may kausap ito sa cellphone. At nang mapansin niya ako ay nag-angat siya ng tingin patungo sa gawi ko. At hindi na niya inalis ang titig sa akin habang nakikipag-usap siya sa kausap mula sa cellphone niya.“Yes, yes. We’ll be there in less than hour,” wika nito sa kausap. Nang matapos itong makipag-usap kung sinumang kausap nito ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Pagkatapos ay kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa racks stand.“We’re leaving,” wika nito nang isuot niya ang coat sa katawan.Sabi niya mag-uusap kami. Pero bakit aalis kami? At saan kami pupunta?Akmang bubuka ang bibig ko para tanungin siya kung saan kami pupunta nang mapahinto ako ng tumalikod siya at lumabas ng opisina. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay sinundan ko siya.“Cancel all my appointments today.” Narinig kong wika ni Zanjo sa secretary niya. Hindi na niya hinintay na magsalita ang secre

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 2

    Saglit kong ipinikit ang mga mata bago ako kumatok ng mahina sa pinto ng opisina ni Zanjo para ipaalam ang presensiya ko. Pagkatapos no’n ay pinihit ko ang seradura at binuksan iyon.Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Zanjo na nakatitig sa akin. Nakasandal na ito sa swivel chair nito, mukhang hinihintay ang pagpasok ko.Maya-maya ay tumayo si Zanjo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa harap ng executive table nito. Sumandal ito ro’n habang magka-krus ang mga braso sa dibdib.“So, why are you here, Kristine? Have you made a decision?” tanong nito sa akin sa husky voice.Tinalikuran ko kasi si Zanjo noong marinig ko ang kondisyon na hinihingi niya sa akin para pumayag siya sa pakiusap ko no’ng puntahan ko siya isang linggo na ang nakakaraan. He wants me to pleasure him in exchange for my favor. Hindi ako sang-ayon sa gusto niyang gawin kaya ko siya tinalikuran. At napagdesisyunan kong maghanap na lang ng ibang paraan para ma-solusyonan ang problema ko. Pero isang linggo na ang lu

  • Business Magnate's Ex-wife    Chapter 1

    Reigo Empire.Basa ko sa nakasulat sa itaas ng building. Napapikit ako ng mga mata. Riego. It was my surname before. Isang taon ko ring dala-dala ang apelyidong iyon hanggang sa bumalik sa Andal ang apelyido ko matapos kaming ma-annul ng dati kong asawa.Iminulat ko ang mga mata at marahang pinilig ang ulo. May iba akong agenda kung bakit ako naroon at hindi para mag-reminisce ng past ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay naglakad na ako papasok sa loob ng building.“I have an appointment with Mr. Reigo” wika ko sa receptionist nang lapitan ko ito. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong appointment sa lalaki. Sinabi ko lang na mayroon para papasukin na ako nito. Tumango naman ito. Pagkatapos ay hiningan ako nito ng ID.“Fifth floor, Ma’am,” wika sa akin ng receptionist nang ibalik nito ang ID ko.“Thank you,” pasasalamat ko bago ako tumalikod at dumiretso patungo sa kinaroroonan ng elevator.Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa fifth floor

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status