Pagkalabas ko sa banyo ay agad kong nakita si Zanjo na nakaupo sa swivel chair nito at may kausap ito sa cellphone. At nang mapansin niya ako ay nag-angat siya ng tingin patungo sa gawi ko. At hindi na niya inalis ang titig sa akin habang nakikipag-usap siya sa kausap mula sa cellphone niya.
“Yes, yes. We’ll be there in less than hour,” wika nito sa kausap. Nang matapos itong makipag-usap kung sinumang kausap nito ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Pagkatapos ay kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa racks stand.
“We’re leaving,” wika nito nang isuot niya ang coat sa katawan.
Sabi niya mag-uusap kami. Pero bakit aalis kami? At saan kami pupunta?
Akmang bubuka ang bibig ko para tanungin siya kung saan kami pupunta nang mapahinto ako ng tumalikod siya at lumabas ng opisina. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay sinundan ko siya.
“Cancel all my appointments today.” Narinig kong wika ni Zanjo sa secretary niya. Hindi na niya hinintay na magsalita ang secretary niya. Tumalikod na ito at naglakad patungo sa elevator.
Tumingin si Zanjo sa gawi ko nang hindi pa ako sumusunod rito. Nang mapansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya ay mabilis akong lumapit sa kanya. Nang tuluyan akong makalapit ay pinindot niya ang G button ng elevator. Nang bumukas iyon ay pumasok siya. Sumunod naman ako.
At habang pababa ang kinasasakyan naming elevator ay tumunog ang ringtone ng cellphone ni Zanjo.
“Is everything okay?” wika ni Zanjo nang sagutin niya ang tawag. “Yes. We’re on our way,” pagpapatuloy na wika niya.
Saktong bumukas ang pinto ng elevator nang matapos si Zanjo makipag-usap sa kausap niya sa cellphone.
“Let’s go,” wika niya sa akin. Mabilis naman akong umagapay rito nang lumabas siya sa elevator.
Maya-maya ay nakalabas na kami ng Reigo building at nasa tapat na kami ng isang magarang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat.
“Hop in,” wika niya. Nang makasakay ako ay umibis naman siya sa driver seat. And he started the engine.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa ni Zanjo.
“Akala ko ba mag-uusap tayo? Pero saan tayo pupunta?” Basag ko sa katahimikan sa aming dalawa.
Saglit niya akong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa harap ng kalsada. “We’re going to solve your problem.” wika niya sa halip na sagutin ako ng direkta.
Bumuka-sara ang labi ko. Gusto kong magsalita pero walang salitang gustong lumabas sa labi ko.
Hindi naman nagtagal ay hininto ni Zanjo ang minamaneho niyang kotse sa isang kilalang restaurant. Pinatay niya ang makina ng kotse at lumabas ro’n.
Mabilis kong tinanggal ang suot na seatbelt at mabilis ding lumabas ng kotse. Napahinto siya sa akmang paglapit sa akin nang makita niya akong nakalabas na.
“Let’s go,” yakag niya sa akin. Naglakad na kaming dalawa patungo sa loob ng restaurant.
Agad naman kaming nilapitan ng staff para tanungin kung may reservation kami. Si Zanjo naman ang sumagot rito.
“This way, Sir, Ma’am,” magalang na wika nito nang sagutin siya ni Zanjo. Pagkatapos ay iginiya kami nito sa isang kwarto. Binuksan nito ang pinto. Nang pumasok kami ro’n ay may nakita akong dalawang lalaki. Ang isang lalaki ay nasa mid-fifties siguro at ang isa naman ay parang ka-edad lang ni Zanjo.
Hinawakan ako ni Zanjo sa likod ng siko at iginiya palapit sa mga ito. Tumayo naman ang mga ito nang tuluyan kaming makalapit.
“Siya ba iyong sinasabi mo, Zanjo?” tanong noong lalaking ka-edad ni Zanjo.
“Yes,” maikling sagot ni Zanjo. Pagkatapos niyon ay ipinakilala niya ako sa dalawang lalaki. Gerald pala ang pangalan ng lalaking ka-edad ni Zanjo. Kaibigan niya si Gerald at Tirso naman ang pangalan ng lalaking may edad na at isa itong Judge.
“So, let’s start the ceremony, Zanjo?” wika ni Judge Tirso.
Namilog naman ang mga matang tumingin ako kay Zanjo. At mukhang naramdaman niya na nakatingin ako kaya sumulyap ito sa akin.
“Yes. Let’s start.” sagot niya kay Judge Tirso habang nakatitig sa akin.
Sa bilis ng mga pangyayari ay naging sunod-sunuran na lang ako. May sinasabi si Judge Tirso pero hindi ko iyon naiintindihan dahil lumulutang ang isip ko sa mga nangyayari. May mga pinapirmahan din sa akin at pirma naman ako nang pirma.
“Zanjo and Kristine, by the power invested in me, I now pronounce you husband and wife.”
Sa pagkakataong iyon ay doon lang ako natauhan.
“Zanjo, you may now kiss your wife.”
Napatingin ako kay Zanjo. Nakagat ko ang ibabang labi nang makitang titig na titig siya sa akin. Wala akong makitang kahit na anumang emosyon sa mukha niya sa sandaling iyon.
Napalunok ako nang umangat ang isang kamay niya patungo sa mukha ko. At hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. Inipit niya iyon sa likod ng tainga ko.
Hindi ko magawang alisin ang titig ko sa kanya. Hindi ko rin maikurap ang mga mata ko.
Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang baba ko saka niya dahan-dahang ibinaba ang mukha para halikan ako sa labi.
At nang maglapat ang labi namin ay doon lang nagsink in lahat sa akin.
I was now Kristine Andal-Reigo... again.
Three years ago.“Kristine, drink this!” Napatingin ako sa baso ng alak na inilapag ni Marigold sa harap ng mesa ko.Nasa Overtime Bar kaming dalawa sa sandaling iyon. Niyaya kasi niya ako na mag-bar hopping na pinaunlakan ko naman agad. Matagal-tagal na rin kasi no’ng huli kaming nag-night out. Nagta-trabaho kasi ako sa kilalang hotel sa Singapore. Isa akong chef ro’n. At bihira lang akong umuwi ng Pilipinas para magbakasyon. Kapag naisipan ko lang magbakasyon ay saka lang ako magbabakasyon. Nakatutok kasi ang atensiyon ko sa trabaho. I’m a workaholic person.Sa totoo lang ay wala akong balak na mag-trabaho sa ibang bansa. Wala din nga sa isip ko na umalis ng Pilipinas noon. Pero nagbago ang lahat ng iyon no’ng muling mag-asawa ang Papa ko.Nasa senior high ako nang mamatay ang ina ko dahil sa malubhang sakit. At makalipas ang tatlong taon simula noong mawala siya ay nag-asawang muli ang Papa ko. Hiwalay ito sa asawa at may isa ding anak. Si Faye at ka-edad ko lang siya. Mas matanda
Pagkalabas ko sa banyo ay agad kong nakita si Zanjo na nakaupo sa swivel chair nito at may kausap ito sa cellphone. At nang mapansin niya ako ay nag-angat siya ng tingin patungo sa gawi ko. At hindi na niya inalis ang titig sa akin habang nakikipag-usap siya sa kausap mula sa cellphone niya.“Yes, yes. We’ll be there in less than hour,” wika nito sa kausap. Nang matapos itong makipag-usap kung sinumang kausap nito ay tumayo na ito mula sa pagkakaupo. Pagkatapos ay kinuha niya ang coat niya na nakasabit sa racks stand.“We’re leaving,” wika nito nang isuot niya ang coat sa katawan.Sabi niya mag-uusap kami. Pero bakit aalis kami? At saan kami pupunta?Akmang bubuka ang bibig ko para tanungin siya kung saan kami pupunta nang mapahinto ako ng tumalikod siya at lumabas ng opisina. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay sinundan ko siya.“Cancel all my appointments today.” Narinig kong wika ni Zanjo sa secretary niya. Hindi na niya hinintay na magsalita ang secre
Saglit kong ipinikit ang mga mata bago ako kumatok ng mahina sa pinto ng opisina ni Zanjo para ipaalam ang presensiya ko. Pagkatapos no’n ay pinihit ko ang seradura at binuksan iyon.Pagkapasok ko ay agad kong nakita si Zanjo na nakatitig sa akin. Nakasandal na ito sa swivel chair nito, mukhang hinihintay ang pagpasok ko.Maya-maya ay tumayo si Zanjo mula sa pagkakaupo at naglakad patungo sa harap ng executive table nito. Sumandal ito ro’n habang magka-krus ang mga braso sa dibdib.“So, why are you here, Kristine? Have you made a decision?” tanong nito sa akin sa husky voice.Tinalikuran ko kasi si Zanjo noong marinig ko ang kondisyon na hinihingi niya sa akin para pumayag siya sa pakiusap ko no’ng puntahan ko siya isang linggo na ang nakakaraan. He wants me to pleasure him in exchange for my favor. Hindi ako sang-ayon sa gusto niyang gawin kaya ko siya tinalikuran. At napagdesisyunan kong maghanap na lang ng ibang paraan para ma-solusyonan ang problema ko. Pero isang linggo na ang lu
Reigo Empire.Basa ko sa nakasulat sa itaas ng building. Napapikit ako ng mga mata. Riego. It was my surname before. Isang taon ko ring dala-dala ang apelyidong iyon hanggang sa bumalik sa Andal ang apelyido ko matapos kaming ma-annul ng dati kong asawa.Iminulat ko ang mga mata at marahang pinilig ang ulo. May iba akong agenda kung bakit ako naroon at hindi para mag-reminisce ng past ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Pagkatapos niyon ay naglakad na ako papasok sa loob ng building.“I have an appointment with Mr. Reigo” wika ko sa receptionist nang lapitan ko ito. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong appointment sa lalaki. Sinabi ko lang na mayroon para papasukin na ako nito. Tumango naman ito. Pagkatapos ay hiningan ako nito ng ID.“Fifth floor, Ma’am,” wika sa akin ng receptionist nang ibalik nito ang ID ko.“Thank you,” pasasalamat ko bago ako tumalikod at dumiretso patungo sa kinaroroonan ng elevator.Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa fifth floor