Home / Romance / RAW AND OLDER / Chapter 19 (Gentleman)

Share

Chapter 19 (Gentleman)

Author: JET HERRERA
last update publish date: 2026-09-05 19:54:50

“MAY TRIP ang daddy mo sa Korea sa susunod na araw. On leave ka naman, `di ba? Sumama ka sa amin para ma-relax ka naman,” sabi ng mommy ni LA habang kumakain sila ng hapunan.

Kompleto sila sa dinner na iyon. Kararating lang ng Kuya Jargon niya at naka-corporate attire pa ito. Naroon din ang asawa nito at ang dalawa niyang pamangkin.

“Hindi ako puwedeng lumabas ng bansa, Mi. Isa pa, may aasikasuhin akong importante,” sabi ni LA.

“Akala ko ba naka-leave ka? Bakit may aasikasuhin ka pa?”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • RAW AND OLDER   Chapter 19 (Gentleman)

    “MAY TRIP ang daddy mo sa Korea sa susunod na araw. On leave ka naman, `di ba? Sumama ka sa amin para ma-relax ka naman,” sabi ng mommy ni LA habang kumakain sila ng hapunan. Kompleto sila sa dinner na iyon. Kararating lang ng Kuya Jargon niya at naka-corporate attire pa ito. Naroon din ang asawa nito at ang dalawa niyang pamangkin. “Hindi ako puwedeng lumabas ng bansa, Mi. Isa pa, may aasikasuhin akong importante,” sabi ni LA. “Akala ko ba naka-leave ka? Bakit may aasikasuhin ka pa?” usisa ng mommy niya. “Ah, eh…” Hindi malaman ni LA kung ano ang sasabihin. “Maikli lang po ang leave ko. At saka alam n’yo naman ang rules sa trabaho ko. Hindi na kayo nasanay kay Daddy dati. Baka ipatawag ako bigla, mahirap naman na nandoon ako sa ibang bansa,” rason niya. “Kalokohan! Ka-close ng daddy mo ang batcom ninyo. Siguradong papayagan ka no’n na umalis ng bansa.” “Mommy naman, eh.” “Hindi naman kasamaan ang makiusap sa superior mo,” pag-insist ng mommy niya. “Hindi nga ho

  • RAW AND OLDER   Chapter 17 (Quarrel)

    Tumawa si Lark. “Ano, ayos ka lang?” tanong nito sa kanya. Tumango siya at bahagyang lumayo sa lalaki. “It’s been quite warm today,” komento nito. “I didn’t go outside that much,” tugon niya rito. “Tapos may nagpakita pang ahas.” Mace stiffened. Lumapit siya sa lalaki at napakapit sa braso nito. Pakiramdam niya ay naubos na ang lakas niya. She’s starting to like this soldier less and less. Tatanungin siya nito kung okay lang siya tapos ay tatakutin siya ulit. “Excuse me!” Biglang may dumaan na isang babae sa gilid nila. May hila-hila itong lumang shopping cart na puno ng maruruming damit. Punit-punit ang suot na damit ng babae, magulo ang dry na buhok nito at magkaiba ang pares ng suot nitong tsinelas. Awtomatikong binigyan ito ni Mace ng space para maka-deretso na ito. Pero tumigil sa paghila sa cart nito ang babae. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Oh, bumili ka ng pagkain mo.” May inabot si Lark na pera sa babae. Buong isang daan. “Nice shoes,” s

  • RAW AND OLDER   Chapter 16 (Snake)

    Nalukot ang noo ni Mace habang nakatingin kay Lark. “Bigla mo na lang akong iniwan doon. Ganyan ka ba talaga?” tanong nito. “Sinabi ko na kanina na uuwi ako,” may diin na sabi ni Mace. “Hindi por que hindi ako nag-bye ay hindi ko gagawin.” “Pero nakikipag-usap ka pa rin sa akin ngayon. Ibig sabihin, ayaw mo pang umuwi.” “Excuse me! Ikaw `tong sumunod dito at nakipag-usap sa akin!” she bit out. Nasis-stress na siya sa lalaki. Kinuha niya ang kanyang cell phone sa bag. Mag-Grab na lang siya. Then she heard Lark’s gasp.Tiningnan niya ito. “If you followed me just to mock and make fun of me, stop it right now.” “May sasabihin lang ako sa `yo,” sabi ni Lark. “I’m not interested,” aniya na sa cell phone na ulit ang tingin. “Ayaw kong may makausap na kahit sino sa oras na `to.” “You should listen to me.” Clenching her hands, she forced herself to look at Lark’s dark gaze. “Ano na naman ang sasabihin mo?” “Alam kong ayaw mong may makausap na iba ngayon, but we

  • RAW AND OLDER   Chapter 18 (The cat's out the bag)

    “BAKIT AKO, SIR?” “Bakit hindi? Atat na atat kang makapag-asawa na ako. `Ayan, ikaw ang mag-background check para sa akin,” sabi ni LA kay Leon nang tawagan niya ito. RNR ni Leon kaya libre ito. Wala si Thirdy dahil nag-passes ito. Nasa Tagaytay daw ito at ang pamilya nito. Si Tikboy naman ay abala sa ginagawa nito sa loob ng kampo. Si Leon lang ang libre kaya nag-take advantage na siya. Inutusan niya ito na i-background check si Maricel. Mag-alas singko y media na ng hapon at naroon siya sa bahay nila dahil ayaw naman magpahatid ni Maricel sa bahay ng mga ito. Binibiro lang niya naman ito sakaling mabawasan ang pagkamaldita nito. Women love his antics. Pero hindi yata babae si Maricel. Mas lalo lang kasi itong na-high blood sa kanya. “Baka may lahi siyang rebelde, gusto mo bang mahaluan tayo ng gano’n?” dagdag niya. “Siyempre ayaw ko, sir,” tugon nito. “Good. Get involved with her,” aniya. Dati namang nasa intelligence si Leon kaya alam niyang sisiw lang dito ang ipinapakiusap

  • RAW AND OLDER   Chapter 15 (Goodbye)

    SA EDAD na twenty seven ay hindi pa pumasok sa isip ni Mace ang mag-asawa. Mas excited pa siyang magsulat kaysa magkaroon ng karelasyon. Ang sabi ni Poppey at Kensi sa kanya, “Your novels can’t love you back.”. Pero sa isip ni Mace, iyon ang uri ng one-sided love na hindi siya masasaktan. Wala ring obligasyon sa pamilya o priority si Mace. May savings din naman siya at kung gugustuhin niyang magtrabaho ay puwede siyang maging cashier sa store nila. Hindi siya namomroblema financially. Wala rin naman siyang bad experiences sa pag-ibig. Pero siguro nga ay hindi pera at experience ang problema niya. Baka siya mismo. Ang mata niya. Ang puso niya. Pero kailan nga ba naging problema ang walang karelasyon? Masaya naman siya kahit wala siyang boyfriend. Wala siyang nakikitang guwapo na lalaki na nakakuha ng atensiyon niya. Ang guwapo lang para sa kanya ay ang mga hero na bida sa mga sinusulat niya. Kaya nga naghiwalay sila ng ex-boyfriend niyang si Trevor dahil sobrang lamig daw ng

  • RAW AND OLDER   Chapter 14 (Getting to know each other)

    Natawa si Iza. “Grabe ka naman maka-barangay. Pero since siya naman ang ama ng anak mo, hayaan mo na siyang panagutan ka niya. Pero siyempre kapag kasal na kayo, `wag kang papaapi.” Sumimangot si Mace. “`Wag na nga lang nating pag-usapan. Brainstorming ang meeting nating ito. Bakit naging marites-ing na `to?” sabi niya. Hinarap ni Iza ang laptop nito. “Ang sarap kasing pag-usapan ang love life ng iba.” “Life lang, walang love.” Umingos si Mace. Life din siguro na makasalanan. Isang malaking pagkakamali ang nangyari. Sinuway niya ang bilin ng mommy niya na huwag ibigay ang sarili sa isang lalaki unless kinasal na siya. Sinuway niya rin ang Ten Commandments. Bawal magnasa sa hindi mo asawa. At hindi sila mag-asawa ng ibon na iyon! Hindi niya rin alam bakit sa dinami-dami ng pangalan sa mundo, isinunod pa ng parents nito sa isang ibon ang pangalan ng lalaki. --- “MARICEL talaga ang pangalan mo at hindi Matilda?” tanong ni LA kay Maricel nang makipagkita siya rito. Na

  • RAW AND OLDER   Chapter 1 (Boy meets girl Warning SPG)

    5 years later, Cebu City “THAT DOESN'T look like him,” natatawang sabi ni LA habang pinapanood si Leon na inaalalayan ang asawa nito paakyat sa isang makeshift na stage sa isang resort sa Cebu. Doon napili ng dalawa na ganapin ang reception sa kasal ng mga ito. “Oo nga, sir. Hindi ako makap

  • RAW AND OLDER   Prologue

    October 12, 201* Patikul Sulu HINDI ako màmamatay. Not now. Iyon ang paulit-ulit na usal ni 1LT Lark Adriel Calumpang o LA sa kanyang isip. Napapikit siya nang mariin. Parang dinaganan ng pison ang kanyang balikat—sobrang sakit niyon. Pabalik na sila sa detachment kasama ang team niya sa mula

  • RAW AND OLDER   Chapter 6 (Séx starved SPG)

    “Akala ko ba sàsakalin mo kapag nakita mo?” Umirap si Kensi kay Poppey. “Baka ràtratin ako ng gàrand!” Maging si Mace ay natakot din noong una. Isang military ba naman ang susuungin niya. Kilala pa naman ng mga sundalo na babaero, anak nang anak tapos susustento lang. Iyong iba nga ay wala tal

  • RAW AND OLDER   chapter 5 (Paghahanap)

    “Eh kasi naman… ” Pinahid ni Mace ang kanyang mga luha. “Hindi ko alam paano sasabihin kay Lola. Si Kuya baka maintindihan pa niya ako, pero si Lola…” “`Yan! Bumukaka ka kasi kaagad without thinking the consequences of your actions,” sermon sa kanya ni Poppey. “You can write obituary about your gr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status